Tiwala

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

Winter’s POV 4

 

Makalimutan man

Ang katotohanan

Sa puso mo ang tiwala ko

*stan munimuni*


 

“Winter, if okay lang pwede mo ba kong samahan sa entrance ng airport?”

 

“Why? Are we going to leave them?” May iba ba kaming pupuntahan? Kaming dalawa lang?

 

Kuya Soobin chuckled and gave me a light nudge, “Of course not. May nakalimutan “kasi ako sa bahay and ipinadala ko nalang sa kapatid ko.”

 

“Oh, okay.” It was kinda stupid of me to even think about it

 

“I asked for permission na rin pala sa parents mo.”

 

“Alright, Kuya”


 

Hindi na ako pinalabas ni Kuya Soobin para salubungin yung mga kapatid niya. Nung nakita ko yung familiar na mukha, i almost knelt and said thank you kay Lord.

 

Thank you Lord dahil hindi na ko mismo pinasama ni Kuya Soobin sa loob o kaya hindi na ko pinakilala sa siblings niya.

 

I know that face!

 

Chaeryeong Lim, Jimin’s teammate sa pep squad! Ilang beses niya na akong nakita sa training ni Jimin so there’s no way she won’t recognize me.

 

Who knows what might happen kung magkita kami ngayon, diba? Talagang mame-mention at mame-mention si Jimin dyan. Yun lang naman yung tanging connection naming dalawa.

 

Oh my God, both are Lims. Bakit hindi ko agad na-realize?!

 

I was so lost in my thoughts at hindi na namalayang nasa harap ko na si Kuya Soobin.

 

He playfully waved his hand sa harap ko, trying to get my attention.

 

I gave him a small smile para naman hindi niya mahalatang halos mahimatay na ako sa kaba dun.


 

“You got it na?”

 

“Yep! Yuna mentioned kasi na gusto niya mag bonfire. What’s a bonfire if walang jamming sesh?”


 

Oh. So gitara pala ang ipinadala niya. I miss playing that


 

“Marunong ka pala mag guitar, Kuya.” Comment ko

 

“Yup, I really enjoy music. Sometimes I compose my own songs.”

 

Wow! Edi siya na ang perfect “WIll we get the chance to hear it later? Or maybe tomorrow?”

 

“Eh, nahihiya ako.”


 

Look at him, he’s adorable. Namumula yung ears niya and yung cool temperament niya parang naglaho bigla.

 

Is it wrong to think na naaalala ko si Jimin sa kanya? Like their mannerism and all.

 

Are they really similar or pinupush ko lang yung idea of Jimin kay Kuya Soobin?

 

Either way, both seem wrong. Parehas ko nga silang niloloko.


 

“Since it’s Kuya Soobin, it will be really good.”

 

“Sus, pambobola.”

 

“Hindi po kaya. I’m sincere naman.”

 

“If kinantahn ba kita, dagdag pogi points yun?”

 

I chucked, “Kuya, you’re always pogi naman. If we were to use a pointing system, baka nasa millions na yun.”

 

nilapit niya yung guitar sa mukha niya at nagtago dun, “Winter, you have a talent.”

 

“Saan?”

 

“In making my heart flutter.”


 

I don’t know how to respond to that.

 

Luckily, nandun na kami sa lounge area kung nasaan naghihintay yung parents ko. Lumapit agad samin si Yuna at tinanong si Kuya Soobin kung bakit may dala siyang guitar.

 

I sat on one of the chairs and closed my eyes. I feel exhausted, hindi pa nga kami umaalis.

**

 

We arrived sa private island namin in Coron nung gabi na. We decided na mag pahinga nalang and ipagpabukas na yung activities.

 

Yung room namin ni Yuna sa beach house dito is connected by a door lang kaya anytime pwede siyang pumasok.

 

And she actually did, saktong pagkatapos ko maligo.


 

“Why are you here? Hindi ka ba magpapahinga?” I asked habang nagpupunas ng hair

 

“Nagpapahinga na ako.”


 

Well, she’s lying on my bed na akala mo sa kanya. Of course, she’s resting.


 

“Wala ba kayong baby time ni Ate Jimin? Bakit di mo siya tawagan?” Nanlaki naman yung mata ko when i heard that from my sister

 

“Yuna, baka marinig ka!”

 

“Ate, ang layo-layo ng kwarto nila kaya! OA ka.” She even laughed at me kahit ako dito, super panic na

 

“I’m just cautious, okay? Lalo na’t siya lang naman yung Jimin na kilala natin.”

 

“Nyenye. So wala nga kayong baby time? Boring naman.”

 

Inirapan ko siya ng mata, “I’ve texted her na kanina.”

 

“And?” Chismosa ng kapatid ko

 

“Why do you need to know? Amin nalang yun.”

 

“Ate, ang pa- ng sagutan mo!” I was shocked when i heard that term mismo sa bibig na kapatid ko.

 

“Bunganga mo, Yuna!!”


 

Ayun, Yuna laughed like there's no tomorrow. Nakakairita kasi ako lagi ang napipikon saming dalawa.

 

Halatang naimpluwensiyahan na ni Jimin ang kapatid ko.


 

“Why are you not texting her lagi? What if nambababae na siya? Or maybe nanlalalake?”

 

Tinignan ko siya nang masama, “There’s no way. Sa ganda kong ‘to, maghahanap pa siya ng iba?!”

 

“Hindi naman kayo.” Ouch

 

“…I know that.”

 

“Hindi na nga kayo tapos you’re not strengthening whatever you have right now. Hindi totoo ang absence makes the heart grow fonder kung yung ang pinaplano mo, Ate”

 

“Of course, hindi naman yun ang gusto ko.”


 

It’s just that hindi ko magawang makausap ng matino si Jimin tapos I’m with Kuya Soobin. It feels so wrong and unfair sa kanila pareho.

 

Hindi ko kinakausap madalas si Jimin when I’m with him kasi nakokonsensya ako. Hindi man kami but I am faithful sa kanya. It’s just that hindi umaayon yung favor sakin.

 

Pag pinagsabay ko sila ni Kuya Soobin parang ang mali talaga, like i’m cheating on the other. Worse is wala silang alam pareho.


 

“Since di mo kinakausap edi ako nalang chichika kay Ate.”

 

“Ano namang sasabihin mo?”

 

“Labas ka na dun.”


 

Napakagaling talaga ng babaeng ‘to. She’s using my words sakin.


 

“Hindi ka nun rereplyan, pagod siya.” Confident kong sabi

 

“Try me. I’m her favorite baby bunso kaya.”

 

“Pfft, baby bunso.”

 

“Shut up, Ate Panganay.”


 

Yeah, we both have to suffer with these corny nicknames from Jimin. Buti nalang cute siya.

 

I entertained myself nalang sa tiktok kasi malabong mag reply yan si Jimin. May possibility but hindi agad agad. She should be resting by this time.

 

But Yuna proved me wrong. Hindi ko alam kung anong sinabi niya kay Jimin for her to reply almost immediately.

 

Kaya when I heard the notification from her phone, agad akong pumunta sa tabi niya at sumilip.

 

Naawa ako kay Jimin. Sobrang tinadtad siya ni Yuna ng messages.


 

“Yuna, you’re so shameless. How dare you ask her to be your roommate?” Sa lahat kasi ng message na sinend niya, yun yung naka-catch ng attention ko

 

“Oh, nagagalit agad.” Tatawa-tawa niyang tugon

 

“Yuna!”

 

“I was just joking masyado kang ano, Ate.”

 

“What if pumayag si Jimin?!” Because the possibility is definitely not zero!

 

“Edi congrats to me?”

 

“Yuna, I swear!” Parang gusto ko na saktan ang kapatid ko, “Tapos anong ‘maipakilala kay Ate?’ Ilalaglag mo ba ko?”

 

“Chill, sister. I was just joking. Gusto ko lang din malaman kung gusto niya pa makita si Ate kong nakaharutan niya nung summer which turns out to be you all along.”


 

Okay, now I’m curious too. Naaalala niya pa ba ‘ko? Naaalala niya pa ba yung short but memorable encounters namin back then?

 

Naiisip niya rin ba ako paminsan-minsan gaya ng pag-iisip ko sa kanya nung mga panahong hindi ko pa siya nakikita ulit?

 

Ang dami-daming tanong pero wala akong makuhang sagot.

 

Nasira lang yung train of thoughts and worries ko when I heard a notif again.


 

Ate Jimin

 

K: Hindi ako busy, nakahiga lang ako ngayon sa kama

 

K: Hindi rin ako magpa-partime muna dyan kasi busy na sa trainings zz. Maybe sa december nalang?

 

K: I’ll talk to my roommate kung possible pero don’t expect too much, Yuna ;]

 

K: I will buy you ice cream kahit di ka makapasa though na i highly doubt that.

 

K: I’ll visit you sa sunday, pakilala mo na sakin si Ate Panganay. Sana wala na syang sakit by then haha :)


 

“Yiee, Ate oh!”


 

Inis kong hinampas si Yuna ng unan dahil ayokong makita niya yung ngiti ko.

 

She remembers me.

 

 

Y: Ate, I really miss you. Can you send me a picture? Kahit selfie lang pleaseee or mirror selfie?


 

“Again, how dare you? I never asked her for a selfie!”

 

“Ang hina mo naman, Ate.”

 

“Isn’t that weird?”

 

“It’s not if comfortable naman kayo sa isa’t isa.” Explain niyya, “Tsaka wag ka nang ano dyan, Ate. Gusto mo rin naman makita si Ate Jimin.”


 

Hindi na ko sumagot because you all know so damn well na tama siya.


 

K: Anong meron?

 

Y: Wala lang, I want to see you!

 

K: Edi video call nalang tayo? Ang awkward ng selfie hahaha tapos para makita rin kita


 

“OMG video call daw.“

 

“Say no agad!“

 

“Ito na.“


 

Baka biglang madulas si Yuna edi natapos na lahat.

 

Buti nalang tulog na mga tao dito dahil kung may makakakita samin mula sa bintana, iisipin nilang nababaliw na kami dahil di kami mapakali dito.


 

Y: No Ate! Hindi ako nakaayos. I look ugly.

 

K: Yuna, wala na akong make up. I look ugly na hahaha kaya wag ka na manghingi ng selfie

 

K: btw, hindi ka ugly pls. Tignan mo ulit sarili mo sa mirror

 

Y: Ate, you look the best without your makeup! Super bata mo tignan

 

Y: and of course I know na hindi ako panget, I’m just testing you.


 

“Pretty daw ako.” Pagmamayabang ni Yuna sakin kaya inirapan ko siya

 

“You should be. Kapatid kaya kita.”


 

If may iba siyang tatawaging pretty right in front of my face baka nagwala na ko but since it’s Yuna then valid naman. Baka mas magalit ako if sabihin niyang panget ang kapatid ko.

 

Beauty runs in our blood.


 

Y: Sige na Ate, send me a selfie para maipakita ko din kay Ate. She wants to see you!!


 

“Yuna!!!”” Inis kong sigaw sa kanya and this time pinaghahampas ko siya ng unan

 

“Aray, Ate! HHAHAH stop na.” Hindi halatang gusto niyang tumigil ako dahil tuwang tuwa pa rin siya sa pinaggagawa niya “Pag di ka tumigil, magvi-video call talaga kami at ipapakita kita.”

 

“Kairita ka!”

 

“I know. Heh.”


 

Y: I don’t!! - ate

 

K: Ate panganay, hello. How are you?


 

My heart skipped a beat when I saw the reply being addressed to me.

 

I miss her so much.


 

“Tell her that I’m okay.”

 

“How about no?”

 

“Ugh”


 

My sister’s being extra makulit today. Hindi ko na kaya.


 

Y: No, this is our conversation. Wag mong kamustahin si Ate, ako lang dapat

 

K: Alright, Yuna

 

K: if gusto mo makita yung pictures ko then puntahan mo na lang yung IG ko, ang daming magandang pics dun

 

Y: Ayaw kooo, gusto ko yung ngayon! Yung ngayong oras lang mismo!

 

K: Fine, magsusuklay lang ako.


 

“I finally convinced her!!”

 

“Ikaw talaga, inaabala mo pa si Jimin.” I may be blaming her pero ako ‘tong tuwang tuwa naman dahil magse-send ng picture si Jimin

 

“At ikaw kunwari ka pa. Just say thank you, Ate.”

 

“Whatever.”


 

Kunwari hindi ako nag-aanticipate every second simula nung sinend ni Jimin yung message na yun.

 

Bakit ang bagal ng oras? I wanna see my Jimin na!


 

“Oh my God, ito na!!”


 

Titignan ko na sana kaso biglang tumayo si Yuna at lumayo sakin.


 

“Yuna, patingin ako!”

 

“I don’t want to. Manghingi ka sa kanya, this is only for my eyes.” Pilya niyang sabi

 

“Yuna naman!!”

 

“Ehehehe, ang ganda ganda ng Ate Jim— Hoy, Ate!!!”

 

“Shut up.”


 

Thanks to my quick reflexes, nahablot ko agad yung phone sa kamay niya when she let her guard down.

 

Ako pa ang pagtri-tripan niya! Wag niyang subukan lalo na’t miss na miss ko na si Jimin!

 

Alam ko naman yung password niya kaya I unlocked it na agad. Time to change your password, Yuna! Masyadong madali ang birthdate mo.

 

Agad akong pumunta dun sa conversation nila ni Jimin, full of excitement.

 

Pero mabilis na naglaho yung tuwa na nararamdaman ko nang wala akong nakita na picture.

 

Maya maya narinig kong tumatawa si Yuna sa gilid ng kama and parang lalagutan na siya ng air dyan.

 

When I realized na napagtripan na naman ako, inis kong binato pabalik sa kanya yung phone, without caring if masira pa yun o matamaan siya.


 

“Ingat naman, Ate! Wala pa tong 2 weeks.”

 

“I don’t care.”

 

“Tampo naman agad. Atat ka kasi.”

 

“Shut up and get out of my room. Baka tamaan ka na sakin.”

 

“So violent.” Pang-aasar niya pa bago siya humiga sa lap ko like a kid, “You miss Ate Jimin na?”


 

I paused.

 

Parang nawala tuloy lahat ng inis ko dahil naalala ko na naman kung gaano ko ka-miss si Jimin.


 

“Everytime I’m not by her side, nami-miss ko siya.” I honestly confessed

 

“I’m sure she misses you too so be sure to message her mamaya ha? Or at least call. Why are you suffering ba dyan?”

 

“It felt wrong.”

 

“What is?”

 

“Talking to Jimin while Kuya Soobin is around.”

 

“Ate, this whole thing is wrong naman na una pa lang. Just live with it since ito ang pinili mo.”

 

“Hindi mo lang man ako pinagsabihan, ang kunsitidor mo.” I playfully flicked her forehead at binigyan niya lang ako ng ngiti

 

“You guys are too perfect for each other so walang mali mali.”

 

“Tch.”


 

This time, may nag notif na ulit sa phone niya. Hindi na niya ako pinagtripan and shared what Jimin replied.


 

“What the .” Yan lang ang nasabi ko

 

“Ate, ang bibig mo.” I don’t care!

 

“How dare she send such pictures sayo? That’s for my eyes only!”


 

Pano ba naman kasi, yung sinend ni Jimin na picture kay Yuna is masyadong hot!

 

Messy hair, plain white oversized shirt, with her pantulog shorts.

 

I know it’s simple, but yung dating kasi!! HOW CAN SHE BE SO ATTRACTIVE?!


 

“Ang selan ha! Ang ganda ganda kaya ni Ate Jimin, share mo naman samin.”


 

If there’s one thing that I won’t share, si Jimin yun!


 

“No. Delete that.”

 

“Sakin sinend so may karapatan ako titigan to anytime I want.” Pagdadahilan niya pa

 

“No!”

 

“Para kang ewan, Ate!”


 

Pinanood ko lang si Yuna habang pinagnanasahan yung picture ni Jimin.

 

Ang daya daya niya, bakit si Yuna meron?


 

“….Forward mo sakin yung pic.”

 

“Ano? Wag ka naman bumulong, Ate.”

 

“Ang lapit-lapit mo na sakin di mo pa rin ako marinig? Bingi.” It’s obvious that she’s just playing with me

 

“I’m not! Sobrang hina lng ng boses mo. Kahit ipis di maririnig yan.”

 

“Ugh, sabi ko send mo sakin yung pic!”

 

Yuna playfully smirked, “Sus, yun lang naman pala. Sabihin mo muna ‘please master.’”


 

‘What’s with that ‘please master’ na yan? I always hear that.


 

“The heck is wrong with you and Jimin? Just send it to me!”

 

“Ikaw na may kailangan pero ikaw pa galit tsk tsk.”

 

“Why are you so makulit tonight?”

 

“That’s my love language.”

 

“Love language mo mukha mo.”


 

Dami pang sinabi ni Yuna but she will send it din naman pala.

 

I stared at Jimin’s mirror shot with a smile. Nami-miss ko na sobra si Jimin, hindi ko na kinakaya yung pangungulila na ‘to.

 

She’s always pretty kaya hindi ko lang man magawang magalit sa kanya dahil nagsesend siya ng ganito kagandang picture sa kapatid ko.

 

Wala atang phase si Jimin sa buhay niya na naging panget siya.


 

“Huh? She likes someone else already?”

 

“Who?” I absentmindedly asked

 

“Ate Jimin.”

 

“What?! Who?!”

 

“Read this oh!”


 

Y: Ate, you look so pretty!!

 

Y: I wouldn’t mind kung magiging totoo na kitang Ate!

 

Y: Gusto mo ba ireto na kita kay Ate? Mabait naman to and very pretty din!

 

K: baliw, gusto mo ba patayin ako ng parents mo?

 

K: tsaka, i like someone else already


 

“I swear to God pag hindi ako yung someone else na yan pasasabugin ko buong UP Diliman.”

 

“Scary naman magselos ng Ate ko.” Yuna laughed kaya inirapan ko lang siya in return “I gotchu.”

 

“Ano na namang gagawin mo?” Mapaghinala kong tanong

 

“Just wait and see.”


 

Y: OH MY GOD

 

Y: ATE YOU WHAT?

 

Y: NOOO, GUSTO KO KAYO NI ATE MAGKATULUYAN


 

“What nonsense are you saying naman this time?!” Maaga ata akong mamamatay dahil sa pinaggagagawa ni Yuna

 

“Shh, just wait and see. Baka sakali lang.”



 

K: i don’t even know your Ate’s name huy anong magkakatuluyan hahaha

 

Y: if alam mo na, will you consider?

 

K: no pa din ;p


 

“Ang kapal ng mukha niyang i-reject ako? No one had the guts to reject me!”

 

“More like nobody had the guts to ask you out dahil nakakatakot ka.”

 

“Shut up!”


 

Ayun, ang kapatid ko tatawa-tawa lang na nagta-type ng reply pabalik kay Jimin.


 

Y: Damn, my Ate’s sulking! AHAHAH wala pa daw nakaka-reject sa kanya na kahit sino!

 

K: Uy ha, baka isipin ni Ate Panganay na nagmamataas ako. Kung nauna sya, why not? Lol, pero imposible pa din! Takot ko nalang sa parents nyo

 

Y: Ako bahala sayo, Ate!

 

K: sus, mag focus ka nalang sa advanced lessons mo. bakit mo ba inaatupag love life ko?

 

Y: Ship ko kasi kayo ng ate ko

 

K: Yuna, we barely interacted. Anong ship ka dyan

 

Y: Akala mo siguro hindi ko alam yung playground and kitchen moments nyo :3

 

K: Yuna, malisyosa ka

 

Y: malisyosa na kung malisyosa! I want u for my ate!

 

K: I’m sure your ate won’t like me ano ka ba


 

“Stupid, I like you so damn much already.” I whispered

 

“I heard that.”

 

Napairap ako, “Pag ganitong bagay naririnig mo talaga agad, no?”

 

“Of course.”


 

Y: ate, she’s ready to marry you the moment you choose her!


 

Hindi na ako nagsalita when I saw that messge at hinablot nalang sa kamay niya yung phone.


 

gosh please, puro kalokohan si Yuna. -win I


 

“Ate! You’re typing your name!!”

 

“Oh my God.”


 

Agad ko naman pinalitan ng ‘ate’. Maiintindihan niya agad yun.

 

Kinabahan ako dun! I almost sent that!!


 

“Akin na kasi, baka ano pa masabi mo.”

 

I rolled my eyes, “At ikaw, stop saying nonsense na kasi.”


 

Y: si ate sobrang pakialamera! We’re having our moment here oh

 

K: stop teasing your sister na kasi

 

Y: nakakatuwa kasi asarin si Ate. Ikaw kasi hindi ko maasar!

 

K: try harder, yuna hahahha


 

Naiirita ako baka may masabi pa si Yuna na iba.

 

Kaya naman tumayo na ako and reached for my phone at dinial agad ang number ni Jimin.

 

Yuna was about to speak pa but I signalled her to stay quiet. Ako naman ay lumabas na ng kwarto, and was planning na tumambay sa seaside.

 

Jimin answered the call agad to my surprise.


 

“Hello?”

 

“Hi Winter.” Calm down, heart. “Musta kayo dyan?”


 

I feel so emotional bigla. 1 day ago pa lang naman since narinig ko yung boses niya pero it felt like a year.

 

I miss her so damn much.


 

“We’re doing well, nag-eenjoy naman ako.”

 

“Really?” I nodded my head kahit alam kong hindi niya naman nakikita, “Edi mabuti. Bakit ka pala napatawag?” Napataas ako ng kilay dun

 

“Ayaw mo?”


 

There was a slight pause and ready na ko awayin siya when she answered,


 

“Gusto, syempre.”


 

AHHHHHH.

 

Gusto ko sumigaw bigla dito sa loob ng bahay.

 

Pero okay, kalma. Baka mairnig ka nila Mommy.

 

Binilisan ko na yung pagalalakad ko para makapunta na ko dun sa labas. Baka may makakita pa sakin na nakangiti dito and interrogate me.


 

“You missed me?” I dared to ask

 

“Yes.”


 

This time napahawak na ko sa bibig ko to prevent myself from screaming.

 

She missed me daw!!

 

Okay, kalma.

 

Kumalma tayo, Winter! Nasa kabilang line pa si Jimin.

 

I composed myself before replying,


 

“I miss you too, sobra.”


 

AHHHH.

 

Parang tumalon yung heart ko when I replied that.


 

“Kailan kayo uuwi?”


 

Thank God, iniba niya na yung usapan.


 

“Hmm, the day after tomorrow. Around night, I think.”

 

“Sa gabi pa? Pwede ka naman magpahinga nalang tapos ako nalang aattend mag-isa sa concert?”


 

No! Hindi ko hahayaang mawala lang yung opportunity to watch a concert with Jimin ng ganun ganun lang, no!


 

“Stupid, sa gabi naman yun. I can sleep the whole morning.”

 

“Hindi naman halatang gustong-gusto mo ko makasama no?”


 

Was I too obvious??


 

“In your dreams, Jimin. I just want to see your favorite band live. Napamahal na ako sa songs nila.”

 

“Really? Pwede na ba kitang pakasalan?”


 

I chuckled because she’s so extra lagi when it comes to her favorite band. Kahit na alam kong nagbibiro lang si Jimin, it still made my heart flutter.


 

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng guts to reply, “Hindi ka pa nga umaamin sakin tapos gusto mo na ‘ko pakasalan?”


 

Jimin didn’t respond agad and ako parang gusto kong tuktukan yung ulo ko because that was too forward! Parang mabilis masyado. I kinda regret it.

 

What if—


 

“Ganun lang ako kasaya to find someone na nahihilig din sa munimuni. I say that to everyone.”


 

What? WHAT?!

 

Tama ba ako ng pagkakarinig?

 

She tells this to everyone?!



 

“You say this to everyone? What the hell is wrong with you?” Inis kong tanong

 

“I mean, parang expression lang kasi yun! It’s not like I want to marry them talaga, ano ka ba.”


 

Wrong answer, Jimin.

 

Tama sa part na expression lang, but you don’t have to say na sinasabi mo yun sa lahat!


 

“Then, expression lang din yung kanina? You don’t want to marry me?” I asked, kahit na alam ko naman na yung answer

 

“Hindi ka pa nga umaamin, pakakasalan na kita agad?”


 

I didn’t expect na ibabalik niya sakin yung tanong.

 

I smiled and looked at the clear skies.

 

I feel good.

 

Sobrang peaceful ng surroundings pero yung puso ko parang nagwawala.


 

“Then gusto mo ba umamin na 'ko?”


 

Huh?

 

Wait! Wait!

 

Did I just say that?! Why did I say that?!

 

Oh my God, masyado ata akong distracted and hindi ko namamalayang nag slip out na yung hidden desires ko.

 

What if umoo siya diba?! What will I do? Magliligawan na ba kami?! Ano na ba?! Kaya ko ba?!

 

Hindi ako marunong manligaw! Hindi rin ako ready magpaligaw!!

 

Wait!!


 

“Ji-“

 

“Ano yun, Winter? Medyo choppy? Ha? I can’t hear you! Panget ata signal nyo! Bukas nalang ulit Toot toot toot. Bye!”


 

And just like that, binabaan ako ni Jimin ng call.

 

I’m not stupid. Alam kong sinadya niya lang ibaba yung call. Nag panic din siguro siya. How cute.

 

Napahiga ako sa sand and breathed out a sigh of relief.

 

Parang nanghina ako bigla dun sa mga sinabi ko. Oh God. That was really stupid.

 

I covered my face with one of the pillows and screamed.

 

That was so stupid!!


 

Stupid, Winter. You almost messed everything up.


 

“Winter?”


 

Napabangon ako sa sand when I heard a voice.

 

Parang nagising ako sa reality.


 

“Kuya Soobin?”

 

“Hi! Fancy seeing you here, Winter. Can’t sleep?”

 

“Yeah, medyo naninibago.” Pagrarason ko


 

Napansin ko na may bitbit siyang guitar.

 

Siguro balak niya pumunta talaga dito to kill some time.

 

How I wish I brought my guitar din. I might even get an inspiration to write songs dito. Sobrang peaceful.


 

“Is Yuna awake?”

 

“I think so. Kausap ko lang kanina eh.”

 

“Hmm. What do you think of having bonfire today? Or bukas nalang? If pagod ka sa byahe.”


 

Wala naman akong gagawin today and feeling ko hindi yan matutuloy if bukas dahil masyado na ‘kong pagod sa activities na gagawin bukas.


 

“I’ll message Yuna. May gusto ka ba ipadala sa kanya?”

 

“No, it’s okay. Ako na yung kukuha sa loob. Sayang naman yung pag gym ko kung sa babae ko ipapabuhat yung mga gamit.” Biro niya pa and playfully showed me his biceps making me laugh

 

“Okay, Kuya.”

 

“I’ll leave my guitar muna sayo, if that’s okay?”

 

“Of course. May I use it din?”

 

“Sure, Winter. I’ll be back.”


 

Tinanguan ko lang siya at kinuha na yung guitar. Tinext ko na rin si Yuna at wala pang ilang segundo, otw na raw siya.

 

Buti gising pa.

 

I randomly played some chords sa guitar ni Kuya Soobin and ang therapeutic pala ng feeling to play guitar tapos yung backround noise mo is tanging alon lang?

 

Parang ayaw ko na umalis dito.

 

So peaceful.

 

Ilang minuto lang at sabay nang lumabas sila Kuya Soobin at si Yuna.

 

Yuna’s holding some snacks and is that beer I see? Jesus. Hindi ata ako prepared maglasing this night.

 

Si Kuya Soobin naman bitbit yung mga gamit for setting up the fire.

 

Lumipat kami ng spot dahil merong area talaga dito for bonfire lang. Hindi na hassle maghanap ng woods, need nalang sindihan.

 

Tinabihan ako ni Yuna at pinanood lang namin si Kuya Soobin na mag start ng fire.


 

“Tapos na ba baby time niyo?” Bulong ni Yuna sakin pero agad ko siyang siniko

 

“Shut up, marinig ka.”

 

“Sensitive mo naman.”

 

“Nag-iingat lang.”

 

“Here,” Abot sakin ni Yuna ng marshmallow and grahams, pati na rin ng canned beer “Just enjoy this night muna. Don’t think of anything else and enjoy this serenity. Who knows, baka bukas wala na ‘to.”

 

“Don’t say that.”

 

“Oops, sorry.”


 

After some time, finally natapos na si Kuya Soobin. Umupo siya beside Yuna at ako naman binalik na yung guitar sa kanya.


 

“It’s really peaceful in here, no? Ang layo sa ingay at gulo ng Metro Manila.” Sabi ni Kuya Soobin

 

“Yes, Kuya. Siguro pag gumraduate ako ng college, titira nalang ako sa isang island and live my life there.” Replied by Yuna

 

“Hey, that’s one of my goals din! I want to buy a house sa La Union, yung near the beach lang so that I can surf whenever I want, away from all the dramas sa Manila.”


 

I don’t know if Yuna noticed it but I noticed the sadness and longing in Kuya Soobin’s voice habang sinsabi niya yan.

 

We really have our own battles that we don’t talk about.

 

He might look just fine, very successful kahit na student pa lang, pero mukhang may problem din siyang hindi niya pinapakita sa ibang tao.

 

Who knows what kind of life he’s been living ‘til now.


 

“But you’re a Lim, Kuya. A first born, at that.” Sabi naman ni Yuna

 

Kuya Soobin smiled bitterly, “Yeah, if only hindi ako naging Lim at hindi naging panganay, I can live the way I wanted.”


 

Feeling ko sobrang na-relate ako sa sinabi ni Kuya Soobin.

 

Being a first born in an elite family sure is pressuring. You have no choice but to follow your parent’s footsteps dahil lang sa ‘panganay’ ka.

 

Tsaka, lalaki siya. Expected na agad na siya yung magtutuloy ng nasimulan ng family niya.


 

“If you have a choice, ano ang pipiliin mo, Kuya?” I asked him

 

“Anything that involves music. Maybe produce some songs, release it, write songs for other singers, ganun. I just enjoy music, it’s my life.”


 

Tinignan ako ni Yuna, maybe dahil naalala niya ako.

 

Talaga ngang pareho kami ni Kuya Soobin. Maybe that’s the reason why I feel comfortable sa kanya, bukod sa pagiging gentleman niya.


 

“Ate used to join competitions in Switzerland, tapos sobrang dami niyang awards! She’s really good at singing.” Ang hirap talagang pigilan ng bibig ni Yuna, oh my God

 

“Yuna!”

 

“Is that true, Winter?” Kuya Soobin asked, voice full of anticipation

 

“Yes, Kuya.” Wala naman na ‘kong choice but to admit na rin dahil sinabi naman na ni Yuna, “I used to join competitions nung highschool ako. I used to find comfort in music before.”

 

“What about now?”

 

“Of course, hindi sila in favor sa pag pursue ko ng music. Mag focus nalang daw ako sa academics.”

 

“I can totally relate. Dad once broke my guitar in front of me dahil nalaman niyang patago akong sumasali sa gigs with my friends.”


 

“What?”


 

That’s too much.

 

I can’t imagine how traumatizing that experience is.

 

Kung ako nga lang sobrang nalungkot na when they disagree, pano pa kaya if super strong ng reaction like Kuya Soobin’s parents?


 

“You stopped after that?”

 

“Of course, not.”


 

Wow.

 

You can never question his love for music after hearing that. Literal na walang makakapigil sa kanya.



 

“I mean, I don’t join gigs na but I never let go of my passion sa music. I still release songs sa icloud ko, iba lang yung name na ginagamit ko.”

 

“Really? Follow ka namin!” Sabi naman ni Yuna at nilabas na yung phone niya

 

“Just search Steve Sloth.”

 

“?” Takang tanong ko

 

“Sloth! Omg, Ate.”


 

At ayan, pareho na nila akong tinatawanan!


 

“Sorry, magkatunog kasi eh.”

 

“It’s okay.” Sabi namn ni Kuya Soobin pero natatawa-tawa pa rin.


 

I searched up his name sa soundcloud and ang dami niyang nirelease na kanta.


 

“You wrote all this?”

 

“100%”

 

“Wow.”


 

I can’t help but admire him.

 

Kahit na anong tutol ng parents niya sa passion niya, ginagawan niya pa rin ng paraan.


 

“Sa inyo ko lang sinabi yan ha? Even my siblings don’t know that. Masyado kasi silang worried na baka malaman ng parents namin eh.”

 

“Ang special naman namin, Kuya.” Biro pa ni Yuna

 

“Of course.”


 

Pano niya naipagsasabay to sa acads niya?

 

Kuya Soobin is really the embodiment of “Kung gusto may paraan”

 

How I wish I had the guts like him.

 

If hindi ko ba ginive up yung passion ko years ago, makakayanan ko rin ba yung ginagawa niya?

 

Malabo siguro.


 

“Sing us one of your songs, Kuya!” Yung requested

 

“Right now?”

 

“Yup!”

 

“Nakakahiya.” Sabi pa niya at pilit na itinatago yung malaki niyang frame sa guitar niya. Cute.

 

“Please, Kuya? Our super talented Kuya!”

 

“Bola.”


 

Yuna’s persistence and persuasion skills are something else.

 

Wala sigurong hindi kaya pilitin si Yuna.


 

“I’ll play a song na hindi ko pa nare-realease. I’m currently working on it and hindi pa tapos. Will that be fine?”

 

“Of course!” Sabay naming sagot ng kapatid ko


 

I leaned my head sa shoulders ni Yuna and watched Kuya Soobin, full of expectation.

 

He looks super pogi right now.

 

If wala si Jimin, maybe I’ll fall in love with him.


 

You've changed since you met me, and I feel I've done the same

 

Our friends, they don't notice, and your siblings think its strange

 

That I wanna be with you, every single day, for the rest of our lives



 

I can't help but feel guilty when I'm taking up your time

 

So I'll take out my old notebook and I'll put this and write

 

Oh I wanna be with you, every single day, for the rest of our lives



 

Someday I'll make a home with you, it may be big, it may be small

 

We'll make a space where all the kids can run around and safely fall

 

But if the dreams don't happen right away, that's okay

 

I just wanna be with you, every single day, for the rest of our lives



 

You've changed since you met me, and I feel I've done the same

 

But I've changed for the better, and you're the one to blame

 

That's why I wanna be with you, every single day


 

“Sorry, but hanggang dyan lang yung natapos ko.”


 

Me and Yuna can’t help but clap our hands.

 

Sobrang ganda nung kanta at sobrang ganda rin ng boses ni Kuya Soobin.

 

It’s something that both of us didn’t really expect kasi he has a really deep voice.

 

Imagine being gifted sa songwriting and sa voice mismo.


 

“That was so good, Kuya!”

 

“Thank you, Yuna.” Kuya Soobin shyly replied while scratching his cheeks

 

“You really have a talent in this Kuya. You did great.”

 

“Thanks, Winter.”


 

Look at his pure smile.

 

I can’t help but feel guilty.

 

It’s a song that he made himself but while listening, ibang tao yung nasa isip ko.


 

“It’s been months since I wrote this pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matapos-tapos. Kulang siguro ako sa motivation.” Kuya Soobin said in defeat


 

Sayang naman if hindi matatapos.

 

The melody was good, the lyrics too.

 

Tumatak nga agad sakin eh and hindi ko maiwasan mag-hum dun sa song na kinanta niya, til now.

 

I guess Yuna noticed that I have an interest dun sa song.


 

“How about me and Ate help you?”

 

“What?” Pareho kami ni Kuya Soobin na nagulat sa sinabi ni Yuna

 

“Do you even know how to compose a song, Yuna?” Takang tanong ko

 

“Nope. But pwede ako magbigay ng motivation!”

 

“My God.”

 

“Well, if willing kayo then hindi ko yan tatanggihan.”


 

Ako naman, I write songs before to kill time. I never sang it to anyone.

 

Tsaka, it’s been ages since I last wrote a song.

 

But somehow, after listening to that well-written lyrics and with Jimin in mind, overflowing na yung ideas sa utak ko.

 

I sighed.

 

Because of Kuya Soobin, parang bumabalik na naman yung passion and excitement ko sa music.


 

“Can I have a copy ng lyrics, Kuya?”

 

“Oh sure.”

 

“I’ll get a paper sa loob.” Yuna?? Talagang ipupush mo yung sinasabi mo ha.


 

Hinintay kong i-airdrop ni Kuya Soobin sakin yung lyrics at binasa ko ulit.

 

Sobrang ganda ng pagkakasulat niya.

 

You know a song is really good kapag kahit isang beses mo palang narinig yun, kaya mo na agad kantahin yung lyrics even without the melody.

 

It makes me want to finish this song.

 

Sobrang nakaka-lss yung “I just want to be with you, every single day, for the rest of our lives”


 

“You really have a good voice, Winter.”

 

“Huh?”

 

“You just sang right now.”

 

“What?”


 

Nakakahiya naman!

 

Akala ko kumakanta lang ako sa mind ko but I actually sang it pala.


 

“If itatago mo lang yung boses na yan, sayang.”

 

“It’s not like I can pursue music, Kuya. You know my situation which is probably similar to yours.”

 

“Of course, naiintindihan ko. Ang sakin lang, maybe you can try what I’ve been doing? Releasing songs under a different name or something.”


 

Honestly, when he told me that sobrang nakaka-tempt.

 

Pero ewan, ang hirap ibalik nung passion na binitawan mo na years ago.


 

“I’ll think about it muna.”

 

“Sure, Winter. I’ll help you, in any way possible.”

 

“Thank you so much, Kuya.”


 

I’m really thankful.

 

Unti unti niyang binubuhay yung tanging source of happiness ko before.


 

“I have an idea sa song. What if…”


 

***

 

While occasionally munching on our smores, drinking the ice cold beer, and random talks, we finally finished Kuya Soobin’s song.


 

“Oh. My. God.”

 

“I can’t believe we finished that.” Hindi makapaniwalang sabi ni Kuya Soobin, “We literally finished the song in one sitting.”

 

“Hindi rin ako makapaniwala na I still have that in me.”

 

“Iba talaga pag inspired, no Ate?” Pang-aasar ni Yuna sakin


 

Pinanlakihan ko siya ng mata kasi baka makatunog si Kuya Soobin!

 

Masyado ata siyang naging comfortable at nakalimutan niya yun.


 

“You like someone, Winter?” Curious na tanong ni Kuya Soobin. Ayan na nga!

 

“N-No! HAHA. Yuna’s just being playful.”

 

“Yes, ganun nga hahaha.” Yuna awkwardly replied, “Para kasi siyang in love dahil ang ganda ng pagkakasulat niya dun sa last part.”

 

Parang namang na-convince na si Kuya Soobin dun, “You’re right. You really have a talent sa pag compose ng song, Winter.”

 

“Nah, it’s because your song is already good enough kaya madali nalang sundan.”

 

“Sus.”


 

Tama naman si Yuna.

 

I managed to write the song because I’m inspired. But malaking factor din yung song itself dahil maganda nasimulan.

 

The emotions I feel para kay Jimin, yun yung nag urge sakin to write a beautiful lyrics.


 

“If it’s okay sa inyo, record tayo nung song?” Kuya Soobin asked for permission

 

“Will you upload it?” Pag-iingat ko

 

“Okay lang if hindi. Gusto ko lang mag save ng memory that I finished this song with the two of you.”

 

“Upload it sa youtube, Kuya! Position nalang natin yung camera sa likod natin then we use a separate phone to record our voices?” Suggest ni naman Yuna

 

“That’s brilliant. I’ll do that now!”

 

“Will this be okay?” Medyo kinakabahan kasi ako kahit na excited at the same time

 

“It’s okay, Ate. Walang makakapansin nyan because nakatalikod lang naman tayo.”


 

You've changed since you met me, and I feel I've done the same

 

Our friends, they don't notice, and your siblings think it's strange

 

That I wanna be with you, every single day, for the rest of our lives



 

I can't help but feel guilty when I'm taking up your time

 

So I'll take out my old notebook and I'll put this and write

 

Oh I wanna be with you, every single day, for the rest of our lives



 

Someday I'll make a home with you, it may be big, it may be small

 

We'll make a space where all the kids can run around and safely fall

 

But if the dreams don't happen right away, that's okay

 

I just wanna be with you, every single day, for the rest of our lives



 

You've changed since you met me, and I feel I've done the same

 

But I've changed for the better, and you're the one to blame

 

That's why I wanna be with you, every single day



 

We've had our share of sorrows and pain that keeps us up at night

 

Sometimes I wish you'd stand down instead of putting up a fight

 

But still I wanna be with you, every single day, for the rest of our lives



 

Someday I'll take you around the world or visit places where you stayed

 

I'll play some shows on radios, listen close, I'll sing your name

 

But if the dreams don't happen right away, that's okay

 

I just wanna be with you, every single day, 'til the day that we die



 

I've got to work on my temper while you let you speak your mind some more

 

I'll be more of a shelter, and less of a storm

 

While we both are working on ourselves in our own ways

 

I just wanna be with you, every single day

 

Oh I wanna be with you, every single day

 

- Be With You by Steve Sloth, Hussey, and Gyeoul

 

**

 

Pagod na pagod ako, oh my God.

 

Sobrang daming gustong gawin na activities ni Yuna kanina at wala akong choice kundi sumama sa kanya dahil hinihila niya ako.

 

Have I mentioned na meron pang mas malalang ginawa si Yuna? Sobrang unpredictable niya!

 

Nung may nakita kaming open na salon while walking around, niyaya niya lang naman ako na magpa-bangs kami! Sobrang persistent niya kaya kahit na anong hindi ko, nagawa niya pa rin ako ma-convince.

 

thank God at bagay sakin yung bangs or else hindi ko mapapatawad si Yuna.

 

I actually looked pretty with it. Parang nag iba yung buong aura ko with just bangs.

 

Ano kaya magiging reaction ni Jimin pag nakita niya yung ganitong look ko?

 

Anyways.

 

Kanina pa ko nakahiga dito sa room ko, hindi lang man ako nakakain dahil pagkatapos ko mag shower, bumulagta na ‘ko sa bed.

 

I’m now hungry.



 

“Winter?”



 

Muntik na ‘kong madulas sa stairs nung may marinig akong boses. Pangalawang beses niya na ‘kong nahuhuli dito sa baba ha.

 

Nilingon ko siya and saw Kuya Soobin standing there with his luggage.


 

“Saan ka pupuna, Kuya?” Takang tanong ko

 

“I’ll go back to Manila na muna. Pinapauwi na kasi ako ni Daddy eh, may pinapaasikaso.”

 

“What? Is everything okay?”

 

“Yup! Connected lang sa work yun, don’t worry”

 

“Then, hindi ba pwedeng pag-uwi nalang natin? Bukas na rin naman yun.”

 

He looked so disappointed when he shook he said, “No eh. Kaya nag book agad ako ng flight.”

 

“I see. Sayang naman.”

 

“May pupuntahan pa naman tayo dapat nila Yuna tomorrow morning but hindi na ata ako makakasama.”

 

“Right..”


 

That’s too bad.

 

I’m getting comfortable with Kuya Soobin pa naman na ngayon. Sayang naman kung uuwi na agad siya.

 

It’s more fun sana if kasama pa namin siya bukas.

 

Sana hinintay lang man ng parents niya na makauwi kami at hindi siya piliting pauwiin.

 

Wait.

 

Uuwi na?

 

Babalik na siyang Manila?

 

What if..


 

“Kuya, is it possible to buy me a ticket last minute?”

 

“To where?”

 

“Back to Manila.”


 

***

 

That was really impulsive of me pero buti pinayagan agad ako nila Mommy and I think iba pa ata yung tingin nila sa ginawa ko.

 

They probably think na I’m being a clingy girlfriend kay Kuya Soobin, my God.

 

Yuna was, of course, so upset.

 

I just explained to her na I miss Jimin na kaya I grabbed the opportunity na umuwi na agad and promised Yuna nalang na sa summer, we’ll go back here kahit kaming dalawa lang.

 

Yuna being the simple minded that she is, pumayag naman. She wished me luck lang sa lovelife ko.

 

Buti nalang meron pang flights na available kaya naihabol ako ni Kuya Soobin. Nakikisama sakin ang panahon.

 

I plan to surprise Jimin kasi sakto sinabi ko sa kanya na tomorrow night pa kami uuwi.

 

Wait for me, Jimin.


 

***

 

Nandito na kami sa car ni Kuya Soobin at ako naman, nag-aapply ng make up sa passenger seat.

 

I’m planning to go sa dorm ni Jimin to surprise her ng mas maaga kaya naman todo paganda ako today. I’m excited kung ano magiging reaction niya sa bangs ko.

 

Gusto kong nakikita na patay na patay siya sakin.


 

“Uh, Winter. If it’s not a bother sayo, my parents would like to meet you sana ngayon. Nabanggit ata ng parents mo sa kanila na magkasama tayo.”

 

“Huh?”


 

Napansin siguro ni Kuya Soobin yung pagwala ng ngiti ko.


 

“If may pupuntahan ka, okay lang! Maybe next time.” Agad niyang sinabi


 

Pupuntahan ko sana si Jimin kaso nga lang naalala ko na humingi ako ng favor sa kanya.

 

Nakakahiya naman if hindi ko pa pagbibigyan.

 

I’ll just surprise Karina later, hindi naman siguro ako ipag-oovernight sa kanila. That would be hella awkward.


 

I gave him a small smile, “I think it’s about time to meet your parents na, Kuya. I want to meet them too.”

 

A wide grin appeared on his handsome face, “Really? Gusto ka na nila makilala talaga! Lalo na sisters ko.”


 

Bigla akong kinabahan.

 

Sisters niya, meaning isa dun si Chaeryeong.

 

Oh my God.

 

Nawala yun sa isip ko! What should I do? Mag back out ba ‘ko?

 

But since I agreed already, wala na akong magagawa.

 

Damn. There’s no way out na talaga no? magkikita at magkikita rin kami kahit anong iwas pa ang gawin ko. I’m just worried sa kung anong magiging reaction niya once na magkita kami

 

If may opportunity, I want to at least talk to her and ask her not to spill anything. At least hintayin niyang ako mismo ang magsabi kay Jimin.


 

I faked a smile, “Sure. Saan na ba kayo ngayong nagre-reside?”

 

“My parent’s staying ngayon sa Milan.”

 

“Italy?”

 

“No.” He chuckled, “Casa Milan. Dyan lang sa Fairview.”

 

“Oh okay.”


 

That was so stupid of me. Alangan namang pumunta pa kami ngayon sa Italy just to meet his parents.


 

“May mall ba near Milan?”

 

“Yep, SM Fairview and Fairview Terraces. Not sure if bukas pa yung Rob but yeah, yan.”

 

“Ang dami pala.”

 

“I know, kaya dun din kami nag buy ng house para convenient.”

 

“I see.” May point “So ano pinakamalapit sa inyo?”

 

“SM Fairview, I think?? Why?”

 

“Is it okay if bumili muna tayo ng something for your parents? Nakakahiya if wala akong dala.”

 

“Winter, hindi naman na need nun.” He reassured

 

“Shh, I still need to look presentable sa kanila. Nakakahiya naman if yung nililigawan mo doesn’t have manners at all.”


 

Hindi sumagot si Kuya Soobin kaya tinignan ko siya.

 

Ayun, he’s blushing ang kitang-kita kahit na madilim sa car niya. Nakatakip yung right hand niya sa face niya at parang nahihiya.


 

“Are you blushing?”

 

“I’m not!”

 

“You are eh.” I laughed, “You’re cute when you blush.”

 

“Hindi ah.”


 

Sinubukan niyang takpan yung mukha niya but that made him cuter lang

 

Para talaga siyang si Ji—Hold up.

 

Winter, you’re thinking about Jimin na naman kahit na si Kuya Soobin ang kasama mo.

 

At least give this time to Kuya Soobin at ibigay mo yung attention mo sa kanya lang.

 

Focus, Winter.

 

Don’t hurt him more na.

 

***

 

Nag-iikot ikot na kami ni Kuya Soobin ngayon sa loob ng mall. Medyo maraming tao but that’s expected na kasi mall to sa Philippines.

 

Back in Switzerland, pumupunta lang naman kami sa mall kapag merong need bilhin at uuwi na. But here in the Philippines, ginagawang tambayan na talaga ‘to ng mga tao.

 

Hindi pa ako gaanong sanay sa crowded places like this.


 

“Ano ba yung gusto mong bilhin?”

 

“I’m still thinking pa eh.”


 

Hindi ko naman sila pwede dalhan ng furniture or something. Meron na sila nun and they can definitely afford it.

 

Minsan, ang hirap din bilhan ng gamit yung mga taong meron naman na lahat.


 

“Mom loves fruits and Dad loves anything organic. Hindi sila masyado materialistic so I think mas better if yan yung dadalhin natin sa kanila.” Kuya Soobin suggested, trying to help me decide

 

“Really?”

 

“Yup!”

 

“Thank you!!”


 

We’re on our way na sana sa Supermarket when we passed by Sambokojin. Bigla akong nag-crave sa samgyupsal and Japanese foods.

 

Hindi pa ko kumakain ng matinong meal simula kanina! Nag cup noodles lang ako sa plane.

 

Napansin ata ni Kuya Soobin yung pagbagal ng lakad ko and yung pagtingin ko sa restaurant.


 

“Should we eat first?”

 

“Ah—no, baka pakainin pa tayo ng parents mo sa bahay eh.”

 

“Hindi na yan. It’s pass their dinner time na. Maybe coffee or tea nalang yung alukin nila sayo when we get home.”

 

“Talaga?”

 

“Yup! Kaya we should eat here na if you want.”

 

“Masarap ba dito, Kuya?”

 

“Yeah, me and my friends eat here occasionally.”

 

“Then, tara na sa loob.”

 

***

 

it was indeed really good.

 

I feel like I gained 3 kilos in that meal alone.

 

Sabay na kaming lumabas ni Kuya Soobin at saktong merong batang tumatakbo kaya napaakbay sakin si Kuya Soobin para iiwas ako dun sa bata.

 

But still, nabangga pa rin ako. Masyado nang late.


 

“Winter, are you okay?” He asked in a worried tone

 

“Yup. It’s just a small kid naman.”

 

“You sure ha?”

 

“Yup!”


 

Hindi ko na napansin na yung kamay niya at nasa balikat ko because my phone vibrated and agad kong chineck kung sino yung nag-message.

 

I smiled when I saw Jimin’s name.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
546 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
700 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
700 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha