Three's A Party

Make Me Fall...Can You?

 

idinilat ko ang aking mga mata. maliwanag na sa kwarto.
 
"syet umaga na ata" inaantok ko pang bulong at kinapa ko kung saan ko nilagay ang cellphone ko.
 
alas nuwebe y medya ng umaga.
 
watdapak!
 
mabilis akong bumangon at tinakbo ko na ang banyo. damn. late na ko. 9:30 pa naman yung klase namen at may exam pa! damn damn.
 
after five minutes, natapos na akong maligo. syempre no, nagsabon, nagshampoo at naghilod kaya ako. so yun habang halfway na ako sa pagpapalit ng damit, biglang nagring ang cellphone ko.
 
si april.
 
 
"hello ken? good morning" bati niya.
 
"uhh. hi" sabi ko habang inipit ko ang phone sa mukha at balikat ko dahil sinusuot ko ang aking pantalon.
 
"busy ka ba the whole day?"
 
nag-isip ako. ano nga ba gagawin ko ngayon? klase from 9 til 3pm. tapos magpapalevel pa. hmm.
 
"umm yea. i think sa gabi lang ako makakalibre, that is kung walang assignments. why?"
 
"ah.. magpapasama kasi sana ako sayo sa mall eh. bibili ako ng libro sa bookstore. and since you love books more than i do, gusto ko sanang kaw na pumili ng mga magagandang books na pwede mong marecommend sakin."
 
hindi ako nakasagot.. as if i'm digesting what she just told me. it's as if may biglang bumulong sa aking isipan na, sige na, grab that opportunity paul, pumayag ka na!
 
"i'll see what i can do.." and then i hung up.
 
thirty minutes later, literally tumatakbo na ako sa corridors para makahabol. damn, sana hindi sila nag exam ngayon! nang pumasok ako sa room, wala yung teacher namin at maingay ang klase. whew.
 
"wala bang klase?" tanong ko agad nang nakaupo na ako.
 
 
"wala ken. attendance lang daw muna. pa-check ka dun o."
 
salamat naman. and then my phone beeped, indicating na meron akong bagong message.
 
galing sa pinsan kong si pedro.
 
"ui pablo. ngayon mo na iaannounce yung chikas na pipiliin mo sa make me fall diba?"
 
aba oo nga no? syet di ko naalala yun a! nagreply naman ako agad.
 
"oo ngayon nga. bakit mo naitanong?"
 
"me napili ka na bang chikas ha? maganda ba yan?"
 
amf. umiral na naman pagkamatoles nitong pinsan ko.
 
"meron na akong dalawang pinagpipilian. siguro iaannounce ko na yun mamaya."
 
"aba. itutuloy talaga o. sige good luck. nga pala, reformat mo naman tong pc ko."
 
"sige, daan nalang siguro ako jan mamaya o bukas."
 
i sat back and closed my eyes. i still got an hour to go before my next class, hmm, makapaginternet nga muna sa library.
 
masarap mag internet sa library namin dahil libre. hohoho. kaya tuwing may mga kailangan akong i-search up na mga bagay o di kayay mga random stuff lang plus foruming, dito ko ginagawa. una kong binuksan ang email ko to check for updates regarding the notes na palaging binibigay ng teacher namin sa discrete mathematics. 144 messages sa inbox. puro spam amf. pero.. one message stood out.
 
 
an_gonzales14
 
 
at kanino naman kaya to?
 
so yun, after deleting the other messages that i received, binuksan ko ang misteryosong email.
_____
it read:
 
paul.
 
pasensya na kung ngayon ko lang nasend ito, matagal ko din kasing pinag-isipan tong gagawin ko.
 
i'm angelica nicole pala. i'm from the university of ....
 
(awts, prestigious university to ah.)
 
actually, i just want to make this clear to you na hindi ako sumali para sa reward or something. so i don't need it. the reason why i joined this event really is that gusto ko lang i-prove sayo na i can make you fall no matter how numb you are or something.
 
sa tingin ko kasi, biktima ka ng isang masaklap na heartbreak kaya mo siguro naisipan ang ganyang event.
 
there's one thing that i'm sure though, that you will fall for me as the event ends.
 
(aba. mayabang.)
 
i'm challenging you to accept me for this event, wag mo tanggapin, oh well, it would mean na natatakot ka lang.
 
that would be all.
 
angelica nicole
 
p.s: tawagan mo ko sa number na to if you are accepting my challenge. 0915*******
______
 
wtf? anyabang nitong babaeng to a? konti lang naman ang ayaw ko sa mundo, at isa na dun yung mga taong mayayabang, lalo na kapag babae. tsk tsk. at ako pa ang ginawa nyang challenger. damn.
 
napangiti na lang ako.
 
now i've got three.
 
hmm.
 
april - bespren ko before, and my first love.
 
lei - the super cute na chinita na, very curious about me and so mysterious.
 
angelica - ang mayabang na babae na ako pa ang hinahamon.
 
tsk tsk tsk.
 
tres marias. olala.
 
now, sino ba ang pipiliin ko?
 
i looked at my wristwatch.
 
alas onse y medya na.
 
thirty minutes more, klase ko na.
 
pero, as the day dawns to a close, kelangan ko na talagang magdecide agad at pumili sa tatlo. hmm, alin kaya sa kanila?
 
or..
 
and then a very brilliant yet wicked idea hit me.
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH