That Girl From Hell pt. 1

Make Me Fall...Can You?

 

Napalunok nalang tuloy ako pagkatapos kong marinig ang mga sinabi nyang yun. Idagdag mo pa ang matatalim nyang tingin na para bang dadaigin pa ang mga mata ni Superman na nakakatunaw ng bakal.
 
"Teka, pano mo nakilala ang.."
 
"Just shut up and follow me.. We'll talk later.."
 
Awts, antaray ni Ate. Di naman talaga ako yung tipong matatakutin o madaling matakot pero ewan ko ba't kahit ilang minuto ko pa lang sya nakakasama eh pinagpapawisan na ako at kay lakas at bilis ng pagtibok ng puso ko. Sure signs that I'm scared even though I myself would not want to admit just yet.
 
We walked through the empty corridors. Buti nalang at lunchbreak, wala yung mga katropa ko, walang magtatanong kung bakit..
 
"Oi Ken! Andito ka lang pala! Pinuntahan ka namin dun sa conference hall pero sarado na. Tara lunch!" narinig ko ang boses ni Anjo na tumatawag sakin mula sa likuran. Patay.
 
Napalingon ako at nakita kong kompleto ang grupo. Sina Anjo, Jar, Bren, Paul, at Jay.
 
 
Takte, mga intregero pa naman talaga tong mga to.
 
"Ha? Ah.. Eh.." biglang bumilis ang usad ng aking utak para makaisip ng paraan para makaiwas sa incoming na awkward situation..
 
"Di na muna ako sasabay sa inyo, me lakad pa ako eh" nasabi ko nalang bigla, then holding Ace's hand all of a sudden, bumulong ako sa kanya "Tara na, takbo na!"
 
"Huh? Anong takbo?" di nya maunawaan ang ibig kong ipahiwatig.
 
"Ah basta, tayo na!" nagmamadali akong sumagot at hinila ko nalang sya, at hayun, tumakbo kami pareho papalabas ng school building. Malapit na kami sa gate nang bigla syang tumigil.
 
"Teka!" tumaas ang boses ni Ace at kinalas nya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko.
 
Huminto na rin ako at hinarap sya.
 
"Bakit?" tanong ko na naguguluhan sa biglaang reaksyon nya.
 
"Saan ba tayo pupunta ha? Ba't mo ba ako hinihila papalabas ng gate?"
 
"Eh sabi mo gusto mong sumama ako sayo diba? Eh di heto't sumasama ako sayo at papalabas na tayo ng school through the gate!"
 
"Sus! Oo nga't lalabas tayo, pero not without my car!"
 
"What car?"
 
Napamura ako nang makita ko yung sinasabi nyang kotse when we arrived at the parking lot. Isang pulang Chevrolet Corvette!
 
"WTF! Kotse mo talaga to?" hindi ako makapaniwala.
 
May dinukot sya sa kanyang bulsa. Isang square object, mukhang remote. She pressed some buttons and wonder of all wonders, umandar yung kotse at automatic na bumukas ang pinto sa me driver's seat at dun sa passenger's seat. Nanlaki pa ang mga mata ko at napanganga ako ng tuluyan, na para bang nakakita ako first time ng isang buhay na dinosaur face to face.
 
"Oh? Ano pa ang tinutunganga mo jan? Get in!" utos nya.
 
At nagulat na naman ako nang makapasok na ako sa loob. Aba, ang astig ng porma nung kotsye nya from the outside pero yung upholstery sa loob, believe it or not, Hello Kitty ang design! Me mga figurine pa ni Hello Kitty sa dashboard at mga stuffed toy dun sa likod. Syet! Ano ba tong pinasok ko? Sino ba itong babaeng to? Nirecount ko yung mga nangyari sakin since twelve one AM at narealize ko na lang na puro kakaiba talaga ang nangyari sakin today. Amf yan, hindi kaya hanggang ngayon eh tulog pa ako't nananaginip o di kaya'y naeengkanto lang?
 
"Bakit mo ba ako hinila na lang kanina? Nakakagulat ka ah, nung una lang parang ayaw mong sumama tapos a few minutes later parang gusto mo nang tumakas kasama ako" bigla na lang syang nagsalita after a few awkward moments of silence.
 
I looked at the speedometer. 80 kph, on a busy highway. WTF? At WTF times two, ang galing nya magmaneho ah, in fairness! Nakukuha nyang iwasan ang bawat sasakyang gusto nyang iwasan while maintaining the same speed all over! Ewan ko ba't gusto ko kung kilabutan o mamangha, I don't know what to feel.
 
"Sagot!" sabi nya ulit, in a higher, more forceful voice this time.
 
 
E, biglang lumabas yung mga katropa ko eh, mga intregero yung mga yun" sagot ko agad.
 
"Ah.. So ayaw mo nang pinag-uusapan at tinatanong ka ng tungkol sa mga personal stuff mo.. Interesting.."
 
"Ayaw ko lang nang ako ang intrigahin, that's it" ang sabi ko naman, at may narealize na lang ako bigla..
 
"Teka!" dagdag ko pa "Ako dapat ang nagtatanong dito ah! Bakit ba ako ang tinatanong mo ha?"
 
"Eh sinasagot mo naman diba? Nagtatanong ako tapos you're giving me the answers. Duh." simple nya namang sagot.
 
Aw, oo nga naman pala ano.
 
"Ako naman ang magtatanong pwede?"
 
"Kaw bahala."
 
"Sino ka ba?"
 
"What a dumb question. Diba nagpakilala ako sayo kanina?"
 
Pota. Barado nalang ako parati ah!
 
"Oo nga! Alam ko yun! What I mean is, sino ka ba para, alam mo yun, gawin mo nalang ang mga bagay na ito sa akin?" frustrated kong tanong.
 
"Pwede ba pakirephrase nung tanong? Di ko makuha ang gusto mong ipahiwatig" she replied calmly.
 
"WTF! Ang obvious na nung tanong eh! Sagutin mo naman ng maayos!"
 
"Know what? Kung gusto mo ng maayos na sagot, magtanong ka ng maayos okay?"
 
Fack! Gusto kong ibagok ang ulo ko sa dashboard! Hindi lang nya ako binabara, pinipilosopo pa! Leche!
 
Okay.. Okay.. Relax lang Paul, relax.. Chill.. Don't lose it..
 
Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.
 
"I'll ask, you give me the answers I need.."
 
"It would still depend on how you ask the question. Sasagot ako base sa kung ano ang naiintindihan ko dun sa tanong mo. If it's another dumb question, my only reply would be, dumb question.."
 
Fota! Masusuntok ko na talaga tong babaeng to eh! Pinikot ko nalang muna ang mga mata ko.. Think of happy thoughts.. Wag ka munang magsalita.. Baka atakihin ka sa puso Paul.. Chillax.. Woosahh.. Kaya mo to..
 
"Oh? Akala ko ba magtatanong ka? Afraid of asking another dumb question?" nagtanong si Ace.
 
Demmet! Gusto mo ng pilosopohan at basagan ha!!
 
"Fine. Ano ba ang gusto mo?" nagsimula ako.
 
"Actually, gusto ko as of now? Zagu na Watermelon, yung malaki, I want to chill out kasi eh."
 
"WTF? Ano bang klaseng sagot yan?"
 
"As far as I can recall, tinatanong mo sa akin kung ano ang gusto ko, so, sinagot ko ang tanong mo. Ano ba ang gusto mong sagot?"
 
Oh damn..
 
"Ano ba talaga ang gusto mo sa akin? Bakit mo ba ako pinasama sayo? Bakit ba bawat sasabihin ko, kung di mo binabara eh pinipilosopo mo? Kaya mo ba ako ginaganito kasi may kasalanan ako sayo? Kung meron man, gaano ba kabigat yun para gawin mong impyerno ang araw ko?" I asked those questions through clenched teeth. I am getting fed up with her disposition. Konting panahon nalang, konting tulak pa, sasabog na talaga ako!
 
Hindi sya sumagot, instead, she concentrated on driving.
 
"Hoy! Sagot!" halos sumigaw na ako dahil sa sobrang inis.
 
"I can't talk for long okay? Di mo ba nakikitang nagmamaneho ako?" sagot naman ni Ace.
 
"Tangna! Kanina lang game na game kang sumagot ng pilosopo dun sa mga tanong ko tapos ngayon sinasabi mo ngayon na hindi ka makakapagsalita kasi nagmamaneho ka! Pota! Ano to! Lokohan?"
 
"Why don't you drive while I do the talking?"
 
Natigilan ako saglit bago nakasagot..
 
"Hindi ako marunong magmaneho.."
 
"Then shut the hell up!" ang boses nya naman ang tumaas.
 
"Pota! Alam mo Miss, ang sarap mong suntukin pramis, in fact" I turned and looked at her, with my face looking really very scary "Gustong-gusto ko nang sakalin ka hanggang sa malagutan ka ng hininga!!"
 
Tumingin naman sya sakin at sumagot ng..
 
"Eh sino ang magmamaneho?"
 
"Wala akong pakialam! Mapatay lang kita!!"
 
"Why don't you analyze this. Pwede kong ibangga tong kotse anytime. The thing is, ang driver lang ang may airbags, so, ako na nagmamaneho, will have a huge chance of surviving. Ikaw, kung hindi ka maging critical, for sure, you'll be dead. Yes, sasadyain ko yung pagkakabangga, pero, I'll come out clean kasi pwede namang sabihin na aksidente lang yung nangyari. So, try and get closer to me and I will crash this car immediately!"
 
Kinilabutan na lang ako bigla, and I sank in my seat. Pota, kahit saang anggulo, talo talaga. Nagbuntong-hininga nalang ako, and then, I spoke softly.
 
"Pwede bang ibaba mo nalang ako?"
 
"Nope. We still have a lot of things to talk about remember?"
 
"San ba tayo pupunta? Can we get this over with?"
 
"Malapit na tayo.."
 
Ewan ko ba at parang nanghihina ako ngayon. Siguro dahil sa pagkatalo ko sa argument namin. I'm that kind of person na gustong-gusto makipagtalo, sa kahit na anong topic. Debates, formal or informal, I would swallow my opponents whole. Kinatatakutan ako ng mga kaklase ko when it comes to these things dahil hindi talaga ako natatalo. Pero ngayon, grabe, hindi lang ako basta natalo, babae pa ang nakatalo sakin! Double whammy. Damn it, ano nga ba ang ginawa kong masama lately at bakit ganito nalang kasama ang balik ng karma sakin? Di kaya yung.. Ginawa ko kahapon..?
 
I came by to my senses nang biglang huminto ang kotse.
 
"Andito na tayo. Tara" sabi nya as she opened the car door on her side and she stepped out.
 
Sumunod naman ako, at nang isinara ko ang pinto ng kotse, dun ko lang narealize na parang pamilyar ang lugar para sa akin.
 
She walked to the gate and rang the doorbell. A few minutes later, the gate opened and a very familiar person came into view.
 
"Hi sis! Missed me?" napansin kong ngumiti si Ace at masayang nagyakapan ang dalawa.
 
"Syempre naman Sis! Kelan ka pa dumating?" tanong naman ng niyakap ni Ace na nakangiti.
 
And yes, I was so damn sure, na si Angelica ang nakikita kong kayakap ni Ace ngayon.
 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH