A Twist In Every Turn

Make Me Fall...Can You?

 

"Kenneth! Gising Kenneth!"
 
 
Parang may kung anong mabigat na bagay ang paulit-ulit na pumatong sa balikat ko, oh forget it, hindi lang sya pumatong, para na talaga syang inihahampas ng kung sino man ng sobrang lakas.
 
Binuksan ko ang aking mga mata. Nakatulog pala ako sa harap ng PC, at ang kamay pala ni Marvin ang tumatapik sa balikat ko.
 
"Ow!" nag-unat ako "Bakit mo ba ako ginising ha? Sarap ng tulog ng tao e!"
 
"Malelate ka na sa seminar dude" sagot nya.
 
Seminar? Teka?
 
Napuna nya ata ang facial expression ko kaya..
 
"Yung Thesis Seminar ho Lolo, in case nakalimot ka na, diba ngayon yun? Tsaka diba me ididiscuss ka pa nga dun tungkol dun sa naging documentation mo noon?"
 
Osyet. Oo nga pala! Naalala ko. The Thesis Elements Seminar. Isa sa mga projects ng Student Council to raise funds. Nag-organize sila ng isang seminar on how to make a wonderful thesis, invite sila ng speakers, ng mga students, me registration fee, the works. Being awarded as the Best Documentator and for having the Best Documentation na na-submit ko last year sa aming Advanced Database Subject, inimbitahan ako ng council na maging isa sa mga speakers ng seminar.
 
Minutes later, nasa jeep na ako, heading straight for home. Takte rin namang nakalimutan ko ang mga materials ko dahil sa pagmamadali kahapon, tapos nag-away pa kami ni April eh mas nakalimutan ko pa tuloy yung tungkol sa seminar. Kaya heto tuloy ako't kelangan pang umuwi para kunin ang mga materials ko for the seminar. Amf, di pa naman talaga ako pwedeng humarap dun without my materials.
 
9:20 on my watch. Amf to, 10:00 pa naman magsisimula ang seminar, wala na bang ibibilis tong jeep? Nyeta talaga pag nakatiming ka sa isang jeep na mas mabagal pa sa karo ng patay kasi namimick-up pa ng pasahero. Err. Twenty minutes later, nakarating na rin ako sa bahay at patakbo akong pumasok.
 
"Oh Kuya, akala ko bukas ka pa uuwi?" tanong ni Sam na nasalubong ko habang papaakyat akong papunta sa aking kwarto.
 
"Oo, kaso may kailangan lang akong kunin, any news?"
 
"May nag-iwan ng letter dito, Mama mo ang nakatanggap. Sabi ni Auntie eh ibigay ko nalang daw to sayo kung uuwi ka kung sakali."
 
"Ah? Sulat? Sige ilagay mo nalang jan sa center table sa sala, i'll pick it up on my way out."
 
Habang kinukuha ko ang mga kailangan kong mga materyales para sa aking topic, my mind was on the letter. Ano nga kaya ang meron dun sa letter na yun? And most importantly, sino ang nagpadala?
 
It took me ten minutes to gather everything up, at bumaba ako nang nagmamadali. Nang umabot na ako sa sala, nakita ko ang envelope dun sa mesa. Baka ito na yung letter. Kinuha ko ito agad at ibinulsa tapos lumabas na ako agad.
 
Dahil sa dami ng dala ko, pawis na pawis ako habang nasa jeep while trying to keep everything from falling off. Tsk, gusto ko mag-taxi nalang sana pero kelangang magtipid, may RPS pang kelangan bilhin. Haha.
 
I arrive at school at exactly 10:30 at nang papasok na ako ng gate..
 
"Aba Pareng Ken, mukhang kargado ka ah" bati ng kaibigan naming guard.
 
"Oo nga Pareng Guard, buhay estudyante talaga. Nga pala, pumasok na ba sina Jar. sabi ko naman.
 
"Hindi pa. Akala ko ba saby kayo nun?"
 
"Ah hindi kasi umuwi pa ako sa amin. Sige Pare, mauna na ako't mukhang late na kasi."
 
Patakbo kong binagtas ang corridors on the way to the conference room na kung saan ginaganap ang seminar, at dahil sa pagmamadali, di ko namalayan na me kasalubong ako at di ko sya naiwasan. Nagkabangaan kami at tumilapon ang mga acetates, books at notes na dala ko, idagdag mo pa ang patihaya akong bumagsak at muntik pang mabagok ang ulo ko sa sahig. Demmet!
 
"Pota! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Bumabangga ka nalang ng kung sino eh!" minura ako ng nakabangga ko. Babae.
 
Bago pa man ako nakasagot, nakatayo na yung babaeng nakabangga ko, at tumakbo na ulit papunta sa kung saan man sya patungo. I managed to gaze up at titingnan ko na sana ang mukha pero dahil sa bilis nya, all I saw was the blue necktie, white blouse and the blue skirt.
 
WTF, ako pa ang minura eh aksidente lang naman ata yung nangyaring yun. At, teka, white blouse at blue skirt? Hindi yun ang uniform dito ah? Pano ba nakapasok yun dito? Ah, baka participant sa seminar. Ay syet! Late na pala ako!
 
Nang pumasok ako sa conference room, sinalubong ako ni Jay, ang Student Council President.
 
"Ken! Buti naman at dumating ka na! Ikaw na ang next speaker!" bati nya sakin.
 
"Aw? Pasensya na at natagalan ako ha, me emergency sa bahay eh. Teka, pano to? Di pa ako nakakapagreview ng notes ko!" sagot ko.
 
"Asus! Di mo na kelangan ng review! Kaya mo na yan! Sabihin mo nalang yung mga ginawa mo dun sa documentation mo at ayos na yun!"
 
"Ahaha, amf. Nga pala, yung snacks ko ah, di pa kasi ako kumain ng agahan."
 
"Sige, wag kang mag-alala. At good luck ha!"
 
Lumakad na si Jay at naiwan na ako sa preparation room sa backstage. May ten minutes pa siguro bago yung turn ko. Hmm, ano nga kaya ang pwedeng gawin? Ah, oo nga pala, yung letter!
 
Binuksan ko ang envelope at binuklat ang single sheet of stationary na nasa loob. Sa first word pa lang, narecognize ko na ang handwriting.
 
Ken,
 
 
This letter may be mystifying to you in a way that, bakit pa ako kailangang sumulat eh pwede naman sana kitang itext, i-email o tawagan.
 
First things first, I want to thank you for everything, for the many great things you did to me. Masasabi ng iba na parang ordinary lang yun, but for me, those things were great kasi kahit hindi mo pa rin ako kilala, you still did those things, you were so kind and good to me, that's why I'm so thankful.
 
Salamat din sa pag-accept mo sakin as participant sa Make Me Fall, and it somehow gave me the chance to get to know you a lot better, and, to be honest ha, I never regretted, in fact, I found myself lucky to get to know someone like you. Allow me to tell you this, you may look or act like just some normal guy, but believe me, if girls would get to know you a lot more, I'm sure they'll find their ideal man in you.
 
I'm writing this letter to let you know that, I'm officially backing out from the Make Me Fall event...
 
"Hoy Ken! Ken!"
 
Hindi ako nakatuloy sa pagbasa ng sulat.
 
"Bakit?"
 
"Tinatawag ka na ng emcee. It's your turn na!"
 
"Si.. Sige.. Susunod na ako.."
 
I was shocked, and saddened due to what I've read from the letter. I took a deep breath and steadied myself. No time for this right now. I still need to give out my lecture. Hay, of all the times, bakit ngayon pa..
 
Nawala na ako sa focus as I slowly walked towards the podium. Bakit ba..? Bakit kaya..? Bakit? Bakit?
 
I started ranting about the basics in writing a documentation, how to format properly, how to shorten your documentation in such a way that the ideas in it will not be reduced at iba pang mga paraan para ang maging documentation mo ay maganda ang pagkakagawa. I really didn't plan to give out a very boring lecture at first, pero dahil sa letter na yun, nawalan na ako ng gana.
 
Sana di ko nalang binasa yung sulat muna. Sana di ko nalang talaga nabasa. Hays.
 
Alam ko na after that boring topic I gave, wala talagang magtatanong, but I still asked my audience anyway.
 
"Any questions?" I muttered.
 
To my surprise, someone raised a hand sabay tayo.
 
White blouse, blue necktie, blue skirt..
 
"Yes? What is your question Miss?"
 
"Before anythign else, my name is Ace, and don't call me Miss okay? Just Ace. Now here's my question. Why is it really necessary to shorten your documentation when we all know that removing parts from it will reduce a lot of important content?" ang tanong nya.
 
 
Napalunok ako. WTF.
 
"Okay.. Thank you for the question" my mind suddenly spiked up "Let me just clarify, my purpose of shortening the documentation is not to reduce the important ideas in it but to make the documentation shorter, thus making it less boring to read. Alam naman natin diba na karamihan sa mga tao eh pag nakakita na ng isang thick file eh tatamarin na agad nang di pa nila nababasa ang content."
 
"Really? But isn't it possible to shorten your documentation without having the term "eliminating a few ideas"? Para kasing ang pangit pakinggan diba?" hindi sya umupo, she remained standing.
 
Holy! Isa na namang mahirap na tanong!
 
"Merong paraan, but it doesn't.. Doesn't make the documentation any shorter.. The, umm, documentation would still be long, at boring talaga yun basahin. Another good thing about making your documentation short is that konti lang ang kailangan kasing i-familiarize dun na mga terms at mas konti ang magiging possible questions ng mga panelists sayo" was my answer. Whew.
 
"But isn't it better if you make your documentation complete up to the last minute details? Parang inaadvertise mo kasi ang laziness sa mga strategies na sinusuggest mo."
 
Vengeance!? Ano to?
 
I barely managed to answer her question pero to my surprise, again, eh nagtanong na naman sya ulit. And her questiosn were not just ordinary questiosn by the way, they are not just tough, they are a bit psychological to, parang gusto nyang magpanic ako at magcommit ng mistake! Demmet. Kung gusto nya akong iterrorize sa mga tanong nya, well, heto na ako't nagpapanic!
 
Nasorpresa ako kasi ang mga audience parang wala lang, me iba pa nga ang nakangiti lang habang nagtetake down ng notes. Hotaena, parang wala lang sa kanila ang mga nangyari ah! Para an akong iniihaw ni Ace sa kanyang mga tanong, and it wasn't surprising nang mapansin ko nalang na naliligo na ako sa pawis kahit naka-full blast ang aircon sa loob ng conference room.
 
Damn it, pag nagpatuloy pa to..
 
The minutes passed, when suddenly, parang ngumiti ata sakin ulit ang langit nang lumapit sakin si Jay at bumulong ng..
 
"Tama na siguro yan Kenneth, lampas na ng 30 minutes sa Lunch Break, at may iba pang speakers later, baka mahirapan kaming mag-adjust sa time.."
 
Yes! Parang gusto kong magtatalon sa tuwa sa aking narinig! Hahahaha! At last I'm free!
 
"Uhh, okay guys" di ko mapigilang ngumiti "I think that would be enough for my topic, at napasobra pa ata tayo sa oras. Eheh. Kung may iba pa kayong mga tanong, feel free to email me or send me an instant message in my messenger account. Heto't isusulat ko nalang sa whiteboard yung email address ko."
 
Haha. Sino ba namang hindi makakangiti sa kadahilanang nakatakas ka sa isang malupit na kalbaryo na dinaig pa ang pagtatanong ng mga panelists ng thesis?
 
I then gathered up my things at nang papalabas na ako ng conference room, I noticed someone standing by the door.
 
"Come with me" ang sabi nya sakin with her arms crossed.
 
"Umm, yes Miss Ace? Ano yun?"
 
"I told you awhile ago not to call me Miss and I want you to come with me for a while."
 
"Huh? Anong ibig mong sabihin? Look, sinabi ko na diba, if may mga questions pa, you can email me or send me an instant message.."
 
"Hindi yun ang kailangan ko sayo, ang gusto ko eh sumama ka sakin!"
 
Bigla akong natakot nang tumaas ang kanyang boses. What the hell..
 
"Bakit ba ha? At ano ba ang gagawin natin? Saan ba tayo pupunta?" sunod-sunod kong tanong.
 
"We're going to have a very, very long talk. Kenneth"
 
 
-- Will be continued.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH