- 19

Minjeong’s Life Tapestry
Please Subscribe to read the full chapter

[Minjeong’s]

 

“Pero mas miss ka na daw nila Mom at Dad! Gusto mo ba sila kausapin?” 

 

Umayos ang ng upo ko sa dulo ng kama nang narinig ko ang sinabi ng kapatid ko. 

 

Before that, napa isip muna ako bakit ibang Ate ang kinakausap ko at ang pangalan na nasa caller ID. 

 

Tiningnan ko ang screen ng phone ko para makasigurado kung tama bang kapatid ang kausap ko bago binalik ang phone sa tenga.

 

“Wait, Ate Wends? Number ‘to ni Ate Taeyeon ah?” 

 

Instead sagutin ako ng maayos, narinig ko ang malakas na halakhak ng ni Ate Wends, “Ngayon mo lang narealize bunso?” natatawa niyang sabi, “Hiniram ko, lowbatt na ako eh.” 

 

Pinili ko na lang ‘wag pansinin ang kalokohan ng kapatid ko, mas pagt-tripan pa niya ako eh, “Nakauwi na si Ate?”  

 

Isang sikat na journalist ang pinakamatandang kapatid namin. Due to work reasons kinailangan ni Ate Taeyeon pumunta ng iba’t-ibang bansa ng halos isang taon. 

 

“Malamang, paano ko magagamit phone number niya diba?” pilosopong sagot ni Ate Wends.

 

 “Ate naman eh.” Hindi ko naiwasan ngumoso sa mga sagot ng kapatid ko, kinakausap ng maayos tapos gaganyan siya. Iba din eh.

 

“Joke lang, pero oo umuwi na siya. Napaaga ang uwi niya.” 

 

I nodded, trying to process that information. 

 

“So, nasa bahay kayo?” 

“Hindi nasa bundok.”

 

“Ate, seryoso kasi!” reklamo ko na. 

 

Narinig ko siyang tumawa ulit habang ako dito pinapawisan. ‘Di ko exactly alam kung bakit, malamig naman sa kwarto kasi may air conditioner, pero may feeling kasi ako na may dahilan ang pagtawag ni Ate Wends. 

 

“Pinaparelax lang kita, bunso. ‘Yung boses mo para ka ng natatae eh,” biro niya na naman. Hindi ko talaga maka-usap ng maayos si Ate Wends. 

 

“Ate, isa pa,” banta ko sa kanya, kunwaring galit pa pero kinakabahan lang talaga ako.  

 

I heard her sigh, mukhang magseseryoso na siya. “Oo nasa bahay na kami ni Ate Taeyeon.” 

 

Napalunok ako sa sinabi niya, parang rinig na rinig ko nga dahil ang tahimik din ng paligid ko. 

 

Tsaka alam ko na ata ang susunod niyang sasabihin, “At gusto din nila Mom at Dad na umuwi ka.” 

 

Ako naman ang napabuntong hininga sa sinabi ni Ate. 

 

“Kailangan ba talaga?” tanong ko. Naninigurado lang kasi ready na ako gumawa ng kahit anong excuse para lang hindi makauwi sa bahay. 

 

“Bakit? Busy ka?” 

 

Agad ako nag brainstorm anong pwede gawin na excuse, mala Family Feud ang bet ko habang nag-iisip. 

 

“Uh, ano kasi, kailangan ko ayusin ‘yung, ano, lalabo ng apartment ko!” Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi ko. 

 

Anong klaseng excuse ‘yan, self?! Hindi ka nga marunong mag-ayos ng lalabo eh! 

 

“Huh? Ba’t ikaw mag-aayos nyan? Ipa-ayos nalang natin sa tubero ‘yan pagbalik mo.” 

 

I scrunch my nose nang nadeny ang excuse ko. Mag-isip ka, self, please, ‘yung matino, sige na. 

 

Pumikit pa ako habang nag-iisip ganun ka seryoso ‘to. “‘Di, ano din eh, may lakad ako kasama si Ning mamaya...” 

 

“Saan ba punta niyo?” 

 

“Sa, ano, um, Ob-Gyn…” Ning, sorry talaga. “Baka daw buntis siya?” Unsure ko na sabi. 

 

Unsure pa talaga e gawa-gawa ko nga lang ‘yan! 

 

Ning, kung nasaan ka man ngayon sana hindi ka nabilaukan. Ililibre na lang kita sa next gala natin, patawarin mo sana ako. Desperate times call for desperate measures kasi, bestie.  

 

Mas lalo ako kinabahan ng tumahimik ang kabilang linya. 

 

Ate, maniwala ka nalang kasi! Take the hint, ganon! Para tapos na tayo dito, hindi na namin kaya ni baby ang kaba. 

 

“Minjeong.” 

 

Kakasabi lang na hindi na kaya ang kaba eh! Pero bakit parang mas pinapakaba ako ni Ate Wends, parang timang naman o. 

 

 “Po?” Sumagot naman agad ako, madalang ako tawagin ni Ate Wends ng ‘Minjeong’ dahil mahilig siya tuksuhin ako gamit ang “bunso” or “baby bunso”. 

 

Kapag ako talaga pinagt-tripan nito, pupunta talaga ako sa bahay para lang kutusan siya. 

 

Natahamik na naman siya ng ilang segundo, mahina ba signal sa bahay ba’t ang tagal sumagot ni Ate? 

 

“Ayaw mo ba pumunta dito sa bahay?” Seryoso na nga si Ate, medyo nagulat ako sa tanong niya.

 

“Hindi naman sa ganon, Ate…” humiga ako at natutula. Hinahanap ko ang lakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoong dahilan. 

 

Ang totoo gusto ko talaga umuwi. Nandon ang uuwian ko eh, si Ate Taeyeon at Ate Wends.

 

“Kung tungkol ‘to kila Mom at Dad, hindi mo kailangan mag worry. Sila mismo ang nagsabi sa akin na tawagan ka at pauuwin.” 

 

Napapikit ako sa sinabi ni Ate Wends. They always say that and hindi ko maiwasan maging marupok at maniwala kahit hindi ko naman maramdaman ‘yon.  

 

Fake news ata ‘to si Ate Wends at Ate Taeyeon eh. 

 

Alam ko naman may pagkedense ako minsan, ilang beses na ata ‘yan tinatak ni Ning sa utak ko pero iba ‘to. Wala akong maalala isang momento na naramdaman ko ang mga sinasabi ng mga kapatid ko na galing daw sa parents ko.  

 

“Nagtanong pa nga sila kung nakahanap ka na ng work, hindi ka daw kasi nagk-kwento.” 

 

Eme talaga ‘to si Ate Wends. Simula nung nag move out ako, wala akong narinig galing sa kanila, maski isang phone call or message, wala. 

 

Ito si Ate Wends at Ate Taeyeon ang nagsasabi sa akin na kinakamusta ako ng mga magulang namin, ang hirap paniwalaan kasi never ko naman narinig sa kanila. 

 

But again, marupok din ako sa mga magulang ko. At the end of the day, kulang ako sa aruga. Ganun.  

 

Tsaka may iba pa akong dahilan bakit ayaw ko umuwi sa amin. 

 

“Excited pa naman ata sila marinig kung nakapagsimula ka na magtravel. Hindi mo pa iniikukwento sa akin ang mga pangyayari sa iyo,” kunwaring tampo pa ni Ate Wends. 

 

‘Yan ang problema ko. 

 

Paano ko sasabihin sa kanila na walang Flight Attendant Minjeong nangyari? Dahil nadala ako sa putanginang heat of the moment na ‘yan nabuntis ako? 

 

Na walang travel kineme ang nangyari, ang travel lang na nangyari napunta ako sa bahay ng mga Yu at nakulong pa nga ako don ng ilang araw. Tapos wala pa akong trabaho at nakikitira ako sa bahay ng kambal ng nakabuntis sa akin? 

 

Paano ko sasabihin sa kanila ‘yan?! Kasi panigurado ako kukutusan ako ni Ate Taeyeon at Ate Wends! 

 

Tapos… mad-disappoint ko pa siguro ang parents ko na walang pake sa akin. 

 

Wait. Pwede ba ‘yon? Never naman sila naglagay ng expectations sa akin, so malabo na madisappoint ko sila, diba? 

 

Either way, takot pa din ako. Sa magiging reaksyon ng dalawa kong kapatid at sige isali ko na din magiging reaksyon ng mga magulang ko. 

 

I mean, imagine, wala ka narinig na balita sa bunso niyo ng halos tatlong buwan tapos ang una mo makukuhang balita sa kanya ay buntis na siya. 

 

Kung ako nyan magwawala ako kaso ako ‘yung bunso na ‘yon. Kaya sana ‘wag sila gumaya sa magiging reaction ko. 

 

“Baby bunso, nandyan ka pa?” 

 

“Wala,” ganti ko sa mga pilosopong sagot niya sa akin kanina. 

 

“Sira ka ba? Ano na? Papasundo na kita, ha?”

 

Napa-upo ako, bumalik na ang kaba ko. Hindi nga ako nagkakape pero grabe naman magpakaba nitong kapatidko. “Wait, hindi pa nga ako pumapayag eh!” 

 

“Hinihingi ko ba permission mo? Sinasabihan lang kita, tungek.” 

 

“Edi sana kinidnapp niyo nalang ako,” masungit ko na sagot. 

 

Kasi naman! Hindi ko pa nga napapagisipan ng maayos, tapos gaganonin niya ako. Kutusan kita, Ate eh! 

 

May narinig na naman akong buntong hininga kay Ate, kanina pa siya sa buntong hininga na ‘yan. 

 

“Jeong, ‘wag ka mag-aalala okay?” 

 

Ate, kung ganon lang ‘yan kadali. Mapayapa siguro ang buhay ng mga tao. 

 

“Alam ko na ayaw mo maniwala kapag sinasabi namin hinahanap ka nila Mom pero–” 

 

“Ayaw ko talaga maniwala,” putol ko sa kanya. 

 

“‘Yon nga, pero kasama mo naman kami ni Ate eh. Sa tingin mo papayag ‘yon na mapabayaan ka?” 

 

“Hindi po…” Tama naman si Ate Wends. 

 

Kahit na kinulang ako sa aruga galing sa mga magulang ko, nasobrahan naman ako sa pagmamahal from Ate Taeyeon and Ate Wends. 

 

Sobrang-sobra nga lang minsan kasi parang hanggang ngayon baby bunso pa rin tingin nila sa akin, especially si Ate Wends. 

 

Worried tuloy ako sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na ang baby bunso niya may baby na. ‘Yung literal. 

 

“See? Kahit isang araw lang, bunso. Magpakita ka, miss ka na namin.” 

 

Nanlambot ako nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Ate Wends. Understandable naman kasi simula nung nalaman ko na buntis ako, hindi na namin nakita ang isa’t-isa. 

 

“Fine,” I sighed, “Punta ako dyan bukas.” Agad ko inilayo ko ang phone sa tenga ko nang tumili ang kapatid ko. 

 

Grabe lang kung makabirit akala mo nasa Tawag ng Tanghalan. Muntik pa ako mabingi. 

 

Though, that aside napangiti ako knowing I made Ate Wends happy. Sa mga ganitong paraan na lang kasi ako bumabawi sa kanila ni Ate Taeyeon. 

 

Ganitong paraan as in blessing them with my graceful presence. Sorry, mga ate ‘yon lang kaya ko for now eh. Soon bibigyan ko sila ng cutiepie na pamangkin. 

 

“Okay na tayo, ha? Pupunta ka sa bahay bukas. Walang bawian?” paninigurado ni Ate for the nth time, ilang beses niya paulit-ulit baka bawiin ko na talaga. 

 

“Oo nga, Ate. Isa pang ulit, hindi na ako tutuloy,” banta ko. 

 

“Ito naman si bunso ang init ng ulo. Wala ka talagang pinagbago.” May narinig pa ako na ‘tsk-tsk’ sa kanya.

 

“Ate, tatlong buwan lang tayo hindi nagkita, hindi tatlong decada.” pambabara ko sa kanya kasi ang drama niya. 

 

“Tatlong buwan nga lang pero parang mas uminit ang ulo mo.” 

 

Nang narinig ko ang paghihinala sa tono ng boses ni Ate, hindi ako mapakali. 

 

Obstetrician si Ate Wends. Kaya nung una ako dinala ni Ning para magpacheck-up, medyo kinakabahan ako na makita ko siya kahit naman ‘yung clinic na pinuntahan namin ay hindi sa workplace ni Ate. You can never be sure kaya. 

 

Wala naman sigurong superpowers si Ate Wends wherein malalaman niya na buntis ang tao dahil sa simpleng pag-iiba ng mood diba?  

 

Kahit na malabo malaman ni Ate Wends sa simpleng pagbabago ng mood ko. Wala naman akong akong tiwala sa sarili ko. 

 

Baka kasi sarili ko pa mismo ang madulas at magsabi na buntis ako. Kaya hindi ko na pinatagal ang call namin ni Ate Wends. 

 

“Sige na, Ate. Una na ako, may gagawin pa ako eh. Kita nalang tayo bukas,” paalam ko at tumayo, pinapagpag ko ang unan at kumot ko para kunwari may inaasikaso nga ako. Sounds effects para kapanipaniwala. 

 

“Kailangan mo ba ng sundo?” 

 

Umiling ako kahit hindi ako kita ni Ate, “Si Ning na maghahatid sa akin, Ate.” 

 

“Ginawa mo ng driver ‘yan kaibigan mo,” tumawa siya at nakisabay din ako, tama kasi siya, “Basta ba payag ang batang ‘yon. See you bukas, bunso, love ka ni Ate.” 

 

“Bye, Ate. ‘Di kita love,” biro ko at pinatay ang tawag. 

 

Bago pa umabot ang isang minuto tinadtad na ako ni Ate ng mga messages. 

 

Natawa ako habang binabasa ang mga message niya. Hindi raw siya makakatulog hanggang hindi ko sinasabi ang ‘I love you’ pabalik. Nireplyan ko na lang siya para makatulog naman siya ng mahimbing. 

 

After ko ilagay ang phone ko sa bedside table, humiga ako ulit sa kama. 

 

Habang nakatitig sa kisame, iniisip ko ano ang mangyayari bukas. 

 

Kahit na natatakot ako harapin sila, wala din naman akong choice. 

 

Darating din ‘yung araw na malalaman nila ang nangyari sa akin for the past few months, kaya mas mabuti na bukas na ang araw na ‘yan para matapos na. 

 

Ayaw ko na rin patagalin at isipin pa. At least, by then, maibibigay ko na ang whole attention ko sa anak ko.  

 

Hindi ko pa mawari kung hahadlang ang pamilya ko. I mean, wala naman silang magagawa eh. Nasa tyan ko na ang bata. Susubukan ko na lang ‘wag damdamin kung negative magiging reaksyon nila. 

 

Tsaka (medyo) okay lang kung hindi nila ako susuportahan, nandyan naman ang mga Yu para ibigay ang mga kailangan ng anak ko. 

 

Hawak ko anak nila, si Jiminie, kaya dapat talaga mag provide sila sa anak ko! 

 

I sighed. ‘Wag ko na lang ‘to isipin muna, nas-stress na ako at sigurado ako pati ang anak ko. Hindi pa naman maganda ang stress para sa aming dalawa. 

 

Bukas ko na lang iisipin since bukas pa naman mangyayari. Itutulog ko muna ‘to, nakakaramdam na din ako ng pagod.

 

Aga ko ba naman magising tapos nag grocery pa ako at nagluto. Binawi na agad ang energy ko, okay lang naman since nakapag labas ako ng stress– ‘di ko pa rin alam saan ba galing ang stress na ‘yan at biglaan ko naisipan magluto kanina. 

 

Hinagod ko ng maharan ang baby bump ko. “Tulog muna tayo, baby,” ani ko at tuluyan na nakatulog. 

 

// next day 

 

Tanghali na nang nagising ako. Ang odd tuloy kasi feeling ko bumalik ‘yung intense fatigue ko or baka dahil ayaw ko lang harapin ang mangyayari sa araw na ‘to. 

 

Pwede naman siguro both, wala naman nagsabi isang dahilan lang ang pwede ko piliin.

 

Buti na lang at nasabihan ko na si Ning na ihatid ako papunta sa bahay namin.

 

Akala ko kailangan ko pa siya kombisihin pero akala ko lang ‘yon. Nang nalaman niya na nakauwi na si Ate Taeyeon parang mas excited pa siya sa akin, sisingilin niya daw kasi ang mga pasalubong niya. 

 

Naalala ko na ganun din siya sa mga kapatid ni Jiminie. Aakalain mo tuloy na pinagkakaitan siya ng mga bagay na gusto niya sa pamilya niya. E spoiled kaya ‘yan sa kanila. 

 

Personality niya lang talaga maging matakaw sa pasalubong. Ang hilig din kasi magpababy nyan kaya no doubt nabibigyan siya ng pasalubong either way. 

 

At speaking of kay Jiminie, ganun pa din ang ganap namin. Hindi makapag usap ng maayos dahil sa magaling niyang bisita. 

 

Sinusubukan ko na lang ‘wag damdamin ang panggugulo ni Ryujin. Wala naman talaga siyang ginagawang masama sa akin, ako lang ‘to naiinis sa kanya for no reason. 

 

Kahapon nga, wala akong gana bumaba para kumain or magluto man lang at tatawagan ko na sana si Ning para dalhan ako ng pagkain.

 

Si Jiminie sana uutusan ko pero ayaw ko naman guluhin ang time niya with her bisita. 

 

Anyway, ‘yon sana ang ganap kaso biglang kumatok ito si Ryujin sa kwarto ko. 

 

Nagluto daw siya ng pasta at tinanong ako kung ready na ba ako kumain ng dinner. Nagulat ako.

 

Firstly kasi, ang tapang niya naman kumatok sa kwarto ko. Secondly, dahil nagluto siya at hindi nasunog ang condo. After nung magaling niyang pag hiwa ng carrots at patatas, I was in complete belief na hindi siya marunong magluto. Imposible naman na si Jiminie ang nagluto kasi baka wala na kaming tinitirhan ngayon. 

 

Lastly, nag-abala pa talaga siya na tanungin ako. 

 

Akala ko na baka inutusan lang siya ni Jiminie, pero I was convinced na kusa niyang ginawa ‘yon nung nag-away pa talaga sila ni Jiminie kung sino maghahanda at maghahatid ng pagkain ko sa kwarto since sabi ko ayaw ko bumaba. 

 

Which napaisip naman ako bakit siya nakikipag-away? Hindi ko talaga gets ang trip nila. 

 

Medyo naguguluhan pa nga ako bakit ang sama ng tingin ni Jiminie kay Ryujin e, akala ko ba may something kemirut sila? Or ganon lang talaga siya makatingin sa taong interesado siya? Bakit naman ganon? Parang ang sama ng tingin niya? 

 

Ito si Ryujin naman ayaw ako tigilan, minsan hindi ko din alam kung nanadya ba siya mang-inis or ganon lang talaga makisama sa ibang tao. 

 

Ayaw niya ako iwan sa kwarto ko habang kumakain ako. 

 

Ang pointless lang ng pagkain ko sa kwarto, kasi kaya nga ayaw ko bumaba para hindi ko makita ang landian nila tapos tatambay din pala sa kwarto ko. 

 

Isa pa, comfortable na comfortable si Ryujin sa kwarto ko. Halos humiga na nga siya sa higaan ko pero syempre sinamaan ko siya ng tingin. Baka madumi siya tapos ihihiga siya sa bed ko? ‘Di pwede ‘yan! Magkakasundo talaga sila ni Ning eh, gawain ‘yan ng babaeng ‘yon. 

 

Tapos si Jiminie naman parang ewan na hindi mapakali, nung una pa nga ay ayaw niya pumasok sa kwarto. Nakatayo lang siya sa threshold na parang body guard until inaya ko na lang din siya pumasok since napaka-feel at home na ng kasama niya. 

 

Halata sa kilos at mukha niya na aligaga siya, hindi ko naman gets kung bakit. Ayaw niya ba pumasok sa kwarto ko? Malinis naman dito, ang bango pa nga. 

 

Sumakit ang ulo ko kakaisip kaya pinabayaan ko na lang sila dalawa, pero hindi nagtagal si Jiminie na mismo ang nagpaalam. Siyempre dala-dala niya ‘yung bisita niya palabas na kumontra pa nung una. 

 

Sabi naman nila babalik sila para kunin ang pinagkainan ko at bumalik nga sila pero that time si Jiminie na lang ang bumalik. 

 

Nakaramdam ako ng konting tuwa nung kumatok siya sa kwarto ko at pumasok ng mag-isa. Inisip ko na, sa wakas ay nasolo ko na siya. 

 

Ang weird nga kasi we barely exchanged words, pero napaka-comfortable ng naging atmosphere namin. 

 

Wala nga akong kamalay-malay na nasa bisig niya na pala ako.

 

Mas weird pa ay tumagal ang yakap niya sa akin, pansin ko nga na she didn’t even freeze for a few seconds. Usually naman ako ang dahilan bakit tumatagal ang yakapan namin. 

 

That time, however, siya ang ayaw ako bitawan agad. Pinigilan ko ang naglalarong ngiti sa labi ko nung naramdaman ko na humigpit ang hawak niya sa bewang ko. 

 

Hinintay ko na siya ang kumawala sa akin at nagtagal ‘yon ng halos limang minuto. 

 

Nang akala ko pakakawalan niya na ako dahil lumawag na ang hawak niya sa akin, bigla niyang nilapit ang mukha niya sa may tenga ko at bumulong. 

 

“Good night, Minjeong.” 

 

Nalito tuloy ako kung si baby ba ang dahilan sa kiliti sa tiyan ko or iba na. 

 

‘Yon lang naman ang ganap kahapon. 

 

Move on na tayo dyan kahit medyo nararamdaman ko pa din ang pagbulong ni Jiminie sa tenga ko. 

 

Creepy kaya! Charot. Medyo lang, minsan kasi parang naririnig ko pa din ang boses niya at lalo na ang paghaplos ng hininga niya sa balat ko. Lakas maka-goosebumps eh. 

 

Pero ito na nga, nag ayos at nagbihis na ako kahit wala pa akong kain. FYI lang, hindi ko ginugutom ang sarili ko o ang anak ko! Plano kasi namin ni Ning ang kumain sa labas bago ako umuwi sa bahay. 

 

Baka kasi topakin ang tiyan ko at si baby pag dating sa bahay at hindi kami makakain ng maayos. Malakas ang kutob ko na ‘yon ang mangyayari, lalo na irereveal ko sa kanila ang malupit kong sikreto. 

 

Habang hinihintay ko sunduin ako ni Ning, pumunta muna ako sa kitchen para kumain ng prutas at gatas man lang. Para kahit papaano may laman ang tiyan ko.  

 

Bumati sa akin ang dalawang pigura na nakatambay lang sa living room, may pinapanood ata sila. 

 

Himala at wala silang lakad or ginagawa? 

 

Plano ko dumiretso lang sa kusina syempre impossible ‘yon dahil the moment nakita ako ni Ryujin, tinawag niya agad ang pangalan ko. 

 

“Minjeong! Good morning!” masiglang bati niya at agad ako nilapitan. 

 

Aakma pa nga siya na yakapin ako pero pinigilan siya agad ni Jiminie. Kaso medyo naawa ako sa kanya, sa kwelyo ba naman siya hinawakan ni Jiminie. Nasakal ata siya eh. 

 

“Rinababes naman!” Binabawi ko na, hindi ako naaawa sa kanya. Deserve ‘yung sakal. 

 

“I told you, Ryu. Stop being makulit,” sermon ng pinakamatangkad sa amin, sumimangot lang naman si Ryujin. 

 

“Gusto ko lang naman yakapin si boss madam eh!” Hindi niya talaga ako titigilan sa nickname na ‘yan, no? 

 

Anong trip nito at gusto ako yakapin? 

 

Obvious ata sa mukha ko ang confusion sa pangyayari kaya inexplain ni Ryujin kung bakit. Dapat lang trip niya ‘yan, siya magexplain. 

 

“E kasi, boss madam. Ngayon na ako aalis,” nagfake iyak pa talaga siya. Lakas talaga ng tama nito. 

 

Narinig ko naman magsalita si Jiminie, “You can decline her, she’s kulang sa pansin lang talaga,” sabi niya at may kasamang maliit na ngiti. 

 

Wala naman siguro masama kung pabigyan ko siya… well, maging civil na lang ako sa kanya, I guess. Paalis na din naman siya, baka last kita na namin ‘to kaya bigyan ko na lang siya ng farewell hug in advance.  

 

“S-Sige,” nahihiya ko na sabi. Naw-weirduhan lang ako kaya ako nahihiya! 

 

Agad lumiwanag ang mukha ni Ryujin, parang bata nabigyan ng gusto niyang laruan. 

 

As soon as I opened my arms para iwelcome siya, niyakap niya ako. 

 

It was brief naman, she didn’t bother patagalin ang yakap at siya pa ang unang bumitaw kaya it didn’t make me uncomfortable. 

 

Buti naman, baka nasipa siya ni baby kahit hindi pa kaya gawin ng anak ko ‘yon. 

 

“Mamimiss kita, boss madam!” Ang sabi niya nang naghiwalay kami. 

 

Ba’t naman ako mamimiss nito? Kahapon ko nga lang siya binigyan ng atensyon at ilang araw lang kami magkakilala. Hindi ko kaya makisabay sa kahibangan niya kaya ningitian ko na lang siya. 

 

Tumingin naman ako sa babaeng nakatayo sa likod niya, si Jiminie. 

 

‘Di ko alam kung guni-guni ko lang ‘to pero parang biglang nagbago ang mood niya. 

 

I mean, sigurado ako m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primroze
I feel like this is such a late announcement pero I’ll say it pa rin. Hindi ko po i-gghost ang story. 😭 Pero updates are going to be irregular and slow po muna. Medyo naging busy lang irl and let’s say na rin may slight writer’s block ako atm. 🥹 Ayon lang po. I hope you understand it! Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fudgeebar01 0 points #1
Chapter 25: torr miss u po baka naman meron naa 🥹
stillintoyu
196 streak #2
miss q na ‘to
winjeongsimp #3
kamiss si jeongtis at ang kaniyang sitter 😆
howdoyouknowmee
542 streak #4
Hello, I just want to say that this story became my source of happiness last year while I was facing my slump. Thank you to the characters in this story. I realized many things, and even just reading this makes me so happy. And if ever the writer of this story decides to discontinue this, you'll always be remembered in my heart. Lastly, to the writer, I have nothing to say but thank you for creating this masterpiece. Thank you for bringing me happiness. My wish for us is to heal from any pain or struggles we might be facing right now and to have a brighter day ahead of us. Thank you, and until then, 🤍.
Blueyy #5
Rereading again nakakamiss sila lalo na si jeongtis 😣
mind00ngie
#6
Chapter 25: ang aming jeongtis 🥹🥹🫂
M_1412 #7
Chapter 25: Grabe mas parang nanay and tatay pa yung parents nila J kay M kesa sa sarili nyang parents😠
Hugs kay jeongtis, deserve mo ang family nila J kesa sa sarili mong fam
jysowee
#8
Chapter 25: Bugtong hininga na lang ako sa ginagawa ng mga magulang kay minjeong. I kind of understand kung bakit ganun ka-conflicted yung nararamdaman niya towards her parents pero at the same time mas gusto ko na sana sama ng loob na lang ang mafeel ni minjeong. I also understand na hindi siya makapagsabi ng inner feelings niya towards them, kasi ever since naman never siya nakapag-open sa kanila kasi nga, wala sila all the time.

Anyways, 2024 na minjeong, napakadense mo parin kay jimin jusme kulang ata siya sa alog ng ulo tsk
taytaysbetty
#9
Chapter 25: Mahigpit na yakap for Minjeong~ 👥💕
sepvenanje #10
ey new cover photo