- 10

Minjeong’s Life Tapestry
Please Subscribe to read the full chapter

[Minjeong’s]

 

Ngayon ang appointment ko para sa DNA testing. Mag-isa lang ako pupunta kasi busy si Ning at si Karina din, pero siya ang nagpaalala sa akin kanina. 

 

At speaking of her, apat na araw na ako dito sa condo niya pero halos hindi ko siya masulyapan. 

 

‘Yung first breakfast namin together dito naging last, sa dinner naman hindi ko na siya naabutan kasi maaga ako nakakatulog. 

 

May mga instances na naabutan ko siya sa umaga pero paalis na din siya kagaya kanina. 

 

Minsan may breakfast na sa lamesa na binili niya galing sa labas, minsan wala pero naglalagay siya ng note na meron daw lutuin sa fridge. 

 

Ganoon ang set-up namin, I can’t help but think na baka ayaw niya talaga ako kasama sa condo. Okay lang naman siya nung first day, binigyan pa niya nga ako ng tour eh. 

 

Hindi naman siya mukhang napilitan nung ginawa niya ‘yon, so I’m very confused. 

 

Napa-buntong hininga nalang ako at nakareceive ng message kay Kuya Ben na nasa baba na daw siya, si Kuya Ben ang maghahatid sa akin kasi ayaw ni Karina magpublic transport ako. 

 

Thankfully, the car ride to the hospital wasn’t long, medyo traffic pero bearable lang tsaka chinika din ako ni Kuya Ben, so all good. 

 

Medyo hindi maganda ang mood ko though, I couldn’t help it. Wala akong kasama and that’s the first. Maybe dapat nagpa-schedule ako where available si Ning para naman may pang-divert ako sa kaba ko. 

 

Pumasok na ako sa loob pagkatapos ako idrop-off ni Kuya Ben, text ko na lang daw siya pagka-tapos ko.

 

Magpasama kaya ako kay Kuya Ben? 

 

Wag na pala baka machismis pa ako na matanda ang ama ng anak ko, baka mapathrow hands ako ng walang oras. 

 

Pero desperado talaga ako magpasama. Hayst.

 

However, to my surprise, a familiar figure was sitting in the waiting area. 

 

Si Tita Yna? 

 

Oh my god, buntis siya?! 

 

Wait, pero hindi ba masyadong matanda…? Akala ko around late 50s na si Tita?! Diba, menopause na ‘yon?

 

Habang ano-ano na ang iniisip ng brain ko, nakita ako ni Tita Yna, agad siya tumayo at pinalapit ako sa ikinakatayuan niya. 

 

“Hija, I’m glad you’ve arrived safely,” beso niya sa akin, isa pala ‘to sa mga gestures na nagdevelop sa amin. Shala naman, may development ‘yan? 

 

I smiled bago nagtanong kasi curious na curious ako bakit nandito siya, “Bakit po kayo nandito?”

 

She returned my smile naman, “Why else?” ano pong why else? Hindi ko po talaga alam…

 

“Po?”

 

Tumawa siya, ganda tumawa ni Tita, by the way, “To come with you, hija. Jimin told me mag-isa ka lang ngayon, hindi pwede ‘yan, you need someone with you,” a smile grew on my face, it’s just what I needed. 

 

Ang mood ko naman nag upside down agad.

 

Naiiyak tuloy ako at napansin ‘yon ni Tita, “Buti nga hindi traffic– hija, is there something wrong?” 

 

“W-Wala po, s-salamat po sa pagsama sa akin,” sabi ko habang pinupunasan ang namumuong luha ko, I was sniffing na din.

 

Tita caressed my head with a soft smile on her lips, “It’s no worries, hija. Jimin should’ve came with you pero ayon inuna ang work,” natawa naman ako sa sinabi niya, parang papagalitan niya pa si Karina. 

 

Nagkuwentuhan lang kami ni Tita habang naghihintay matawag ang pangalan ko, apparently she cancelled most of her schedule today para samahan ako. 

 

Nanlambot tuloy ako. Tita is so sweet talaga. 

 

Again, anyare po sa isang bunso niyo po? 

 

Baka kinuha lahat ni Karina ang kabaitan nung nasa sinapupunan pa sila ni Tita tapos si Gabin naman puro kawalang hiyaan ang nakuha. 

 

Anyway, tinawag na ako at naka-kapit lang ako kay Tita papasok sa loob. 

 

We exchanged greetings with Dr. Mendez and she explained anong gagawin, kukuhaan lang naman daw ako ng dugo. 

 

‘Yon lang, simple, diba? Pero takot ako sa karayom. 

 

Of course, hindi ko ‘yon sasabihin. Jusmio, nakakahiya kaya. 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primroze
I feel like this is such a late announcement pero I’ll say it pa rin. Hindi ko po i-gghost ang story. 😭 Pero updates are going to be irregular and slow po muna. Medyo naging busy lang irl and let’s say na rin may slight writer’s block ako atm. 🥹 Ayon lang po. I hope you understand it! Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fudgeebar01 0 points #1
Chapter 25: torr miss u po baka naman meron naa 🥹
stillintoyu
196 streak #2
miss q na ‘to
winjeongsimp #3
kamiss si jeongtis at ang kaniyang sitter 😆
howdoyouknowmee
541 streak #4
Hello, I just want to say that this story became my source of happiness last year while I was facing my slump. Thank you to the characters in this story. I realized many things, and even just reading this makes me so happy. And if ever the writer of this story decides to discontinue this, you'll always be remembered in my heart. Lastly, to the writer, I have nothing to say but thank you for creating this masterpiece. Thank you for bringing me happiness. My wish for us is to heal from any pain or struggles we might be facing right now and to have a brighter day ahead of us. Thank you, and until then, 🤍.
Blueyy #5
Rereading again nakakamiss sila lalo na si jeongtis 😣
mind00ngie
#6
Chapter 25: ang aming jeongtis 🥹🥹🫂
M_1412 #7
Chapter 25: Grabe mas parang nanay and tatay pa yung parents nila J kay M kesa sa sarili nyang parents😠
Hugs kay jeongtis, deserve mo ang family nila J kesa sa sarili mong fam
jysowee
#8
Chapter 25: Bugtong hininga na lang ako sa ginagawa ng mga magulang kay minjeong. I kind of understand kung bakit ganun ka-conflicted yung nararamdaman niya towards her parents pero at the same time mas gusto ko na sana sama ng loob na lang ang mafeel ni minjeong. I also understand na hindi siya makapagsabi ng inner feelings niya towards them, kasi ever since naman never siya nakapag-open sa kanila kasi nga, wala sila all the time.

Anyways, 2024 na minjeong, napakadense mo parin kay jimin jusme kulang ata siya sa alog ng ulo tsk
taytaysbetty
#9
Chapter 25: Mahigpit na yakap for Minjeong~ 👥💕
sepvenanje #10
ey new cover photo