Spin it a Little More...

Make Me Fall...Can You?

 

"so, ano ba nasa isip mo ngayon at parang kinakabahan ka pa sa kung ano ang dare mo para sa akin?" panunudyo pa nya.
 
"eh andami kayang kahit ano na pwede. pinag-iisipan ko kung ano ang pinakamaganda" ngumiti ako para itago ang aking kaba. teka nga, bat parang ako pa ang kinakabahan?
 
"oh well. bilisan mo nalang, baka magbago ang isip ko at gawin kong truth nalang."
 
"pwede rin namang truth ah."
 
"pero malas mo kasi di pa nagbabago ang isip ko."
 
"pwede bang, isave muna yung chance ko na pwede mag-utos for the next round? pwede naman siguro yun diba?" tanong ko.
 
"ok lang siguro. sige, i'll save it then. i'll spin the bottle na ha" ang sabi nya naman at yun nga ang ginawa nya.
 
malakas ang pagpapaikot nyang yun, and it took almost a minute bago huminto at tumapat sa.. akin..
 
"huhm.. guess it's my turn to ask.. truth or dare?" ngumiti na naman si ica.
 
"sige, para maiba naman, dare" kalmado kong sagot.
 
"okay.. so.. take off your shirt and do not put it on unless i tell you so.."
 
aba't.
 
"aba aba, parang di naman ata pwede yun. grabe namang dare yun. parang ano na eh" tumutol ako.
 
"aba, anong ano? anything goes kaya to diba? so gagawin mo kung ano yung pinapagawa sayo. tsaka, kaw, ano bang meron dun eh aalisin lang naman yung shirt mo?"
 
"eh kuwan kasi eh.. alam mo yun.. malamig.."
 
"kaya mo yan, go na, hubad na."
 
ano pa bang magagawa ko? hinubad ko nalang ang shirt ko para maspin na agad ang bottle. good lord naman, sana wag matapat ulit sakin, baka pantalon ko na naman ang ipahubad.
 
spin spin bottle..
 
spin spin..
 
spin..
 
nyeta, bat parang lab na lab ako ng boteng ito at sa akin na naman natapat? damn it.
 
"truth" sagot ko agad bago pa man sya makapagsalita.
 
"fine. truth then. i expect that you will get to tell me the whole truth and nothing but the truth okay?" damn, at ngumiti na naman sya ng isang makahulugang ngiti.
 
tumango na lang ako at hinintay ang tanong nya.
 
"sa aming tatlo sa ngayon, as of the present, sino ang may pinakamalaking chance na makapagpahulog ng loob mo?"
 
"aba, aba di pwede yan! kasali kaya yan sa contest! di ko pwedeng sabihin ang mga details na ganyan!" matigas ang tinig ko nun para tumutol.
 
"akala ko ba truth and nothing but the whole truth? at anything goes ito, so pwedeng kahit ano ang itanong ko."
 
"excuse me, i have the right not to answer, eh ano naman kung hindi ko sasagutin yung tanong? ano mangyayari ha?"
 
"anong mangyayari?" sabi nya at bigla na lang nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko, i think it was only an inch or less before our faces, our lips would touch..
 
"i will not let you out of the house without receiving the punishment you deserve" pabulong nyang sabi sa akin.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH