I Hate It When I See You Cry, I Love It When I See You Smile

Make Me Fall...Can You?

 

Napaatras ako after that instant na narealize ko kung gaano na kalapit ang mukha ni Ica sa mukha ko.
 
"Oh, bat napaatras ka nalang bigla" may pilyang ngiti sa labi ni Angelica.
 
"Nagulat lang siguro ako" I shyly replied.
 
"Wag kang mag-alala, it was a joke, at, wala talaga akong balak na ituloy yun.."
 
"Okay.."
 
I have to admit na that second close contact with her shook me a lot again, sino namang hindi matatakot o mababagabag diba?
 
"Paul? Are you okay?" tanong nya.
 
"Oo. Okay lang ako. Nagulat lang siguro ako talaga" was my sure answer that time. Yun lang ang nasa isip eh.
 
"I'm sorry. Joke lang talaga yun. Nadala lang siguro ako dun sa situation. I just like, wanted to try out that naughty prank na napanood ko sa isang anime."
 
"Anime?" my interest was aroused "Nanunood ka ng Anime?"
 
"Yeah. Sabihin na natin na I'm a big fan of Anime."
 
"Oh. This is surprising, kasi ngayon lang ako nakakakilala, personally, ng isang babaeng mahilig sa anime."
 
"I see. Bukod sa pagbabasa, to yung isa sa mga pinagkakaabalahan ko. It somehow eases the feeling of being.. Alone."
 
So ayun, imbes na maglaro pa kami ng Spin The Bottle, we ended up talking about Anime, then the books we read, and our other interests. At dun ko nadetermin na hindi naman talaga mataray or something si Ica gaya nang una kong pagkakilala sa kanya. Masarap sya kausap, at marami kaming napag-uusapan, and as the minutes passed, nalaman namin na we have a lot of things in common pala, and it somehow made me comfortable being with her.
 
"And, yeah, meron kaming pusa sa bahay dun sa probinsya, at medyo matagal-tagal ko na rin yung hindi nadadalaw kasi may pasok. Namimiss ko na nga yun eh" pagkukwento ko sa kanya tungkol sa mga alaga kong hayop.
 
"Ay ganun ba? Alam mo, dati, meron dn akong mga alagang pusa dun sa dating bahay namin. Pero bigla na lang kasi akong na-busy with more important matters kaya di ko sila nagawang alagaan. Bigla nalang silang nagkasakit at nung dinala ko sila sa veterinarian, it was too late. Nalungkot ako ng sobra nun kaya naisipan kong di na muna mag-alaga ng kahit na ano mang pet, kasi baka mapabayaan ko lang ulit" share nya naman.
 
"Ganun? Nakakalungkot naman pala ang nangyarin dun kina.."
 
"Brida.. Brida yung name nung isa, and the other one was Veronica, sister nya."
 
"Brida? Veronica? Teka parang familiar yung mga names na yun ah" napaisip ako about dun sa names.
 
"Hahaha. Guess mo nga kung saan ko nakuha ang mga pangalang yun?" napangiti sya nang magtanong.
 
"Hmm. Familiar talaga yung mga names eh, parang nabasa ko na yun somewhere. Teka pag nakahula ba ako, may reward?"
 
"Haha! Nanghihingi pa ng reward oh! May ice cream pa ata dun oh. Kaw na umubos pag nahulaan mo."
 
Ayun, tawa nalang kami ng tawa habang nagpapatuloy sa aming kwentuhan.
 
"Grabe ka, naubos mo talaga ang ice cream" reaksyon nya habang hawak ko ang tub ng Double Dutch na wala nang laman.
 
"Eh adik ako sa ice cream, tsaka minsan lang din ako nakakakain kasi bawal daw, baka tumaas ang sugar ko sabi ni Mama. Diabetic kasi si Papa, that's why, as much and as often as possible eh pinapapaalalahanan ako bout dun sa kinakain ko" paliwanag ko.
 
"Hay.. Buti ka pa at pinapaalalahanan ka ng parents mo. Yung parents ko kasi, ano.." bigla syang tumigil at..
 
"Ba.. Bakit ka umiiyak? Are you okay?" was my very stupid question, out of panic siguro nang bigla na lang syang lumuha sa harapan ko.
 
I mean, come on, guys should know this. Kapag umiiyak ang isang babae, wag na wag mo syang tanungin kung bakit sya umiiyak, lalung-lalo na kapag alam mo ang rason kung bakit. It makes you look stupid. And, bakit mo ba sya tatanungin kung ok lang sya? Umiiyak na nga yan, so it's obvous na hindi sya okay. Instead of asking stupid questions, why don't you just do something that would somehow make her feel alright and make her stop crying?
 
"Ica, I'm sorry if I brought up that topic, hindi ko alam na you would get emotional over it" ang nasabi ko nalang.
 
"I'll be fine.." ang sagot nya naman "Yeah, you're right, nagiging emotional talaga ako when it comes to the topic about my family. Mahirap kasing.. Mag-isa eh.."
 
"Sayang, wala pa naman akong panyong dala rito, but if you want, you can use my shirt nalang. Wag kang mag-alala, hindi maalikabok yan kasi hindi naman ako tumambay sa tabi ng kalsada buong maghapon.."
 
And, nasorpresa na naman ako nang bigla syang ngumiti even if she was teary eyed. Well, it was a bit of, oo, alam ko medyo weird sya, pero para sakin, it was a wonderful sight. I mean, minsan lang kasi nakikita nag isang babae na nakangiti habang lumuluha.
 
 
"Salamat, Ken ah."  ang sabi nya as she wiped of her face with her hands.
 
"Salamat san?" tanong ko nalang, taken aback by what she said.
 
"For making me smile without trying so hard."
 
Hinatid nya ako hanggang sa gate nung papauwi na ako. Ala una na pala ng umaga at hindi ko namalayan ang oras, and for sure ganun din sya. Tsk tsk, bakit kaya talaga ganun no? Kung ayaw mo lumipas ang oras, bumibilis ang takbo, pero pag gusto mong dumating na ang oras, parang bumabagal.
 
"So pano, good morning na" ang sabi ko when I faced her.
 
I was outside the gate na, and she was standing by the door.
 
"Yeah, grabe di ko namalayan ang oras ah! Thanks for the night, at salamat din sa pagsama mo sakin, sa pagpunta mo rito" sagot nya naman.
 
"Eh basta may ice cream, alam mo naman ako. I would love to drop by again if gusto mo ulit ng makakausap o ng kasamang uubos sa isang tub ng ice cream."
 
"Sure sure. Thanks again."
 
"You're welcome. Sige una na ako."
 
"Sige.."
 
So yun, tumalikod na ko at nagsimulang lumakad. Ang ganda ng naging gabi ko grabe, di ko makakalimutan to.
 
 
"Ken!!!"
 
 
 
Tinawag nya ako? The heck? I stopped and turned.
 
"Yes?" tanong ko na medyon kinakabahan habang lumapit ulit ako.
 
"Umm.. Truth or dare?" was her question.
 
"Truth or.. What do you mean?"
 
"Kung naalala mo, you still owe me one kanina sa laro natin diba? Sinabi mo kasi na, mamaya nalang. Ngayon ko lang naalala eh."
 
"Ay, oo nga pala no? Pati rin ako nakalmot eh" ang sagot ko naman "Sige, truth nalang, natatakot ako sa mga dares mo eh, baka pagulungin mo nalang ko dito sa kalsada."
 
"Truth? Sige, isip lang ako ng itatanong ah."
 
Ano naman kaya ang itatanong nito? Nakakawindang pa naman yung mga questions nya kanina.
 
"So here's the question.." she said, then stopped.
 
"WTF. Pa thrill pa talaga. Mas kinabahan tuloy ako.
 
"Sa aming tatlo na kasali sa event, to whom would you most likely fall kung sakali mang ngayon ang last day ng event?"
 
Nung marinig ko ang buong tanong, hindi ako nakasagot agad. The images of April, Lei and Angelica alternately flashed in my mind. The way they moved, looked, talked, smiled, cried.. Right now? Then, I came up with the answer.
 
I looked into her eyes, smiled, then answered.
 
"No comment."
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH