Payback

Make Me Fall...Can You?

 

Busog na busog ako pagkatapos naming kumain (ulit) ng isang monster pizza sa Sbarro, and it was Lei's treat. And she's right, masarap pala talagang kumain doon, and her smile was the brightest nang makita nya akong nasarapan talaga sa aming kinain. I took a side glance at the other two. Aica's face was expressionless habang hindi naman maipinta ang mukhang bruha. Hmn, napansin ata nilang si Lei ang bumabanat the whole time today. Hehe. Maalaga naman talaga si Chinita eh, tsaka..
 
Bigla na lang bumagal ang oras nang makatapak ako ng kung ano sa sahig ng mall which made me slip. I tipped forward and landed facedown. Aaaah-araaay!!
 
"Ken! Oh my gosh! Are you okay?" si Aica agad ang lumapit sa akin and she helped me up.
 
"Aaahahahaha! Wag kasi pagsabayin ang pananaginip ng gising at paglalakad! Ang tanga nun grabe! Hahahahaha!" pinagtawanan naman ako ng kapatid nya.
 
Plus one kay Aica, minus one kay Ace. Bwiset.
 
Medyo naalog ata ang utak ko dun dahil sa pagkabagok ng ulo ko dahil umiikot ang paningin ko nang ako'y nakatayo na. To the rescue naman kaagad sina Aica at Lei, akbay ako kay Aica sa left samantalang kay Lei sa right. Infairness! Laber boy na laber boy ang dateng! Imba talaga ako!
 
Tinginan naman ang mga tao nang papalabas na kami ng mall. At karamihan sa mga reaksyon na nakikita ko? Inggit. Well, can I blame them? Hahaha! The green monster called Envy invades the Mall!
 
Nang makabalik na na kami sa Corvette, mejo naging okay na ang pakiramdam ko. Mabuti naman. Hmm, effective ata talaga pag meron kang karamay kapag ikaw ay injured, mas mabilis ang recovery mo. I-add up mo pa ang factor na dalawang anghel pa ang umakay saken!
 
"Hokey, dun naman tao sa lugar na sigurado akong magugustuhan nating lahat!" masiglang wika naman ng demonyitang nagmamaneho.
 
And it took only seconds para makalabas kami sa makipot na daan ng parking area dahil magaling din naman yung pagmamanehong ginagawa ni Ace. We were running at 40kph above the speed limit at nanlaki pa nga ang mata ng security dahil sa bilis namin.
 
"So, san ba tayo pupunta Sis?" nagtanong si Aica while fastening her seatbelt. Napansin ko rin na nakaseatbelt na rin si Lei. Oh wait..
 
"Don't worry Sis! You'll love the place!" ngumiti lang si Ace, and her foot stepped hard on the accelerator.
 
Dahil sa biglaang pag-accelerate ng kotse, napasubsob tuloy ang mukha ng inyong bida sa dashboard dahil hindi ako nakaseatbelt.
 
Click! Click! Click!
 
Camera flash?
 
"Wow! Nice pose!" napahalakhak si Ace. She was holding a camera on her hand and was taking pictures of me? WTF? Don't tell me pati yung pagkasubsob ko dun sa dashboard eh nakunan pa-
 
"Hoy bruha babangga tayooo!!!" nanghilakbot ako dahil babangga na sana kami sa kasalubong namin na dumptruck pero eksperto namang iniwas ni Ace ang sasakyan with just seconds left to spare. Por dios por santo! Konting-konti na lang yun! Konti na lang!!
 
"Anong babangga? Lalake ka ba? Kung makasigaw ka kasi dinaig mo pa ang bakla eh!" bumungisngis pa si Bruha.
 
Naubos ata ang energy ko after that near death experience kaya parang lantang gulay akong sumandal sa upuan. Ikaw ba naman ang muntik nang matigok.
 
 
"Ken! Hey! Ken"
 
Huh? Ano yun?
 
I slowly opened my eyes. Hala, nakatulog ako? Teka, nasa langit na ba ako? Anghel ba itong nakatingin sa akin?
 
"Hoy bakla! Gising na jan!" bigla namang tumambad ang isa pang mukha. Syet! Demonyita to ah! Wala ata ako sa langit?
 
Isang sapak ang tuluyang nagpagising sa akin.
 
"Sis!? Bakit mo naman sya sinapak? Baka mapano pa yan!"
 
"Sus! Umaarte lang yan! Pag di pa gumising yan kakaladkarin ko na yan papalabas at dadaganan ko nitong kotse!"
 
Sina Aica at Ace pala, yung anghel eh si Aica ah, at si Ace, eh di syempre, alam na.
 
"Awww.. Anong nangyari?" tanong ko agad.
 
"Ayan, salamat naman at okay ka lang pala. Nakaidlip ka ata" Aica looked relieved and flashed a radiant smile at me.
 
"Teka? Nasan si Lei?" tanong ko agad nang mapansin kong silang dalawa lang ang andun.
 
"Kelangan na daw nyang umuwi, may emergency daw sa bahay nila" paliwanag ni Aica.
 
"Aahh.."
 
So this means na sina Aica at Ace na lang ang magiging kasama ko for the rest of the day..
 
"Oi, tara na!" narinig ko si Ace.
 
"Ha? Anong tara na?" tanong ko naman.
 
"Kayo na muna ni Ace ang lalakad Paul, dito muna ako sa car, I'm not feeling well kasi" si Aica na ang sumagot.
 
Kaming dalawa ng demonyita ang lalakad? Wait..
 
"Eh pano ka? Are you sure na you'll be fine here?" nag-alala ako.
 
"Magiging ok lang yn, kaya na nya ang sarili nya, tara na bilis!" inaapura naman ako ni Ace.
 
So yun, kaming dalawa na lang ata ng bruha ang mamamasyal sa.. Oh wait, isn't this the..
 
 
"Enchanted Kingdom, ang pinakamalaki at ang pinakaengrandeng theme park sa Pilipinas na kakabukas pa lang a couple of months ago. Oh em gee! At nakapunta na rin ako dito sa wakas!
 
"Oi, papasok ba tayo jan?" tinanong ko si Ace.
 
"Hindi ba obvious?" was her answer.
 
"Ano naman ang gagawin natin jan?"
 
"Engot ka ba, tanga, or both? Pag ikaw ba e pupunta sa isang theme park, ano ba gagawin mo?"
 
"Well tinatanong ko lang naman, baka kasi alam mo na, gusto mong bombahin tong buong lugar. Wag mo naman sana akong isali, ayoko pang mabulok sa bilangguan, marami pa akong mga pangarap sa buhay.."
 
"E kung ikaw nalang kaya pasabugin ko nang hindi mo na kelangan pang ikulong at direcho hukay ka na?"
 
"Manang! Ang puso mo! Baka mauna pa yang sumabog kesa sakin!"
 
Tatawa-tawa ako. Yes! At last! Mukhang nakakabawi na ako ke bruha at mukhang sya na naman ang pikon ngayon! Hahaha! Payback is such a bish baby!
 
--Happy New Year! Will be continued.
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH