Confuse Thyself...

Make Me Fall...Can You?

 

Sunday.
 
Ahh rest day! It's my day! Time to be alone! Freedom!
 
Dati rati hindi ko pa nasasabi ang mga ganitong bagay, nung mejo nalulungkot ako kasi walang color ang buhay ko dahil walang lovelife. Dati pa nga, mas ginusto ko pang sana magkagirlfriend ako, kahit napakapangit, basta meron lang makasama palagi, makakatext ng mga kung ano-anong kakesohan sa cellphone, makadate, stuff that people in a relationship do. Haha, maybe I'm exaggerating much.
 
Pero ngayon, with the arrival of Ace, Aica and Lei, it changed overnight. Isipin nyo ba naman na halos araw-araw eh kasama ko na ang either one of them, except today of course. Gumawa pa nga ako ng schedule na kung anong mga araw na pwede ko lang silang makasama diba? Oo, I admit na they are all wickedly gorgeous, mga babaeng napapalingon ang kahit na sino mang lalakeng madaanan nila, but damn, bakit kaya ganito ang nararamdaman ko?
 
Para pa akong masaya pag di ko sila makita or something. Amf. I shouldn't feel this way, pero bakit?
 
Maybe because I'm, sort of, alam nyo na, naguguluhan pa rin. Sa totoo lang, nahihirapan talaga akong pumili sa kanilang tatlo ng gagawin kong girlfriend, and the winner.
 
Marami na ngang nabago sa rules eh, and for sure marami pang mababago with the days to come, with each turn of events that would happen.
 
Okay, so let me share to you guys why I'm really having a hard time in the selection process, disregarding their physical apperance, kasi pag sinali ko pa, baka mas malala pang sakit ng ulo ang abutin ko.
 
First is Aica.
 
We have a lot of things in common. Halos lahat na nga lang ng bagay under the sun ay napag-uusapan namin. Anime, books, online games, politics, gossips, the like. Halos pareho kami ng gusto na mga bagay, at mga pangarap sa buhay. We both share a common love in ice cream and reading books. She writes stories din, gaya ko, and we would swap ideas on what to write. And guess what, pareho din kami ng ultimate dream. To be a New York Times bestselling author. There will never be dull moments when I'm with her, no boring minutes except when those times na natatahimik nalang kami bigla, nagkakatitigan, then nagtatawanan nalang uli at nag-uusap na naman ng panibagong bagay. Damn, how I often would look forward to those days na pwede ko syang makasama.
 
Next up, is Ace.
 
Sya yung tipong babae na halos kasalungat ko naman. She's very noisy, and it's a character that I detest in a girl. And yes, she's like someone who is built and made, with the sole purpose of annoying me. Pero, sa totoo lang, kahit nakakainis sya, I find it cute. Ewan ko ba, parang natutuwa ako inside kapag nagtatalo kami. And yes, arguing with people is one of the things that I really love doing. At halos all the time na magkasama kami, meron kaming pinagtatalunan, at kapag natapos na yun, me bago na naman ulit. Minsan ako ang panalo, minsan sya naman. And kung hindi ko man sya makasama, ewan ko ba't bakit parang namimiss ko yun.
 
Lastly, si Lei.
 
Si Superwoman. Haha. An agent, a student and a mother all in one. Kahanga-hanga, in a way that she can be a friend, a critic, a very sweet person and as someone whom I could share thoughts with na hindi ko maishare kay either Ace or Aica. Sya yung nakakaintindi agad sa akin, no questions asked. She has this caring aura in her, maalaga, maybe motherhood changes everything nga. Kulang na nga lang nya siguro eh ang isang taong mapapangasawa. Unlike the two na open about sa kanilang mga buhay, Lei is secretive. Yeah, misteryosa, yung tipong, kapag nagsisimula na akong mangulit sa mga bagay ng tungkol sa kanya eh biglang dinadivert yung topic. Maybe it comes with her job, yet without she knowing it, it's that trait in her that attracts me much. Yeah, I'm someone who is always curious, and I love to unravel mysteries. And because of that gusto ko pa tuloy na sya'y makilalang mabuti, yung tipong gusto kong malaman ang kung ano ang nasa likod ng magandang mukha nyang yun. And that's what I'm trying to do everytime I'm with her.
 
It's so freaking hard!
 
Naramdaman ko na tuloy ang feeling ng isang babae na namimili ng kung sino ang sasagutin nyang lalake. Though, I have to admit, that each of them share a very special place in my heart, and in time, I will be able to determine whom among the three will have that special place in my heart wherein I could equate to love.
 
Bumangon ako sa kama ko at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape, then I returned to my room and sat in front of my computer, thinking of what to do.
 
MakapagRagnarok nga muna.
 
Nung magbabaps na sana ako sa sarili ko, sabay na tumunog ang message alert tones ng phone, Facebook at YM ko.
 
You don't have to guess kung sino ang mga yun.
 
"Morning Paul" sabi ni Lei sa Facebook.
 
"Oi" message naman ni Ace sa Ym.
 
"Ohayo" ang sabi naman ng message ni Aica sa phone.
 
Mabilis kong nilogout ang FB at YM ko tapos pinatay ko naman agad ang cellphone ko.
 
Bahala na muna kayo, magroRohan muna ako.
 
Minutes later, narinig ko nalang ang mga katok sa pinto. The heck, sino kaya to?
 
"Sino yan?!" pasigaw kong tanong.
 
"Kuya! Lumabas ka muna jan dalI!" narinig ko ang boses ng pinsan ko.
 
"Bakit ba? Ano ba problema?!"
 
"Basta lumabas ka na dali! Punta ka agad dito!"
 
Dyaske naman, istorbo talaga.
 
Tumayo na lang ako agad at lumabas ng kwarto, baka may iuutos si Auntie at mapagalitan pa ako.
 
Nang magawi na ako sa sala, holy syet, ako'y napamura.
 
It was Ace, Aica and Lei, who were occupying the sofa and were talking to my mother.
 
Watda.
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH