ALMOST!

Make Me Fall...Can You?

 

"a-anong gagawin mo?" she half-whispered habang nagkakalapit ang mukha namin.
 
"bakit? hindi mo ba alam kung san tutungo itong gagawin ko?" ang sabi ko naman.
 
 
"ken, no."
 
 
"ang sabi mo sakin di ako marunong diba?"
 
"but it doesn't mean?!"
 
ngumiti lang ako. ayaw mo pala, pero bakit di mo ko pinipigilan? i don't know kung ano ang pumasok sa isip ko at bakit ginagawa ko ang bagay na to pero.. pero.. wala nang atrasan..
 
 
"ken..."
 
 
i held her chin up, and then she closed her eyes.
 
"angelica.."
 
as i was about to, parang may biglang.. no.. i.. i can't do this!
 
i stopped, and i could tell na my lips were just an inch away from hers. that close that i could feel her breath, smell it. so close. but then..
 
inalis ko ang pagkakahawak sa kanya at umatras ako ng konti. i.. really can't yet..
 
"i.. i'm sorry angelica.." ang tanging nasabi ko lang. napayuko ako, avoiding her eyes.
 
"it's.. it's okay.. pasensya na rin.." ang sabi nya naman.
 
"i have to go.."
 
"sige.. thanks for the night.. ingat ka.."
 
at ayun, wala ako sa sarili nang binabagtas ko na ang daan pauwi samen. tsk. ano ba yung nagawa ko, at ano rin ba yung ginawa ko. hayz. kabwiset. ewan ko ba, dapat ba akong magsisi nung di ko sya hinalikan o dapat ba akong..
 
 
medyo madilim ang daan, and i was still short of 20 meters bago dumating sa gate ng bahay. napansin ko na parang may konting kaguluhan ahead. naki-usyoso naman ako.
 
"padaanin nyo na po ako please. kelangan ko na pong makauwi."
 
"kiss mo muna kaming lahat miss bago ka makadadaan."
 
"kuya wag naman po ganun, padaanin nyo na ako please. i'm in a hurry po."
 
"nako tol, inglesera pa tong chicks natin na to ah. masarap siguro ang halik nito."
 
tawanan ng mga laseng.
 
aba, mukhang nangmemenyak na naman ata tong mga kapitbahay nameng lasinggero ah. di pwede to.
 
"o kayo pala yang anjan christoper! anong kaguluhan yan?" tanong ko nang makalapit na ko.
 
 
"aba, pare andito yung anak ni Jeffrey! Keneto! ikaw pala pare! tagay muna!" bati sakin ni christoper.
 
"sus kayo talaga toper, di na nagbago, lasenggo pa ren. alam nyo naman ako, pulutan lang yung sakin" ang sagot ko naman.
 
 
"Ken, nga pala, me chicks na napadaan dito o, ayaw man lang humalik samen" wika ng isa sa mga kasama ni toper, si gringo ata yun.
 
"oh? sinong chicks gringo?" ang sabi ko naman at tiningnan ko ang tinutukoy nila. medyo madilim kaya di ko masyadong kita ang mukha, pero medium height sya tapos below the shoulder yung length ng buhok "ito ba?"
 
"oo yan! nako ken, kiss lang naman hinihingi namen!" bulyaw pa ni toper.
 
"ehh bakit di nyo padaanin? tsk tsk. baka pag nalaman tong ginawa nyo ni mama eh mabarangay na naman kayo" ang sabi ko.
 
"aw. ken, naman! parang di tayo dikit! sige na nga lang! balato na namen sayo yang chicks basta wag nyo nalang kaming isumbong ke chairman."
 
"oh sya sya sige. wag na rin kayo mag-ingay masyado at baka me magreklamo. mag-aalas onse na at marami nang natutulog" ang sabi ko at binaling ko ang tingin sa babae at pabulong na nagsabi "tayo na miss, wag kang mag-alala, di ka na gagalawin ng mga ito. medyo lasing na kasi."
 
 
"umm, okay ka lang ba miss?" ang tanong ko.
 
"yeah. i'm okay. thanks nga pala" ang sagot nya.
 
aba, weird. parang narinig ko na ang boses nito somewhere ah.
 
lumampas na kami sa gate ng bahay namen. jusko. sermon talaga to pagdating ko. amf.
 
so yun, ilang gates pa, i counted five nang huminto sya. nauna sya ng konti kaya di ko na kita ang mukha nya, pero medyo maliwanag na kaya nakita ko na yung suot nya. hmm, naka nursing uniform. baka nurse na to or something.
 
bigla syang humarap sakin pagkatapos nyang buksan ang gate papasok sa kanila.
 
"thank you agai-.."
 
oh syet. hindi ko akalain..
 
"lei?" yun ang unang lumabas sa aking bibig.
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH