Sibling Rivalry

Make Me Fall...Can You?

 

"You didn't know?" nanlaki ang mga mata ko.
 
Err, a stupid question, because I can tell that it was obvious in her reaction na wala syang alam.
 
"Wag kang mag-alala Sis, nag-withdraw na ako sa event" ang sagot naman ni Aica.
 
"I didn't accept it yet" I cut in.
 
"Anong ibig sabihin nito?" I think it was a question for me and Aica.
 
"Okay, ganito kasi yun, Aica sent me a letter tapos ngayong umaga ko lang nareceive. She was telling me that she wants to withdraw from the event already, at wala pa syang binibigay na eksaktong rason kung bakit" sumagot ako.
 
"I'm quitting. Sawa na ako, I don't want to be in this game anymore. I hope you understand the point" sabi naman ni Aica.
 
"Bakit ka sumali in the first place?" Ace butted in.
 
Sinalubong ni Aica ang mga mata ni Ace and she replied.
 
"I just wanted to prove myself."
 
"Prove yourself what?" came Ace's reply.
 
"That I can also do things on my own, do things I never thought I could do. Just like what you are doing."
 
"At ginawa mo ang bagay na yun para lang patunayan sa sarili mo?"
 
"Alam ko naman na sasali ka din eh."
 
"At ano naman nag kinalaman ng pagsali ko sana sa event kung sakali?"
 
"Sumali ako kasi alam kong sasali ka."
 
"And what's that supposed to mean?"
 
"Ang ibig sabihin ko dun, gusto kong patunayan sa sarili ko na kahit papano, pwede akong makipagkumpetensya sayo ng harapan."
 
Oh fck. Dalawang naggagandahang babae, magkapatid pa, pinag-aawayan ako!? Holy vengeance ka Paul answerte-swerte mo namang nilalang!
 
Hindi sila nagsisigawan, just a plain, emotionless conversation on-going, na para bang..
 
"Teka, teka saglit nga" nagsimula ako pero two pairs of cold, hostile eyes made me stop.
 
Okay, binabawi ko na yung maswerte akong nilalang. Para kasi akong isang piraso ng karne na pinag-aawayan ng dalawang babaeng tigre. Ano kaya mangyayari saken pagkatapos nito..
 
"Girls naman, ano ba kasi ang problema nyong dalawa? Can't you guys settle this in a more calm manner?"
 
"I am calm" halos magkasabay ang dalawa sa pagsagot, yung tono na parang gusto nilang durugin ako right then and there.
 
Napaupo nalang tuloy ako sa sofa ulit. Dyaske talaga, itong phobia ko sa mga babaeng galit.
 
"So, what does this mean? Umaatras ka na sa laban agad?" ang sabi naman ni Ace kay Aica.
 
"No. I guess I just can't handle complicated things. Or I don't know" was Aica's reply.
 
"Tsk tsk. You never changed, you still concede even if hindi pa nagsisimula ang laban. No wonder.."
 
"No wonder what?"
 
"Still the loser.. Sis?"
 
WTF!? Awts yun ah?
 
Bigla na lang napakagat sa kanyang labi si Aica, and then, a sudden change of facial expression. Huminga sya ng malalim at..
 
"Fine. I'm not conceding then. I'll show you" sinabi nya bigla.
 
"So what does that mean?" ngumiti si Ace.
 
"Tatalunin kita."
 
"We'll see about that."
 
Oh damn..
 
--Will be continued. 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH