Kalsada (1)

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

It’s my first time attending a party like this.

 

Nangyayari pala talaga in real life yung mga napapanood ko lang sa series no?

 

Like yung games na si Yeri mismo ang nag host which is so damn wild lalo na nung umalis na yung mga oldies.

 

Si Jimin hindi sumali because alam niya na kung pano magpalaro si Yeri. Wala naman makapilit sa kanya kasi they know how stubborn this girl is.

 

Ayoko nalang i-describe kung gaano ka wild yung pinapagawa ni Yeri kasi hindi siya applicable for kids.

 

Basta ako, medyo sumasakit na yung throat ko dahil sa sobrang pagtawa.

 

Ang saya saya ko, and sa saya na yun may halong takot.

 

Kasi I know this happiness will find its price.

 

May kukunin din ‘to saking valuable.

 

I looked at Jimin who’s right beside me, umiinom ng non-alcoholic drink.

 

Bwisit siya. Ayaw niya akong painumin ng liquor ngayon dahil natatakot siya baka ano pang gawin ko.

 

That was one time pero hindi niya na talaga kailanman pinkawalan, no?

 

 

“Bakit?” Jimin asked me nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya

 

“Wala lang.”

 

“Lasing ka na ba?”

 

“Baka ikaw.” Kaya lang naman siya nag non-alcoholic cocktail ngayon kasi nakainom na siya kanina pa

 

“Medyo nga.” I caught a glimpse of her red ears and parang gusto ko yun panggigilan

 

“Should we take a breather outside?”

 

Jimin nodded her head, “Maybe we should.”

 

 

At sabay na nga kaming lumabas.

 

Her friends are too busy with their own business para mapansin kaming lumabas ni Jimin.

 

Late na, medyo inaantok na ako.

 

Pang bata talaga yung body clock ko.

 

Nagising lang ako when the cool breeze hit my face.

 

 

“How was your first performance, Winter?”

 

“It felt like a dream.” Hanggang ngayon parang naririnig ko pa rin yung hiwayan ng mga tao kanina

 

“Ilang beses ko na narinig yung boses mo pero may ibang effect pa din talaga yung kanina. Hindi ako maka move on”

 

“Kanina mo pa ako pinupuri, iisipin ko na may gusto ka na sakin.” I joked around para kunwari hindi ako masyadong kinilig.

 

 

But her next words surprised me to the core.

 

 

“Anong gagawin mo if magkagusto nga ako sayo?”

 

 

Lasing ka na ba?!

 

Why are you asking me this out of nowhere?

 

Hindi ako prepared ha!

 

Gusto mo na nga ba ako? Wait lang naman!!!

 

 

“E-Ewan.”

 

 

Pathetic.

 

Parang gabi-gabi iniisip mo ‘to, Winter. Tapos ang sagot mo lang ngayon ay ewan?

 

 

Jimin smiled, “Kabado ka naman masyado. I’m just joking around.”

 

 

I suddenly want to punch her in the face pero I settled nalang sa side niya. Nagawa niya pang tumawa.

 

Hindi niya ba alam kung gaano ako umasa dun?!

 

Alam niya ba kung paano ako kinabahan dun ha?

 

 

“Sorry.”

 

 

Hindi ako nagsalita at naglakad lang.

 

I was upset, medyo. Medyo nalang kasi nag sorry naman na siya.

 

Iniisip ko nalang na at least may progress.

 

Jokes are always half meant. Tama. Let’s think of it that way nalang.

 

 

“Winter, may nabanggit na ba si Ningning sayo regarding sa issue naming with Wonyoung after our encounter?”

 

I nodded my head, “Meron, pero alam mo naman na ikaw pa rin ang paniniwalaan ko, diba?”

 

 

I didn’t even realize na nasa likod ko pala si Jimin at hindi katabi.

 

I only realized it nung niyakap niya ako mula sa likod.

 

Nagulat ako, syempre! But I’m not dumb enough para tanggalin yung pagkakayakap ni Jimin sakin.

 

So warm.

 

My safe place.

 

 

“What’s wrong?” I asked worriedly

 

Nothing, just feeling emotional all of a sudden.”

 

I giggled and help her hand na nasa balikat ko, “Ganito ka pala when drunk.”

 

 

Lasingnin ko kaya si Jimin kapag umamin ako sa kanya?

 

Joke.

 

Baka kung saan pa mapunta.

 

 

“Hindi pa naman ako gaanong lasing pero siguro nga.”

 

 

Pinagbigyan ko nalang yung lie niya.

 

 

“By the way, wala akong training bukas and sa Sunday. Gusto mo punta tayo ng Antipolo sa gabi? Stroll and kain lang?"

 

“Shouldn’t you rest?” I mean cheerdance practice tapos ganito..

 

“Okay lang, hindi naman ako masyadong lasing ngayon and nakapag adjust na yung katawan ko sa training so di masyado heavy."

 

 

Since she assured me naman, sino ba naman ako para tumanggi?

 

 

"Alright, let's go."

 

“Tell me rin kung gusto mo mag rest para Sunday nalang tayo umalis.” You are my rest

 

"No, i'm fine with tomorrow kasi gabi naman."

 

“I’ll pick you up. Dalhin natin yung niregalo sakin ni Ryu.” The pick up if I’m not wrong

 

“Sure, para magamit mo naman.”

 

“I’ll pick you up ng 5?”

 

“Okay.” Makakatulog pa ako nang mahaba

 

 

Ang random masyado ng Antipolo but I’d be willing to go anywhere basta siya naman ang kasma ko.

 

 

"Pasok na ulit tayo? Medyo lumalamig na, baka magkasakit tayo.”

 

"Okay."

 

 

Nasa entrance na kami when I felt my phone vibrated.

 

 

“Oh, it’s Ningning. Andito na raw siya.”

 

Natawa naman si Jimin, probably because of the time. Late na late na kasi. “Ang aga nya para sa uwian ha? Sunduin natin?”

 

Umiling agad ako sa suggestion niya. Kahit na parang okay na si Ningning sa kanya, I don’t want to risk it. “No, ako nalang. Baka awayin ka na naman. Mauna ka na sa loob.”

 

“Okay, ingat.”

 

 

Sinalubong ko na si Ningning dun sa parking lot at ngayon ay kakalabas niya lang sa light blue audi niya.

 

We have the same car pala.

 

Ningning’s wearing a simple dress at may hawak siyang maliit na purse and paper bag.

 

I’m guessing na para kay Yeri yun.

 

 

“Akala ko hindi ka na pupunta.” Bungad ko sa kanya

 

“Hindi na talaga dapat. I even wore my pajamas na kanina but ayaw ako patulugin ng conscience ko. Baka kasi ano pa isipin ni Ate Yeri if hindi ako pupunta.”

 

 

Ate Yeri..

 

Tsaka what do you mean anong iisipin?

 

Your reputation is already bad sa kanila.

 

 

“Then, let’s greet her already.”

 

 

Sana lang hindi sila magkakasama-sama.

 

Baka may mangyaring hindi maganda.

 

Bago kami lumabas, they’re dancing around na sa dance floor with their respective partners.

 

Sana ganun pa rin hanggang ngayon.

 

It hasn’t been long since we went out din naman.

 

Kaya sabay na kaming pumasok ulit sa bar and parang hindi lang man nabawasan yung energy dito.

 

Hinanap ng mata ko kung nasaan si Yeri and at the same time, si Jimin.

 

Una kong nakita si Jimin na nandun sa second floor, talking to Yeji.

 

Nakita kong dun din nakatingin si Ningning and I heard her sigh.

 

Gusto niya ata lapitan si Yeji pero andun si Jimin kaya hindi niya magawa?

 

Ah ewan.

 

I see Yeri na!

 

Andun siya sa DJ booth pala.

 

 

“Wag muna natin puntahan. She’s busy entertaining her guests.” Mukhang napansin niya rin

 

“Okay then. San muna tayo?”

 

“How about a drink?”

 

My eyes sparkled, “Tara.”

 

 

Wala si Jimin kaya I can sneak into drinking hehe.

 

Ang daming colourful drinks dun na gusto ko i-try!

 

Sakto naman at nakita namin si Giselle malapit dun sa bar, pumipili ng iinumin.

 

 

“Gi—“

 

“Hi, beautiful?”

 

“Huh?” Pareho kami ni Giselle ng reaction nung bigla siyang sinabihan nun ni Ningning

 

“You’re the prettiest girl I’ve seen tonight. May I know your name?”

 

 

Is this really Ningning??

 

Nakita kong napatingin sakin si Giselle na parang nagpapatulong.

 

Girl, I don’t know what to do rin??

 

 

“I’m Aeri but people mostly call me Giselle.”

 

“Giselle? But I think Aeri is prettier. Can I call you that?”

 

 

Oh my God.

 

Yung confidence ni Ningning nag-uumapaw.

 

Marunong pala lumandi ang intsik na ‘to!

 

 

“Yeah, sure.” Awkward niyang sagot

 

“So, are you a relative of Ate Yeri or friend?” Mukhang hindi niya napansin si Giselle that night

 

“Friend. I was there nung inano mo sila Karina.”

 

Nagpanic naman bahagya si Ningning but she gave her an apologetic bow afterwards making the two of us panic, “I’m really sorry for my actions. I hope I can redeem myself, and prove na hindi naman ako ganung tao.”

 

 

Oh my Gosh.

 

Sino ‘to? Hindi si Ningning ‘to!

 

 

Giselle panicked at pilit na tinutuwid si Ningning, “Please, okay lang. seeing you here means na probably okay lang din sa kanila. No need to prove anything.”

 

“Then, can I prove that my affection for you is real nalang? I think na-love at first sight ako sayo.”

 

“W-What?”

 

 

It’s funny to see Giselle this flustered.

 

The usual composed and never shaken Giselle is now blushing so hard.

 

Yung usual Ningning din na serious type is being this cheesy. I never knew she had this in her!

 

Medyo ang private na nung usapan nila kaya ako na mismo yung umalis dun.

 

Good luck to this unusual yet cute soon to be lovers.

 

Ramdam ko na.

 

---

 

I honestly feel like nung nagising ako.

 

One thing I hate the most is waking up to my alarm kapag lasing ako.

 

Okay, it’s my fault na rin kasi uminom ako. Hindi ako nakinig kay Jimin.

 

But wala na akong magagawa.

 

I just hope a cup of coffee will help me.

 

I brewed a strong coffee habang nag-iisip kung ano yung susuotin ko for later.

 

I don’t know what to wear!!

 

Nakalatag na lahat ng damit ko sa bed pero wala pa rin akong napipili.

 

This is an emergency!

 

I texted Giselle and Ate Irene.

 

Kahit kay Eunbi na hindi ko gaano ka-close, tinext ko na rin.

 

I was about to message Yuna but I rather not.

 

Baka makatunog and usisain ako.

 

Hindi pa ako ready malaman niya yung kahit na ano.

 

Thankfully, may isang nag-reply.

 

Ate Irene, my savior!!!

 

 

To: Ate Irene

 

Ate, can I call you? I need some help lang.

 

 

It didn’t take long nang tumunog yung phone ko. there’s a video call request from Ate Irene.

 

Agad ko namang sinagot.

 

 

“Hello, Winter. What do you need?” Ate Irene asked in a sleepy tone. Mukhang kakagising niya pa lang.

 

“Ate, I don’t know what to wear kasi.” Reklamo ko

 

“Saan ba? What’s the occasion?”

 

“Aalis kami ni Jimin, pupunta kami ng Antipolo.”

 

“What?” Ate Irene looked like she wanted to laugh, “You’re panicking like this just because aalis kayo ni Karina?”

 

“Yes.”

 

“Akala ko naman meron kang pupuntahang kasal or something.”

 

“This is more important than any weddings, Ate. Unless kung yung samin yun.”

 

I heard her laugh from the other line, “Nakukuha mo yung kahanginan kay Jimin ha.”

 

“Sorry.” I replied with a small grin

 

“Pero Jimin prefers it to be simple lagi. Hindi naman siya mahirap mapa-impress. It’d be good if maipapakita mo sa kanya yung natural side mo.”

 

“Like, should I just wear something simple?”

 

“Yes, Win. I mean, you’re pretty already. You can wear anything you want and maganda naman yung kalalabasan.”

 

Napangiti ako, “Si Ate, binobola pa ako.”

 

“I’m not! It’s true kasi.”

 

“Fine, sabi mo eh.”

 

 

TIniginan ko yung mga nakalatag na damit sa bed.

 

Kinuha ko yung yellow knitted long sleeve sweater ko dun at pinakita kay Ate Irene.

 

 

“What do you think of this, Ate? Okay lang ba?”

 

She nodded her head, “Hmm, yes. It’s cute and bagay sa pupuntahan niyo. Medyo malamig sa Antips kapag gabi.”

 

“What should I pair this with kaya?”

 

“Denim would be fine tapos sneakers. Just add accessories if feeling mo hindi enough.” Suggest niya

 

“Noted. Thank you, Ate. You’re the best.”

 

“No problem, Winter. Good luck sa date niyo.”

 

---

 

We’re now inside her car, and she’s blasting music sa speakers niya.

 

It’s kind of weird kasi hindi OPM yung pinapatugtog niya.

 

It’s my kind of genre.

 

 

“You listen to songs like this?”

 

She shook her head, “But you do.”

 

 

Now what do I do with this information, ha?

 

What is that suppose to mean?

 

Aasa na ba ako?

 

 

“You don’t have to adjust your preferences. Just play whatever you want.”

 

 

Wala lang. Kahit kinikilig ako sa actions niya, gusto ko pa rin gawin niya kung ano yung gusto niya.

 

 

“Okay lang, gusto ko rin malaman kung ano ba yung mga gusto mo.”

 

“What..” I was too stunned to speak. Lumingon nalang ako sa bintana to hide my face, “Why are you being so sweet? Hindi ako sanay.”

 

“Ayaw mo?”

 

“May sinabi ba ‘ko?”

 

“Wala.”

 

 

I didn’t talk and ganun din siya.

 

It’s our first time in a while na magkaroon ng awkward silence.

 

What the hell is with this atmosphere?

 

Tinignan ko siya.

 

Nakatingin siya sa road but I know that she’s distracted.

 

Hindi mapakali yung eyes niya.

 

 

“There’s something wrong with you, I can feelt it.”

 

“Pansin mo rin?” She amusedly asked

 

“It’s painfully obvious.” I sighed, “So, what’s wrong?”

 

“Secret walang clue.”

 

 

My god.

 

 

“I won't force you pero just so you know, I’m always willing to listen.” She gave me a grin nung sinabi ko yun

 

“Give me a few minutes, mag-aaway ulit tayo.”

 

“That’s more like us, Jimin.”

 

 

That’s what she said pero minutes have passed pero mukhang hindi pa rin siya okay.

 

Medyo naiinip na ako pero I don’t want to force it out of her.

 

Maaga pa naman.

 

Baka lang may iniisip siya.

 

…hindi niya naman ako iiwanan nalang out of nowhere no?

 

Like sabihin na, “Winter, I don’t think I can continue to stay in your life.” Or something like that.

 

Hindi naman, no?

 

 

“Winter.”

 

“What?”

 

“You look very pretty today.”

 

 

Alam na alam niya talaga kung paano ako kukunin.

 

Napangiti tuloy ako kahit na ayaw ko naman.

 

Paano ako magtatampo niyan?

 

 

“Hindi mo ako madadaan dyan, Jimin. Try again.” I tried to fool around, pero sineryoso naman niya

 

“Sinuot ko yung binili mo sakin na crop top and dala ko rin yung sky blue hoodie. I liked it a lot, thank you.”

 

 

That’s the first thing I noticed nga kaninang pagkababa niya.

 

It looks so pretty sa kanya. It made me want to buy her more clothes in the future.

 

It’s nice to know na hindi lang naman pala ako ang nagpapa-impress dito.

 

 

“Didn’t you thank me for that already? Try again, Jimin.”

 

“Um.. Ngayong araw, can I pay for everything? Pwede bang wag ka gumastos kahit piso?” Nag-aalangan niyang tanong

 

 

Now, dito na talaga ako mag-ooverthink.

 

 

“Why?”

 

“Gusto ko lang..” I’m not convinced

 

“I'm a little lost, why are you doing this?”

 

“Trip ko nga lang? Kasi ikaw yung nanlilibre sakin lagi, parang wala pa akong naibigay sayo.”

 

 

Jimin, you being by my side is already priceless.

 

Bakit ba bigla niyang naiisip ang bagay na yan? It wasn’t an issue before naman ah?

 

 

“That’s literally our deal, Jimin.” Paalala ko sa kanya

 

“Oo nga, pero kahit ngayong araw lang sana pwede mo ba akong pagbigyan?”

 

“Bigyan mo muna ako ng magandang reason para pagbigyan kita.”

 

“Gusto lang kita ilibre para hindi unfair sayo.”

 

“Hindi naman sya unfair sakin.”

 

 

Ako yung well-off saming dalawa.

 

If hindi ko gagastusin yung pera ko, san lang to mapupunta?

 

Unlike her na marami siyang pagkakagastusan.

 

 

“Gosh, pumayag ka nalang!”

 

“Bakit mo ‘ko sinisigawan?!”

 

 

I shouted back syempre.

 

Bakit niya ba ako sinisigawan at bakit niya ako pinipilit?!

 

 

“Kasi ayaw mo pumayag. Ikaw na nga ililibre dyan!”

 

“But you don’t have mon—I mean, may pinag-iipunan ka!”

 

 

Hindi niya nabanggit kung ano yun but she told me before na kaya tinitipid niya yung sarili niya sa pagkain ay dahil meron siyang pinag-iipunan.

 

Ayoko namang gastusin niya yun para sakin.

 

 

“Pwede naman ulit ako mag ipon, tsaka hindi naman masyadong mabigat kung kahit ngayon gabi ako naman manlibre sayo.”

 

 

I looked at her suspiciously.

 

Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit siya namimilit dyan.

 

It’s giving me bad vibes.

 

Iiwanan niya na ba ako?

 

Ano, pasisiyahin ako tapos kapag pauwi na kami bigla akong iiwan?

 

Ayoko nga!

 

 

“Hindi ko gusto yung dating. Parang sinasabi ng guts ko na may masamang mangyayari. Iiwanan mo na ba ako?”

 

Tumawa si Jimin but hindi nun nabawasan yung kaba sa puso ko, “Oa ka, masama ba na i-treat din kita paminsan-minsan?”

 

“But you never did! Ang out of nowhere lang kasi tapos idagdag mo pa na super odd mo ngayon!"

 

“Baliw, you think too much. I simply want to treat you to dinner and maybe some ice cream after. Makapagsalita ka kala mo gagastos ako ng 10k sayo.”

 

I rolled my eyes, “Sa kuripot mong yan, I know you won’t. Pero ako ang mas nakakaluwag dito so why don’t I just pay for today?”

 

“No, ako ang nagyaya this time kaya ako na yung magbabayad.”

 

“Just save it, Jimin. Marami kang pwede mabili sa pera mo.”

 

It’s her turn na irapan ako. Aba? “Now, you’re lecturing me about sa pera kahit na sobrang gastos mo.”

 

“Kasi may pang gastos ako. Mas need mo ng money so just save it, okay?”

 

“You know, may pinanghahawakan din ako na pride.”

 

 

Oh.

 

Sorry, but let me crush that pride of yours din muna.

 

I’m starting to worry na here oh.

 

 

“I’m sorry, pero I still won’t let you pay for our meal. Labag na nga sa loob mo nung nilibre mo ko nung unang araw nating nag meet diba?”

 

 

I still remember it no.

 

Labag na labag na sa kalooban niya yung 50 pesos ata na meal.

 

 

“Iba naman kasi yun!”

 

“Panong iba?”

 

“You’re a stranger before and ngayon..” Hindi niya matuloy kaya I smirked at her

 

“Ngayon, ano na?”

 

“F-foodtrip buddies and friends.” Why is she stuttering bigla dyan? Ang cute lang

 

“Hmm, okay. Pero hindi pa rin ako papayag.”

 

“Sige na, Winter. Let me pay kahit ngayong gabi lang! May reason naman ako.”

 

 

Ayan na.

 

Lumabas na rin sa bibig niya.

 

May reason kung bakit siya ganito.

 

 

“Then tell me the real reason. Hindi ako naniniwalang gusto mo lang ako ilibre.”

 

“Hindi pwede.”

 

“See, kaya ang suspicious! Meron kang balak pero ayaw mo sabihin sakin.” Iiwanan niya na ba talaga ako?

 

“Hindi ba pwedeng pagkatiwalaan mo nalang ako dito, Winter?” I softened up. I trust her, like a lot.

 

“I want to, pero it scares me. Bakit ka ba ganito ngayon?”

 

“Personal reasons, hindi mo pwede malaman”

 

“Kakainis ka.”

 

“After this, pwedeng ikaw na ulit manlibre sakin.”

 

“Hindi ka mawawala?”

 

Jimin smiled and extended her hand to poke my left cheek, “Hinding-hindi.”

 

 

Yun lang naman ang kailangan ko marinig.

 

 

“Then, fine. Do what you want.”

 

----

 

Yung akala kong last na naming pagtatalo for this day, nadagdagan pa.

 

Binaba ko yung menu at tinignan si Jimin na parang hindi rin natutuwa sa price.

 

 

“Sabi na eh, ang pricey dito. Wag tayo dito.”

 

“Anong pricey? Sakto lang naman yung presyo.”

 

 

????

 

 

“Sakto? A ing soup costs 375 pesos and yun na yung pinaka-cheap dito.” Sabi ko pa as I pointed dun sa menu

 

“Kailan ka pa namahalan sa ganyang presyo? Kaya mo nga bumili ng Louis Vuitton bag without batting an eye.” Now she’s using that card sakin

 

“It’s not about me, Jimin. Worried ako sayo.”

 

“Ilang beses ko bang sasabihin na okay nga lang? Ano, gusto mo ba ipakita ko pa sayo yung pera ko?” I immediately shook my head naman nung nagtangka siyang ipakita yung laman ng wallet niya

 

 

Stubborn af!!

 

 

“Seeing you this persistent is giving me bad vibes talaga.”

 

“You think too much, Winter. Umorder ka nalang ng gusto mo, nakakahiya kay Kuya naghihintay.”

 

 

Hmm.

 

What’s the cheapest dish ba?

 

Ah, ito nalang.

 

Pinakbet.

 

Tita used to cook this sa bahay.

 

 

“Then, I’ll have the pinakbet.”

 

“Ha?!”

 

 

I looked back at her and mouthed, what?

 

 

“Mostly gulay yun, Winter.”

 

“And? Bawal ako kumain ng gulay?”

 

“Hindi mo kailangan mag adjust para sakin. Just order what you want.”

 

“Ito nga yung gusto ko.”

 

 

Hindi ito yung pipiliin ko if ako yung gagastos but hindi naman ibigsabihin na hindi ko ‘to kayang kainin.

 

I just don’t want to make it hard for her—

 

 

“I’ll have the Ribeye steak po tapos 2 garlic rice for the both of us.”

 

“Ha?! And mahal mahal naman nun!” it’s my turn to complain naman

 

 

It costs 1,400 pesos! Tapos garlic rice pa.

 

 

“Pake mo ba? Hindi naman ikaw ang gagastos.” Pag imitate niya sakin

 

“You’re so annoying.”

 

 “Um, drinks po ma’am?”

 

“Wate-”

 

“Dalawang home made glass iced tea, thanks.”

 

“Okay po.”

 

 

Bakit ang bilis niya sumagot?!

 

Inis ko siyang sinipa sa ilalim na lamesa.

 

Tinignan niya ako ng masama pero hindi ako nagpatalo.

 

Bring it on, Yu!

 

 

“That home made iced tea costs 120 pesos and a ing water is free, Jimin. Nag-iisip ka ba?”

 

“Nakakatawa marinig yan sa dakilang gastadora.” She replied sarcastically, “Ano ba ang akala mo sakin, kapos na kapos sa buhay?”

 

 

When did I ever say that?

 

 

“Hindi naman sa ganun. Nasasayangan lang ako sa pera mo.”

 

“Nasasayangan ka sa pera ko, pero hindi ka nasasayangan sa pera mo. Ilan yung binili mo sakin na damit? Not less than 10. Kung idadagdag mo pa lahat nung pinangkain natin, wala lang ‘to sa lahat ng ginastos mo sakin, Winter.”

 

 

This is not about me! Bakit ba lagi niyang nire-reverse sakin?!

 

 

“Kasi nga may panggastos ako.” I argued, trying to prove a point

 

“No, you don’t get my point kasi. Ang sabi ko, gusto kita ilibre paminsan minsan. Bakit hindi pwede? Kasi mahirap ako? Akala ko ba friends tayo? Bakit parang one-way friendship lang yung dating?”

 

 

It took me awhile to process all that.

 

Sunod sunod ba naman yung questions niya.

 

Hindi naman ganun yung gusto ko iparating sa kanya.

 

I just don’t want to bother her.

 

 

“Hindi naman sa ganun, Jimin-”

 

 “No, ganun ka mag-isip. May pride din naman ako, ayokong ako lang lagi yung nakakuha ng benefit kaya kahit ngayong araw lang, ako naman yung gagastos.”

 

 

I didn’t answer.

 

I just stared straight into her eyes.

 

She looks dead serious at parang sinasabi ng eyes niya na kahit na anong sabihin ko, hindi siya magpapatalo tonight.

 

Ah, it.

 

 

“Fine.”

 

 

Jimin finally smiled at nawala na yung tense atmosphere samin kani-kanina lang.

 

Okay na ulit kami.

 

That was quite intense ha.

 

The waitress arrived with our drinks and si Jimin agad na tinikman.

 

I did the same.

 

Masarap.

 

Worth it naman ata yung 120 pesos.

 

Ah right.

 

May naalala ako.

 

Nung birthday ni Yeri ko pa sana ‘to balak itanong sa kanya but I never had the opportunity.

 

 

“May sinabi sakin si Ate Irene.”

 

“Ano yun?” She asked absentmindedly kasi busy siya dun sa cube ice

 

“Na you two used to date nung SHS ka.”

 

 

Jimin almost choked dun sa mismong ice cubes dahil sa pagkagulat.

 

She probably didn’t expect na mabri-bring up yun bigla dito.

 

 

“Ano pa sinabi nya sayo?”

 

“Marami ka daw dinate nung SHS ka.”

 

 

Based on her reaction, tama nga.

 

Okay, kumalma ka.

 

Past is past.

 

Pero kasi just the thought of Jimin fooling around with other people makes my heart clench.

 

Sila kasi ang nakauna sakin.

 

 

“Clarify ko lang ha, feel ko hindi naman kami nag date ni Ate Irene talaga. Magkausap kami lagi noon pero nung nag meet up kasi kami, na weirduhan kami sa isa’t isa at nag decide na maging friends nalang.”

 

 

Natawa ako kasi halos same sila ng sinabi ni Ate Irene.

 

 

“Anong klaseng situation yun?”

 

“Seryoso yun! Casual talks lang naman kami noon pero sa tinder kasi kami nagkakilala kaya parang iisipin mo na kalandian talaga hanap. Pero never naman kami talaga naglandian, I guess? Basta nag-uusap lang kami about stuffs on a daily basis.”

 

 

But is talking to a friend, updating them on a daily basis, considered normal?

 

Me and Vicky don’t do that naman.

 

Or may ibang forms pa talaga ng friendship at sadyang unique yung amin?

 

 

“Isn’t that also a form of flirting?” tinanong ko nalang instead of jumping into conclusion

 

“Is it? Wala na kasi yung conversation namin kaya di ko maipakita. Parang friends lang talaga kami mag-usap. Tapos nung nag meetup kami, ako yung naglakas loob na sabihin na parang di kami talo.”

 

 

Tawang tawa ako kasi hindi ‘to sinama sa kwento ni Ate Irene.

 

Si Jimin pala ang parang nang-reject sa kanya!

 

Meron na akong pang-asar kay Ate Irene.

 

 

“Sorry, wala kasing filter bibig ko dati pero at least, hindi na tumagal. Sabi din ni Ate Irene afterwards na wala daw syang ma-feel. Parang ang pa nga ng dating kaya we stayed as friends nalang and dun na sila nagkakilala ni Seulgi.”

 

“Tulay ka sa couples, no? Eunbi with Sakura tapos Ate Irene with Ate Seulgi.” How about try mo naman bumuo ng tulay papunta sakin?? Just kidding. Unless??

 

“Ate Seulgi..? You’re calling Seulgi, Ate??” Jimin asked like it was the most ridiculous thing she heard today

 

“Ate ko naman talaga sya, diba? 2 years ang tanda nya sakin.”

 

“Bakit hindi mo ko tinatawag na Ate?” Ate Jimin? Ate Karina? Hindi ko kaya!

 

“It feels weird.”

 

“Try mo lang.”

 

“Ayoko nga!” I strongly disagreed. It feels wrong, ang out of reach kapag tatawagin ko siyang Ate, “Tsaka gaano ba kadami yung dinate mo nung SHS ka?”

 

“Hindi ko na mabilang.”

 

 

I stared at her in disbelief pero tinawanan niya lang ako.

 

Hindi niya na mabilang kasi sobrang dami??

 

What the heck!

 

 

“You date both genders diba? Sino mas lamang?”

 

“I think mas madami akong na-date na lalaki kasi papalit-palit ako.” Tumawa pa siya pero ako hindi ako natutuwa. Malapit ko na mapunit yung damit ko sa sobrang higpit ng hawak ko, “Kasi it’s either di ko sila feel or panget yung ugali nila.”

 

“So basically, you’ve dated a lot of guys pero mabilis lang yung duration?”

 

“Bingo. Pinakamabilis is 2 hours and pinakamatagal is 1 week.”

 

 

What the actual--?

 

2 hours?!

 

Ano yun, para kang nag computer shop lang?

 

I can’t believe what I’m hearing.

 

I clarified it sa kanya, hoping na baka iba yung image ko sa kanya but it turns out na totoo pala.

 

Mas malala pa.

 

 

“So yung picture na pinakita mo pala before is hindi mo lang aura, you’re a playgirl talaga.” Yung medyo maiksi yung hair niya

 

“Correction ha, I’m a decent playgirl.”

 

 

Napairap ako.

 

Still doesn’t change the fact na playgirl ka.

 

 

“Sino yung 1 week mo?” I probably wouldn’t know him pero gusto ko lang malaman.

 

“Medyo marami sila eh. I think it’s Jihoon, Jungwoo, Jaemin and Jaehyun?”

 

 

Unbelievable.

 

 

“Hindi ka naman mahilid sa J no?”

 

“Hindi ko napapansin.”

 

“Then how about girls? Sino pinakamatagal mong dinate?”

 

“3 months ata di ko sure.” Masyado na ba siyang napagod at ang layo ng sagot niya sa tanong ko?

 

“Ang tanong ko kung sino, hindi kung gaano katagal.”

 

“Oh bakit ka nagagalit agad.” Inirapan ko lang siya bilang sagot, “Si Eunbi.”

 

“I see, so bakit kayo nag stop mag date?”

 

“Naghahanap ng label.”

 

 

Tama nga yung sinabi ni Ate Irene.

 

 

“And ayaw mo?,” she nodded, “Dahil ba kay Wonyoung?”

 

 

Again, she choked on the iced tea that she was drinking.

 

 

“Bakit naman siya nabanggit dito?” She asked, nagpapatay malisya

 

“Ako pa ginawa mong tanga, Jimin.”

 

“Yeah, dahil nga sa kanya.” Good thing at inamin niya rin. Expected ko na pero bakit parang ang sakit pa rin? “Ikaw naman magkwento, puro naman ako.”

 

 

Oh, a change of subject.

 

Mas okay nga siguro.

 

Baka mawala na ako sa mood ng tuluyan if patuloy naming pag-usapan si Wonyoung.

 

 

“I don’t have exes tulad mo.”

 

“Kahit crush wala ka?”

 

 

Crush??? We’re not in high school anymore.

 

Napatingin ako sa kanya.

 

Maybe I should a bit.

 

 

“Meron.”

 

“Sino?”

 

“Secret walang clue.” I copied her line kanina

 

“Ang daya mo, Winter.”

 

“I know right.”

 

 

Serves you right!

 

Dumating na yung inorder naming and I guess may justice naman yung mataas na price kasi it looks good.

 

I was about to pull my pinakbet when Jimin beat me to it at inilagay sa tapat ko yung ribeye steak.

 

 

“Yu Jimin, what are you doing?” Inis kong tanong

 

“Uh, kakain na?” Kunwari ka pa!

 

“That’s my order!”

 

“Pwes, akin na siya ngayon. Kumain na tayo.”

 

 

Hindi ako mapalagay.

 

Wait. Alam ko na.

 

Dito, hindi na kami magtatalo.

 

 

“You’re so gahaman, we can share nalang sa both.”

 

“Sige, since madami naman.”

 

 

We took pictures of it muna and I made sure to send it sa kapatid ko.

 

Nakaugalian na naming magsend ng mga kinakain namin araw araw.

 

Nate-tempt akong isama yung stolen shot ni Jimin but masyado pang maaga.

 

 

“Sino nga yung crush mo?” Biglang tanong ni Jimin nung natapos kami mag picture

 

“Hindi ko nga sasabihin.”

 

 

What I feel for you is not a mere crush lang din naman kasi kaya wala rin akong masasabi.

 

But sige, for the sake of pang-aasar sayo, ikaw na rin yung crush ko.

 

 

“Kilala ko?”

 

“Oo ata.”

 

 

Ata hahsdhahsah.

 

Bahala ka mag-isip dyan.

 

 

“Taga Ateneo?”

 

“Nope.”

 

“Sa Big 4?” Big 4 ang UP, right??

 

“Yeah.”

 

“Dean’s lister?” Napataas ako ng kilay. Bakit relevant ‘to?

 

“Yup.”

 

“Varsity player ba yan?”

 

“Oo.”

 

 

Napasandal siya sa upuan at nag isip.

 

Yu Jimin, all the clues points to you!

 

Ang tanga tanga mo sa ganitong bagay, medyo naiiyak na ako.

 

 

“Hindi mo mahuhulaan kasi tanga ka, kaya wag mo na isipin.”

 

“Eh, curious ako.”

 

 

I only smirked at her at bumalik sa pag kain.

 

 

“Siya yung dahilan kung bakit blonde yung buhok ko with blue highlights.” Dagdag ko pa

 

 

Well, it’s really Myoui Mina.

 

Patay na patay ka kasi sa kanya back then.

 

I had to dye my hair in blonde kasi gusto kong makakuha ng reaction gaya ng binigay mo kay Mina.

 

But then again, hindi ako si Myoui Mina kaya wala akong nakuhang ganun.

 

Siya talaga ang pinakamalaking balakid sa pagmamahalan namin ni Jimin.

 

 

“Seryoso?”

 

“Yup.”

 

“Ang panget ng blonde sayo, hindi bagay.”

 

 

I laughed.

 

Why is she so bitter dyan?

 

 

“Edi ano bagay sakin?”

 

“Black hair pa rin.” Hmm, okay

 

“Pero sabi mo nung nasa condo tayo, mas prefer mo yung blonde.”

 

“Not anymore, mas maganda ka sa black.” She insisted

 

“I see.”

 

 

Kung ano ang gusto ni Jimin, then dun ako.

 

I should book an appointment sa salon tomorrow.

 

 

“Sya rin nagsabi sakin na mahilig sya sa long hair kaya kahit sanay ako sa short hair, pinahaba ko sya.”

 

 

Never niya naman sinabi yan, sa pagkakaalala ko.

 

Gusto ko lang talaga asarin si Jimin ngayon.

 

Binabaliktad niya kasi lahat ng sinasabi ko.

 

Is she jealous?

 

 

“You’re stupid. Hindi bagay sayo long hair. Bagay sayo short and black hair.”

 

 

See?

 

I could only laugh to hide my kilig.

 

She doesn’t like the idea of me having a crush on someone at sinusunod ko pa yung mga gusto niya.

 

 

“Sino ba kasi yun? Pano nya nagagawang mapasunod yung isang kagaya mo? Sobrang perfect nya ba?”

 

 

Yes, you are beyond perfect.

 

Kahit na ang isang stubborn na katulad ko, willing sundin lahat ng gusto mo.

 

 

“Yes, super perfect nya. Wala ata syang hindi alam gawin.”

 

“Marunong ba sya mag taekwondo?” I nodded. Nabanggit ni Yuna na gusto niya pa nga maging athlete before, “Anong belt niya?”

 

“Black.”

 

“Well, may black belt ako 1st degree. Siya ano?”

 

“Same kayo.”

 

 

Kasi iisa lang naman kayo.

 

If this continues baka mamatay nalang ako kakatawa and umamin sa kanya.

 

She’s so cute.

 

Nagpapa-impress siya sakin oh, ang sarap panggigilan.

 

 

“Marunong ako mag swimming, nananalo ako sa ilang competitions noon.”

 

“Marunong din siya and suki din ng competitions.”

 

“Marunong ba sya mag piano? Ako kasi, hindi ko na mabilang yung awards na nakuha ko nung elementary palang ako. Baka isa na ‘ko sa pinakasikat na pianist kung pinursue ko sya ngayon.”

 

 

Oh my God ginamit niya na nga yung pianist card niya!

 

If there’s one thing she’s very confident about, it’s probably her piano skills.

 

I never heard her play before tho.

 

Ayaw niya nang lumapit sa piano dahil baka hindi niya na naman daw pakawalan.

 

 

“Marunong din siya and marami ring awards na nakuha.”

 

“Magaling ba sya sumayaw? Ako kasi, member ng dance club since grade 8 tapos nag galvanize pa ako nung SHS”

 

“Magaling syang sumayaw tapos member ng dance club, I think naging dance captain pa sya.” Jimin, you literally became the dance captain nung grade 12 ka diba?

 

“Tch.”

 

 

Parang nag-iisip pa siya ng pwede niyang ipagmayabang.

 

How about I help her a little bit?

 

 

“Mabait din sya sobra, very patient and optimistic.” One of your many qualities that made me fall for you

 

“Sure ka bang kilala mo talaga yung taong yan? Baka naman sa una lang sya magaling.”

 

Umiling ako, “Sure akong hindi. Siya yung pinakamabait na taong nakilala ko.”

 

“K.”

 

 

So adorable!

 

Dapat pala nung una palang inasar ko na siya about dito.

 

She’s pouting like a baby, sobrang cute!!

 

I just want to kiss her and sabihin sa kanya na siya rin naman yung tinutukoy ko.

 

 

“Jealousy looks good on you, Jimin.” I teased

 

“Ano naman ikakaselos ko sa kanya? Lahat ng kaya nya, kaya ko naman.” Syempre, kasi ikaw din naman yun

 

“Meron syang hindi kaya gawin.”

 

“Ano?” why does she look excited bigla?

 

“Ang ma-realize yung feelings ko para sa kanya kahit sobrang obvious ko na.”

 

 

Like this oh, I’m basically describing you pero hindi mo mahalata.

 

I need to spell it out pa sayo.

 

 

“Wag ka mag settle sa mga ganyang tao. You’ll end up getting hurt lang.”

 

“Well then, kanino ba dapat ako mag settle?”

 

“Someone like me.”

 

 

Oh baby.

 

My naïve, dumb, stupid, and dense Jimin.

 

Of all people, bakit ikaw pa ang gusto ko?

 

Masisiraan na ako ng bait sayo.

 

The way you’re so confident about it pero hindi mo lang man magawang i-assume na baka siya yung gusto ko.

 

I love this woman so much.

 

---

 

“Ang ganda pala ng view dito.”

 

“Syempre, alangan namang dalhin kita sa bangin tapos makikita lang natin is kadiliman.”

 

“Pilosopo, kainis.”

 

 

Hindi pa rin ata siya tapos sa pagmamaktol dahil sa kanina.

 

Ang talas pa ng dila eh.

 

Humangin bigla nang malakas and kahit naka sweater ako, naramdaman ko yun.

 

 

“Ang lamig na.” pagpaparinig ko kay Jimin

 

“Wait lang, kuhain ko lang muna yung hoodie.”

 

Napangiti ako. Jimin never disappoints, “Bilisan mo.”

 

 

I scolded her nung tinry niyang abutin mula sa compartment niya yung hoodie sa backseat niya.

 

She’ll fall!

 

Napilitan tuloy siyang bumaba mismo or else I’ll go hysterical talaga.

 

Nung bumalik siya with her blue hoodie, I reached out for it but I received nothing.

 

Sinuot niya bigla yung hoodie and gave me a high five instead.

 

My God??

 

 

“Sabi ko nilalamig ako.” Pag-uulit ko

 

“Manipis ba yung sweater mo? Kawawa ka naman.” Nagawa niya pa akong asarin??

 

“Diba dapat ibigay mo sakin yung hoodie mo?”

 

“Bakit ko naman ibibigay? Nilalamig din kaya ako!”

 

 

Mali ako.

 

Jimin disappoints paminsan-minsan.

 

 

“Pero sa movies, pag yung babae nagsabi na nilalamig sila, yung male lead binibigay yung jacket nila kahit sila din nilalamig.”

 

“Excuse me, babae din ako kaya hindi applicable sakin yan.” She reasoned out “Tsaka, kahit yung mga lalaki hindi naman talaga yan ginagawa in real life. Kung meron man, bihira lang.”

 

 

Grabe lang talaga. Wala akong masabi.

 

Wala akong masabi kasi may point naman.

 

 

“Grabe, galing mo mag establish ng romantic atmosphere pero ang galing mo rin sirain no?”

 

“So you’re saying na romantic yung atmosphere natin?”

 

“Isn’t it obvious? Tanga ka talaga.”

 

“Makatanga ka naman.”

 

 

Hindi ko na siya pinansin at niyakap nalang yung sarili ko.

 

Bakit ba kasi ang lamig ngayon?

 

Naka-crop top din si Jimin pala kaya I’m quite insensitive dun sa part na gusto ko pang kunin yung hoodie niya.

 

After a while, I felt her slightly pulling me towards her.

 

I was about to ask kung anong trip niya when I felt her arms wrapping around my waist, making me feel warm.

 

 

“Ayan, para fair tayo. Hindi ko pwede ibigay yung hoodie ko sayo kasi sisipunin ako.”

 

To hell with that hoodie, this one’s better. “Okay, I prefer this.”

 

 

Sumandal ako sa kanya and I instantly felt comfortable and warm.

 

This is it.

 

I don’t mind it kung makikipagtalo ako sa kanya buong araw as long as I get cuddles at the end of the day.

 

Baka makatulog ako nito.

 

The most comfortable place in the world will always be in her arms.

 

 

“Winter, if you don’t mind, gusto ko sana magkwento ka about your family.”

 

 

I lightly flinched with the mention of my family.

 

Parang ang out of nowhere naman ata.

 

Nag panic ako bigla at kung ano anong thoughts na ang pumapasok sa isip ko.

 

Meron ba siyang alam?

 

Alam niya na ba yung totoo?

 

Kaya niya ba itatanong kasi gusto niya akong i-test?

 

Kinakabahan ako.

 

 

“Joke lang, we can talk about anything.” Pagbawi niya

 

“No, okay lang. Just curious bakit bigla mong natanong.”

 

“Wala lang, feeling ko kasi kilalang kilala mo na ako pero hindi pa rin kita kilala.”

 

 

Really? Feeling ko nga ang ingay ko kasama siya.

 

 

“Yun lang?”

 

“Yun lang.”

 

 

Thank God.

 

She’s just plain curious pala.

 

 

“Okay, ano ba gusto mo malaman?”

 

“Meron kang kapatid?”

 

“Meron isa. Grade 12 student sya.”

 

“Ano name nya?" I lightly pinched her hand kasi bakit ba curious na curious siya sa kapatid ko?

 

"Wag na, baka ahasin mo pa."

 

"Huy grabe ka!"

 

"Overprotective Ate ako kaya wag mo na itanong."

 

 

Baka rin mauga ka if nalaman mo.

 

 

“Tell me about your parents nalang.”

 

 

Okay…

 

Basics lang, Winter.

 

Since she’s kind of dumb, hindi ko naman na kailangan itago kung ano talaga profession nila Mommy.

 

 

“Both are lawyers. Si Daddy, galing na talaga sya sa family ng mga Lawyers tapos si Mommy, self made yun. Mahirap lang din daw sila before and may conflict sya sa family nya kaya medyo malayo sya dun. Ano pa ba? Actually, wala akong alam sa kanila bukod sa basic information. Parang hindi nga ako anak.” I faked a laugh para hindi gaanong serious

 

“Bakit wala kang masyadong alam? Both are your parents diba?”

 

“Sabi ko sayo I grew up in Switzerland, diba? 5 years old palang andun na ako. Tapos kakauwi ko lang last year and super busy sila so we have no time to get to know each other, I guess.”

 

She hummed, "Okay sige, parang hindi ka komportable sa sinasabi mo. Drop na natin yung topic about sa parents mo."

 

"Thanks." Kahit na dense siya, hindi naman siya insensitive “May gusto ka pang itanong?”

 

"Bakit ka nga pala nasa Switzerland wherein yung rest of the family mo is nandito lang?"

 

 

Of course, she’ll ask that.

 

Ang unusual naman kasi.

 

Okay lang naman siguro mag open up ulit ako no? Since si Jimin naman ‘to.

 

Sasabihin ko na sa kanya yung mga bagay na hindi ko nasabi noon.

 

 

"Hmm, let's just say na hindi ako kayang makita ng family ko." Panimula ko

 

"I don't get it, Winter. Linawin mo naman."

 

"Yun na nga yun. Ayaw akong makita ng parents ko."

 

"Why? Uy, pero hindi kita pinipilit ha! Sabihin mo lang sakin kapag kaya mo."

 

"Hindi ko talaga sinasabi to but since it's you, okay lang."

 

 

Since I trust you that much.

 

 

"My mom hates me kasi kamukha ko sobra si Lola. Malaki kasi galit nya dun kaya everytime daw na nakikita nya ako, nagagalit sya. Si Daddy naman, hindi nya matanggap na bobo yung panganay nyang anak."

 

"Ha?!"

 

 

That was a strong reaction.

 

Masyado na akong nasanay sa situation ko kaya nakakalimutan kong hindi nga pala ito normal occurrence sa isang family.

 

 

"Pano ba yung definition nya ng bobo?"

 

"3 years old expected na tuwid na magsalita, pero nung 3 years old ako hindi pa din malinaw yung pananalita ko. 3 years old kasi dapat nursery na ako and dapat dun palang, ako na yung magaling. Ganun kasi sa side ni Daddy, super taas ng expectations kahit bata palang.”

 

 

First rule ata ng mga Mendoza ay dapat magaling ka sa lahat.

 

They believe that their bloodline is superior compared to everyone at parang isang malaking kasalanan if hindi mo na meet ang expectations nila sayo.

 

Kaya nga I’m happy that at least Yuna’s good at everything. Ayokong maranasan niya yung naranasan ko.

 

 

"2 years old palang si Yu—I mean, yung kapatid ko pero marunong na syang magbilang and diretso na sya magsalita. Ever since then, sa kanya na lahat ng atensyon. I kind of get it kasi bakit naman sila mag-aaksaya ng panahon para sa isang batang sobrang bagal ng progress?”

 

“That’s too cruel..”

 

“I know, buti nalang nakita ni Tita yung situation ko nun kaya nung nag migrate na sya sa Switzerland, sinama nya na ako. Yung masakit dun is hindi lang man nila pinigilan si Tita. Para ngang masaya pa sila na nawala yung pabigat sa pamilya.”

 

 

Kanina ko pa pinipigilan yung sarili ko na umiyak.

 

Opening up to someone is always so hard.

 

Ang sakit kasi balikan nung mga experiences na yun para i-kwento.

 

It didn’t help pa that’s Jimin hugging me so tight, like she’s trying to comfort me.

 

Pano ako hindi maiiyak niyan?

 

 

“Let’s not talk about this muna.” I decided na mag stop na before I get worst

 

“Alright, masyado pang maaga.”

 

----

 

“Yung crush mo, ano height nun?”

 

 

I’m quite amused dahil hanggang ngayon hindi niya pa rin pinapakawalan yung topic na yan.

 

Sinusubuan ko siya ng piattos when she asked me that.

 

 

“Akala ko ba dinrop na natin yung topic na yun?”

 

“Wala lang, na-curious lang ako bigla kung ano pa ba yung nagustuhan mo sa kanya.”

 

 

Tapos you’ll compare yourself na naman sa kanya?

 

 

“Hmm, 5’6 height niya.”

 

“5’6 lang?! Ang liit naman nya!”

 

“5’6 is really tall for a girl no.” Since ang average height ng mga babae is 5’4

 

“Babae?!”

 

 

I winced in pain nung biglang sumigaw si Jimin near my left ear.

 

Gulat na gulat??

 

 

“Hala, sorry. Masakit ba?”

 

“Medyo.. Bakit ka ba kasi sumisigaw?”

 

“Nagulat lang ako na babae yung gusto mo! Akala ko lalaki! Hindi mo naman sinabi sakin na L-”

 

“Stop right there, Jimin. I don’t put labels sa sarili ko. I just like her, as simple as that.”

 

 

Labels are so complicated. I’d rather not have it.

 

 

“Babae pala gusto mo tapos hindi ako yung crush mo? Hindi naman sa pagmamayabang pero I believe na sobrang dami kong good qualities and sobrang ganda ko pa.”

 

 

I laughed like there’s no tomorrow.

 

Yu Jimin…

 

Seriously.

 

Malapit na ako mabaliw because of you.

 

You think so highly of yourself pero di mo lang man magawang isipin na baka ikaw yung gusto ko.

 

 

“No joke talaga sa part na sa academics ka lang matalino.” Pang-aasar ko

 

“Huy, na-ooffend na ako! Ilang beses niyo na sinabi sakin yan!”

 

“Because it’s true! Sobrang tanga mo, nakakatawa ka and nakakainis at the same time.”

 

“Kanina mo pa ‘ko sinasabihan ng tanga.”

 

“Kasi totoo naman.”

 

“Bahala ka nga dyan, iiwanan na kita dito. Pasundo ka dun sa crush mo na sobrang perfect.” Aalis na sana talaga siya but I held unto her hoodie

 

“Ang pikon mo!” I can’t stop laughing. Sobrang naaaliw ako sa reactions ni Jimin para siyang ewan!

 

“Nakakainis ka kasi.”

 

Okay, I’ll stop na. inis na talaga ang baby. “Sorry na, dito ka lang. Ikaw kasi tinatanong mo pa tapos magseselos ka naman para kang tanga.”

 

“Hindi ako nagseselos no.” pagdedeny niya pa kahit halatang halata naman na

 

“Sure, Jimin.”

 

 

Inis niyang kinuha yung water bottle at uminom.

 

Napagod ka pa sa pagseselos sa sarili mo, Jimin?

 

Nakakatawa lang talaga.

 

Wait.

 

Now that I think of it, kanina niya pa ako inuusisa.

 

It’s my turn naman na to ask her aba!

 

 

“Lagi ka inaasar nila Yeri na malapit ka na raw magpagupit. Ano context nun? Sabi mo may goal ka.”

 

Sinarado niya na yung water bottle, “Ah, sabi ko magpapagupit lang ako kapag totally naka move on na ako kay Wonyoung."

 

"Ngayong hindi ka pa nagpapagupit means that you still like her?" I clarified.

 

Agad na umiling si Jimin, "Hindi naman sa ganun. Wala na akong feelings sa kanya pero I still think of her from time to time. Ang moving on sakin means that kahit isipin ko pa sya, di na ako masasaktan or manghihinayang."

 

 

So it means nasasaktan or nanghihinayang pa rin siya.

 

Okay.

 

But at least, wala na talaga siyang feelings for her.

 

It’ll be a big problem if meron pa rin.

 

 

“Ang dami mong alam, hindi ko inexpect na ganito ka.”

 

Tumawa siya, “Hindi ikaw ang unang tao na nagsabi sakin nyan.”

 

“What are you gonna do tomorrow?” Pag-iiba ko ng usapan. Ayoko talagang pinag-uusapan si Wonyoung kahit sobrang curious ako sa kanya.

 

“Not sure pa, pero matutulog ako ng mahaba. Di ako nakatulog kagabi.”

 

“Why?”

 

She paused. Parang iniisip pa if sasabihin niya bas akin o hindi, “Thinking about things.. And wag mo na tanungin kung ano yun, di ko sasabihin.”

 

 

Ay, may paglihim.

 

But okay.

 

Sana lang ako yung iniisip niya.

 

Joke.

 

As if naman.

 

 

“Now, you’re keeping secrets na.”

 

“Ako lang ba? Ikaw nga ayaw mo sabihin sakin kung sino yung crush mo.”

 

“Where’s the fun in that? Tsaka, I’m enjoying your reactions.” It’s funny to see you get jealous sa sarili mo

 

“You’re so annoying, nahahawa ka na sakin.”

 

 

Kinuha ko yung cadburry oreo sa plastic at binuksan yun.

 

Ang alat masyado ng kinain namin, I need something sweet.

 

Binigyan ko siya but she declined it.

 

Madali daw kasi sumakit yung lalamunan niya.

 

 

“May gusto ka bang puntahan bukas?”

 

“Okay lang ako kahit saan.” As long as I’m with you

 

“Intramuros tayo?”

 

I excitedly faced her, “My god, yes please. Hindi ko lang man na-enjoy because of Ningning. Kung saan saan kami napadpad kasi kung saan saan nya ako hinahatak. Tanga pa kami pareho sa directions kaya nag-away kami the whole day. Ang init pa nun!”

 

 

The struggle.

 

Buti nalang talaga niyaya ko siya nun sa mall or else kalimutan na natin yung pag build ng connection.

 

 

“Okay, punta tayo ng hapon? Kotse mo na gamitin natin ha” I kind of want to ride her car pa naman but okay

 

“I don’t mind.”

 

“Gusto mo rin ba umuwi na tayo? 11:30 na kasi.”

 

“What?”

 

 

I checked the time sa phone ko at 11:30 na nga??

 

I didn’t even realize the time.

 

Hindi mo talaga mapapansin yung kapag masaya ka—

 

 

 

“Yiee, yun ba yung picture natin sa ocean park?”

 

 

Oh my God.

 

I was careless!

 

Nakalimutan kong nasa likod ko lang pala siya kaya nakita niya yung lockscreen wallpaper ko!

 

It was an intimate picture of us last night!

 

 

“Wala kang nakita, Yu Jimin.” I threatened her

 

“Meron, at titignan ko ulit.”

 

 

This time, she forcefully grabbed my phone at tinignan ulit yung lockscreen wallpaper ko.

 

Mas nag panic ako nung sinubukan niya pang i-open yung phone ko dahil alam niya yung passcode ko.

 

Hindi ko na hinayaan umabot dun. Baka makita niya yung stolen picture naming na magkayakap sa backstage.

 

Giselle sent me that picture kasi last night.

 

Ginawa ko agad yun na homescreen wallpaper ko.

 

Ayokong makita niya kasi baka may maisip siya.

 

I pinched her dahil yun ang weakness niya.

 

Binigay niya agad sakin yung phone ko at tinignan siya ng masma.

 

 

“Sorry na, nagulat kasi ako. Bakit ba yan yung lockscreen mo?”

 

“Ano sa tingin mo?” I challenged her

 

“Kasi cute tayo?”

 

 

What did I expect from this dense woman?

 

 

“You’re really hopeless pero that’s true rin.”

 

“Hopeless na naman saan?”

 

“Pag-isipan mo.”

 

“Ayoko na mag-isip. Nag shut down na utak ko kasi bakasyon na.”

 

 “You’re funny, umuwi na tayo. I’m tired.”

 

“Hmp, iwas pa.”

 

----

 

We finally arrived sa condo and hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nag-yawn.

 

Sobrang inaantok na ‘ko!

 

Kanina niya pa ko ineencourage na mag sleep pero umaayaw ako kasi gusto ko siya samahan.

 

She’ll get lonely kapag hinayaan kong siya lang yung gising.

 

 

“Sleep over ka na kaya sa unit?” alok ko

 

“Baliw, ayoko. Pupuntahan ko pa si Yeji.” Nagising naman ako sa pag-mention ng name ni Yeji

 

“Pupuntahan mo pa? Gabing gabi na.”

 

“Oo, sabi nya kasi eh. Dyan lang naman sa white plains.”

 

“Isama mo ‘ko.”

 

 

I don’t want to be that person talaga ha pero ewan ko ba, lagi akong bothered tuwing nagkakasama silang dalawa.

 

Ayoko naman siya pagbawalan kasi sino ba naman ako diba?

 

I mean kahit na maging kami ni Jimin, hindi ko naman siya pagbabawalan na makipagkita sa friends niya dahil she had them first.

 

Sadyang hindi ko lang maalis yung feeling na ‘to.

 

I feel like Yeji still likes JImin.

 

 

“Di pwede.”

 

“Bakit naman?” Angal ko

 

“Meron kaming dapat pag-usapan na importante. Samin lang yun.”

 

“Ang daya mo rin.” I pouted. Ano naman kaya yun?

 

“Miss mo naman ako agad masyado. Aalis naman tayo bukas ulit diba?”

 

 

Buti nalang talaga meron tayong plans bukas or else hindi kita pakakawalan today.

 

 

“Fine, bahala ka sa buhay mo.”

 

 

Binuksan ko na yung pintuan ng car ni Jimin and gave her a quick hug bago bumaba.

 

I’m so damn tired.

 

Kung ano man pag-uusapan nila, sana walang magbago sa kung ano man kami ngayon.

 

Please, sana iba ka sa sinasabi ng gut feeling ko, Yeji.

 

---

 

Dahil sinabi sakin ni Jimin kahapon na mag bagay sakin ang black hair, hindi ko na pinatagal pa and dumiretso agad ako sa salon.

 

We’ll go sa intramuros mamaya kaya naman I woke up extra early para magpakulay ng buhok.

 

I don’t have plants to cut it short muna since gusto ko lang i-enjoy yung ganitong hair ko.

 

I think Jimin will like it din.

 

Good bye blonde hair for now.

 

You’ve been such a pain in the ! Ang hirap i-maintain!

 

 

“Winter? Right, you’re Winter diba?”

 

 

I looked up from my phone and saw Yeji mula sa reflection ng mirror.

 

Nice timing.

 

 

“Yes, and you’re Yeji.”

 

She smiled and nodded, “I am, buti naalala mo pa ‘ko.”

 

“Of course.”

 

 

Okay, awkward.

 

After that kasi wala nang nagsalita samin.

 

Hindi rin siya talkative ata talaga eh.

 

Ako naman bukod sa hindi talkative, I feel awkward kasi parang kagabi lang din, I have ill thoughts about sa kanya.

 

Ang weird lang na makikita ko siya agad after a few hours.

 

Umupo nalang siya sa tabi ng upuan ko at nilapitan na rin siya ng hairdresser.

 

Sa lahat ng mga kaibigan ni Jimin, sa kanya ako hindi masyadong close.

 

Probably because she’s kind of quiet din and hindi ko siya mabasa.

 

Hindi ko alam kung gusto niya ba yung presence ko or not.

 

 

“Wala si Karina?” Yeji finally asked

 

“Wala, tulog yun sa dorm niya.”

 

“I see. I guess everything went well nung nag antipolo kayo. Are you guys together now?”

 

“Huh? How did you know that?” Takang tanong ko, “And no, hindi pa kami.”

 

“Sinabi niya sakin nung birthday ni Yeri.”

 

 

Naalala ko naman nung nakita ko silang magkausap dun sa second floor.

 

So ako pala ang pinag-uusapan nila.

 

I was jealous for nothing.

 

 

“You like Karina, no?”

 

“I do.” What’s the point of lying at this point kung mukhang siguradong sigurado na siya?

 

“I wish you all the best. I can see that Karina’s in good hands naman na.”

 

 

I smiled in appreciation.

 

Mukhang wala naman siyang ill intention towards me.

 

She sounds happy naman talaga.

 

But hindi mawala sa isip ko yung possibility na baka gusto niya pa rin si Jimin.

 

 

“How about you?” Hindi ko na napigilan itanong

 

“What about me?”

 

“Do you like Karina?”

 

 

Yeji was taken aback sa tanong ko pero hindi ako nagpatinag.

 

I patiently waited sa sagot niya.

 

It looks like she’s having an internal battle with herself kung sasabihin niya ba yung totoo o hindi.

 

Yeji didn’t answer and smiled.

 

Dun pa lang sa ngiti niya, alam kong may gusto pa rin siya kay Jimin.

 

 

“Why? Hindi mo na ba papalapitin si Karina sakin if I say yes?”

 

Umiling ako, “I’m not that low. She had you guys bago ako.”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
546 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
700 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
700 streak #8
mishuu
Etoile__
355 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha