Girls

Make Me Fall...Can You?

 

wednesday, two days later..
 
pababa ako ng jeep nang biglang may babaeng sumalubong sakin sa school gate.
 
"excuse me. kaw ba si Ken?" tanong nya.
 
at sino naman to? ang suot nyang uniform ay sa university na katapat lang ng school namin. medyo chinita (syet), matangkad at maganda in fairness. aba, aba. ano kaya to?
 
"uhh, ako ba tinutukoy mo miss?" patanong ko namang sagot. 
 
"yes, ikaw nga. so, that means, ikaw nga si Ken?"
 
tumango naman ako. oh dear.
 
"so, umm, gusto ko sanang sumali dun sa event na sinagawa mo."
 
event? teka..
 
"make me fall event ata yun?" dagdag pa nya.
 
and naalala ko na.
 
"ahh! oh. okay. so, umm, you've read every detail about the event already?"
 
 
"yes. nabasa ko na lahat ng details. and, uhh, heto nga pala yung essay. sinulat ko nalang talaga para personal na ideliver sa'yo, magkalapit lang naman yung school natin."
 
 
ka-touch sya ah, may effort.
 
"ganun ba? sige thanks. wait up for the announcement nalang on friday okay?"
 
"okay" at ngumiti sya. syet. pamatay! "i'm lei by the way."
 
at nagkamay kami.
 
"pleased to meet you lei" sabi ko naman "sige ah, mauna na ako, running late na sa klase eh! see you soon!"
 
_____
 
4pm that day.
 
*playing DotA in an Internet cafe*
 
 
Syet naman to o!
 
 
"oi, wag na kasi kayong mag-farm jan! push na tayo! matatalo tayo nito kapag long game e!" mahaba ang naging message ko sa aking mga teammates sa dota pagkatapos madedz ng hero ko na si barathrum.
 
 
amf tong mga mokong na to, ayaw makinig. antitigas ng ulo!
 
"wag ka kasing mag-solo. feeling strong ka naman kasi" ang sabi naman ng isa kong teammate na may dala ng lanaya.
 
"tumahimik ka nga! puro ka nga farm eh yung gamit mo la namang kwenta. 34 minutes na tayo treads at yasha pa lang nagawa mo" ganti ko naman.
 
"oist. wag na kayo mag-away. sige bara, pag buhay mo, push na tayo. naiinip na din ako e" saway naman ng aming leshrac.
 
buti nalang, di lang ako ang nag-iisang matino. so yun, nabuhay na ulit ako at nagsimula na kaming mag push. nang papa-clash na sana kami sa aming kalaban nang biglang nag-vibrate ng tuloy-tuloy yung phone ko sa bulsa. may tawag? wrong timing naman o!
 
"guys, balik muna ako sa base, kompletuhin ko lang tong cuirass" alibi ko at mabilis kong pinapunta ang hero ko sa base.
 
"hello?" tanong ko agad pagkasagot ng phone.
 
"hello? Ken?" isang pamilyar na boses ang aking narinig.
 
 
"teka? april? kaw ba yan?"
 
"yeah.."
 
parang pinipigilan nya ang kanyang paghikbi. teka. umiiyak?
 
"so.. napatawag ka? medyo.. nasorpresa ako.. okay ka lang ba?"
 
"can we meet up mamaya?"
 
meet up? huh? bakit naman.. bigla na lang nya akong tinawagan para magkita kami ng personal? this is so.. weird..
 
"meet up? what do you mean?" tanong ko.
 
"magkita tayo mamaya.. okay lang ba sa'yo?.. wala na kasi akong ibang malapitan eh.."
 
oh dear.. kay tagal ding di nya nagparamdam tapos bigla na lang ganito..
 
"okay.. saan?"
 
-----will be continued..
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH