Pagsibol

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

Romantic Baboy

 Ang pagsibol ng buhay

Ay paglalakbay

Hawak ang iyong kamay

*stan munimuni*

 

Friday ngayon kaya naman sya ang nag decide kung anong oras kami magkikita. Gusto nya daw kumain ng lunch and this time, sya naman ang pipili ng place. Natatakot sya na baka magkasakit na sya because of street foods.

 

Pano ko nalaman? Syempre textmates na kami ni taglamig. 

 

Napapunas ako ng pawis dahil iba ang init ngayong araw, para akong binubugahan ng hininga ni Satanas. Tila ako naka free-trial sa impyerno. 

 

Nandito ako ngayon sa Vinzons at hinihintay dumating si Winter. Tanghaling tapat kasi kaya galit na galit ang araw. Buti nalang nasa UP ako kaya maraming puno. Kung hindi, baka nahimatay na ko kanina pa dito. 

 

She texted me 10 minutes ago na stuck daw sya sa traffic. 

 

Kahit kailan talaga katipunan!! 

 

Pero kasalanan nya din kasi sure akong alam nya kung gaano kagrabe ang traffic sa katipunan kaya bat di nya inagahan ang alis? 

 

Bigla namang nag vibrate yung phone ko sa bulsa at akala ko naman si Winter na yung nag text, si Seulgi lang pala.


 

Seulgi Romero 

 

S: Bakla, san ka? Vacant mo diba? Kain tayo!

 

K: Pass muna, may pupuntahan ako

 

S: At saan ka naman pupunta? 🤨

 

K: Basta

 

S: Nako Karina, sinasabi ko sayo hindi mo talaga kayang iwanan ang pagiging malandi mo

 

K: Parang gago, sino ba nagsabi na lalandi ako?

 

S: Ulol! Wala ka namang ibang kaibigan bukod samin at hindi ka naman umaalis ng campus pag vacant. Ako pa ginawa mong tanga

 

K: Bahala ka sa buhay mo sabayan mo si Ryujin o kaya yung jowa mo

 

S: Busy si Ayrin, may hinahabol na papers tas si Ryujin naman alam mong laging nasa taft yon. 

 

K: So last option pala ako. K. Manigas ka dyan

 

S: Parang tanga! Manlilibre pa naman sana ko. Ayaw mo talaga? 

 

K: Ayoko na, tampo na ko. 


 

Hindi ko na binasa yung reply ni Seulgi dahil may nag park na kotse sa harapan ko. Isang Black na Mercedes Benz S Class lang naman. That's so freakin’ y!! One of my dream cars talaga mga bes. 

 

Biglang bumaba yung tinted na binta at nagulat ako nang si Winter ang bumungad sakin. 

 

Pero teka,

 

Bakit ba parang galit na galit agad sya sa mundo? Nakakatakot, parang bigla nalang akong sasakmalin!

 

Ramdam ko na agad na hindi magiging maganda ang araw naming dalawa. Sana lang hindi kami magtalo dahil mainit ang panahon. Mas mabilis uminit ang ulo ko kapag ganito, at baka mapatulan ko na sya. 


 

“Sakay na.”


 

Sumakay na lang agad ako dahil mukhang papatay na si ate mo girl. Nakakatakot siya kapag ganyan.

 

Pasimple kong tinignan yung interior ng kotse niya nang hindi nagmumukhang ignorante. I have a thing for cars kasi di ko alam kung bakit. Gustong gusto ko nagda-drive kahit nakakapagod. kaya nga pag may outing ang tropa or roadtrip, ako ang nagmamaneho

 

Kung maganda yung labas, mas maganda yung loob! Halatang mamahalin yung leather seats. Halatang mas may halaga pa sa buong buhay ko.


 

“San ba tayo pupunta?”

 

“UPTC lang, I wanna try the malls here tsaka 2 hours lang vacant mo diba? Para makabalik ka rin agad." 

 

Tumango ako “Kung UPTC lang edi sana nilakad nalang natin. Ang lapit lapit na nun.”

 

“Really? Should we walk nalang? Naiinis ako sa traffic!”

 

“Yup. Park mo nalang yung car mo malapit sa gate. Malapit nalang talaga yun.”

 

“Okay.”


 

————————————————


 

Halos lumuwa na naman ang mata ko nung lumabas na kami ni Winter sa kotse nya. Breathtaking is an understatement. 

 

She’s wearing DIOR’s 30 Montaigne short dress na kakakita ko lang ata last week sa instagram post ng dior. Yung stilettos na gamit nya familiar din since nakita kong may ganyan si Aeri sa kwarto namin, Jimmy Choo ata ang tatak. May YSL sling bag din sya na yung halaga siguro ay kaya na akong pag-aralin ng isang buong taon sa Ateneo, with allowance pa.

 

Don’t get me started with that Rolex  on her wrist. Girl, kaya nya na bumili ng house and lot sa relo palang! 

 

Wala akong masabi bukod sa grabe! Sobrang ganda nya lang talaga, ibang iba yung aura nya ngayon compared to the last two days. She looks really expensive, parang kaya nyang bilhin buong pagkatao ko. 

 

Pero...

 

The observant in me sensed na hindi komportable si Winter sa suot nya. Alam nyo yun, parang pinilit lang na ewan? 

 

Or am I just thinking too much? 

 

Kung maglakad din sya in those 3 inch stilettos ay parang kagabi lang natuto. Weird. Parang mas ayos pa ko maglakad sa kanya kung pagagamitin mo ‘ko ng 5 inch on the spot. 

 

May experience kasi ako sa pageant kaya medyo marunong ako and there was one time na sumali kaming lahat magkakaibigan sa isang pageant around manila, di ko na maalala pangalan ng event kasi binaon ko na sa lupa ang memorya na yun. 

 

Wala naman specific reason kung bakit kami sumali, trip lang talaga namin. Mahilig kasi kami mag-try ng kung ano ano para naman daw maging memorable ang high school life namin.  Pag inisa-isa ko ngayon kung ano ang mga kagaguhan nagawa naming pito, aabutin tayo ng tatlong araw. 

 

Almost half of us ay wala namang hilig sa pageant na yan. Si Yeji lang ata meron kasi sya lagi pinu-push nung JHS na sumali sa Young Thomasian Ambassador and Ambassadress. Si Yeri din siguro medyo may hilig since ang confidence nun laging over the roof, sadyang hindi lang sya pinapasali dahil baka gaguhin lang yung pageant.

 

Mahirap sumali sa beauty pageant, sa totoo lang. Ang daming preparations na kailangan gawin, magastos din sobra, need mo mag prepare for your talent, yung gowns na gagamitin mo sobrang bigat at syempre yung nakaka-pressure na Q&A portion.

 

Dagdag mo pa yung posture and lakad na buwan ata pina-practice para lang maging perfect. Dami mong need i-sacrifice para lang sa iisang gabi na hindi pa sigurado kung maiuuwi mo ang corona. 

 

Alam nyo after ng coronation night, nagpahinga ako siguro ng isa buong araw na walang alisan sa kama dahil sa sobrang pagod. Sinumpa ko sa sarili ko na hindi na 'ko sasali ng pageant ulit, kahit lapagan pa ko ng isang milyon. 

 

Dun sa pageant, si Yeji lang ata ang may pinakamaayos na performance. Taob lahat sa kanya, gagi. Kasi in the first place, hindi naman sya malaking event. Parang pa keme lang ng barangay ata at yung ibang contestants walang panama kay Yeji sa aura palang.

 

Kami namang mga walang alam sa pageant at trip trip lang yung pagsali, alam nyo na siguro ang kinahantungan. 

 

Tama, nagkalat lang kami dun. 

 

Tangina, naalala ko na naman mga kaganapan that night. Sandali nga, jusko isa talaga yun sa pinakanakakahiyang memorya naming magkakaibigan.

 

Ang nangyari sakin is ilang beses akong nautal nung nag top 5 Q&A na tapos yung nasagot ko pa ay sobrang layo sa tanong, nakakahiya pucha. Si Ryujin putangina non, hindi nga umabot ng top 5 kasi unang Q&A palang na-blanko na. Si Yeri naman nagkalat nung rumarampa sya. Parang gago kasi hindi nya naman pinraktis yung pa keme nyang spin sa gitna ng stage pero ginawa nya daw dahil sa adrenaline. Natapilok tuloy sya non pero wag kayo! Pasok sa top 5 yan, 3rd runner up ate nyo Yeri. 

 

Si Sakura naman, pasok din sa top 5 yan, crowd favorite sya kung ituring dahil alam nyo naman na ang ganda nya lang talaga. Ang naging problema nya lang is yung sa talent portion, putangina nakalimutan yung steps tapos tumunganga lang sya in the middle of the song na parang batang nawawala. Hindi nya daw alam ano yung nangyari pero na-blanko daw talaga yung utak nya nun. 

 

Si ano.. Hmm.. She did well. If wala si Yeji, sya ang mananalo. Maganda yung stage presence nya and magaling din sya sumagot. Kahit first time nya lang sumali back then, sobrang ganda nung performance nya all in all. Kaya naman nag land sya in 1st runner up. Hehe galing nya. 

 

Ehem 

 

Si Yeji, of course our very own Yeji, pinauwi nya lang naman ng luhaan ang mga sumali. Unang labas nya palang, her presence alone palang, alam mo na agad na mananalo sya. Sobrang galing nya sa Q&A tapos sobrang ganda nya mag-catwalk. Member na din sya nung Galvanize back then kaya hasang hasa na sa sayawan si Yeji kaya pati sa talent portion taob kami. 

 

Hindi mo pwedeng lutuin yung laban kasi halata na agad kung sino yung panalo. 

 

Yung winning money, ginamit namin pambili ng pagkain and alak. Nag celebrate kami sa La Union, sa private resort nila Sakura for 2 days and 1 night. It was one of the best memories with them.

 

Ka-miss!! 

 

Ay teka,

 

Nakalimutan ko na naman si Winter, pasensya na!



 

“Okay lang ba na maglakad ka ng ganyan ang suot? You’re not uncomfortable naman?” Bukod sa worried ako sa kanya, medyo bothered din dahil mall lang naman pupuntahan namin hindi birthday party sa 5 star hotel! 


 

Kung i-a-add mo yung presyo ng mga suot nya ngayon ay baka mapa-iyak nalang ako dahil I could never afford all these . 


 

“It’s fine. Sanay na ako.” She replied na may halong pagmamayabang at ang gaga, may pa spin pa


 

Sige, kunwari di ko nakita yung panginginig ng legs mo para lang makatayo ng tuwid after that horrible spin. 

 

Mukhang may pride syang iniingatan, kaya I won't point it out nalang. She must have her reasons. 

 

Hmp. 

 

Buti nalang strangers pa kami sa isa’t isa kasi kung hindi, iisipin ko na nagpapa-impress sya sakin. Hehe feeler lang ako, don’t mind me.  


 

“Okay then. Tara na.”


 

Dahil sobrang tirik yung araw, kinuha ko yung payong at binuksan yun. Syempre ako lang yung nagpayong, swerte nya naman.


 

“Huy, pa share ako! It’s so hot pala!”


 

Bago pa ko nakatanggi, pumulupot na sya sa braso ko at sumiksik sa maliit kong payong. Agad na inatake nung pabango nya yung nostrils ko, para akong mababahing dahil sa sobrang tapang!

 

Pero mabango naman sya, halatang mamahalin yung ginamit niyang perfume. Di ko alam kung anong brand yan pero siguro presyuhan nyan is at least 5k up. 

 

Sensya na, alagang downy passion kasi ako kaya wala ako masyadong alam sa perfumes. 

 

Medyo naiilang ako ngayon kasi grabe naman makadikit ‘tong babae na ‘to??  Hindi ata alam ang personal space! Name at school lang ang alam namin sa isa’t isa pero kala mo limang taon na kami magkakilala kung makadikit sakin. 

 

Napaghahalataan din kay Winter na wala talaga syang kaibigan kasi kahit yung nakasagutan nya nung isang araw, eto kasama nya na kumain. Ililibre nya pa. Ang amazing lang. 

 

Since she is wearing heels, magkasing tangkad nalang kami ngayon. Hindi ko napansin dati na hindi naman pala sya maliit, matangkad na sya compared sa ibang babae. Sadyang di ko lang napapansin nung nakaraang araw kasi kung magmaktol kala mo bata.


 

“Huy, you told me na maglalakad tayo! Hindi mo sinabi na aakyat tayo ng stairs!!” Bigla siyang tumigil nung paakyat na kami sa overpass

 

“Ilang steps lang yan, ang arte mo.” 

 

“Naka-heels ako oh!” Pakita nya pa ng heels nya

 

“Hindi ko kasalanan na nag heels ka. Tsaka sabi mo kanina sanay ka?" 

 

“Ano gusto mo mag converse ako? You're so baduy!” Inirapan pa ko ng pilosopo na ‘to “Tsaka it's difficult kaya kahit 3 inches lang naman to. Wala bang elevator dito or kahit escalator lang man?"

 

Ito na nga ba sinasabi ko, sinisimulan nya na naman ako “Wala, kaya magtiis ka."

 

“Ah basta! Hindi ako aakyat dyan!”

 

“Edi wag na tayo kumain. Babalik na ko sa UP” Ano akala nya di ko sya kayang pabayaan? 

 

“Hoy sandali!!!” Pinigilan nya ako gamit ang lanyard ko. 


 

Mukhang kailangan ko nang tanggalin to everytime na magkasama kami. Nasasakal ako lagi!


 

“Diba hindi ka aakyat? Ano gusto mo mag jaywalking tayo?”

 

“No! That’s a crime!”


 

Tinignan nya ulit yung hagdan. OA sya, hindi naman mataas! Mas mataas pa din yung overpass dun sa central, kala mo papuntang langit na. 

 

Hindi naman sa pagmamayabang pero kaya ko ng naka heels yan. 


 

“Ugh, kakainis ka!” Napangiti naman ako dun, natalo ko sya this time


 

Napansin ko na medyo maikli yung dress nya, and wala naman kaso sakin kahit na ano pa yung ayos ng isang babae since freedom nila yun. Ang akin lang, may mga kasabay kami umakyat at baka may gago dyan na i-take advantage yung liberty ni Winter at gumawa ng kamanyakan. 

 

Kakalungkot lang na palaging babae ang nag-a-adjust sa society na ‘to. 

 

Kaya naman bago pa kami tuluyang makaakyat sa hagdan ay hinila ko muna sya sa gilid.

 

Kinuha ko yung jacket ko sa bag at binigay sa kanya yun. Tinignan nya naman yun at parang hinuhusgahan pa yung tela. Oo na, hindi na high end brand yan at sa taytay ko lang nabili.


 

“Hindi mamahaling brand yan at hindi ko naman ipapasuot sayo. Gamitin mo lang pantakip para naman hindi ka makitaan.”

 

“How?”

 

"Lagay mo sa leeg mo."


 

Pinigilan ko yung tawa ko kasi ginagawa nya talaga. Winter, sobrang nakakaaliw ka T_T


 

"Okay and?"

 

"Sakalin mo sarili mo."


 

Tinignan nya ako ng masama at hindi ko na napigilan yung tawa ko. Ang pikon talaga HAHAH para syang bata na walang alam gawin. 

 

Sabi ko gawin nyang pantakip kaya matic naman na ang response dun ay ipupulupot mo yung jacket sa bewang diba? Ewan ko ba dito.

 

Kinuha ko yung jacket at ako na ang naglagay sa bewang nya. Mukha akong yaya na nag-aalaga ng 10 years old na bata everytime I’m with Winter josko.



 

“Tara na.”


 

————————————————


 

With her fancy outfit, hindi ko naman aakalain na sa romantic baboy lang kami kakain. Akala ko sa silantro, nono’s or the alley kami kakain dahil yun yung puntahan ng mga may pera. 

 

I guess, normal na ayos nya na yan. Hindi ko na kailangan magulat, mayaman sya eh.

 

Pero okay lang naman sakin kahit dito pa, pabor pa nga sakin kasi lately grabe yung cravings ko sa Samgyupsal. Wala naman akong enough ipon pa para kumain dito kaya pigil pigil muna ako.

 

Pagkapasok palang namin, nakuha na agad namin yung atensyon ng mga tao sa loob. Ewan ko ba, parang ang out of place ni Winter dito, hindi sya bagay sa ganitong lugar lalo na kung ganyan ang ayos nya.

 

Medyo nahihiya din ako sa ayos ko dahil naka tshirt lang ako at shorts. Di naman mukhang pambahay pero sobrang simple compared dito kay Winter. 

 

First time ko atang ma frustrate sa ayos ko, mukha kasi akong alalay ni Winter.

 

Dati nadadala ko kasi maganda naman ako pero ngayon, maganda si Winter tapos maganda pa yung suot nya. Parang isang hangin nalang ang Karina Yu nyo sa sitwasyon na 'to.

 

Ngayon ko lang naramdaman yung pagiging panget sa buong buhay ko, ayoko na. 

 

I made a mental note na mag-ayos kahit konti everytime na mag-aaya sya lumabas. Oras na para gamitin ang sandamukal kong dress and crop tops na regalo ng mga kaibigan ko. 

 

Dun kami pina-upo nung kuya malapit sa bintana. Nakakatawa yung lalaki, hindi lang man nagawang itago yung tingin kay Winter. Hindi naman manyak yung tingin kaya hinayaan ko na. I mean, pag may nakita tayong maganda sa paningin natin, hindi maiiwasan na tumingin diba? Para bang normal reaction na yun. 

 

Humihinga pa lang si Winter pero she had all of us whipped for her. 


 

“Korean ka diba? Ano sinasabi nila?” Turo nya dun sa screen. OH MY GOD, IT'S TWICE'S ALCOHOL FREE!!

 

Hindi ko nasagot yung tinatanong nya kasi nag-appear sa screen yung bias ko "Oh my god, ang ganda ni Mina…" 

 

"You really like that girl, no?" 

 

Tinignan ko sya  "You talk like you know me so well, but yes I do." 

 

"Hmm?" Tumingin din si Winter sakin "She's Myoui Mina diba? I thought she was blonde?" 

 

"You know twice?" Gulat kong tanong

 

"Naaah, I only know Myoui Mina because of.. someone." 


 

Ay may pag pause. Crush nya siguro yung someone na yon, eme. Pakatamang hinala! Nahahawa na ko kay Aeri. 


 

"She's really beautiful with blonde hair. Halos sambahin ko na sya non." Natatawang sabi ko. 


 

Naalala ko kung pano napasigaw sa bakuran ng mga Mendoza nun. Buti nga at wala yung mag asawa during that time. Si Yuna lang at ang Ate nya ang nandun. 


 

"Do you like girls with blonde hair that much?" 


 

Do I? 


 

"Hmm, sakto lang. I actually prefer yung natural black hair nila, parang mas nags-stood out yung ganda ng kpop idols." 


 

Natahimik naman si Winter kaya tinigil ko ang panonood at tinignan sya. Wait… Is she glaring at me? 


 

"How about my hair ngayon? What do you think will fit me more? Blonde or black?" 

 

"Let's see."


 

Tinignan ko ang maamo nyang mukha amd muntik pa ko mabulunan ng walang dahilan because she's just too pretty right now. 

 

And I'm sorry my ult. bias, but I guess Winter is prettier in blonde hair. 

 

Pero hindi maalis sa isip ko yung black haired Winter. Ramdam ko na mas magiging mature ang itsura nya, and her beauty will really stand out. 

 

And somewhere in the back of my mind actually dared to imagine Winter with short hair. 

 

Muntik na ko mahimatay. 


 

"Feel ko, maganda ka kahit anong hair color pa. I haven't seen you in black hair kaya mas boto ako sa blonde hair mo." Hindi naman masama maging honest paminsan-minsan

 

Winter smiled, "How about Myoui Mina? What do you prefer? Blonde hair or black hair?" 

 

Napasandal ako sa upuan at napabuntong hininga "Grabe, mas mahirap pa ata ang tanong na yan sa UPCAT." 

 

"You're so ma-drama. Sagutin mo nalang." 

 

"Madaling madali ka?" 


 

Mina in blonde ha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
546 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
700 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
700 streak #8
mishuu
Etoile__
355 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha