Bukas Makalawa

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

 

Jimin’s Day

 

Bukas makalawa 

sana bukas makawala 

sa pasaning binuhat mag-isa 

*stan munimuni!*



Narinig kong tumunog ang alarm sa phone ko bilang hudyat na gigising na sana ako pero mukhang hindi na kailangan.

 

Dilat pa rin ako.

 

11:50, April 10.

 

Inaabangan ko yung birthday ko talaga dahil yun naman na yung nakasanayan. 

 

Pero yung gabi na ‘to, iba sa naging tradisyon ko. 

 

Tuwing saasapit yung birthday ko, kahit ako lang mag-isa o kaya kami ni Mama, sinasalubong namin yan ng masaya. 

 

Hindi nga lang ngayon. 

 

Nakahiga ako sa bed at nakatitig lang sa ceiling. Hindi talaga ako tinatamaan ng antok. Tinatamaan ng kalungkutan, oo.

 

Ilang gabi na ba akong ganito? Yung walang tulog. Kung meron man, sobrang kakaunti. 

 

Buti nga hindi pa ako kinukuha ni Lord dahil puyat akong nagttraining.

 

Simula nung gabi na ‘ yon, hindi na ako nakakatulog nang maayos.

 

Parang laging may kulang, parang laging may masakit sa dibdib ko. Para bang may lagi akong hinihintay.

 

Alam ko naman kung ano yung rason behind that pero pilit kong tinatanggi sa sarili ko. 

 

Baka kaya pang i-gaslight ang sarili na hindi ko siya nami-miss.

 

Umupo na muna ako sa kama at napatingin sa kawalan. 

 

Ang sakit ng ulo ko dahil nga hindi ako makatulog.

 

Ang sakit din ng katawan ko sa kadahilanang pinush na naman kami nang bongga dun sa training kanina. 

 

Lahat na masakit, bwisit na buhay ‘to. 

 

Wala si Aeri ngayon sa dorm dahil uuwi daw muna siya sa kanila, kaya naman mas ramdam ko yung pagiging mag-isa. 

 

Ayan na naman yung feeling na yun. 

 

Yung sakit na naramdaman ko nung naghiwalay kami ni Winter, bumabalik na naman.

 

Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na luha sa kaliwang mata ko at masyado na akong late para pigilan ito.

 

Nagtuloy-tuloy na itong umagos mula sa mga mata ko.

 

Ang sakit sakit. 

 

Nalulungkot ako.

 

Nangungulila ako. 

 

Miss na miss ko na si Winter.

 

God knows how much I restrained myself from calling her again at sabihing bumalik nalang siya sakin.

 

Bumalik nalang siya sakin and we’ll work it out somehow. W can figure it out along the way, basta magkasama kami.

 

But then again, hindi naman ako selfish at nasa tamang pag-iisip pa ako. 

 

Ayokong ilayo kay Winter yung buhay na nakasanayan niya at ayoko na siyang mas pahirapan pa.

 

Pag sumama siya sakin, may magagawa ba ako para sa kanya? Wala. Mahihirapan lang kaming dalawa.

 

Hindi sapat na mahal lang namin ang isa’t isa. Sa ngayon kasi hindi pa namin kaya na walang suporta dahil mga estudyante palang kami.

 

Pano nalang namin maitatawid ang buhay araw araw sa bansang ito? For students like us na wala pang degree, ano nalang yung work na pwede namin makuha, diba? 

 

Maiisip mo pa ba yung pagmamahal kung pareho na kayong walang makain, walang mahugot na pera, at laging pagod? Ayokong umabot sa point na ganun.

 

Ayokong kamuhian ni Winter yung magiging buhay niya kasama ako.

 

Pwede rin naman na maghintayan kami ni Winter right after we graduate but Winter is a Mendoza. Hindi naman siya random Atenean na medyo mayaman. Galing siya sa powerful family and tingin niyo bibigay nalang siya sakin ng pamilya niya ganun ganun lang? NO. 

 

Our situation is not that easy. Sobrang daming factors involved sa relationship namin, as in. Kaya nga kahit anong overthink ko dito, kahit na anong isipin kong solution para ma-save namin yung relationship, wala talaga. Hindi rin kasi talaga ako confident. 

 

Nauubos lang ako.

 

Iniisip ko rin si Mama na labas naman dito pero nadadamay pa. We’re lucky enough nga dahil hindi siya tuluyang sinisante nila Ma’am Eugene or else, hindi ko nalang alam kung san pupunta si Mama.

 

Thankful ako and at the same time, nahihiya rin ako sa mga Mendoza na simula grade 7 ako wala namang ibang pinakita sakin bukod sa kabaitan. Hanggang ngayon. 

 

Pinagbigyan nila si Mama ngayon pero hindi na mababago yung fact na I broke their trust at malabong makuha ko ulit yun. Ang pwede ko nalang magawa ay tuparin yung pangako ko sa kanilang hindi na magpapakita kay Winter ulit.

 

Hindi ko alam kung pano ko yun gagawin pero buo na ang loob ko. Ito lang ang way para maitama lahat ng pagkakamali ko.

 

But Winter..

 

I’m worried about Winter. 

 

Iniisip ko palang na baka pareho kami ng pinagdadaanan ngayon, sobrang sakit na sakin. I hope she’s not going through this too. Soft lang ang heart nun. Kakayanin niya ba ‘to? Meron bang nasa side niya to assure that it’ll be okay? Meron ba siyang mapagsaasabihan ng lahat ng hinanakit niya?

 

Please, sana meron. Yuna, Ningning, even Chaewon. Sana ma-survive ni Winter ‘to.

 

Sana na-assure ko siya properly na it’s not her fault naman, na kaya niya lang yun nagawa because sobrang mahal niya ako. Naipit lang siya sa situation and gusto niya lang sumaya.  

 

But hey, hindi ko naman sinsabi na wala siyang kasalanan. Alam kong meron but ayaw ko lang na akuin niya lang lahat. We’re both at faults naman here. 

 

I wish I could at least text her or call her but that would only make things harder for the both of us. Mas mahihirapan kaming i-let go yung isa’t isa.

 

Ahhh.

 

Ewan ko na. Bahala na. 

 

Mabubuhay nalang ulit ako gaya ng ginagawa ko dati, yung buhay na walang Winter. 

 

I’ve been through this before at kakayanin ko ulit.

 

Yu Jimin, kayang kaya mo ‘to. 

 

Tumayo na ako sa kama muna para maghilamos kasi halos di ko na makilala ang sarili ko. Ang panget ko na! Bigla bigla nalang ako naiiyak out of nowhere. Ang hapdi hapdi na sa mata! Mukha na kong goldfish.

 

Ilang araw na ba simula nung nawala si Winter? 3 days? 

 

3 days ko na rin ‘tong kinikimkim mag-isa at patagong umiiyak. 

 

Ayoko munang sabihin sa tropa kasi alam kong maaapektuhan din sila. Ayokong ma-distract sila sa training at sa mga bagay na pinagkaka-busyhan nila. Hanggat kaya ko pa itago, itatago ko.

 

At least matapos lang yung outing namin tsaka ko sasabihin sa kanila. Out of respect na rin sa birthday ni Ryujin. Hindi ko alam if alam na ni Aeri since si Ningning alam niya naman na yung nangyari dahil siya nga yung naghatid sakin nun, baka naikwento.

 

Pero ewan, kasi walang imik si Aeri. Parang normal lang at hindi rin naman nagtatanong. 

 

Okay na rin yun. Parang hindi ko pa kaya magkwento kasi sobrang fresh pa nung sugat ko. 

 

Hay, bahala na! I just hope I won’t breakdown like this anymore, especially sa harap ng friends ko at lalo na kay Mama. Ayokong mag-alala sila sakin. 

 

Pinupunasan ko na yung mukha ko ng towel nang biglang tumunog ang phone ko. 

 

Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto kasi baka si Mama yun pero my heart almost dropped nung makita ko yung name. 



Snowdrop



Nabitawan ko talaga yung phone ko dahil sa gulat. 

 

 

Why is she calling me at this hour? Hindi pa ba siya tulog? Anong oras na ba? 

 

12am na rin pala.

 

Birthday ko na.

 

I instantly felt warm sa thought na tinawagan niya ako sakto sa birthday ko pero at the same time, I feel conflicted. 

 

Winter naman, akala ko we agreed na hindi na tayo mag-uusap kahit sa call lang? 

 

You’re making this hard for the both of us. 

 

Hindi ko alam ang gagawin. 

 

Sasagutin ko ba? 

 

Hayaan ko nalang?

 

Hello?! Wala bang makakapagsabi sakin dito kung anong gagawin ko?! 

 

Tinignan ko lang yung phone kong nasa lapag. 

 

The selfish part of me wants to answer it dahil birthday ko naman.

 

And that won over my conscience. 

 

Kahit nanginginig ang mga daliri ko, sinagot ko ‘yon at sinubukang pakalmahin ang puso kong parang kakawala na sa dibdib ko. 

 

Wag kang mauutal, Karina Yu!



“Hello?” Maingat kong bungad



Walang nagsalita. 



“Hello, Winter?” Pag uulit ko. 



Wala pa ring nagsalita.

 

Napindot niya lang ba? 



“Napindot nga lang siguro. Maibaba na nga—“

 

“Jimin, wait!”



Ayun.

 

Ayun na nga yung boses na gabi-gabi akong minumulto.

 

Yung boses na ilang araw ko nang hinihiling na marinig ulit.

 

Yung tanging boses na pipiliin kong marinig paulit-ulit nang hindi magsasawa. 

 

Naramdaman ko na naman yung pag-init ng mga mata ko. 

 

Miss na miss ko na si Winter.



“Jimin..”

 

“B-Bakit?” Nakakahiya! Nauutal na naman ako

 

“Jimin.”

 

“Bakit nga?”

 

“I miss calling your name lang.” 



Gusto niya bang humagulgol na ako dito?! 

 

I want to say na I miss not only calling her name but siya mismo pero pinigilan ko.

 

I cleared my throat para hindi naman nakakahiya baka boses nagbibinata pa ako. 



“So, bakit ka napatawag? Diba bawal na?” Yu Jimin, ang galing mo dyan! 

 

“I know but..”

 

“But ano?”

 

“Happy Birthday.”



Simpleng greetings lang naman na probably maririnig ko ng ilang beses ngayong araw pero pag galing kay Winter, iba ang epekto.

 

It took me a while bago naka-recover. 

 

Ilang gabi ko na rin inimagine yung possibility na mangyayari ‘to but hearing it mismo from her just.. made made so damn happy. 

 

Walang sinabi yung pag-iilusyon ko nung mga nakaraang araw.

 

Para bang ito lang ang hinihintay ko. 

 

Kumpleto na agad ang birthday ko.

 

Sobrang saya ko.



“Thank you.”

 

“Jimin, I miss you.” 



Napasinghap na naman ako. Nakakabigla naman! 



“Win-“

 

“Jimin, gustong gusto kong pumunta dyan sa dorm mo at yakapin ka. I want to kiss you.” 

 

“Hindi pwede–“

 

“Jimin, miss na miss na kita. Hindi ko na ata kaya ‘to.”



Nung narinig ko yung paghikbi niya, dun mas nawasak ang puso ko. 

 

Gusto ko sabihin yung tunay kong nararamdaman.

 

Gusto ko sabihing, ‘Tara na dito. Hindi ko na rin kaya, Winter’

 

Pero kailangan ko maging malakas kasi para rin samin ‘to. 

 

I need to think rationally. 



“Winter-“

 

“Hello, Ate Jimin?”



Ha? Sino ‘to? Hindi ito si Yuna.



“Huh? Who’s this?”

 

“This is Ningning.”

 

“Oh, Ning! Bakit mo hawak cellphone ni Winter..?” 



Medyo confused ako ha.

 

Magkasama pala sila? 

 

At tsaka, kailan pa ko tinawan na  Ate ni Ningning?



“Ito kasing magalling mong ex nagpapakalasing. Umalis lang ako saglit para mag cr tapos pagbalik ko nag drunk call na sayo.”



Oh, so it’s a drunk call lang pala. Kaya pala ang lakas ng loob bigla ni Winter. 

 

Medyo umasa ako. 

 

Probably pag gising ni Winter, hindi niya maaalala na ginawa niya yan lahat. 



“Is Winter okay?”

 

“Tunog okay ba siya?”



Yup, this is Ningning nga. Sungit at pilosopo eh. 

 

Medyo ang out of character lang ng pag-Ate niya sakin but this is really her.



“Sabi ko nga hindi.”

 

“Kanina pa siya umiinom pero something light lang.” napataas ang kilay ko

 

“Something light pa ba yun? Eh nag I miss you na nga.” 

 

Narinig ko ang pagtawa ni Ningning sa kabilang linya, “Something light nga pero ilang bote rin. Ginawa niyang juice.”

 

“Oh see? Baka naman mapahamak si Winter.” Pag-alala ko

 

“Are you saying na hindi ko kayang alagaan yung kaibigan ko? Minamaliit mo ba ako, Yu Jimin?”

 

“Maliit ka naman talaga..” mahina kong bulong 

 

“Ano ‘yon?” Mataray niyang tanong

 

“Wala, sabi ko ang bait mong kaibigan.” 

 

“Tch. I know that na, hindi mo na kailangan pang sabihin.” 



This kiddo is so cute. Bakit kaya hindi namin siya nakilala dati? 



“Sige na, ibababa ko na yung call. Need ko pa asikasuhin yung lasinggera mong ex.”

 

“Ex amp.” 

 

“Hindi ba totoo?”

 

“Totoo pero ayaw kong marinig.”

 

“Daming alam.”

 

“Sorry na.”

 

“Ning–“ 

 

“Ate Jimin.” 



Nagkasabay pa kaming magsalita.



“Uy?”

 

“Happy Birthday nga pala. Hope you enjoy your day.” 



Napangiti ako. 



“Thank you, Ning. Ang sweet mo naman.”

 

“Tigilan mo nga ako! Bye!!”



May pagka-tsundere rin pala talaga itong si Ningning ‘no? Ang cute. Wala sigurong boring moments sa kanila ni Aeri dahil sobrang fit ng ugali nila sa isa’t isa. 

 

Saktong pagbaba ko ng tawag kay Ningning, may sunod sunod na katok ang narinig mula sa pintuan namin. 

 

What the heck?! 

 

Sino ba ‘to? Gusto ba niyang gisingin lahat ng nandito sa floor?! 

 

Lasing ba si Aeri?! 

 

Irita akong tumayo at pumunta sa pintuan para buksan.



“Masisira na yung pintuan ano ba-AAHHH!!” 



Hindi ko maiwasang mapatili at mapatalon kasi saktong pagbukas ng pintuan ay may sumabog na confetti sa gilid lang ng mukha ko.

 

As in sobrang lapit at isang maling galaw ko lang, sa mukha ko sasabog yung confetti! 

 

Delikado yun ah!



“Tanginang mukha yan!” Wait—si Ryujin ba ‘to?! 

 

“Hoy anong—hmp!” 



Ang babastos. 

 

Nagsasalita ako tapos bigla ba naman akong sinalpakan ng torotot sa bibig at nilagyan ng party hat sa ulo nila Seulgi at Yeri. 



“Hoy, ano ba!” Irita kong baling sa kanila 

 

“Okay guys, 1..2..3.. happy birthday to you—“



Dahil sa sobrang irita ko at sa bilis ng pangyayari, hindi pa agad nag process sakin yung mga kaganapan dito until I saw Yeji holding a birthday cake.

 

Nandito silang lahat, pati na rin si Aeri nandito. Akala ko busy sa kanila ‘to?! 

 

Nakapaikot sila sakin at sabay sabay na kumakanta ng happy birthday.

 

When I realized na sinurprise pala nila ako, naramdaman ko na naman yung pag-init ng mata ko.

 

It’s not the first time na sinurprise nila ako pero siguro kasi masyado lang akong overwhelmed sa mga nangyayari kaya ang babaw ng luha ko. 



“Huy, umiiyak si Karina!!” Narinig kong sabi ni Yeri at halatang nagpapanic na

 

“Gago ka Yeri, ang lakas siguro nung pagkakasubo mo nung torotot kay Rina at natamaan sa nguso!” Sisi naman ni Ryujin kay Yeri

 

“Tanga, si Sakura yung may kasalanan nun! Puputukin nalang yung confetti dun pa sa gilid ng mukha ni Rina, nadali ata yung tenga!” 

 

“Baka naman hindi nagustuhan yung cake? Sabi sa inyo tigil na sa kaka-mango bravo! Taon taon nalang ganyan! Kahit ako sawang-sawa na dyan!”

 

“Tatanga niyo kasi sabing sa Vizco’s nalang tutal mahilig si Rina sa strawberry.”



Sumasakit ang ulo ko sa mga ‘to, Lord.

 

Bakit ba ganito ang mga kaibigan ko huhu. 

 

Pero kahit na ganito sila, sobrang thankful ako na nandito sila ngayon para sakin. 

 

Napapunas ako ng luha at hindi na nagsalita. Basta ko nalang silang niyakap.



“Thank you guys, so much.”

 

“Ayun, na-touch lang naman pala si Rina!” Natatawaang saad ni Yeri

 

“Napakaiyakin mo, tumanda ka lang!” 

 

“Shut up!” Inis kong sinuntok sa tagiliran si Seulgi 

 

“Sakit nun ha!”

 

“Dasurb.”



***

 

Niyaya ko na yung mga tanga sa loob ng dorm namin ni Aeri.

 

Jusko po, pagkadami dami ng dinalang pagkain. Anong oras na kaya!



“Oh, wala si Winter?”



Bahagyang natigilan ako sa pagsandok ng spag nung narinig yung pangalan ni Winter sa bibig ni Aeri.

 

Aga naman na-bring up nung pangalan ni Winter, hindi ako prepared. 



“W-Wala.”

 

“Ano ba yan, binigyan na nga namin kayo ng time sana para mag bonding eh o kaya birthday se-“

 

“Gago!” Hindi ko na hinayaang tapusin ni Seulgi yung katarantaduhan niyang sasabihin

 

“Birthday celebration kasi, masyado ka namang sensitive.” 



Nagtawanan naman yung iba.

 

Alam naming lahat na hindi yun ang gusto talagang sabihin ng lukarit na ‘to. 

 

Pagkatapos ko kumuha ng spag at lechon, tumabi na ako kay Yeji dun sa lapag. 



“Karina, happy birthday.” Agad na bati niya pagkaupo ko 

 

“Thank you, Yeji. Gift ko?” Biro ko sa kanya

 

“Nasa car pa eh. I’ll get it nalang later.”

 

“Huy nagbibiro lang naman ako!”

 

“Alam mo namang lagi akong may gift sayo.”

 

“Hehe..”



Nahiya naman ako bigla.

 

Si Yeji kasi yung pinakagalante sa lahat. Hindi ko naman mahindian dahil ang rude nun.

 

Nag-effort siya bigyan ako at bilhan tas di ko tatanggapin? That would hurt her feelings! 

 

The least I could do is accept it lang and take care of it. 



“Yung gift din namin nasa kotse pa. Si Irene din may regalo sayo.” Sabi pa ni Seulgi habang naghihiwa ng cake 

 

“Talaga?!” Na-excite ako kasi alam na alam nun ni Ate Irene ang mga gusto ko

 

“Sila Lia rin may pinabibigay para sayo.”

 

"Saeron too."

 

“Buti nalang at may mga jowa kayo edi ang dami ko tuloy regalo this year.” 

 

“User ka talaga.” Comment ni Yeri na umupo sa tapat ko at kumakain ng pizza pero inirapan ko lang siya

 

“Nga pala, musta yung alis natin sa 13?” Tanong ko

 

“Ano pa nga ba edi tuloy na tuloy. Elyu pa rin.” Sagot ni Ryujin 

 

“Okay, mag prepare na rin ako.”

 

“Oo, sunduin ka nalang namin dito around 5 ng umaga.” Sabi naman ni Yeri

 

“Okay, anong dadalhin ko?”

 

“Pamalit lang na damit. May naka-provide na dun na swimwear.” Sabi naman ni Sakura

 

“Ano pa ibang agenda bukod sa inuman?”

 

“Pa-tattoo tayo?” Suggest pa ni Seulgi out of nowhere 

 

“Gago!” Sabay sabay naming sabi



Kay Seulgi pa nanggaling as if namang papayagan siya ng magulang niya. 

 

Ayaw na ayaw nila Tito at Tita Romero na may tattoo mga anak nila eh. Pwede ibang bagay at di sila mahigpit pero pag tatts? 

 

Never mo sila maco-convince.



“Okay lang yan, gusto ko lang ng remembrance nung alis natin na yun. Merong invisible tattoo ah!”

 

“Pinagsasabi mong baliw ka? Tattoo tas invisible amp.” 

 

“Tanga ka, Yeri. Meron nga nun! May tinatawag na invisible tattoo teh.”

 

“I’ve heard of that.” Comment naman ni Aeri. So totoo nga?

 

“Oh diba? Meron nga nun! Kahit magpaganun lang tayo.” Convince samin ni Seulgi

 

“Parang ang panget naman nun, invisible.” Sabi naman ni Sakura

 

“Edi magpa-permanent tattoo kayo basta yun ang sakin. Madali ma-explain kay Mommy.”



Etong si Seulgi basta gusto niya, gagawin niya at gagawan ng paraan. 



“5-8 years lang tinatagal ng ink na yun, natural na siyang mawawala sa body mo.” Sabi naman ni Aeri while waving her phone, “According to google.”

 

“Tanga, kung mag invisible tatts ka edi ganun na din samin. Para ka namang ewan kung ikaw lang yung parang wala.” Sabi naman ni Ryujin, and I completely agree with that

 

“Kung invisible tattoo yun, pano natin makikita and ma-appreciate?” Tanong namn ni Yeji. Gusto ko rin itanong yan kanina pa!

 

“Pag natapatan sa UV light, tsaka mag-aappear yung design.”

 

“Parang ang astig” Comment naman ni Sakura. Mukhang may isang nahila na si Seulgi

 

“Diba?! Kaya tara ha? Sa 13. Matchy matchy tayo.”



I’m looking forward sa La Union trip namin.

 

It’ll be an unforgettable one. 



*****

 

Parang hindi rin ako nakatulog masyado. 

 

Pano ba naman kasi, yung mga hinayupak alas 4 na umalis dito sa dorm. 

 

Akala mo hindi na magkikita sa 13 eh. 

 

Tumagal sila dito kasi pinilit pa nila akong buksan yung mga regalo na binigay nila ang nagyayabangan sila dun kung sino mas maganda binigay sakin. 

 

Kahit nga yung mga regalo ng jowa nila nanlalaban eh. Excited na nga akong sabihin kay Mama na binigyan kami ni Saeron ng ticket papuntang boracay at with hotel accomodation pa sa 5-star hotel nila dun.

 

Goal siguro nila lagi tuwing birthday ko ay i-overwhelm ako. Nagsimula silang magbigay ng mamahaling gifts sakin after my debut at nasundan na nang nasundan. 

 

Kahit naman anong ibigay nila sakin, sobrang saya ko na. But still, seeing them make this effort and gave me everything I wanted or kahit interested lang, parang gusto ko nalang umiyak. Sobrang hindi ko deserve lahat ng ‘to but they still gave it to me.

 

Gusto nila akong mapasaya talaga. 

 

I’m really thankful for my friends. 

 

Kahit papano, nakalimutan ko lahat ng nangyari samin ni Winter. 



***



Kahit I have all the time in this world ngayong birthday ko, maaga pa rin ako gumising dahil dun na sanay yung body ko.

 

Chineck ko na rin yung messages ko at as expected, sobrang daming bumabati sakin sa iba’t ibang social media accounts ko 

 

I patiently thanked lahat ng bumati, nag ig story ng lahat ng greetings and all habang nag-aayos ng susuotin. 

 

Maya maya kasi aalis na ako at makikipagkita kay mama sa mall. Hindi na mismo sa bahay ng mga Mendoza dahil hindi na pwede kaya dun nalang sa guard house ng subdivision. 

 

Tuwing April 11, nagli-leave si Mama sa trabaho para kumain kami sa labas. 

 

Once a year lang naman kaya I always make sure na sa masarap kami kakain kahit na sobrang mahal pa. Yan yung pinag-iipunan ko lagi. 

 

Napagdesisyunan kong sa podium kami pumunta dahil nandito kadalasan yung mga mamamahalin at masasarap na kainan. 

 

Nabanggit kagabi nila Seulgi na nag dinner sila ni Ate Irene nung anniversary nila dun sa Wolfgang kaya dun ko nalang din dadalhin si Mama.

 

Pricey pero okay lang kasi pinaghandaan ko naman ito. 

 

Gusto ko rin makakain si Mama sa mga mamahalin at masasarap na kainan.

 

Ayokong hintayin na magkatrabaho pa ako at maging successful bago niya pa masubukan ‘to dahil kailan pa yun? Kaya ko naman pag-ipunan kaya ngayon palang, dinadala ko na siya sa ganito. Ito ang deserve ng Mama ko.



“Karina!” Narinig kong sigaw ni Aeri mula sa sala na ikinagulat ko

 

“Ano yun?!”

 

“May delivery for you.”

 

“Huh? Wala naman akong inorder.” Nagtataka kong saad. 

 

“Kunin mo nalang, dali!”



Ano ba yun? Apurado naman ‘tong si Aeri.

 

Sinara ko na yung huling butones ng sinuot kong blouse bago lumabas sa kwarto namin.

 

Dun nakita ko si Aeri na may hawak na isang bouquet ng blue roses.



“Karina, para sayo oh!” Tuwang tuwa na inabot ni Aeri sakin 

 

“Huh? Gift mo?”

 

Siniko naman ako ni Aeri, “Gaga, ang swerte mo naman! Hindi pa ba sapat yung binigay ko sayo kagabi?”

 

“Kung hindi sayo galing edi kanino yan?” 

 

“Ewan ko, wala namang letter na nakalagay.” 



Nag-aalangan akong kinuha yung flowers mula kay Aeri. 

 

Napakalaki naman ng bouquet na ito, ano namang gagawin ko dito? 

 

Hindi rin naman ako mahilig sa flowers..

 

Kanino kaya ‘to galing? Mapasalamatan man lang..

 

And how did they know na I like blue roses? Wala namang nakakaalam nun.



“Kabahan na si Winter, merong gustong sumingit sa pila niya sayo.” Biro ni Aeri



Malakas namang kumalabog ang puso ko nang marinig ang pangalan ni Winter.

 

Muli akong napatingin sa halatang magandang klaseng mga bulaklak na ‘to at naalala yung conversation namin ni Winter nung nasa condo niya kami.

 

Tinanong niya kung mahilig ako sa flowers.. and I remember answering no. 

 

Pinilit niya ako that night na pumili kahit na isa at sinabi ko ngang ‘blue roses’.

 

Oh. 

 

Parang alam ko na kung kanino ito galing.

 

It’s from Winter.

 

I don’t know what to feel. 

 

Masaya dahil kahit di ko aminin, gusto ko talagang may makuha mula kay Winter. 

 

Malulungkot ba ko na dahil sa situation namin, hindi niya magawang ibigay to ng personal? o frustrated dahil alam kong mas mahihirapan lang akong umusad nito lalo sa kanya?



“Hindi ka ata masaya, Rina?” Nag-aalalang tanong ni Aeri

 

“H-Huh? Masaya ako ha!”

 

“Eh bakit parang iiyak ka dyan?”

 

“Naiiyak ako sa saya. Na-touch ako eh.” Pagrarason ko nalang

 

“Kailan pa naging mababaw luha mo?” Nagtatakang tanong ni Aeri na obviously ay hindi convinced sa sinasabi ko

 

“Ngayon lang!” 



Nagmamadali akong pumasok sa kwarto namin para makaiwas sa mga tanong ni Aeri. 



“Mag-aayos muna ako ng damit para sunduin si Mama.”



Hindi ko na hinintay sumagot si Aeri at sinarado yung pintuan. 

 

Napaupo nalang ako sa kama ko at napatingin sa mga bulaklak.

 

Ang ganda at ang bango. Halatang mamahalin. 

 

Dun palang sa part na alam kong galing ‘to kay Winter, hindi ko na ma-explain yung sayang nararamdaman ko sa puso ko. 

 

Walang letter pero may napansin akong nakasabit sa stem. 

 

Flashdrive ba ‘to? 

 

Dahil sobrang curious akong tao, syempre kinuha ko agad yung laptop ko at sinaksak yung flashdrive. 

 

May isang file na laman yun. 



“Be with you (solo).”



Pinindot ko naman yung MOV file. 

 

Bumungad sakin si Winter, may hawak siyang gitara at nasa loob siya ng isang kwarto na hindi ko ma recognize. Siguro sa palawan ‘to? 

 

Right. 

 

Yung date nga is yung mga panahong nasa palawan sila. The calm before the storm.

 



“Me, Kuya Soobin, and Yuna wrote this together. Mostly si Kuya Soobin yung gumawa tas nag-add lang kami ni Yuna. We actually uploaded the video of us singing sa youtube, hanapin mo nalang.”

 

“Pano ko naman mahahanap yun..” Natatawa kong tugon sa kanya 

 

“I want to sing this ng solo para sayo, because ikaw ang iniisip ko while I sing and write this song.”



Bigla namang nag-init yung mukha ko nung sinabi niya yun. 

 

Winter started strumming and singing. 

 

Just like that, nahulog na naman ako kay Winter.

 

Yung gusto kong maka move on sa kanya pero parang mas lalo lang akong nahulog. 

 

Yung bawat ngiti niya habang kinakanta yung, “I want to be with you, every single day, for the rest of our lives” is killing me. 

 

She looks so happy while singing that. 

 

I want to be with you too, everyday, Winter. 

 

Naiiyak ako. 

 

Naramdaman ko na naman yung sakit at hirap ng sitwasyon namin. 

 

Sobrang hirap dahil hindi ko lang man magawang makasama at ipaglaban siya. 

 

If only the situation is favorable to us.. 

 

Walang problema yung gusto ni Winter. Kahit hindi niya hilingin sakin, ibibigay ko ng kusa at buong loob.

 

Ilang ulit kong pinanood yung video ni Winter hanggang sa ma-lowbatt yung laptop ko. Hindi ako nagsasawa kahit ilang beses ko pang ulitin.

 

A happy Winter singing with her guitar is just so damn nakaka-in love. 

 

That’s when I realized that I’m doomed once again. 

 

Nahulog na naman ako kay Winter. 

 

Bakit naman kasi ang ganda ganda niya? Dagdag mo pa na para kang nasa langit sa ganda ng boses at sa galing mag gitara? 

 

Anyone who sees this Winter will inevitably fall in love with her. Kaya dadalhin ko hanggang hukay ang video niya na ‘to. Akin lang to! 

 

Oh and before I forget, hindi pa pala ako nagpapasalamat sa regalo niyang kailanman hindi ko makakalimutan. 

 

Maybe she’s not that drunk na ‘no? Okay na kaya siya? 

 

Mag message ba ‘ko? Bilang pa-thank you lang. 

 

Parang mas wise decision yung mag thank you lang talaga and hope na hindi siya mag-reply para pahabain lalo yung conversation.

 

Ayoko na sanang mag-usap pa kami pero parang sobrang disrespectful na hindi lang man ako mag thank you. 

 

Sige na nga. Just this once.  Hindi na ulit. 



Snowdrop

 

Thanks for the flowers, Winter. Nagustuhan ko rin yung song. I appreciate it. 



***

 

“Karina.”



Napatigil ako sa pagsusuot ng sapatos nung narinig ko boses ni Aeri.



“Yes?”

 

“We’ve been friends for like 2 years pa lang, hindi kasing tagal tulad nila Ryujin but we almost see each other 24/7.” Hindi ko gets kung bat sinasabi ni Aeri sakin to but I still listened

 

“Yeah? Sawa ka na ba?”

 

“Baliw.”



Tumawa lang ako at si Aeri umupo sa sahig, sa tabi ko. 



“I’m worried about you. You’re not yourself these days, Rina. Is everything okay with your Mom? With Winter?” i try not to flinch sa pagbanggit niya ng pangalan ni Winter

 

“Yeah..”

 

“You may not treat me as your bestfriend—“

 

“—You are my bestfriend, Aeri.”

 

Aeri smiled, “That’s a relief. I guess hindi naman one sided yung friendship natin.”

 

“You’re stupid if you think of it that way.”

 

“Sorry na.”

 

“Forgiven, since you’re being unusually soft today.”

 

“I can say the same thing to you, Rina. You’re emotional lately. Kaya nag-alala ako.”

 

“Really?” Akala ko pa naman naitatago ko nang maayos sa lahat 

 

 “Hindi lang ako nagsasalita pero napapansin ko lahat. Nakikita ko na pag mag-isa ka, you tend to sigh a lot. Lutang ka rin, you’re like an empty shell. Mukhang nagfo-focus ka sa training but sobrang off mo at the same time. 



Hindi ko naamn siguro naaapektuhan yung dynamics ng team no? 

 

Hindi ko na nagawang itanong yun sa kanya dahil may sinabi siyang ikinagulat ko. 



“And, you cry yourself to sleep. If you’re not crying, nakatulala ka lang sa ceiling ng kwarto natin.”



 

Napansin siguro ni Aeri yung troubled expression ko kaya naman tinapik niya ko sa balikat at binigyan ng comforting smile.



“Karina, I won’t force you to say anything but please do know that i’m always here. Hindi kita matutulungan pero pwede akong makinig. Wag mo bitbitin nang mag-isa yan.”



Tama nga si Aeri. Sobrang emotional ako lately. 

 

Dun palang sa sinabi ni Aeri, naramdaman ko yung pag gaan ng loob ko kahit papano. Sobrang na-comfort na agad ako.

 

Bago niya pa ko makitang umiyak, niyakap ko si Aeri nang mahigpit. 

 

Ngayon ko lang na-realize kung gano ko gusto marinig ang mga salitang yun. 



“Salamat, Aeri. Mahal kita.”

 

“Platonic lang ha? Magagalit si Winter.”

 

Natawa ako, “Ang arte mo.”



***



Bumaba na ako mula sa sasakyan ko at inayos yung damit na suot ko. I’ve made sure to wear my prettiest dress since gustong gusto akong nakikita ni Mama na naka-dress.

 

Wala namang problema sakin yung mga ganung pormahan, sadyang mas gusto ko lang na komportable ako gumalaw-galaw dahil malikot ako.

 

Pero dahil nga request yun ni Mama, sino ba naman ako para humindi? Siya ang boss ko.

 

Lalabas na sana ako nang nakaganun pero pinahiram sakin ni Aeri yung YSL bag niya para daw magmukha ako lalong mayaman. Kabado naman akong pumayag. Hindi naman siguro mahahablot sakin to no? May sasakyan naman ako. 

 

Pagtapos nun, agad talaga akong umalis. Masyadong na-consume yung time ko dahil naglambingan pa kami ni Aeri sa tapat ng pintuan.

 

Kanina pa si Mama umalis papunta sa mall at probably, nandun na yun. Nakakahiya nga. Sabi ko sa kanya sunduin ko nalang siya dun sa guard house ng palladium pero nag inisist siyang mag taxi nalang siya papunta ng mall para daw di na ‘ko bumalik dun.

 

Siguro iniisip niya na baka may ma-trigger sakin pag bumalik ako dun. Thankful naman ako sa ginawa ni Mama for me. 

 

Di ko rin kakayanin kung bigla kong makasalubong si Winter dun. 

 

Sobrang traffic sa EDSA! Pwede bang lumipad nalang ‘tong sasakyan ko?!



***

 

Around 12 na ako nakarating dun sa podium. Tinakbo ko na papasok ng mall at si Mama nandun nakaabang na sa labas ng restaurant. Buti nalang binigyan siya ng upuan ng staff dun, at least nakaupo siya. 

 

Kahit medyo may edad na si Mama parang bagets pa rin talaga. Ang ganda! Manang mana ako sa kanya.



“Ma!”

 

“Anak,” Sinalubong naman ako ni Mama ng isang mahigpit na yakap nang makita ako, “Happy birthday, Jimin, anak ko.” 

 

“Thank you, ma.” Masaya kong tugon sa kanya at nagbigay ng halik sa pisngi niya “Sorry, super traffic kanina. Naghintay ka ba nang matagal?”

 

“Hindi naman gaano, ‘nak. May Wifi naman sila dito kaya hindi ko na napansin ang oras.” 



Naku, mukhang nanood lang ng running man itong nanay ko. 

 

Simula nung nakapanood siya ng isang episode kasama ako, nagtuloy-tuloy na yan. 



“Pasok na tayo? Gutom na ‘ko eh.”



Sabay na kami pumasok ni Mama sa loob ng restaurant at inassist kami nung isa sa mga staffs. 

 

Interior palang alam ko na agad na peperahan nila ako dito. Pero okay lang! Deserve namin kumain ni Mama dito kahit once in our life lang. 



“Anak, mahal ata dito?” Bulong sakin ni Mama “Kahit mag Jollibee lang tayo, okay na.”

 

“Birthday ko naman, ma! Dami akong pera today ‘no.” Pag-assure ko sa kanya

 

“Ipunin mo nalang dapat at ipambili ng mga bagay na gusto mo, Jimin.” 

 

Umiling ako at niyakap si Mama sa likod, “Hindi na kailangan. Lahat ng gusto ko meron na ako.”



Except si Winter.

 

Ano ba yan! 

 

Parang binubulungan ako ng konsensya ko bigla. 

 

Wag na muna natin isipin si Winter kahit ngayong araw lang. 

 

Gusto ko magfocus lang kay Mama. 

 

Dinala kami nung waiter sa isang magandang spot sa bandang gitna. 

 

Binigyan na kami nung waiter ng menu at pagkabukas ko palang nun, sinampal na agad ako ng kahirapan.



“Jimin.” Kahit wala siyang sabihin, alam ko na agad ang gusto niyang sabih

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
545 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
545 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
699 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
699 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha