Ma Premiere Date pt. 1

Make Me Fall...Can You?

 

maybe it's intuition, but some things you just don't question..
 
 
tahimik ang jeep, limang tao lang ata kami dun, at hindi kami magkadikit na nakaupo. medyo malayo si angelica sakin ng few inches. first time nya?
 
"parang sanay na sanay ka ah" sabi ko sabay ngiti.
 
"hindi.. first time ko talaga. me car naman ako, or kung hindi ko magamit yun car eh nagtataxi ako, hindi ko pa naranasan sumakay dito" sabi nya naman."
 
and then we became silent again..
 
like in your eyes, i see my future in an instant..
 
after a few minutes, bumaba na ang tatlong nakasakay so kaming dalawa na lang ang natira. medyo awkward ang naging pakiramdam ko na malapit sa kanya so ang ginawa ko lumipat ako sa kabilang side, at nagkaharap kami. our eyes met..
 
and there it goes i think i've found my best friend..
 
"oh napatingin ka?" she raised one eyebrow at me.
 
"kelan pa ba bawal tumingin sa mga nakakasabay mo sa loob ng jeep?" sagot ko naman.
 
"aba ewan. ngayon lang kaya ako nakasakay dito no."
 
tumawa na lang ako nang makita kong kumunot ang noo nya. ang sarap nya palang asarin.
 
i know that it might sound more than a little crazy but i believe..
 
bumalik ulit ako sa side na kung saan sya nakaupo at doon ako pumwesto malapit sa driver. and then, i turned to her and said.
 
"ui, iabot mo na sakin yung pamasahe mo."
 
"huh? pamasahe? what do you mean?" tanong naman nya.
 
"well, we don't ride here for free kaya. so akin na pamasahe mo. gusto mo pang magpalibre ng pamasahe ha."
 
"eh di pa tayo bababa right? so bakit ibibigay ko na yung fare?"
 
"oi angelica, hindi to taxi no. mas mainam nga magbayad ka na agad ng pamasahe para diretso na baba."
 
"o sige o sige, i'm gonna get it na."
 
nag dudukutin na sana ni angelica yung pamasahe nya, bigla na lang huminto ang jeep at..
 
i knew i loved you before i met you
i think i dreamed you into life
i knew i loved you before i met you
i have been waiting all my life
 
 
hindi naman ganun kalakas ang impact, it just forcibly moved us towards the partition na naghihiwalay sa driver ng jeep sa mga pasahero, and in that split second, my reflexes were quick into holding angelica in my arms at ang katawan ko ang tumama sa partition, which knocked my breath off a little.
 
"angelica?" tanong ko sa kanya, worried at what might have happened "angelica are you okay?"
 
we were so close, and i could feel the sudden increase of my heart rate. at naalala ko. syet. i've never held a girl like this before!
 
hindi umimik si angelica. damn.
 
"angelica? angelica!"
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH