Interrogation Special

Make Me Fall...Can You?

 

"Sino ba ang girlfriend mo jan sa tatlo Kuya?" bumulong saken ang pinsan ko na biglang sumulpot sa aking likuran.
 
"Tumahimik ka nga!" pinandilatan ko nalang ang pinsan ko na tumawa pagkatapos.
 
Lumapit na ako sa sala at..
 
"O, bat antagal mo bumaba? Pinag-aantay mo ang mga bisita mo" mejo naiinis si Mama habang sinabi nya yun sakin.
 
"Nako, okay lang yun Tita, baka busy lang si Ken at may ginagawang kung ano sa taas" nakangiti lang si Lei na sumagot.
 
"Hi sa inyo, napadalaw kayo?" bati ko sa kanila.
 
"Ano ka ba! Bat ganyan ang ayos mo! Maligo ka nga muna dun! Kakahiya sa mga bisita mo!" pahayag pa ulit ni Mama.
 
WTF. Dun ko nalang tuloy naisip na di pa nga pala ako naliligo at nagpapalit ng damit. Nakapantulog ako, boxers at punit na t-shirt. Syet syet!
 
"Hmm, oo nga naman. Di ka ba nahihiya samen?" umirap si Ace.
 
"Err. Pasensya na, kakagising ko lang kasi. Ligo lang ako at magpapalit. Excuse me" ang sabi ko naman at kumaripas ako ng takbo papuntang kwarto.
 
(The next scene will be in third-person POV)
 
"Hay nako, pagpasensyahan nyo na yung anak ko ah. Mejo iresponsable yun talaga, parang walang pakialam sa mga sitwasyon sa paligid" ang sabi lang ng Mama ni Paul nang makaalis na ang binata.
 
"Nako okay lang yun Tita, mukhang kagigising lang naman ni Paul eh, tsaka hindi naman ako I mean kami nagmamadali" ang sagot naman ni Aica na nakangiti.
 
"So, pano nyo ba nakilala yung anak ko ah? Mejo nakakagulat kasi hindi naman talaga yun yung tipong mahilig sa mga babae o naghahanap ng mga babae. Hanggang ngayon nga eh di pa yun nagkakaroon ng girlfriend."
 
"Ganun po ba Tita? Di pa yun nagkakagf ever since?" tanong ni Ace.
 
"Hindi pa" sagot pa ulit ng tinanong "Puro aral, libro, tulog at paglalaro ng online games at sports ang inaatupag nun e. Minsan nga naiisip ko kung magpapari  ba yun o ano."
 
"Magpapari?" si Lei naman ang nagtanong.
 
"Oo, dati kasi muntik nang mapasok sa seminaryo yun kasi nagtake yun ng scholarship exam sa isang seminary school. Nakapasa sya, ipadadala nga sana sa Rome para dun magstudy pero hindi pumayag. Gusto daw mag-asawa."
 
Tawanan ang mga babae.
 
"Natatawa nga ako dun Tita eh, pero masarap po syang kausap talaga, marami nga kaming mga bagay na napag-uusapan nun eh" si Aica naman ang nagsalita.
 
"Di na ako magugulat. Palabasa din kasi yun, kung anu-ano nalang ang binabasa, kung ano ang nakukuha ng atensyon, binabasa. Kaya, I'm proud to say that my son is intelligent, kaya marami talaga kayong mapag-uusapang mga bagay, pero minsan talaga, isip-bata. Nakikipagtalo yun sa mga bata jan sa kanto, yung mga maliliit na bata. Jusko."
 
Tawanan ulit.
 
"Nga pala Tita, ano bang klaseng anak si Ken?  I mean, me mga siblings po sya diba?" si Aica ang nagtanong ulit.
 
 
"Wala siyang kapatid, single man, only child."
 
 
"Tita, ano po ba yung mga weird habits ni Paul? Yung mga, alam nyo na" ang tanong naman ni Ace.
 
"Yung mga kakaibang bagay? Hmm ano nga ba. Di nakakatulog yan ng hindi nagkakape, tapos naglalaway yan kapag natutulog. At ang lakas humilik! Dinig na dinig sa buong bahay ang hilik nyan! At sa sobrang hilig nyan sa pagbabasa, kahit saan nalang nagbabasa yan, nakahiga, nakatayo, sa banyo, at kung saan pa. Nagbabasa din yan habang kumakain. Mahilig din sa alam mo na, hindi madalas magpalit ng damit yan. Yung tipong, yung pambahay nya, tapos papalit ng uniform, tapos pag-uwi, isusuot nya ulit yung pambahay na suot nya. Sinasabihan ko nga na labhan na yung mga damit pero sabi nya maya nalang daw muna kasi ano daw, sayang daw sa sabon. Jusko. At kung hindi mo uutusan yan, hinding-hindi yan gagalaw. Gagalaw lang yan kapag nagugutom at magluluto ng pagkain.. At ano pa ba.."
 
(Back to First Person View)
 
Pagkatapos kong makapaligo, mabilis akong lumabas ulit ng kwarto para magpunta sa sala. Syet. Ano na kaya ang kinekwento ni Mama ngayon? Amf na to.
 
Nakita kong nagtatawanan sila habang nag-uusap. Uh oh, parang ibang ano itong nararamdaman ko ah.
 
"Hi, umm, sorry mejo natagalan ako" bati ko ulit sa kanila.
 
"Hi again Ken! Ok lang yun. Nagkwentuhan lang naman kami nina Tita, and we sure did know a lot of things about you" si Aica ang bumati saken.
 
"Ah ganun ba?" napalunok ako, ano nga kaya? "Like what?"
 
"Sikreto na namin yun no. Mabuti pa at umalis na tayo, lika na Ken" si Ace ay bigla na lang tumayo at hinila ako. Napansin ko naman na kumunot ang mga noo nina Aica at Lei.
 
"Te-teka, san ba tayo pupunta?" mejo nagulat ako. WTF naman, Sunday kaya ngayon, wala akong dapat na lakad!
 
"San pa? Diba may gagawin tayong project today? Di mo ba naalala?" sagot naman ni Ace at hinila na nya ako papuntang pinto.
 
"A-anong project?"
 
"Basta sumama ka nalang!!"
 
Awts, lagot.
 
"Ah nga pala Ma, sige ha aalis muna ako, I mean kami. Project daw eh" nagmamadali akong nagpaalam ke Mama bago ako tuluyang itinulak ni Ace papalabas.
 
Tumigil naman si Ace at tumingin kina Aica at Lei.
 
"Oh, di ba kayo sasama?" sabi nya na may nanunuksong ngiti sa mga labi.
 
--Will be continued..
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH