The Best Worst Group Date Ever! pt. 1

Make Me Fall...Can You?

 

"Err. Saan ba tayo pupunta?"
 
Yun ang una kong tanong nang nakasakay na kami sa Corvette ni Ace. I was seated in front, si Ace ang nagmamaneho habang nasa likod naman sina Lei at Aica. Tahimik ang tatlo, and I could smell the tension in the air. Heavy grabe.
 
Walang sumagot. Naman. I observed the girl's looks. Si Ace ay nakaconcentrate sa pagmamaneho, frowning slightly. Si Lei naman ay nakatingin sa labas ng bintana and I could tell that she was thinking deeply. Si Aica on the other hand was looking straight ahead, biting her lips meditatively. Ano na ba ang nangyari dito sa tatlong ito at..
 
"Hoy sumagot naman kayong tatlo. Parang kanina lang ang ingay ingay nyo tas now di na kayo sumasagot. Ano ba? Tsaka bakit ba kayo pumunta sa amin? At saan ba tayo pupunta now?" nagtanong ako ulit.
 
Walang sagot.
 
Ano ba naman to. Parang gusto kong maiyak. Daig pa ang kinidnap sa lagay kong ito, though lucky me to have really gorgeous ladies as kidnappers. Bwahaha. Ay teka bat ganito na ba ang nasasabi ko, dapat pa nga pala malaman ko na kung ano ang dahilan kung bakit bigla nila akong tinangay. Isip ng diskarte Ken! Isip! 
 
 
"Pag di nyo ko sinagot bababa ako dito kahit tumatakbo ang sasakyan! Binabalaan ko kayo!" kunwari galit daw ako.
 
Ace reached for the panel on her right side and pressed the door lock switch. Nag-lock naman kaagad ang pinto.
 
Bwiset.
 
"Kumain muna tayo" sabi bigla ni Aica.
 
"Ok. Kenny san mo gusto?" nagtanong si Ace saken.
 
"Ah? Ako? Sa Jollibee nalang" sagot ko naman.
 
"Jusko! Jollibee? Ano ka bata? Sa KFC nalang tayo" nagtaray na naman ang bruhang nagmamaneho.
 
"Wag tayo sa KFC. Sa Sbarro tayo Ken, you'll love it there" sumabat si Lei.
 
"Let's go for Greenwich nalang Ken,  diba gusto mo ng pizza dun?" ang sabi naman ni Aica.
 
"Ha? Ah eh.." naguluhan ako. Bwiset naman eh. Pipili na lang ng pagkakainan parang mag-aaway pa tong tatlo. Amf, pano kaya ako pipili nito?
 
"Ano na?" Ace pressed on "KFC na nga kasi tayo e!"
 
"Tumahimik ka nga jan Sis. Sa Greenwich tayo" kumontra si Aica.
 
"Promise Ken, you'll love it pag dun tayo sa Sbarro" suggestion ni Lei.
 
Pano ba to. Analyzing the situation, meron akong tatlong choices, pero pag pumili ako dun sa kahit na alin man sa choices, baka magtampo pa yung tatlo. Ah alam ko na!
 
"Sa Mang Inasal tayo"
 
Mang Inasal. Masarap ang chicken, unlimited rice pa. Hoho. I lab et.
 
"Takte bat dito mo napiling kumain, ang hirap mag park!" reklamo ni Ace habang minamanouver ang sasakyan papasok ng parking area. Masyadong marami kasing sasakyan, lunchtime na din kasi kaya maraming tao.
 
"Pake mo ba kung gusto ko dito. Kung ayaw mong kumain eh di umalis ka, basta ako dito ako kakain kasi nagugutom na din ako!" ang sabi ko naman.
 
And thus it was settled.
 
Mainit sa loob kasi kahit malakas ang aircon, masyado namang maraming tao kaya pinagpapawisan na ako. Nakatayo pa kami sa may pinto at naghihintay na may ma-occupy na table kasi walang bakante. Ilang minuto na din kaming naghihintay and I was starting to regret the idea na dito na sana kumain nang meron akong nakita na tumatayong group of 4 about 5 or 6 tables away from our location.
 
"Ay ayun oh! Me bakante na!" ang sabi ko then napansin ko naman na meron ding isa pang grupo ang papalapit para mag take-over.
 
"Hala, mukhang mauunahan pa ata tayo" ang sabi ni Aica as we made our way towards the table.
 
"Let me handle this" Lei spoke up at lumundag na lang sya bigla, landing on the tables na may kumakain pang mga tao, pero wonder of all wonders, sa sobrang bilis ng paggalaw nya, di ito napansin ng mga kumakain, except siguro dun sa nanunuod sa kanya habang ginagawa yun. She jumped from one table to the next, and a few more seconds later, nag somersault pa sya para iwasan ang isang waiter na naglilinis sa mesang bakante. She landed on the nearest chair, na kung saan sya ay napaupo agad at ikinagulat ng server.
 
Holy.
 
Agent na agent ang moves!
 
"Pano nya nagawa yun?" Ace was amazed, and so was I, pero di na ko sumagot. Hm, magugulat pa ba ako kung magawa nya yun eh Agent nga sya ng Interpol diba?
 
Ayun nakaupo na kami and to be safe, silang tatlo ang magkakatabi samantalang ako ang nasa kabilang side kaharap nila. Napafacepalm ako. Naiisip ko na naman kasi kung totoo ba talaga tong lahat o panaginip lang, at dahil alam ko na totoo, naiisip ko rin kung gaano ako kaswerte.
 
I can tell na di sanay ang tatlo na kumain dito or baka hindi pa sila nakapasok dito, judging from the look on their faces at mas napapansin ko na di talaga sila komportable knowing that ang katabi nila mismo ay ang kanilang mga karibal.
 
"Oh ano, di ba tayo oorder?" tanong ni Bruhilda.
 
"Maghintay ka nga! Lalapit yung waiter dito para kunin ang order natin!" sagot ko naman.
 
"Andaming tao dito" pansin pa ni Aica.
 
"First time mo dito Aica?" tanong ko sa kanya.
 
"Yeah. Madalas kasi sa KFC or sa Mcdo ako kumakain eh. Though nadadaanan ko to minsan."
 
"Aah."
 
Dumating na si Waiter at umorder na kami. Nagkanya-kanya kami ng order, ako yung 1 piece chicken lang pero jusko, yung mga babae, kung ano ano nalang ang inorder. Nagulantang tuloy yung waiter sa dami ng orders nila.
 
"Sigurado ba kayong mauubos nyo lahat yun?" nagulat ako syempre. Ang gaganda ng katawan ng mga babaeng to tas ganun karami ang kakainin? WTF?!
 
"Ano ka ba naman Kenl, syempre paghahatian natin yung inorder ko no. Konti lang kaya yung inorder mo, baka kulang sayo kaya umorder na ako ng para sa ating dalawa" ningitian ako ni Lei.
 
Huwaw!
 
"I ordered Ice Cream na rin Paul. Share tayo ah? Baka di ko kasi maubos yung saken eh" nakangiti din si Aica.
 
Naman!
 
"Hoy Syete! Inorder ko na ang lahat kasi di ko alam kung alin ang masarap dun, yung mga hindi masarap kainin mo or else ipapakalakadkad kita sa sasakyan ko pauwi!"
 
Syet. 
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH