You Can't Hurt Me Anymore

Make Me Fall...Can You?

 

One week later..
 
"Pare, kelan ba natin gagawin yung mini-thesis natin? Malapit na yung deadline nun diba?" tanong ni Anjo, isa sa mga kaklase ko.
 
 
Aw, oo nga pala no? Nakalimutan ko pare eh, naging busy kasi ako these past few days" sagot ko naman at natigil ako sa pagtatype. Nasa computer lab kasi kami, ginagawa namin ang isang application na pinagagawa ng programming instructor namin.
 
"Tsk tsk tsk. Nambababae ka pa kasi. Kumusta na pala yung tungkol dun sa event mo? I heard na magaganda daw yung sumali. Share naman."
 
"vengeance. Pag-usapan natin yung tungkol sa project, wag yan. Chismoso talaga to."
 
Tumawa lang si Anjo bago sumagot.
 
"Sus, to talaga parang hindi friend. Wala akong planong pormahan yang mga chikas mo no, interesado lang kasi ako tungkol jan sa event mo."
 
Konti lang ang talagang may alam ng tungkol sa Make Me Fall event dito sa campus. Palibhasa naman kasi, nung nag-announce ako, konti lang ang nakapansin dahil madaling-araw ko na pinost yung announcement at konti lang din ang friends ko sa FB at YM from our school. I don't talk about it much din kasi baka sabihin nilang nagyayabang ako. Mag-iisang buwan pa lang, two months more, pero I have this feeling na, I would be falling for someone soon, and I'm sure na hindi ito aabot sa three month limit.
 
"Wala daw plano, syempre meron ka talagang plano pero hindi mo lang maiimplement kasi for sure bugbog ang aabutin mo kay Diane" it was my turn to laugh.
 
 
"O sige na sige na. Pero wag mong sabihin sa kanya na nagtanong ako ah, baka makipag-away na naman yun. Alam mo naman ang bibig nun, dinaig pa ang machine gun" pag-amin ni JC at nagtawanan kami ulit.
 
Hmm, hirap ng buhay ni Anjo siguro pag naging mag-asawa sila ni Diana. Baka sya ang utusan sa lahat ng gawaing bahay, eh di pa naman to marunong. Baka magliparan nalang ang mga plato nito palagi kung sakali man. Haha.
 
"Sige, so pano ba? Kelan ba natin gagawin?" tanong ko.
 
"Kung pwede ngayong gabi na, dun nalang tayo gumawa sa bahay as usual" suhestyon nya.
 
"Aba oo nga no. Gaya nalang siguro ng dati. Stay-in muna ako sa house nyo for a few nights para magawa ko yan, mga dalawang gabi siguro, matatapos ko na yan."
 
"Okay sige. Dumiretso ka nalang sa bahay mamaya. Papupuntahin ko rin si Jar."
 
 
"Sus oo nga pala, si Jar nga pala yung pangatlong member natin, absent na naman ba?"
 
"Oo. Alam mo naman yun, kung ikaw busy lang sa chicks, sya, mas busy."
 
"Yun nga eh, tawagan mo nalang ah. Sabihin mo na kailangan talaga na pumunta sya dun sa inyo mamaya para maging maayos yung paggawa natin."
 
"Okay. So pano, una na ko sayo, nagpapasundo na naman si Diana eh, lunch daw kami."
 
"Sige, magkita na lang tayo sa bahay nyo mamaya."
 
Kinahapunan, umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng damit. Nadatnan ko si Mama na may mga pinipirmahang mga papeles sa sala.
 
"Hi Ma, maaga ka ngayon ah" sabi ko pagkatapos kong magmano at magkiss sa pisngi nya.
 
 
"Babalik pa ako sa Hospital, sweetheart, bumalik lang ako dito sa bahay kasi naiwan ko itong wallet ko.  How was your day?" tanong nya naman.
 
"Okay lang naman po. Ay nga pala ma, dun nga pala ako matutulog for two nights sa bahay ng classmate ko."
 
"Bakit? Ano ang gagawin mo dun?"
 
"Gagawin kasi namin yung mini-thesis namin. Dun namin napagkasunduang gumawa, so dun nalang ako didiretso for the next two nights para di ko na kelangang umuwi dito at di na ma-delay."
 
"Ganun ba? Sige, basta matutulog ka kahit papano ha? Baka nakaharap ka nalang magdamag sa computer. Baka sumakit uli yang ulo mo" paalala ni Mama.
 
"Opo Ma, Don't worry, mag-iingat at matutulog po ako" ngumiti naman ako.
 
Swerte ko talaga sa Mama ko, kahit busy sa kanyang mga duties as Nurse , di pa rin nagkukulang sa mga paalala.
 
"Teka Ma ha, kukuha lang ako ng mga damit" pagpapaalam ko sa kanya.
 
"O sya sige. Mag-iiwan nalang ako dito ng pera para pambaon mo."
 
Pumasok ako agad sa kwarto at kumuha agad ng mga damit, pagkatapos ay lumabas na ako agad. Nakita ko yung pera na iniwan nya sa center table na kinuha ko naman agad. Papalabas na ako nang gate nang may biglang humintong taxi sa harap ko. Bumaba ang nakasakay dito. Si April.
 
"Oh. Hi. Long time no see" nakangiti kong bati sa kanya.
 
"Hi. May lakad ka?" ganti nya namang bati.
 
"Umm yep, pupunta ako sa bahay ng kaklase ko, gagawa kami ng mini-thesis namin.."
 
"Ahh.."
 
"Napadaan ka pala? Something wrong?" nagtanong ako.
 
"Wa-wala naman, may gusto lang sana akong sabihin" was her answer.
 
"Mhm, at ano naman yun?"
 
"Uhh, kasi.. Gusto ko na sanang.. Ano.. Magconcede.."
 
"We-wait. Anong concede?" nagulat ako sa aking narinig.
 
"Ayoko na. I'm quitting, from the Make Me fall event" she answered me with her eyes cast downward.
 
"You're giving up? Why? May problema ba?"
 
"Wala naman. Gu-gusto ko lang na tumigil na sa pagsali."
 
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan Pril" ayaw ko pa ring maniwala "It's not funny."
 
"I'm not fooling around Ken okay? Ayoko nang sumali" sabi pa nya.
 
"Pero bakit nga? Come on, you can't just quit after giving me the usual "wala lang" reason just like before."
 
"What happened a long time ago has nothing to do with this!" she looked up and our eyes met.
 
"Fine! Fine!" tumaas ang boses ko "So bakit ba ha? Ano ba talaga ang rason mo? I just can't accept your usual reasons whenever I ask you about anything serious."
 
"Okay then. I want to quit because that is something that I would want to do rather than going on to fight a losing battle."
 
"Losing battle? What do you mean by that?"
 
 
"Come on Kenneth!, stop playing innocent, alam naman natin na you are falling for someone already and.. And I know that it's not with me.."
 
"Oh? And what makes you think so?"
 
"You don't have to tell me that, it's because I.. I can tell! Kilala kita Kenneth!" 
 
Tumawa ako, but it was obvious na it wasn't because something was funny.
 
"Oh, so kilala mo pala ako? No wonder" sarkastiko ko namang sagot "I guess the problem is not with me, but with you. And let me guess, you're running away again, just like before, tama ba?"
 
 
"Kenneth"  yun lang ang kanyang nasabi.
 
"Sabi na.. You're running away again, gaya ng dati, nung iniwan mo nalang din ako bigla sa ere dahil mas pinaniwalaan mo pa yung mga insecurities mo kesa sa akin. And it's the same scenario all over again. Alam mo, during that night in the park, naniwala na sana ako dun sa mga sinabi mo eh.."
 
Hindi ako nakatuloy sa gusto ko pa sanang sabihin dahil bigla na lang nya akong sinampal sa mukha.
 
"Ay? Sapul ba?" sabi ko at may kinuha ako sa inner pocket ng bag na dala ko, one of teh three folded sheets of paper sa pocket. Her contract for the Make Me Fall event.
 
"Fine. I'll grant your wish" dagdag ko pa at pinunit ko ang papel "Yun, pinunit ko na. You want to run away again right? Now go, run! But don't expect na pag gusto mong bumalik eh meron pang tanga na maghihintay sayo. People change, and even fools need to learn so that they could somehow help themselves! I was a fool once, but now, I'm sorry, but I think I learned a lesson or two and I won't allow the same mistake to happen again."
 
I started walking away, then remembered something kaya tumigil ako at hinarap ko ulit sya. When I looked at her again, I could tell that she was trying to hold back tears.
 
"By the way, bago ko makalimutan. Please lang ha, ayoko na munang magparamdam o magpakita ka sakin til.. Ewan.. Ayoko lang kasing makapagsalita pa ng kung ano pang pwedeng makasakit, just like what's happening right now. Goodbye."
 
-- Will be continued
 
 
T___T /3 those days... those days :( 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH