Curiosity Can Kill... Or Maybe, Not

Make Me Fall...Can You?

 

Tsk. Ewan ko ba kung maituturing ko ang sarili ko na swerte o sinumpa.
 
Araw-araw nalang kasi puro Ace, Aica, Lei ang nakikita kong mukha.
 
Oo naman alam kong napakaganda ng mga babaeng ito, and mind you ha, kapag kasama ko ang either of the three na lumabas, pinagtitinginan ako ng mga tao, especially other guys like me, with envy. Di nga naman talaga ako kagwapuhan, at parang gusto pa nila isigaw saken na wtf tol ang ganda ng kasama mo di bagay sayo. Pero, ayos din naman, kasi pag kasama ko sila, hindi naman ako namomroblema sa gastos, pano ba naman kasi, libre ako sa lahat sa tuwing nasa labas kami. Syet, kapal ng face ko. Ahaha. Though minsan, nagkakagulo na kasi parang nagseselos na yung iba sa tuwing magsespend ako ng "extra" time with the other.
 
Ang ginawa ko nalang, I made a schedule of seeing them every day of the week. Monday and Wednesday for Ace, Tuesday and Thursday for Aica then Friday and Saturday for Lei. I guess it's just fair right? Syempre iniwan ko naman ang Sunday para sa sarili ko no. Kelangan ko rin ng time off.
 
And on this particular day, which is Saturday, I'm off to Lei's house. Me dala pa akong pizza, kasi di ko sya nakita kahapon. I'm also planning to spend it all day with her and Nicolai, kasi kahit papano, masarap din naman kausap si Lei, marami din kaming napag-uusapan na mga bagay and.. Umm..
 
Okay, erase erase.
 
So ayun, nang pumasok na ako, I was surprised to see the house silent. Hmm..
 
"Lei? Anjan ka ba?" I called.
 
Walang tao? Pero bakit bukas ang pinto?
 
"Lei?"
 
Walang sumasagot.
 
Bigla akong kinabahan. Naalala ko si Lei, at si Nicolai.. Oo nga pala! Si Nicolai! Where could they be? I checked my watch. Alas nuwebe na. Hmm, lumabas kaya silang dalawa? Pwede pero.. Bakit nila iiwang bukas ang pinto? Out for a quick errand? Err..
 
Ilalapag ko na sana ang box ng pizza sa center table sa sala nang may nakita akong note.
 
I looked at it and to my surprise, it was addressed to me.
 
 
Ken,
 
 
May importante akong lakad. I'm really sorry if hindi kita nacontact agad about this but I decided to leave you a note nalang. My intuition tells me that you'll be coming over, alam ko kasing namimiss mo na ako eh. Bleh.
 
Kidding aside, dahil sa nagmamadali ako and due to circumstances that I can't explain, naisipan kong mag-iwan nalang ng mensahe sayo kung sakaling dumating ka. If you won't be here in an hour, I'll be calling you on the phone anyway.
 
Nicolai is asleep in my room, so please if nagising na sya, pakipuntahan na lang at pakialagaan. Nagtimpla na ako ng gatas para sa kanya in advance and I placed it in the refrigerator. If nagutom ka, me mga pwede ring lutuin jan sa ref. If there are problems kung sakali, feel free to send me a message okay?
 
Thanks a lot in advance, I'll owe you a very big favor for this. Babawi ako pagdating ko okay?
 
P.S. I do hope that you know how to change a diaper.
 
Mwah!
 
Lei
 
Holy. Parang nangatog ang tuhod ko dun sa line na babawi daw sya pagbalik nya ah. Deym! And then..
 
Ay syet, mag-aalaga nga pala ako ng bata! Deym number two!
 
Tsk, okay, I have to admit that I'm not really good with kids. Not in the way na, cruel ako, though isa sa mga weird habits ko is makipagtalo at makipag-asaran sa mga bata wherein I would get to win in the end. Syempre naman, mas matanda ako eh, kaya ako ang nananalo. Haha. Okay, Marunong ako mag-alaga ng bata, konti, in a way na magaling ako mag "peek-a-boo" at maghele. Pero, hindi ako masyadong marunong kumarga ng bata, and on top of that, I really don't know how to change a baby's diaper. Malaking problema to kung sakali.
 
I stood up and looked around. San nga kaya yung kwarto nya?
 
No need to look no further, dahil bigla ko nalang narinig ang isang nakakabinging tunog. Ang iyak ng isang sanggol. Holy crap!
 
Nagmadali akong nagtungo sa kwarto nya and then nakita ko si Nicolai na nakahiga sa kanyang crib, with his arms and legs flailing wildly in the air. Hala pano na to?
 
"Nicolai? Nicolai? Shhh! Andito na si Tito Ken!"
 
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!" iyak namang sagot ni Nicolai.
 
Syet. Pano ba to?
 
Lumapit pa ako sa crib ng bata, and honestly, hindi ko alam kung ano ang gagawin.
 
"Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!"
 
"Nicolai? Ano ba kelangan mo ha? Need mo ng milk ha? Teka wait lang!" ang sabi ko naman at pagkatapos ay patakbo kong tinungo ang ref para kunin ang gatas na sinasabi ni Lei na nakalagay dun.
 
Mabilis din akong bumalik sa kwarto dala-dala ang gatas at pagkatapos..
 
Teka pano ko nga ba ipapainom ito ng maayos sa kanya?
 
Nicolai was lying on his back, parang ang mga kamay at paa nya ay parang galamay ng kung anong sea anemone na galaw ng galaw with matching sigaw pa na nakabibingi talaga. I bet you guys could imagine.
 
I held the bottle up then held it to Nicolai's mouth. It muffled out his screams and he started , pero ilang segundo eh bigla na lang nyang ginalaw ang ulo nya away from the tapos nag-iiyak na naman sya. WTF?
 
Ay teka parang merong hindi tama.
 
At biglang pumasok sa isip ko yung mga sinabi saken ng isa sa mga Ate ko sa Rohan, si Ate Tine.
 
Dapat maayos ang pagkakahawak mo sa baby. Ganito, nakasupport yung forearm mo sa buttocks ng baby, tapos yung kamay mo ay nakasupport naman sa likod nya.
 
Pero pano po pag pinapafeed nyo yung baby through a bottle? Naitanong ko pa nun.
 
Well, parang ganun lang din sa pagkakahawak mo, pero ganito na. Nakahiga sya sa kabilang braso ko, making sure na yung ulo nya is higher than any part of his body while the other hand, yun yung ihahawak mo sa bottle.
 
Ay takte, kaya pala nya ginalaw ang ulo nya kasi muntik na syang malunod sa gatas! Oo nga naman! Sino bang matinong tao ang umiinom ng nakahiga. Tsk, &)%$ mo Paul, &)%$ mo talaga!
 
So yun, I tried to recall Ate Tine's instructions as much as I could. Medyo malikot si Nicolai, at ilang beses na nya akong sinipa sa mukha. Grabe naman, magiging taekwondo athlete siguro itong batang ito paglaki. Pano kaya namamanage ni Lei ang pag-aalaga sa batang ito while studying at the same time? Tsk, I can't imagine.
 
As much as I could, I held Nicolai gently while feeding him with his milk, and soon after that, mejo tumahimik na sya. Thank goodness! After nakunsumo nya na ang kalahati sa bote, I guess it was enough. Inilagay ko ang bote sa kalapit na mesa at pagkatapos ay isinayaw-sayaw ko nalang sya para mahele ng maayos.
 
"La la la la la la la la" inuulit ko nalang ang walang tonong kantang yun habang tinitingnan ko si Nicolai.
 
Aba, di ako magugulat kung lalaki ang batang ito na habulin ng mga babae. Me pagkachinito sya, at maputi. He was smiling a little dahil sa ginagawa ko and there were dimples on both sides of his cheeks. Tsk. Mukhang me bata pa talagang lalampas sa kagwapuhan ko ah. Hahaha.
 
I danced him around hanggang sa unti-unti eh pumikit na sya at natulog na ulit. Whew. Mission accomplished. Dahan-dahan ko syang nilapag ulit sa kanyang crib at pagkabitaw nya ay napabuntong-hininga ako.
 
Nag-stretching ako kasi medyo nanakit din yung mga braso ko sa kakakarga sa bata. Demmet. Ang hirap ata talaga siguro maging parent ano? Buti nalang wala pa sa isip ko ang mga ganung bagay. Aba, eenjoy ko muna ang pagiging bachelor ko no. Ayoko pang maging tatay at this age, no freaking way.
 
Okay, quit muna sa pagmumuni-muni at itinuon ko ang pansin ko sa kwarto ni Lei.
 
All the walls were painted white, and the fixtures there are of the same color din. The white room? For me, it was a strange room for a lady, kasi alam nyo naman na pag kwarto ng babae, eh dapat meron talagang something na pa-girly, or any stuff that would show the feminine side of the girl. Pero parang wala yun dito sa kwartong ito. The tables, chairs, cabinets and even the bed and the sheets are all white. Puti rin ang mga kurtina. Parang kinain ng puti ang buong kwartong ito. Expect ko pa naman na pa-girl talaga yung kwarto ni Lei kasi pa-girl na pa-girl din naman yun. Hmm, siguro puti kasi Nursing din naman sya. Baka gusto nya lang na malinis or something. Oh well.
 
I looked around the room, examining stuff and the like until my attention came upon a half-open cabinet in the far end of the room.
 
Di na sana ako lalapit pero, ehh, ako naman talaga yung tipong tao na, pag me gustong makita o malaman o may isang bagay na nakakakuha sa aking atensyon eh inuusisa ko agad. And the half-open cabinet is not an exception to that.
 
Tingnan ko kaya ang laman o isarado ko nalang?
 
Hmm.
 
Hindi rin naman siguro nya malalaman na alam kong nakabukas yung cabinet or what. Titingnan ko lang naman saglit.. Tapos isasarado ko nalang ulit. Di nya siguro mapapansin yun diba? Bahala na.
 
I held my hand on the handle of the cabinet door and pulled it open.
 
NapaWTF ako sa aking nakita.
 
Barret REC 7 Rifle
 
9mm Beretta INOX
 
AR15 Bushmaster Predator
 
Benelli M4
 
AS50 Sniper Rifle
 
Bulletproof Vests
 
Boxes of ammunition
 
WTF.
 
Nanlaki ang mga mata ko sa aking mga nakita nang makita ko ang laman ng walk-in closet na inaakala ko ay isang simpleng clothes cabinet lang.
 
Hindi ito maari..
 
Anong ginagawa ng mga high-powered firearms na ito sa closet ng isang maganda, y at uber nice na babaeng kagaya ni Lei?
 
Kinilabutan ako sa aking mga nakita. Hindi kaya isa syang teroris.. Pero hindi.. Imposible. I mean, come on naman. She's so nice! And, she has a baby inside the house! Imposible naman siguro na isa syang masamang tao or something!
 
Pero ano ang ginagawa ng mga baril na ito dito?
 
"Ken.."
 
Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na yun.
 
Syet.
 
"Lei..?" wala akong masabi. Goodness. Mamamatay na ba ako?
 
"What are you.."
 
Bago pa man sya makatuloy ay ginawa ko nalang agad ang isang desperadong ideya na bigla na lang pumasok sa isip ko.
 
Lumuhod ako sa harap nya at..
 
"Lei. Please. Maawa ka saken. I really didn't mean to snoop around and get in here. Napansin ko kasi na bukas yung cabinet tapos ano.. Ta-tapos.. Gu-gusto ko sanang isara at.. Ayun.. Napasok ako at.. Na-na-nakita ko na ano.. Nakita ko yung laman.. At.. Please please.. Wag mo akong patayin.. Pa.. Pramis di ako mag-iingay, wa-wala akong sasabihan ng kahit na-na ku-kung sino tungkol dito.. Please please! Kung gu-gusto mo, aalis ako agad dito, I'll go to the ends of the earth as far away from you as possible! Just spare me please!!!"
 
Parang binuhusan ako ng bumbero sa dami ng pawis ko bigla habang nagpapaliwanag ako kay Lei, and she just stood there, poker-faced, with her arms crossed. Walang karea-reaksyon. I'm dead. I'm so freaking..
 
"Stand up" sabi lang nya.
 
Mabilis ko namang sinunod ang sinabi nya. Halos matumba ako ulit dahil sa pangangatog ng aking mga tuhod sa takot.
 
At bigla nalang syang napangiti at napahinga ng malalim.
 
"Well. I guess I have no choice left but to tell you everything. Come with me."
 
Naupo kami sa sofa sa sala ng magkaharap. I was still nervous. Ano nga kaya ang sasabihin nya? And.. What will she do after that?
 
"Lei.."
 
"Hmm?"
 
"Papatayin mo ba ako?"
 
Ngumiti sya ulit. Amf to. Heto na nga't halos mamatay na ako sa nerbyos eh, binigyan pa nya ako ng isa sa mga pamatay na ngiti nya. Papatayin nya kaya ako sa nerbyos o sa kilig? Demmet.
 
"Curiousity killed the cat right?" sagot nya.
 
Napalunok ako. Patay na talaga.
 
"But, you're not a cat, so don't worry, I won't" patuloy pa nya at sabay kindat.
 
Para akong gulong ng kotse na biglang nadeflate. Hayomg. What a relief.. Napasandal ako sa sofa ay napa "Hay". Praise the Lord..
 
Napahagikgik si Lei. Ang cute nya pakinggan kapag tumatawa. My gosh. Sabagay parang nakakatawa nga siguro ang ayos ko ngayon. Kaw ba naman na mag-aakalang totodasin na right then and there tapos malalaman mo nalang pala na hindi, diba ang.. Ah basta.. Basta ang importante ngayon, I'm alive until further notice. Thank the heavens!
 
After she finished giggling and all, she straightened herself up, and still smiling..
 
"Sige, itanong mo na yung mga tanong na gusto mong itanong" ang sabi nya.
 
"Who are you?"
 
"I'm Special Agent Lei Shizuyumi of Interpol Japan."
 
Holy.
 
"Special Agent ng Interpol?"
 
"Yep. That explains the various weaponry that I have in there inside my walk-in closet. Actually, tinatago ko lang talaga yun dun for back-up purposes. Di ko pa kasi gagamitin yun as of the moment."
 
Heavy pare! Special Agent Lei! Amf ka Paul, ano ba tong pinasok mo!?
 
"Is Nicolai really your son?" was the random question that floated on top of my mind all of a sudden.
 
Biglang nawala ang kislap sa kanyang mga mata, pero andun pa rin yung ngiti sa kanyang labi. It took a while before sumagot sya ng..
 
"Nope. Hindi ko sya totoong anak, we're not related by blood."
 
"But how come he's with you? And why did you call him.."
 
"The story is this.. Nicolai is the son of.. My late boyfriend.. Who died in one of the missions na kung saan sya kasali. That mission involved infiltration kasi, and he was, somehow forced or I don't know, nabuntis nya yung isa sa mga dapat ay huhulihin naming mga suspects. Nung inatake na ng team ko ang hideout na kung nasaan ay nag-undercover ang ex ko, dun ko din nalaman na nanganak na din pala yung babae. Nagkabarilan. My ex died saving Nicolai by shielding him from the bullets with his body. Nung naghihingalo na ang ex ko, dun ko lang nalaman sa kanya na, anak nya pala yun. I loved him a lot, so I took the guts, and even though masakit saken nun na tanggapin ang lahat, I adopted Nicolai, even if it reminded me of my late boyfriend's treachery.."
 
Habang nagkukwento si Lei, I could tell that recounting all of these makes her sad, pero hanga ako sa kanya kasi pinipilit nya pa ring ngumiti. Damn, she's still twenty, and yet, marami na syang napagdaanan sa buhay.. And..
 
"Nanghihinayang ka ba? Or anything?"
 
"Before, yes. Kasi alam mo yun, I did almost everything just to keep the flame alive, just to see him happy, except for that one part na, I didn't want anything to happen between us before we got married. I know na mejo old-fashioned ako pero I insisted upon it talaga. Yun nga madalas napag-aawayan namin eh, but then, I prevailed in the end. Siguro yun ang rason kaya nangaliwa sya or something. But well, it's all in the past. Tanggap ko na ang lahat, I'm fine now."
 
Lei is impressive, indeed. Her background is pretty awesome for a 20-year old lady. I mean, ang bata pa nya tapos isa na syang Special Agent ng Interpol? Come on, hindi madali ang training para maging ganun, and damn, look at her! Whew, para syang si Superwoman sa lagay na yan ha!
 
Nagtanong ako ulit.
 
"Diba Interpol Japan ka? Why are you here in the Philippines? May mission ka ba dito?"
 
"Actually yes" sumagot sya agad, then added "But I can't tell you the details. Confidential."
 
I understood. Never thought talaga that Lei would be this imba. And her beliefs somehow, you know, nakadagdag ng attraction points. Whew.
 
"Why did you join my event? Yung totoong rason?"
 
"So you really want to know?" her smile was so freaking dazzling I could melt.
 
"Well, I deserve to I guess. Since sumasagot ka na lang din naman, why not tell me now?"
 
She took out her wallet and pulled out something which she handed to me. It was a photograph.
 
"My late boyfriend."
 
And on that instant, inakala ko nalang tuloy na nananalamin lang ako.
 
His late boyfriend looked like me!
 
 -- Will be continued.
 
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH