Simula

Along Katipunan
Please Subscribe to read the full chapter


Yu Jimin

 

Ako nga pala si Yu Jimin pero mas kilala ako ng tao bilang Karina, Political Science major ako sa Unibersidad ng Pilipinas. Miyembro rin ako ng UP Pep Squad at gumraduate ako ng High School sa UST with Highest Honors. Oh diba, lapag agad ng credentials? Ganyan dapat ang introduction! 

 

You could say na matalino ako, sabi pa ng iba mabait and may itsura ako—I mean, tae nga may itsura so..  yeah. Tanong nyo nalang sa countless flings ko before pero hoy di ako proud sa flings na yun ha! 

 

Nakakapangsisi nga lang yung pagiging maharot ko for the last 2 years dahil hinahabol nila ako ngayon jusko, iba talaga ang maganda. Buti nalang wala ako naka-fling sa UP dahil ayoko nang may dumagdag pa sa sakit ng ulo ko.

 

Yu ang apelyido ko dahil parehong Koreano ang aking magulang. Hindi ko kilala si Papa at ayaw din sabihin ni Mama. Hindi ko na rin tinanong pa sa kanya kasi ramdam ko na ayaw nyang pag-usapan. Siguro may hindi magandang nangyari sa kanila nung bata pa lang ako, kaya I respect that.

 

Mahirap lang kami kasi si Mama kasambahay lang sa bahay ng mga Mendoza. Sila yung may-ari ng pinakamalaking law firm sa bansa! Sila din ang nagpaaral sakin sa UST noon dahil nakikitaan nila ako ng potensyal when it comes to acads. Sila ang dahilan kung bakit Pol Sci ang major na kinuha ko kahit na gusto ko maging pianist. 

 

Gusto ko kasing masuklian lahat ng kabutihang naitulong nila sakin at kay Mama. Once na maka-graduate ako, sa law firm nila ako magtratrabaho. Hindi naman nila ako pinressure about dito, pero gusto ko lang talaga maibalik lahat ng tulong na binigay nila. I'm even willing to abandon my own dream. 

 

Alas Kwatro ng hapon nang matapos ang huling klase ko ngayong araw. Sumakit ang likod at pwet ko sa haba ng lecture ni Mr. Buenaventura. 2 hours ba naman straight, talagang nakaka-drain. Buti nalang walang pa surprise quiz kung hindi baka gumagapang na 'ko palabas.

 

Naglakad na 'ko papuntang Vinzon’s para makakain. Actually, tambay ako ng Vinzons kasi dun mura yung pagkain. Sa combo meals palang nila busog ka na, kahit hindi gaanong healthy, patos na din. Walang karapatan magreklamo ang walang pera oki? 

 

Ayokong gumastos ng malaki dahil may pinag-iipunan ako. Nakakakain lang naman ako sa restaurants kapag kasama ko yung tropa dahil nililibre nila ako. Burgis kasi ang mga yon.

 

Speaking of my tropa, I wonder where they are. Si Seulgi at Ryujin lang kasi yung mga tropa kong nakalusot din dito sa UP. Samantalang si Yeji naman ay nasa UST pa rin dahil Nursing ang kinuha nyang programa. Si Yeri naman ay sa La Salle, madami daw kasing gwapo dun. Sa totoo lang, di kami naniniwalang pogi pinunta nya don! Kahit di naman nya aminin halatang patay na patay sya kay Saeron. Si Sakura naman, sa Beda nag-aral. Pol Sci major din katulad ko. Sa Ateneo sya pinag-aaral ng magulang nya pero pinili mag SBU, bakit? Kasi andun si Eunbi, yung girlfriend nya.

 

Ex fling ko yun si Eunbi, nagkakilala sila ni Sakura through me. Ayos diba? Hindi ko naman sya masisisi dahil siguro napagod sya kakahintay sakin na magseryoso. Si Eunbi kasi label ang hinahanap sakin e hindi ko naman maibigay sa kanya yon. 

 

Somewhere deep in my heart, alam kong sya lang ang tatawagin kong girlfriend. Kaya naman these past few year

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
wala ako mailagay dahil di ko rin inexpect na mag-uupdate ako agad 🤯

STREAM SPICY

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
545 streak #1
Chapter 22: Dito talaga ako uuwi eh
howdoyouknowmee
545 streak #2
Chapter 22: Mahal ko pa rin kayo, di naman magbabago yun.
SeulreneXchaelisa #3
Ghosted na kami huhu
niniclues
#4
Chapter 22: balik ka na po, wag ka gumaya sa ex ko
karwinworld #5
re reading!
ryujinie__
699 streak #6
REREADING<3
stillintoyu
198 streak #7
congrats po sa feature! kailan k babalik tor
ryujinie__
699 streak #8
mishuu
Etoile__
354 streak #9
Chapter 22: otor kelan mo kami babalikan 🥲
SeulreneXchaelisa #10
Chapter 22: Balik ako after 4 years sana tapos na to hahahahaha