Banaag

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

Ning Yizhuo


 

Dumilim man ang mga kalsada

Mapundi man ang mga lampara

Ako ay mananatili kailan pa man

*stan munimuni*


 

Mag-iisang linggo na din simula nung nag start kami mag training.

 

As usual sobrang sakit sa katawan at parang lalagutan ako ng hininga dahil sobrang higpit ng trainor namin.

 

Last year kasi hindi kami naka compete dahil alam nyo dun sa issues regarding sa results last 2 years ago.

 

Last year, di gaano mabigat yung training kaya may time pa ako mag part time sa bahay ng mga Mendoza bilang driver ni Yuna.

 

Ngayon teh, from 7 hanggang 6 ng gabi dire-diretso ang practice. Banat na banat yung buto ko!

 

Si Winter maman.. Tangina ni Winter nakakatawa talaga.

 

Gaya nga ng naiimagine ko, nagdala talaga sya ng foam tapos pillows. Dinala nya din yung mini air cooler tapos yung switch and iPad nya.

 

Kulang na nga lang magdala na sya ng mini fridge kasi sobrang dami nya laging dala na snacks and drinks.

 

Kahit yung mga teammates ko natatawa sa kanya pero walang pake si Winter. Basta daw sya comfortable sya, hindi nya na iniisip yung opinion ng tao sa paligid nya.

 

1 ng hapon pumupunta si Winter, may dalang lunch for the both of us.

 

Kaya din ganyan sya ka-late is because natutulog sya hanggang 11 in the morning. Medyo nakaka-bother nga yung haba ng tulog nya lagi kasi hindi naman sya nagpupuyat.

 

Buti hindi sumasakit ulo nya.

 

Tapos every after training, kumakain kami sa kung saan saan. Tinupad nya yung usapan namin.

 

Syempre, kunwari kasama namin si Aeri kasi ang alam ng teammates ko ay magjowa pa din kami.

 

Sasama sya sa kotse pero ihahatid muna namin sya sa dorm bago kami umalis talaga.

 

Meron namang mga panahon na niyayaya namin sya pero dalawang beses pa lang syang pumayag.

 

Goods na din sila ni Winter. Minsan nga nakakalimutan na nila ako pag sobrang ganda ng topic nila.

 

Parehas kasi sila ng taste sa music kaya di ako maka-relate.

 

Solid OPM to eh, sorry. Ang international artist lang ata na gusto ko ay Twice.

 

But okay din yun. At least natututo na si Winter makipag-socialize sa ibang tao.

 

So ayun, ganun lang naging sistema namin buong linggo kaya nga medyo naninibago ako dahil wala sya ngayon dun sa usual spot nya.

 

Pano kasi, meron daw nangungulit sa kanyang kapitbahay nya.

 

Pinipilit daw sya makipagkaibigan tapos gusto na i-tour sya ni Winter around Manila.

 

Future Atenista daw kasi tapos influential din ang family kaya hindi ma push off ni Winter totally kaya pinagtiisan nya.

 

I think, ngayon nya igagala yung girl.

 

What's the name again?

 

Whas it ningnang?

 

Chinese daw kasi yung girl and kahit sya hirap bigkasin yung name.

 

Masaya naman ako na dahil nagkaroon sya ng kaibigan without my influence kaso medyo nakakamiss din pala talaga ang presensya nya kahit wala syang ginagawa.


 

"Lungkot mo ata, Rina?" Bungad na tanong sakin ni Seulgi habang binubuksan ang hydroflask nya

 

"Ha? Anong malungkot ka dyan."

 

"Wala kasi si Winter kaya nagmumukmok yan." Dagdag pa ni Ryujin

 

"Si tanga, hindi no!"

 

"Asan ba si Win?" Tanong ni Aeri

 

"Win? Kailan pa kayo naging nickname basis?" Tanong ko kay Aeri "And sinamahan nya daw yung bago nyang friend mag ikot sa manila."

 

"Oooh, parang dati lang ikaw yung nag iikot kay Winter dito ha? Ngayon iba na?"

 

"Selos ka?" Gatong ni Ryujin at agad ko naman syang hinampas nung towel ko

 

"Selos ka dyan! Masaya kaya ako na may friend sya na bago."

 

"Sus, lokohin mo na bulag."

 

"Karina's being really clingy. Isang araw lang wala si Winter pero nagmamaktol na." Bakit pati ang dakila kong roommate nakiki-asar na?

 

"Aeri sasakalin kkta, tigilan mo ko. Hindi ako nagmamaktol!!"


 

Bakit ba pinagtutulungan nila ako ngayong araw?


 

“Anyway, sino ba tong bagong friend nya? Maganda?” tanong naman ni Seulgi

 

“Isusumbong kita kay Ate Irene. Bat need mo pa malaman kung maganda?” pang-aasar ko habang tinitignan yung convo namin ni Winter, hinahanap ko yung picture na sinend nya sakin “Ito oh, yung red hair. Chinese daw tapos bago nilang kapitbahay kaya ayaw sya lubayan.”


 

Hinablot ni Aeri yung cellphone ko at tinginan yung picture ng mataimtim.


 

“Sis, against ako magpasakop sa China pero payag akong magpasakop sa Chinese na yan.”

 

“Aeri?!”


 

Yung dalawang gago naman ay tawa nang tawa samantalang ako ay hindi maka move on sa sinabi ni Aeri.

 

Kailan pa to natuto ng mga ganitong jokes?!


 

“OA ka, ganda kasi eh. I can’t help but admire her.” Pagrarason nya

 

“Well, true. She really is pretty.” Totoo naman kasi. Mukha nga syang model dahil sa aura nya

 

“Pero bakit feeling ko ang familiar ng mukha nya.” Sabi ni Ryujin habang tinitignan maigi yung picture

 

“Baka isa sa mga nakaharutan mo nung high school tayo.” biro ni Seulgi

 

“Tanga, kung ganito kaganda bakit ko makakalimutan?”

 

“May point.”

 

“Pero seryoso, parang nakita ko na sya dati.” Insist ni Ryujin

 

“Tanong mo nalang kay Yeji, diba pupunta siya mamaya? Yun yung magaling tumanda ng mga mukha at pangalan eh. Tanga tayong lahat.”

 

“Pupunta si Yeji? Ano meron?” hindi ako aware dun ha

 

“Ayan, di nagbabasa sa GC.”

 

“Wala daw silang training ngayon sa salinggawi eh kaya nagyaya na mag maginhawa mamaya.”

 

“Gago, sana all walang training.” Sabi ko

 

“Wag mo hintaying marinig ka ni coach dyan, tanga. Kanina ka pa madaming mali.”


 

Totoo yung sinabi ni Ryujin, kanina pa ‘ko maraming mali. Di ko alam kung bakit.


 

“Ganyan talaga pag wala ang presensya ni Winter, nagkakalat.”

 

Inirapan ko si Seulgi “Pinagsasabi mo na naman dyan”

 

“Pero nakakamiss din naman yun no. Sanay na akong makita syang naglalatag ng sariling foam tapos meron pang dalang gadgets and air cooler. Tangina, kahit sila Taeyong natatawa sa kanya eh.”


 

Sabi sa inyo eh. Sobrang nakakatawa tignan yung eksena ni Winter dun sa mga bleachers. Akala mo nasa sariling bahay sa sobrang komportable humiga.


 

“Oo nga, tapos hindi lang din naman sya nahihiya. She’s literally minding her own business kaya nakakatawa.” Sabi ko naman

 

“Win’s a nice friend. Mahiyain sya sa una kasi medyo awkward sya sa tao pero pag nakilala mo na, nakakatuwa. Madalas sila mag-away ni Rina, parang si Eunbi lang pero di bastos bunganga ni Winter.”



 

Natawa ako sa pag emphasize nung hindi bastos yung bunganga ni Winter compared kay Eunbi.



 

“Ay oo, ilang beses mo na nga palang nakasabay yung dalawang magjowa no. 3rd wheel ka?”


 

Pinagsasabing magjowa ni Ryujin?



 

“Baliw, si Karina third wheel kamo madalas. Mas may kwenta kasi ako kausap sa kanya.”


 

Totoo yun. Ako madalas ma out of place sa kanila kasi sobrang dami nilang similarities sa buhay and taste sa bagay bagay.

 

I don’t mind it naman though medyo ang lonely paminsan minsan hmp.


 

“Uy, nagtext ang baby my love so sweet mo”

 

“Baby my love so sweet amputa.”


 

Kinuha ko yung cellphone sa kamay ni Ryujin at tinignan yung message ni Winter.


 

Snowdrop

 

W: hey, suggest me some places nga na pwede naming puntahan. gosh, we’re lost sa intramuros. i don’t know bakit ba dito sya nagpumilit pumunta

 

K: hindi pa nga tayo nakakapunta dyan, dyan mo pa sya dinala

 

W: i told you nagpumilit sya

 

W: are you jealous?

 

W: ayeee, Yu Jimin is getting jealous because of ningning

 

K: wala naman akong sinsabi. assuming ka.

 

W: weeeh, i could feel your jealousy from here

 

W: na-miss mo ba yung beautiful blonde haired girl na lagi kang hinhintay matapos mag practice?

 

K: kailan ka pa natutong mang-asar?

 

K; i don’t miss you. araw araw mo kaya akong ginugulo

 

W: I learned from the best, of course

 

W: whatever you say, Jimin.

 

W: if you’re too shy to say it, then ako na magsasabi

 

W: I miss you



 

“Ayieee, si Karina ngumingiti!!” Panunukso ni Ryujin at tinutusok pa ko sa tagiliran

 

“Gago, wag mo 'ko kilitiin!” inis na sabi ko pero somehow, di maalis yung ngiti sa labi ko

 

“Kanina nakabusangot tapos ngayon nakangiti na nung nag text si Winter!” Sabi naman ni Seulgi

 

“Ganyan ba kapag friends? Kahit tanga, alam na may crush ka kay Winter.” Gatong pa ni Aeri jusko po lord, bakit ganito mga kaibigan ko?

 

“Crush amputa, ano ako grade 1?”



 

Tinawanan lang nila ako kaya naman tumayo muna ako at lumayo sa mga bwisit kong kaibigan na walang sawang inaasar ako kay Winter.



 

Snowdrop

 

K: miss mo ko?

 

W: paulit-ulit tayo? i miss you nga

 

W: now where’s my i miss you too?

 

K: mishu

 

W: i hate you, ang half hearted masyado

 

K: let’s hang out again after mo ma-tour si ningning around manila

 

W: is this your way of saying i miss you too?

 

K: maybe

 

W: oh and of course we will hang out. you’re my first friend in the philippines anyway

 

K: and your foodtrip buddy

 

W: yeah, my foodtrip buddy

 

W: anyway, you didn’t answer my question kanina

 

W: kung saan saan na tayo napunta

 

K: your fault

 

W: ako pa?!

 

K: alangan namang ako

 

K: anyway, dalhin mo nalang sa magagandang malls since may directions naman dun and hindi kayo maliligaw. para hindi sayang yung alis nyo

 

W: oh that’s right

 

W: nabanggit nya na she’s into shopping din kaya that’s a great idea. i’ll buy new clothes

 

K: winter, wag kang impulsive ulit sa pag gastos

 

W: ako naman yung magbabayad epal ka

 

W: should I buy you a shirt? Or a hoodie?

 

K: wag na, dadagdag mo pa ko sa gastusin mo

 

W: both then!

 

K: winter!

 

K: sabing wag na nga

 

W: who gave you the right to decide?

 

K: bahala ka, hindi ko gagamitin yan

 

W: gagamitin mo yung bibilhin ko sayo or bibilhan kita ng bagong phone? you decide

 

K: i’ll take the goddamn shirt or hoodie. please lang, wag ka na mag aksaya ng pera

 

W: see? It’s not that hard naman

 

W: arte mo

 

K: ikaw kaya yung maarte dito

 

K: hindi talaga kita kinakaya most of the time

 

W: and nahawa ka na sa kaartehan ko. that’s winter’s effect, baby

 

K: who are you calling a baby? mas matanda ako sayo

 

W: i always forget na mas matanda ka sakin hahaha

 

W: you’re childish din kasi minsan

 

K: isa na siguro sa mga nakuha ko sayo

 

W: huh, isinisi mo pa sakin

 

K: kasi ikaw naman may kasalanan

 

K: anyway, malapit na matapos yung 10 minute break namin. Enjoy kayo ni nangning

 

W: it’s ningning, lagot ka dito hahaha

 

W: if you say you miss me too then i might give you a surprise or something

 

K: manigas ka

 

W: hmp, you’re so bad

 

K: have fun sa gala nyo ni ningning

 

K: And I miss you too, Winter.



 

Agad kong nilock yung phone ko dahil bigla akong nakaramdam ng kaba na hindi ko alam ang rason.

 

The hell is wrong with me


 

----------------------------------------------------------------------------------------------------


 

“Mamamatay na ata ako”


 

Nakahiga kaming tatlo nila Ryujin at Seulgi sa mats, naghahabol ng hininga.

 

Si Aeri, hindi na nagsayang ng panahon at dumiretso na sa cr para mag shower.

 

Sobrang sakit ng katawan ko. Hindi ko na nga maramdaman yung legs ko dahil grabe yung training ngayon.

 

Tinry kasi namin yung stunts wherein for the first time gumawa kami nung sobrang taas na pyramid at tinry nila akong gawing flyer.

 

Putangina

 

Ang tangkad tangkad ko tapos trip nila ako gawing flyer?

 

Ewan ko ba, sobrang experimental kasi ng bago naming trainer.

 

Even Aeri and Ryujin, pinasubok mag flyer.

 

Lahat ata ng babae trip nila gawing flyers.

 

Paano naman kaming mga nanahimik na base and backspot, diba?


 

“Karina, here oh. Kapagod ba?”


 

Binuksan ko yung mata ko at nakita ang nakangiting Chaeryeong na merong hawak na gatorade.

 

She’s Chaeryeong Lim, nagmula sa family ng mga politicians. Sobrang talino nyang tao wala akong masabi, and it probably runs in their blood.

 

And she’s probably the kindest girl I have ever met.


 

“Ah, thanks Chae. Hindi ka pagod?”

 

Umiling sya at ngumiti “Flyer naman ako kahit last year pa. Sanay na ako.”

 

“Hirap pala ng trabaho nyo. Sanay na kong nabubuhat pero yung ikaw magtr-tricks sa ere? Nakakamatay amputa.”

 

“Dapat nga di ka na sinama dito. Ang tangkad tangkad mo.”

 

“Ewan ko ba kay coach, kung ano ano na naman ang iniisip. Nananahimik ako sa backspot tapos trip ako gawing flyer?”



 

Tumawa lang sya at naupo na din sa tabi ko.

 

Bwisit na cheerdance to.

 

Bakit ba kasi sobrang hilig namin mag explore? Sana nag stick nalang kami sa street dance tutal kasama na sya sa UAAP ngayon.

 

Maling desisyon talaga.


 

“Sana lang maganda yung outcome, kung ano man pinaggagawa natin.” Sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
545 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
545 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
699 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
699 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha