#SC - Movie Night

Minjeong’s Life Tapestry
Please Subscribe to read the full chapter

[After chapter 13]

 

[Third Person POV]

 

May kinakaaliwan si Minjeong lately. Kaaliwan na hindi kaliw-aliw kay Karina. 

 

Sa nakalipas na mga araw may mga entertainment nahanap si Minjeong, katulad ng panonood ng horror movie sa kalagitnaan ng gabi. 

 

Walang problema si Karina dito, kahit nasa highest volume pa ang TV sa living room, at magmala-haunted house ang buong condo. 

 

Syempre, hindi naman problema kahit muntik na niya nabasag ang paboritong dinosaur-patterened mug niya dahil may jumpscare na nagpaalog ng buong condo at kaluluwa niya.

 

Naiyak lang siya ng slight. 

 

Hanggang nadamay siya sa binge watching trip ni Minjeong. 

 

Simple lang naman tumanggi.

 

Karina is the type of person kung ayaw niya, ayaw niya. End of the story. Walang pagmamakaawa ang kaya magpabago ng decision niya. 

 

Pero tao lang siya, bakla lang siya, hindi siya immune sa “puppy eyes” ni Minjeong. 

 

Kaya naman nung tinanong siya ni Minjeong with “puppy eyes” agad siyang pumayag, no second thoughts.

 

At heto siya, ngayon lang narealize ang consequences ng kabaklaan niya. 

 

“Karina, gawin mo na ang popcorn, mamimili lang ako,” utos sa kanya ni Minjeong pero hindi siya kumibo, “Hello? Okay ka lang?” 

 

“H-Huh? Y-Yeah, duh,” sinagot siya ng naguguluhan na mukha ni Minjeong, “I-I mean, of course, I’m okay. Why wouldn’t I be?” 

 

Mas lumalim lang ang kunot ng noo ni Minjeong pero hindi na niya ito pinansin, “Sure… ‘yung popcorn, ha? Paki-lagyan ng pumkin spice powder ang akin.” 

 

Ngunit, hindi pa din gumagalaw si Karina sa kinauupuan, “Okay ka lang ba talaga?” 

 

“Um, c-can I ask for a favour?”

“Mhm, ano ba ‘yon?” 

 

While fidgeting with her hands, Karina spoke, “Pwede ako magpick ng movie?” 

 

Ngumiti naman ng bahagya si Minjeong, “Sure! May mga alam ka ba?” 

 

Bigla naman nagsisi si Karina sa sinabi niya dahil tumaas tuloy ang expectation ni Minjeong. 

 

Ang nag-iisang alam niyang horror movie ay Goosebumps, pinilit pa siya ni Giselle panoorin ito back then sa college nung natalo siya sa pustahan nila. 

 

Nagka-nightmare pa siya non, ang sariling mga dinosaur plushie niya hindi niya kaya makatabi matulog kasi baka daw magsalita kagaya ng manika sa movie. At kinailangan niya tumabi kay Giselle matulog sa dorm nila ng tatlong araw.

 

Karina chuckled awkwardly, “A-Actually, I-I’ll let you decide,” ang huling sabi niya bago tumakbo halos papunta sa kitchen. 

 

Nagpatuloy nalang ng pagpipili si Minjeong at hindi na pinagisapan ang kaweirdohan ni Karina. 

 

Pagkatapos ang ilang minuto, luto na ang popcorn nila at dinala ito ni Karina sa living room. 

 

Paglapag niya ng dalawang bowl sa lamesa, sumilip siya sa malaking TV nila at napa-atras dahil sa display. 

 

“Napanood mo na ba ‘yan? Scream. Rccommend ni Ning at Gi.” 

 

Karina had a sudden urge to grab her friends’ hair, even just for a second. How dare they!

 

Hindi niya sinagot si Minjeong and gulped thickly, she was trying to gain the courage to speak her thoughts. 

 

Gusto niya lang sana magsuggest ng ibang movie genre since she would never admit that she’s a scaredy-cat.

 

However, after seeing Minjeong happily munching on her pumpkin spice-flavoured popcorn. Wala. Lahat ng lakas ng loob, natunaw. 

 

“R-Really? Seems interesting.” 

“Mhm, patayin mo na ang lights.” 

 

Napalunok ulit si Karina, “I-Is it okay if we don’t?” Please. 

 

“Sure, no difference naman for me.” 

 

There’s a big difference for me, haha…

 

Pagtabi niya kay Minjeong, she immediately grabbed the bundled comforter at pinalupot ang sarili nito. Kulang nalang magtaklob siya. 

 

“Start ko na, ha?”

“O-Okay.”

 

Intro palang ng movie nanginginig na siya, tinatanong niya na ang sarili paano siya makaka-survive throughout the movie. 

 

“Nakakatawa talaga mga ganitong start ng movies, ba’t naman nila sasagutin ang unknown number tapos kakausapin pa,” sambit ni Minjeong. 

 

“Right...” reply naman ni Karina kahit hindi niya alam anong nangyayari. 

 

Pinilit nalang ni Karina magspace out para naka-dilat pa din siya pero hindi siya aware sa kung ano man ang nangyayari si harapan niya. 

 

Ang problema nga lang sinasabihan naman siya ni Minjeong from time to time. 

 

“Karina! Tingnan mo ‘yung lalaki! Grabe ang dugo. Nabutas ba ang tiyan niya?” 

“Karina, tamo nasaksak ata ang babae.”

“Karina, naka-sabit ang katawan ng babae!” 

 

So, kahit pilit hindi niya manood, alam niya naman ang nangyayari dahil sa mga daldal sa kanya ni Minjeong. 

 

“Hahahaha… I know right…” ‘yon lang ang kanyang nasabi habang nakatitig sa floor. naiimagine niya tuloy ano mga scene na 'to.

 

Ngunit, biglang tumigil ang sigawan sa TV na nagpapalindog ng condo at kaluluwa niya.

 

She whisked her head to Minjeong's direction, confused.

 

“I-Is there something wrong?” tanong niya sa naka-kunot ang noo na Minjeong. 

 

“Nanonood ka ba?” halata ang inis at pagdududa sa boses ng babae. 

 

Walang horror movie ang kaya magpatakot kay Karina kagaya ng naiinis na tono at mukha ni Minjeong.

 

Sa tingin niya mas kakayanin niya manood ng horror movie kesa maexperience ang galit na Minjeong. 

 

Lumala ang kaba niya nang hindi inalis ni Minjeong ang nakakapatay na titig sa kanya, plus namamawis at nanlalamig ang mga kamay niya. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primroze
I feel like this is such a late announcement pero I’ll say it pa rin. Hindi ko po i-gghost ang story. 😭 Pero updates are going to be irregular and slow po muna. Medyo naging busy lang irl and let’s say na rin may slight writer’s block ako atm. 🥹 Ayon lang po. I hope you understand it! Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fudgeebar01 0 points #1
Chapter 25: torr miss u po baka naman meron naa 🥹
stillintoyu
197 streak #2
miss q na ‘to
winjeongsimp #3
kamiss si jeongtis at ang kaniyang sitter 😆
howdoyouknowmee
542 streak #4
Hello, I just want to say that this story became my source of happiness last year while I was facing my slump. Thank you to the characters in this story. I realized many things, and even just reading this makes me so happy. And if ever the writer of this story decides to discontinue this, you'll always be remembered in my heart. Lastly, to the writer, I have nothing to say but thank you for creating this masterpiece. Thank you for bringing me happiness. My wish for us is to heal from any pain or struggles we might be facing right now and to have a brighter day ahead of us. Thank you, and until then, 🤍.
Blueyy #5
Rereading again nakakamiss sila lalo na si jeongtis 😣
mind00ngie
#6
Chapter 25: ang aming jeongtis 🥹🥹🫂
M_1412 #7
Chapter 25: Grabe mas parang nanay and tatay pa yung parents nila J kay M kesa sa sarili nyang parents😠
Hugs kay jeongtis, deserve mo ang family nila J kesa sa sarili mong fam
jysowee
#8
Chapter 25: Bugtong hininga na lang ako sa ginagawa ng mga magulang kay minjeong. I kind of understand kung bakit ganun ka-conflicted yung nararamdaman niya towards her parents pero at the same time mas gusto ko na sana sama ng loob na lang ang mafeel ni minjeong. I also understand na hindi siya makapagsabi ng inner feelings niya towards them, kasi ever since naman never siya nakapag-open sa kanila kasi nga, wala sila all the time.

Anyways, 2024 na minjeong, napakadense mo parin kay jimin jusme kulang ata siya sa alog ng ulo tsk
taytaysbetty
#9
Chapter 25: Mahigpit na yakap for Minjeong~ 👥💕
sepvenanje #10
ey new cover photo