The Best Worst Group Date Ever! pt. 2

Make Me Fall...Can You?

 

Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko makipagdate is the mere fact na hindi ko alam, no, hindi naman sa hindi ko alam, pero naguguluhan ako sa kung ano ang gagawin. I mean, oo nga, marami akong nababasa tungkol sa mga dito sa mga libro at manga, then napapanuod ko pa sa mga tv shows at sa mga anime. Marami akong ideya sa ulo ko actually pero ewan ko ba at parang I get too shy whenever I am about to speak up or suggest something. Alala ko pa tuloy nung dati na gusto ko sanang ayain si April sa isang romantic date pero parang nabuhol ata ang dila ko kasi wala akong masabi.
 
Nasa kotse na kami ulit, at eto ako busog na busog na busog kasi kung anu-ano na lang na pagkain ang binibigay ng tatlo sa aken, which I was forced to eat or else baka tuluyan na nilang ipalamon ng sapilitan ang mga pagkain. Ansakit ng tyan ko grabe. I'm so full I could die!
 
And, di lang yun ang problema ko actually. The next problem is kung pano ko idedate ng sabay itong tatlo without making them feel na nalalamangan sila ng iba pa nilang kasama or binibigyan ko ng special treatment ng kahit na sino sa kanila. Gosh. Wala pa nga akong girlfriend, and here I am faced with this super difficult problem! No wonder maraming nagpapakamatay dahil sa pag-ibig eh!
 
"San tayo pupunta next Ken?" nagtanong si Lei.
 
Saan nga ba?
 
"Umm.. Kayo? San nyo ba gusto?" nagtanong na lang ako "Di ko kasi alam eh, bigla lang din naman kasi kayong dumating sa bahay kanina."
 
"Eh dumating lang naman kasi ako kasi nag-alala ako na baka napano ka na. Bigla ka kasing naglogout sa Facebook" rason pa ni Lei.
 
"Na-dc lang naman kasi ako nun.." nagkaila na lang ako.
 
"Sus, kaya pala di mo na rin sinagot yung message ko sa YM" sumabat si Ace.
 
"Na-dc nga ako ano ba. Kayo nga biglaan jang dumating sa bahay na wala man lang pasabi!" himutok ko nalang.
 
"Naisipan ko lang naman kasing ihatid si Aica sa bahay nyo kasi me balak syang pumunta daw, e nung dumating kami nakita kami ng Mama mo kaya pinapasok na kaming dalawa, tas andun pa pala yung isa."
 
Mga babae talaga.
 
"Okay, san nyo ba balak talaga pumunta? Wala ako maisip talaga na lugar na pwede puntahan honestly. Ang gusto ko lang ngayon eh matulog sana maghapon tapos maglaro ng Rohan paggising" inis na inis pa rin ako actually. Sa totoo lang, parang mejo may konting pagsisisi na ako dahil ginawa ko ang event na to, tingnan nyo na tuloy yung nangyayari saken ngayon. Kaya kids, don't try this at home ok?
 
Krispy Kreme.
 
Hindi ako nagkakamali sa aking nakikita. Huminto kami sa tapat ng isang Krispy Kreme shop. OMG! Hindi na ata ako nananaginip!
 
Yeah I know mejo exaggerated yung statement pero isa na ata sa mga pangarap ko ang makakain ng Krispy Kreme doughnuts. Sabi kasi ng mga friends ko, it's a doughnut unlike any other, and according to my cousins, it's the best they've ever tasted. At ilang beses na nga ba akong muntik nang makakain tapos ang naabutan ko nalang ay isang empty box ng doughnuts dahil nauubos ito agad? Heto na naman ata ako at nagdadrama pero totoo naman talaga. Who wouldn’t want to eat something na gustong-gusto mo na sanang makain noon pa? And look at that, mukhang maabot ko na ang pangarap ko!
 
Magkasabay pa ata yung tatlo na nagmamadaling lumabas ng kotse na para bang nag-uunahan. Huh? Now what is this? Pero biglang bumukas ulit ang pinto sa may driver’s seat at..
 
“Hoy! Dito ka lang ha!” sinigawan ako ni Ace.
 
“Ha? Aba oo naman, san ba ako dapat pupunta?” inirapan ko naman sya.
 
“Wag mo subukang umalis dito dahil pag ginawa mo yun, ipapakaladkad kita sa sasakyan pagbalik ko!”
 
“Aba, angas nito ah! E pano pag me carnappers bigla at dinala ako aber?”
 
“Eh mabuti nga yun! Yun nga ang purpose ko kaya dapat maiwan ka dito, deterrent kasi sa mga masasamang loob eh, mukha ka kasing sekyu!”
 
 
At bago pa man ako makasagot, padabog namang isinara ng bruha ang pinto. Bwiset na babaeng yun! Ako? Mukhang sikyu? Itong mukhang to na tinalo pa ang Kanto Boys sa kagwapuhan? Ikukumpara nya sa isang security guard!? Aba’t gusto talaga akong subukan ng babaeng yun ah! Takte! Parang alam na alam nya talaga ang lahat ng paraan para pataasin ang blood pressure ko! Sarap magwala!
 
Bigla namang bumukas ang pinto ng kotse at napansin kong si Lei pala yun. Wow bilis ah!
 
 
"Ken? Let's eat!" ngumiti siya , a box of doughnuts on her lap.
 
Yessssssssssssss!!!!!
 
"Sure! Wait ah, lipat lang ako" masaya ko namang wika at mabilis naman akong lumipat sa likurang bahagi ng sasakyan.
 
"Ken! I bought some doughnuts! Share tayo ah!" syang pagpasok naman ni Aica from the other side of the 
car.
 
 
Now imagine this setup. Nasa backseat kaming tatlo, at nasa gitna ako. Lei with her Glazed Chocolate Cake doughnuts and Aica with the New York Cheesecake version. Tahimik kaming tatlo. Teka, aling doughnut ba ang dapat tikman ko muna?
 
Eksakto namang pagbukas ng kotse at pumasok si Ace sabay sabi ng
 
"Hoy! Tulungan mo kong ubusin itong binili ko or else dun ka sa baggage compartment sasakay!"
 
Then that awkward silence followed, na para bang hinihintay nila ako na gumawa ng move. Ay teka, bat parang ako pa ang kelangan gumawa ng move? Err.. Glazed Chocolate Cake? New York Cheesecake? Original?
 
"Hoy ano ba! Kumain ka na sabi e!" biglang sabi ni Ace.
 
"Eto na nga! Atat ka masyado eh!" sabi ko naman.
 
"Chill lang Ace, let him pick" Lei answered.
 
"Tumahimik ka jan ah" nagreply si Ace.
 
Uh oh.
 
"Wag kang bastos Sis. Kung iisipin nga dapat kumakain na kami dito ni Paul eh, to think ako nauna na nakabalik dito" sumagot si Lei.
 
"Hm, hindi ka naman siguro nauna Lei diba kung di ka lang dun sumingit sa pila?" bigla namang nagsalita si Aica.
 
"Sus! Yun naman pala eh! Sumingit ka lang naman pala!" segunda ni Ace.
 
"Hindi po ako sumingit, nagkataon lang kasi na yung counter na pinilahan ko ay mas mabilis nagserve kesa dun kay Aica, and please Ace, you weren't there, so just shut up!" sumagot naman si Lei.
 
"Teka, di naman siguro-" magsasalita na naman sana ulit si Aica pero pasigaw akong nagsalita ng..
 
"TEKA NGA!"
 
Natahimik ang tatlo at napatingin sila saken.
 
"Ano ba? Bat di nalang tayo kumain sa halip na magtalo kayo jan? Di nyo ba alam na masama yung magtalo sa harap ng pagkain?" ang sabi ko naman, in a vain attempt to stop the three girls from quarreling. Magpapatuloy pa sana ako kung di lang may biglang kumatok sa bintana ng kotse. Napalingon kaming apat at holy syet, pulis!
 
Ako na mismo ang bumaba at..
 
"Sir bakit po?" tanong ko.
 
"Di nyo ba alam na hindi pwede mag-park dito? Towing Zone ang area na to dito!" sabi ng pulis in the usual maangas tone.
 
"Sa totoo lang po, hindi po namin alam eh. Akala po kasi namin pwede mag-park dito kasi nasa harap lang naman po kami ng establishment ng Krispy Kreme."
 
"E diba meron naman silang Customer Parking Area? Bat dito kayo mismo sa may sidewalk mag-park? Kayong mga kabataan talaga, gagawa pa ng rason e!"
 
"May problema po ba dito Officer?" narinig ko ang malambing na boses ni Lei mula sa aking likuran.
 
Ewan ko ba't parang bigla atang natulala yung pulis nang makita si Lei. Aba, e sino ba namang hindi matutulala pag nakaharap mo ang isang babaeng kasingganda nya? Oh well, hindi sa pagmamayabang pero dahil sa palagi ko nalang kasama sya, parang nasanay na lang ako. Hahaha!
 
Pero now that Lei is with me, I wonder kung ano kaya ang gagawin nito?
 
"Kasama ka ba ng lalakeng ito Miss?" magalang na nagtanong ang pulis.
 
"Opo. Kasama ko po sya, ka-date ko po sya ngayon to be exact" sumagot naman si Lei.
 
Whoa!
 
"Ganun po ba? Eh kasi ano po eh, meron po tayong konting violation na nilabag" paliwanag pa ng pulis.
 
"At ano naman po yun?"
 
"Ganito po kasi. Bawal po kasing mag-park dito sa bandang ito ng sidewalk kasi Towing Zone po kasi ang area na ito, nirason po kasi ng kasama nyo na baka pwede daw kasi nasa tapat naman ng store pero meron naman pong customer parking area siguro yung tindahan diba? Kaya kelangan ko po kayong hulihin."
 
"Ganun ba?" parang napailing si Lei "Pwede nyo po ba akong samahan muna saglit? May ibubulong lang po sana ako sa inyong importante. Ken, wait for me okay? I'll be back in a minute."
 
Awts. Ano kaya ang plano ni Chinita ngayon?
 
Exactly one minute later, bumalik si Lei sa tabi ko flashing her mysterious smile.
 
"Oh, ano nangyari?" tanong ko agad na mejo nagugulahan.
 
"Pwede mo bang kunin yung boxes ng Krispy Kreme sa loob? I think two boxes will do. Nagparinig kasi yung pulis eh, sabi nya kelangan nya lang daw ng pangmiryenda kaya hinuli tayo, tsaka ano, I did show him my Interpol badge para matakot na talaga" explain nya naman.
 
"Ga-ganun?" sabi ko nalang and I heeded her words.
 
Minutes later, nasa kotse na kami. Well okay lang na nakuha ng pulis yung dalawang boxes, basta meron pang isa na natira para samin diba? As I was about to take a bite out of a doughnut nang may biglang kumatok na naman sa bintana.
 
"Kuya palimos po..?" narinig ko ang tawag ng isang maliit na batang babae mula sa labas.
 
In the end I gave the whole box to her, dahil marami din naman syang kasama.
 
Bye bye Krispy Kreme. Looks like I missed you again. 
 
--Will be continued.. 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH