Kulayan Natin

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter

Bahay ni Winter 

 

Kulayan natin

Ng ngiti at tawa

Ang mga araw

Na mataimtim

*stan munimuni hoes*


 

Andito kami ngayon ni Winter sa grocery store, located sa ground floor ng condominium na tinutuluyan nya. 

 

Alam nyo ba kagabi, iniisip ko mag back out at magdahilan kay Winter kasi medyo nagsisi ako sa pagpayag ko kahapon pero eto ako :)

 

Rupok amputa. 

 

Ramdam ko din na pipilitin nya ako mamaya uminom dahil 'malungkot' mag-isa. Alam na alam ko na galawan nya.

 

And okay lang din naman sakin, I guess...

 

Medyo may tiwala pa 'ko sa sarili ko dahil duh, tropa ko lang naman sila Aeri, Yeri at Ryujin, ang mga biggest party goers and lasinggeras na nakilala ko. 

 

Hindi na rin naman ako bago sa inuman. Nung SHS halos every week meron kasi yun yung darkest days hehe.

 

Wag na nga pag-usapan! 

 

Since then, yung mababa kong tolerance ay tumaas na din. Natuto na 'ko magtimpla at kung pano ba dapat yung sunod sunod na iinumin para hindi malasing agad. 

 

Simple lang naman yung timpla na gusto ni Winter. Soju and Yakult lang naman. Kahit bata kayang gawin 'to kaya ewan ko ba bakit pumunta pa 'ko dito para ipagtimpla sya nyan.

 

A classic but somewhat deadly. 

 

Ang mahirap kasi sa timpla na yun is masarap talaga kaya mapaparami ka hanggang sa di mo namamalayan, may tama ka na. 

 

Parehas sila nung Pink Gin. Putanginang pink gin yan. 

 

Anyway, hindi gaano marami ang tao sa grocery dahil siguro tanghaling tapat at sunday pa. 1PM palang kasi ngayon at hindi na 'ko nagpa-late pa dahil baka gabihin ako ng sobra. Mahirap na teh! 

 

Si Winter ngayon ay nagbro-browse ng chips samantalang ako ay kumuha ng ilang cans ng pink and blue pringles, my favorite! 

 

Wala naman kaming gagawin ngayon bukod sa kumain at uminom. Baka manood din ng movie, depende sa trip nya. 

 

Ay oo, sabi nya kagabi sa text na gusto nya din daw ma-try mag mukbang. Gabi-gabi nya daw kasi pinapanood si Zach Choi bago sya matulog kaya naiinggit sya, at ngayon ay pinilit ako na mag mukbang tapos uminom. 

 

Parang ang sakit bigla sa sikmura. 

 

Pero dahil food lover ako, di na ako tumanggi. Biyaya na yun at di naman ako tanga para humindi pa. 

 

Basically, puro unhealthy foods ang kakainin namin ngayon. Umorder sya from popeyes, mcdo, jollibee, KFC  and burger king. 

 

Na-stress ako bahagya kasi parang magkakasakit kami sa bato after this goddamn mukhbang. 


 

"Winter, masyado na marami yang binili mo puro pa unhealthy. Akala ko ba yung bibilhin lang natin is yung kaya natin kainin ngayon?" 


 

Pano ba naman kasi, yung isang malaking cart ay puno na agad ng junk foods. Hindi pa ba sapat yung inorder nya? Akala ko ba iilang chips lang at soju ang bibilhin namin dito? 


 

"Shut up, ako naman ang kakain. Just let me be, okay? Sabik ako sa junk foods dahil vegetarian yung tita ko sa Switzerland, wala kang makitang ganito sa bahay nila." 


 

Ano yun impyerno? Buti buhay pa sya! 


 

"Fine, basta eat moderately lang. Tataas ng salt content ng binibili mo. Ang dami ding chocolates! Tataba ka nyan sige." 


 

Bigla syang humarap sakin at tinignan ako ng masama. 


 

"Pag mataba na ba ako, i'll be ugly na?" 

 

Nginisian ko sya, "Panget ka naman kahit ngayong payat ka." 

 

" you." Inis na sambit nya sabay hampas sakin nung toblerone na hawak nya. Gago talaga to


 

Finally, natahimik na ang kalukuwa nya at nag decide na magbayad sa counter. Tila kami magtatayo ng sari sari store dahil iba iba yung binili namin. Lahat ng makitang interesting ni Winter, nilalagay nya sa cart. Kahit nga ata di pagkain kasi may nakita akong albatross dun! 

 

Tinry ko naman pigilan, okay? Pero inaaway naman ako pag binabalik ko kaya hinayaan ko na. 

 

Ako na ang nag surrender kasi pag pinatulan ko, baka makagawa kami ng eksena dito edi mas nakakahiya. 

 

Tsaka sya naman ang magbabayad kaya bahala sya sa buhay nya. 

 

Speaking of bayad, halos lumuwa yung mata ko nang makita ko yung total. Naka 7k lang naman kami! 

 

Feeling ko mahihimatay ako.

 

At itong si Winter, wala naman gaanong reaksyon at binigay lang yung credit card nya. 

 

I swear to God, every time na nilalabas nya yung black card nya para talaga syang Sugar Mommy.

 

May potential si Winter ha. 

 

Tinulungan kami nung bagger na dalhin yung pinamili namin hanggang lobby ng condominium.5 bags din lahat nung pinamili nya at syempre si Winter, ang tanging bitbit nya lang ay yung dalawang bote ng soju tapos yakult. 

 

Pinahiwalay nya pa yun dun sa bagger kanina pakahayop talaga. 

 

Dalawang bote lang binili namin kasi sya naman ang mostly iinom. Titikim tikim lang siguro ako. 

 

Marami na nga yung dalawang bote na yan yan kung tutuusin! 

 

Isa lang muna bubuksan ko mamaya para safe. 

 

Mas maganda na may isang sober sami dahil mahirap na baka kung ano pa ang mangyari. 

 

Located yung unit ni Winter sa 15th floor ng building A and her unit is really wide. Sabi nya kasi 4 units in total yung binili ng parents nya para malaki yung space. 

 

Pero sa 4 units na yun, naliliitan pa din ako. Grabe, di talaga praktikal ang condominium pag titira ka for good. Mas maganda pa din talaga yung bumili ng totoong bahay. 

 

1 unit palang ng smdc condo cost millions na, samantalang mga bahay outside NCR 800k palang meron ka nang 2 story house. 

 

White and black lang ang nakikita ko sa unit nya, wala din masyadong gamit bukod sa usual furniture and appliances.

 

Hindi minimalist yung style, sadyang wala lang talagang kalaman-laman! 

 

Sobrang patay yung vibe. Mapapa-isip ka kung may nakatira ba talaga sa bahay na 'to

 

Kahit family pictures wala sya, wala ding paintings o kaya kung ano anong pan-decor. 

 

Medyo nangangati yung kamay ko na designan yung unit nya pero nagpigil lang ako. Pag nakatagal ako sa kanya ng isang buwa, babanatan ko 'tong unit nya. 

 

Naalala ko tuloy yung tropa. Nung nakabili kasi sila ng kanilang mga sariling condo unit nung nag college sila, nagtulungan kami para i-design yun lahat. 

 

Yes, kami mismo nag ayos ng itsura ng unit nila. Fully furnished naman na pero kami lang yung nag-ayos kung saan ilalagay yung mga gamit, pati na din ng mga pwedeng idagdag na decorations like led lights, pictures, and kung ano anong bagay na magpapaganda ng mga unit nila.  

 

Si Seulgi pinakamaraming ambag kasi sya yung mismo nagpe-paint sa wall ng bawat kwarto nila. Inaabot sya ng ilang linggo para makatapos since malaki yon. Iba iba yun ng designs, pero mostly landscapes. Si Ryujin ang katulong nya mostly sa painting kasi kahit di halata, may kwenta sa art si Ryujin. 

 

Ako lang yung assistant nila, yung taga paint kapag natapos na nila yung outline. The rest of the squad yung nag-aayos and bumibili ng iba't ibang pan-decor ng bahay. 

 

Ryujin have the best room, dahil yun ang best artwork ni Seulgi. Since Ryujin loves city lights so much, yun ang pininta ni Seulgi. Ang astig nga sobra kasi sobrang detailed nung pagkakagawa parang legit na city lights talaga yung view mo.  Isang buwan din nila ginawa yun kaya sobrang worth it nung kinalabasan. 

 

Ilang beses na ngang pinagmayabang ni Ryujin yun sa IG nya and everytime na makikita ng followers nya, gandang ganda pa din sila. 

 

At dahil din dun, sobrang dami yung nag DM kay Seulgi sa IG , gustong magpagawa sa kanya. Na-stress ang oso back then kasi hindi sya marunong tumanggi!! Buti nalang si Ate Irene yung nag handle ng situation dahil napakabait ng jowa nya.

 

Kay Yeji, forest yung theme ng bedroom nya. Dami nya ding mga plants sa unit tapos yung mga halaman nya pa yung mga rare, meron pa nga dun yung nakakatakot pucha di ko maalala yung tawag basta yun! Akala mo nasa gubat ka sa unit ni Yeji. Dagdag mo pa na madami syang alagang pets. 

 

Kay Yeri, map of the world since mahilig sya mag travel around the world. Mukha ngang wallpaper lang dahil sobrang linis nung pagkakagawa nila Ryujin. Naglalagay din sya ng polaroid dun sa lugar na napuntahan nya na and dzai, halos naikot nya na talaga ang buong mundo kasing punong puno na ng polaroid yung wall nya. Ang ganda nga tignan super.  

 

Kay Sakura, solar system. Hindi namin alam kung anong connect sa kanya basta ang sabi nya lang is maganda tignan. Pero maganda din yung room nya kasi puro led lights, ang aesthetic tignan. 

 

Ang kwarto naman ni Seulgi, siguro yun ang pinakapanget kasi sobrang tamad na sya mag design. Inuna nya kasi yung sa tropa bago yung kanya. Dahil hindi naman kami pumayag na walang design yung kwarto nya, kami na yung nag volunteer. 

 

And yes, medyo binaboy namin yung kwarto nya. Inayos nya lang ng konti para kahit papaano ay mag mukhang abstract kuno. 

 

Galing talaga ng kamay ni Seulgi, parang magic. 

 

Swerte naman ni Ate Irene! Char, ang dumi pakinggan.

 

Ako lang yung wala kasi wala naman akong sariling kwarto, pero siguro if meron man, gusto ko i-paint ni Seulgi ay stage tapos may nakalagay na piano dun. Passion ko talaga yung pagtugtog ng piano kahit na matagal ko na 'tong tinalikuran. 

 

Hay, konting tiis lang, yayaman din tayo! Makakabili din ako ng sarili kong bahay at magkakaroon ng sariling kwarto tapos sila din yung pag-aayusin ko nun.

 

Magkaibigan pa naman siguro kami.. diba? 


 

"Jimin, what should we watch?" 

 

"Hmm?" Tinignan ko yung 90 inches nyang TV na ngayon ay nasa netflix na "I watch anything but horror." 

 

"Horror it is, then." 

 

"Bye." 

 

"Wait!!" Tatawa tawa nya akong pinigilan "I wanna watch action movies since I prefer them over romcoms.” 

 

"Thank God, akala ko romcom lover ka." 


 

Umupo ako sa tabi ni Winter but still kept a safe space between us. Kahit na medyo komportable na kami sa isa't isa, mas okay pa din na may boundaries. 

 

Nga pala, ngayon ko lang ata nakita si Winter sa kanyang home outfit. Very comfy sya tignan at very simple, unlike kapag umaalis kami. She's only wearing a yellow hoodie and silky shorts. Naka-messy bun yung blonde nyang buhok and it made her look 20x more attractive. 

 

Winter looks best when she's comfortable. 

 

Well ako naman, simple lang din. I'm wearing a white loose long sleeve top and cotton shorts. Hindi din ako nagsuot ng contact lenses ngayon kaya I stayed with my round specs. Nagtali ako ng buhok dahil medyo nakakayamot na 'tong buhok ko, sobrang haba na. 

 

Ma-pride kasi ako kaya hindi ko pinapagupitan yan. 

 

Napansin naman ni Winter yung pagtatali ko ng buhok. 


 

"Ngayon ko lang napansin, you really have a long hair. Wala ka balak magpagupit?" 

 

Umiling ako "I have this silly promise to myself kasi let's say.. 3 years ago? na hindi ako magpapagupit hangga't di ko pa nagagawa yung goal ko." 

 

"3 years?! Grabe, ang tagal na. That's why it's so long." 

 

"Yep. Short hair lagi yung hairstyle ko before, hanggang balikat." 

 

Gulat syang napatingin sakin "Hindi ko ma-imagine." 

 

"Hanapin ko picture, sandali." 


 

Binuksan ko yung barag barag 'kong iPhone 6 na pinaglumaan ni Yuna, ang youngest daughter ng mga Mendoza. We're really close, like sisters na talaga and hindi naman hadlang ang nga Mendoza dun dahil may tiwala sila sakin. 

 

Buti nalang super organized ako sa albums kaya madali lang hanapin yung pictures ko nung SHS. Pinili ko yung picture ko nung last paskuhan ko nung Grade 12.


 

"Look." 


 

Excited na kinuha ni Winter yung cellphone na binigay ko at tinignan maigi yung picture. 


 

"No way! You look so different here. Pero why.. why are you giving me playgirl vibes here?" 

 

"Playgirl ka dyan!" 


 

Aaminin ko, nung SHS kasi medyo hypebeast na ko manamit. Mahilig kasi ako mag try ng kung ano anong combinations and oddly, bumabagay naman. Thanks to my good proportions and face heh. Dagdag mo pa yung mga naarbor ko na mamahaling damit. 

 

Hilig ko pa magpa-cool na posing! Si Ryujin talaga nang-impluwensya sakin nung mga pa-cool nyang posing na hanggang ngayon ay ginagawa nya pa din. Nakakasuka maalala putanigna. 

 

Pero legit, may bad aura ako nung SHS.

 

Hindi naman ako nagbubulakbol sa school, dahil takot ko nalang mawalan ng scholarship but you know, yan yung mga panahon na dine-date ko talaga kahit sino. 

 

So yeah, maybe playgirl nga ako nun pero disente akong playgirl, excuse me. Never ako nag cheat kahit na hindi ko talaga jowa yung dine-date ko. I end things kapag ayaw ko na, as simple as that. At pag umayaw na 'ko, wala nang balikan. Kahit luhuran pa nila ako deadma nalang siz. 

 

Kaya yon medyo bad talaga image ko before kasi medyo harsh ako sa split up pero at least, naranasan nila maka-date si Karina Yu. *flips hair



 

"Anong version ang mas maganda? Yung short hair or ganitong long hair?" 

 

"Hmm." Ang cute, parang pinag-iisipan nya talaga "I prefer the Jimin in front of me, mukha kang mabait sa long hair." 

 

"Mukha lang? Bait bait ko kaya!" 

 

"No, I mean the vibe kasi, stupid. I like people with gentle auras and yung nga mukhang matalino."

 

Nginitian ko sya ng nakakaloko "So mahilig ka pala sa mga may scholarly aura, huh? May kilala ako na same ko ng aura, pakilala kita?" 


 

Nawala bigla ang ngiti ni Winter at ngayon ay tinitignan na ako ng masama. Tatanungin ko sana kung bakit nang sakto naman may nag doorbell. 

 

Tumayo si Winter pero nagulat ako nang bigla nyang ibato sakin ng malakas yung remote. Gago, buti nasalo ko! Sa mukha ko pa naman papunta! 

 

Ano na naman ba ang problema non?

 

Maya-maya ay bumalik na sya sa living room at may bitbit na 3 paper bags. Aba ang Ate nyo Winter, padabog din na binagsak yung paper bag sa lamesa. 


 

"Problema mo? Wag mo ganyanin yung pagkain, masama yon." Saway ko sa kanya habang inaayos yung binagsak nyang pagkain

 

"I really hate you, you know that?" 

 

Tinaasan ko sya ng kilay "Ano na naman ginawa ko?" 

 

"You're being stupid kasi!" 

 

"Hoy kung stupid ako, di ako papasa ng UP." 


 

Umirap naman si Winter at inis na binuksan yung paper bag ng jollibee at isa isang nilapag yung laman sa center table


 

"Sa academics ka lang matalino."


 

Napahawak ako sa dibdib ko and looked at her dramatically. 


 

"Huy medyo nakaka-offend ha." 

 

"Tch." 

 

"Nagalit ka ba dun sa sinabi ko?" 

 

"What do you think?" Pagsusungit nya 


 

Okay, nagalit nga sya. Sorry naman! Hindi naman ako aware na tulad ko, ayaw nya din muna magkaroon ng relationship with others. Magkakasundo talaga kami kung ganyan. 

 

Nga pala, wala akong alam sa past life ng bubwit na 'to. Pwede naman siguro tanungin no?


 

"Winter, may naging ex ka na ba?" 

 

"Are you kidding me? I have like 2 friends, what makes you think na nagkaroon ako ng jowa?" 

 

Bumusangot ako, "Nagtatanong lang naman, galit ka na agad." 

 

"Kasi nakakainis ka!" 

 

"Sorry na, Winter." Kahit di ko alam bakit ako nagso-sorry in the first place

 

"Hmp." 


 

Rupok din nya oh, nakangiti na agad isang sorry pa lang. She's so cute. 


 

"Tara na dito, I'll get something first." Utos nya sabay tayo at pumunta sa kwarto nya


 

Tumayo na din ako mula sa sofa at umupo sa lapag. Punong-puno yung center table nya ng iba't ibang pagkain at medyo nasusuka na ko agad kahit di pa kami nagsisimulang kumain. 

 

Ilang segundo lang ay lumabas na si Winter at may dala na syang GoPro. Don't tell me..


 

"I'll take a video of us." Sagot nya sa tanong na nasa isip ko

 

"Ayoko nga." 

 

"Dali na, hindi ko naman ikakalat! For personal use lang." 

 

"Anong personal use ka dyan? Ayoko." Mariin kong tanggi. Kung ano ano na naman ang sinasabi ni Winter

 

"I want to document my first mukbang duh! Bilisan mo na, ang kj mo!" 

 

"KJ na kung KJ, di ako sasali sa video. Ikaw nalang mag-isa." 

 

"Pag pumayag ka, di na 'ko magagalit." 

 

Tinaasan ko sya ng kilay "Galit ka pala?" 


 

Aba, hinampas lang naman ako nung tripod sa braso. Ang sakit ha! 


 

"Dali na kasi!" 

 

Syempre, papayag din ako in the end "Fine, pero ayoko nung malapit satin. Ilagay mo dun sa may TV banda." 

 

"The purpose is marinig yung sound habang kumakain tayo tapos ilalagay mo sa malayo? You're really stupid sometimes." 


 

Nakakailang stupid na sya sakin ngayon araw, medyo na-o-offend na ko. 


 

"Di naman ako aware na ASMR pala gagawin natin, sabi mo mukbang lang gagawin natin kaya di na importante marinig yung sounds.” 


 

Lalaban pa sana si Winter pero mukhang wala syang naisip na isasagot kaya hinampas nya nalang ako ng tripod bago i-set up yung camera malapit sa tv. Napakagaling talaga. 


 

"There. Okay na?" 

 

"Yep" 


 

Pinlay na ni Winter yung Avengers: Endgame movie na ilang beses ko na atang napanood. Pero hinayaan ko nalang, masarap naman yung mga pagkain na andito sa harap ko. 

 

Syempre, naghugas muna ako ng kamay bago binanatan yung chicken burger from popeyes. This will forever be the best chicken burger in town, no one dares to compete. 

 

Habang kumakain, sinabay ko na din yung pagtitimpla ng Soju ni Winter para maisabay nya na sa kain. 

 

Baka mamaya kasi nyan, gabihin na kami kung di ko isasabay sa pag kain nya. 


 

"What are you doing? Baka sumakit tummy ko dyan ha." tanong nya habang tinitignan yung pagtitimpla ko

 

"Trust me. Ako ang tagatimpla ng alak sa tropa." 

 

Halatang mag paghihinala sa mga tingin nya "Pag di yan masarap, pagbabayarin kita lahat ng binili natin." 

 

"Kapal ng mukha mo. Gusto ko lang ipaalala na pag umalis ako dito, iyak ka dyan." 

 

"You know I'm just kidding, diba?" 


 

Bilis matakot. 

 

Binalik ko yung atensyon ko sa pitsel at na yung Soju. 


 

"Akala ko ba you don't drink? Bakit marunong ka mag mix ng drinks?" 

 

"Umiinom din ako occasionally and I enjoy mixing drinks. Gusto ko nga pag-aralan to but I don't have time na." 

 

“Then, should we attend a training program or something sa summer?”


 

Di pa nga sya nalalasing pero kung ano ano na ang sinasabi nya.


 

“Busy ako sa summer”

 

“I don’t believe you.”

 

“Edi wag ka maniwala.” Tinikman ko yung timpla “Mm, pwede na.” 



 

Sinalinan ko na yung baso nya at naglagay din ako ng konti sakin. 

 

Yung kaartehan ni Winter umiiral na naman kasi kumuha sya ng glass straw na hinanap nya pa sa kitchen nya bago tinikman yung soju.


 

“Wait,  parang juice lang?”


 

Natawa ako. Nako ses, ganyan din ako nung una. 


 

“Wag mo i-underestimate yan. Soju pa din yan, naglasang juice lang.” 

 

Tumango sya “Alright, thank you for giving in to my request nga pala." 

 

“Syempre, pinilit mo ko.”


 

Ngumiti lang sya na parang bata at nagsimulang kumain. Ang weird lang, ganito talaga karami pulutan namin ano? Kanin at ulam? Tapos higop pa nang higop si Winter sa Soju, ginagawang juice amputa. 

 

Natatakot ako sa kalalabasan nito, seryoso. 


 

------------------------------------------------------------------------------------


 

Guess what.

 

Nakakatatlong salin palang ata si Winter ng Soju pero bagsak na agad sya. Tanga kasi sya, sabi ko hinay hinay lang at wag sya magpalinlang sa lasa ng juice dahil demonyo yun. Soju pa din yan na may 20% alcohol content, iba lang ang lasa. 

 

Pulang pula sya ngayon at parang nanghihina na nakasandal sa sofa. Parang any minute pipikit na sya at makakatulog.


 

“Winter.” 

 

“What?”

 

“Tumayo ka na dyan, dun ka matulog sa kwarto mo.”

 

“Huh?” Winter stared at me in confusion “Hindi ako inaantok.”

 

“Sinong tangang niloloko mo?”


 

Tinry ko syang hilahin patayo pero nagmamatigas talaga si Winter. 


 

“Bilisan mo na, dun ka na sa kwarto mo para makahiga ka ng maayos.”

 

“Ayaw ko, aalis ka agad eh. It’s only…” Napatingin sya sa malaki nilang digital clock “Huh? 5 na?”

 

“Mm bobo, 2 palang. Halatang lasing ka na.” 

 

“Naduling lang ako, I’m not even drunk yet.”

 

“Hindi ka naman bigla biglang maduduling kung di ka lasing.” This time ginamit ko na talaga yung buong lakas ko, bahala na kung masaktan sya


 

Dahil medyo wala ng sense of balance si Winter, napalakas ang hatak ko sa kanya at muntik pa kaming matumba. Buti nalang malakas and lower body ko, advantage ng pagiging member ng pep squad.


 

“It hurts..” Reklamo nya sabay yakap sakin

 

“Sorry, kulit mo kasi eh.”

 

“Ayoko lang na umalis ka. It’s still early, I want to spend more time with you.”


 

Hindi nya na alam ang sinasabi nya. 


 

“Hindi ako aalis, sabi ko diba 7 pa kasi kakain pa 'ko ng dinner dito?”

 

“Ah right..”


 

Tumayo ng tuwid si Winter at mas hinigipitan yung yakap sakin. Sumiksik sya sa bandang leeg ko…. affectionately. 

 

What the hell…


 

“Umayos ka nga, Winter.” sinubukan ko syang itulak pero kapit na kapit talaga. Linta ka sis?

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
545 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
545 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
699 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
699 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha