The Game

Make Me Fall...Can You?

 

well, hindi naman sa naiinis na ako no pero, ewan ko ba't for the past days this week, di na ako makatulog ng maayos at di na ako makauwi ng maaga sa bahay. and to think tonight is saturday night, dapat bumabawi ako ng tulog ngayon kasi nga wala na akong tulog for the past few days, pero di ko alam kung bakit ngayon eh dinadala ako ng mga paa ko papunta sa bahay nina angelica.
 
i don't know kung nagiging involuntary na tong mga reactions ko or whatever, pero bakit di ko pa rin narerealize na di dapat ganito ang mangyari? ako kaya yung dapat pag-aagawan, yung lalakeng dapat eh icoconvince ng mga babaeng contestants na sila dapat ang mahalin, ako yung dapat sitting handsome lang while i let them compete to the death to win me or the prize.
 
pero bakit ngayon parang ako pa ata ang, naghahabol sa tatlo?
 
first time, si angelica na pinuntahan ko sa bahay nila kasi nag-iiyak, tapos si april naman sa hospital on her suicide attempt then lei at her house to help out with her project. tapos ngayon naman, balik angelica's house ulit. makes me think, bukas, baka kay april naman ako pupunta, tapos the day after kay lei, rinse and repeat.
 
something in the back of my mind tells me that this isn't right pero ewan ko ba, sadyang ganito lang talaga siguro ako, sinusubukang tulungan ang mga nangangailangan to the best that i can. hay, sana one day me makita akong isang matandang sakitin sa gitna ng kalsada tapos papakainin ko tapos bibigyan nya ako ng kapangyarihan para makaya ko ang lahat ng ito. gosh ken, your life .
 
i rang the doorbell and a few seconds later, the gate was opened by angelica herself.
 
 
"Hi Ken... thanks for coming, halika pasok ka" she was smiling as she stood inside.
 
ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong kinabahan nang makita ko ulit ang mukha nya ngayon.
 
"umm hi.. okay lang.. salamat" i managed to blurt out the words and followed her inside.
 
malaki ang bahay nila, at tahimik. hmm, asan kaya ang mga tao?
 
"ang tahimik no? haha. wala kasi sila mama at papa dito, out for important matters abroad, yung mga siblings ko naman, living alone far off, so parang ako nalang naiwan mag-isa dito.." pagkukwento nya nang makapasok na kami sa loob.
 
i can tell from the furnishings na may kaya talaga sila, pero the house still feels so empty really. wala kasing tao. para sakin lang ha, okay lang na di ganito kalaki at kagara ang bahay ko basta me kasama akong nakatira.
 
"ikaw lang mag-isa? wow.. hindi ba boring? at malungkot?" tanong ko.
 
"boring at nakakalungkot talaga, that's why most of the time nasa labas ako. gumagala, naghahanap ng pwede magawa, stuff like that."
 
"stuff like.. joining a weird contest like my make me fall event?"
 
hindi ako sinagot ni angelica, sa halip.
 
"can i get you anything?"
 
"hmm.. anything ba?" ngumiti ako.
 
"yeah. so, ano?"
 
"umm, double dutch ice cream?"
 
"perfect. actually, i'm planning to have myself one awhile ago. saglit lang ah, kukunin ko lang."
 
dagliang umalis si angelica at umupo naman ako sa sofa. tumingin-tingin ako sa buong paligid, at napako ang tingin ko sa isang malaking bookshelf sa may hagdan papunta sa second level ng bahay. whoa. now that's a lot of books! tumayo ako at lumapit pa sa bookshelf para tingnan ang mga titles. woo, hardbound na harry potter series. artemis fowl books. the twilight saga. damn. matagal ko nang gustong basahin tong mga librong to ah! kaso nga lang, most of my money is not spent on books but on game cards so wala. damn damn, ang sarap siguro tumambay dito buong araw, reading all these books!
 
"aba aba. mukhang mas natipuhan mo pa ang mga libro kesa sa magandang may-ari ng mga yan ah" narinig ko ang boses nya mula sa aking likuran.
 
nang napalingon ako, nakita ko syang hawak ang isang malaking tub ng ice cream at dalawang tasa. inilapag nya ito sa center table ng sala at humarap muli sya sakin.
 
"any bookcase really attracts me, maybe it's because my firstest first love are books" paliwanag ko sabay ngiti.
 
"really? mind telling me about your first love then?"
 
my first love?
 
napangiti ako.
 
"oh, what's with the smile? mukhang masaya ka pang naiisip yun ah" ang sabi nya at naupo kami na magkaharap.
 
"not really. let's just say, na kapag napapangiti ako ng ganito, it means that i'm totally over with someone. i'm over with everything about the person, lahat ng memories, feelings, di na nakakaapekto sakin" paliwanag ko.
 
"aba. don't tell me, naging, masaklap ang ending ng first love mo?"
 
"yeah, something like that."
 
"mind if you talk about it?"
 
kumuha ako ng ice cream at pagkatapos ay sumubo ng isang kutsara. sarap talaga. and then my mind drifted.
 
"ayoko na. i'm not really into talking much about what has happened in the past. hindi naman sa di ako komportable pero, ayoko lang talaga."
 
"okay.."
 
ayon. tahimik lang kami habang pinagpatuloy naming kainin ang ice cream. normal lang. ewan ko ba pero, may kakaiba talaga akong nararamdaman kapag kasama ko si angelica. it's weird i have to admit. pero parang okay lang din sakin. parang nasasanay na rin ako siguro..
 
"how bout you?" tanong ko sa kanya "kaw nalang kaya magkwento?"
 
"yoko nga rin no.. kaw nga di nagkwento eh" tutol nya "i asked you first, so sagot ka muna bago ako sasagot sa tanong mo."
 
"so.. if i get to answer your question, you'll answer mine?"
 
"yeah, ganun na nga.."
 
"masyado naman atang unfair yun no.. why don't we play a game?"
 
"game?" she raised her eyebrow "at anong game naman yan?"
 
"spin the bottle."
 
"i never lose, just to inform you."
 
"we'll see about that."
 
kumuha si angelica ng isang cola bottle then we sat on the floor facing each other.
 
"okay, rules are, one question kapag ikaw ang area mo ang napoint ng mouth ng bottle. the one who loses will be the one who should spin the bottle. all answers should be the truth. game?" i looked at her eyes.
 
"you're on." she winked.
 
malas ata ako sa spin the bottle, and once again, na prove na naman ang fact na yun dahil sa apat na beses na kakaspin ko sa bote, palagi nalang itong tumatama sakin.
 
"when was your last heartbreak?"
 
"sino yung first love mo?"
 
"why did you do this event?"
 
"nagkagf ka na ba?"
 
takte.
 
"amf, kinocontrol mo ba tong bote angelica? bat palagi nalang saken tumatama?" nayayamot ako habang inaantay kong huminto ulit ang pagsping ng bottle.
 
"aba, ako pa sinisi mo. eh ikaw kaya spin ng spin jan. malas ka lang talaga siguro" ngumiti lang si angelica "by the way, stop calling me angelica pwede ba, di ako sanay."
 
"hmm sige, ito nalang itatawag ko sayo. ica nalang, pwede ba yun?"
 
"sige, kaw bahala, basta wag lang angelica okay?"
 
aba, maganda to ah, may special nickname pa ako sa kanya.
 
whew, at last at mukhang nawisikan ng konting swerte nang tumapat na kay ica at last ang bote. yes!
 
"yesssssssssssss!!!!!!!!" masayang masaya ako.
 
"aba. tuwang tuwa si manong oh" ngiti pa rin sya. tsk. tsk, nagpapacute ata.
 
"syempre. kaw ba naman swertehin. hahaha."
 
"o sige sige. ano na?"
 
"truth or dare?" tanong ko.
 
"dare."
 
woah. ayaw nya ata ng truth ah.
 
"aba, dare talaga oh."
 
"well, mas madali para sakin ang dare eh."
 
"sigurado ka ba? di mo pa alam kung ano ang dare ko" i flashed my "mysterious effect" smile.
 
"di ako umaatras sa kahit na anong dare, and.. i love challenges remember?" sagot nya naman.
 
"well.."
 
"so ano ba yung dare mo?"
 
a thousand thoughts flashed in my mind.. ano nga kaya ang pinakamaganda?
 
"kahit ano?" tanong ko, just wanted to make sure.
 
"why not?" was her short reply.
 
damn.
 
--will be continued. 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH