- 01
Minjeong’s Life Tapestry
Magiging ina… ako… magiging ina.
Tangina.
Napa-buntong hininga na lang ako ulit habang nakakulong pa rin sa bathroom ko. Hindi ako sure kung gusto ko ba murahin ang sarili ko or matuwa eh.
Unconsciously, napa-sandal ako sa pader. Need ko ng masandalan dahil nanghihina na ang tuhod ko sa sitwasyon ko.
Ano na ba gagawin ko ngayon?
May magagawa ba ako? 'Yon ata ang tanong dapat eh, kung juntis edi juntis. Pero mama, di pa po ako ready maging mother, jusmio.
Ako nga need ibaby tapos sasabihin mo may magiging baby na ako? Lord naman, we got lost in translation po.
Sumilip ako sa counter ng sink as if may buwaya doon. Wala naman pero 'yung future ko going down na sa drain, huhu. 'Yung pregnancy test kasi nandoon.
All my dreams and goals ay wala na finish na, poof kumbaga. The two lines on that pregnancy test will alter my life completely. Guaranteed ‘yan.
Hindi ko alam anong emotions ba ang dapat ko piliin, magsaya ba? Dahil magiging ina ako or umiyak kasi what the na ang gagawin ko sa buhay ko.
Maybe it’s the latter, don’t get me wrong. Ang cute ng mga baby, I think they’re the purest being in the world. Pero this is an unplanned pregnancy, wala ‘to sa plano ko.
And of course, walang kinalaman ang bata dito. I’m not going to blame an unborn child dahil sa katangahan ko pero hindi ko talaga alam anong gagawin.
I sighed once again, nagd-dry na lalamunan ko kaka buntong hininga ko. Binuksan ko ang pintuan ng bathroom at pigura ng best friend ko ang bumati sa akin.
“Hoy, Minjeong Reyes ba’t may pregnancy test box ka?” tanong sa akin ni Ningning, napalunok ako sa kaba. My eyes are bouncing on the small box and on to Ningning.
“Ano– ano kasi, uh, c-curious ako! Oo, curious ako, alam mo naman na sometimes medyo—“
“Tingnan mo ako ng maayos, Reyes. Sinasabi ko sayo,” I followed suit out of kaba, “Sagutin mo ng maayos, buntis ka ba?”
It took me a while to process her question, hindi ko pa rin kaya sabihin kasi maski ako hindi ko pa matanggap. Kaya kinuha ko 'yung pregnancy test sa sink at pinakakita sa kanya.
“Pu– Minjeong! Ano ‘to? Buntis ka? Hoy! What? Why? Where and when, ?! Ang alam ko single ka, at wala kang dinadate ngayon so bakit bigla na lang buntis ka? Ilang chapters ang na-miss ko at biglang nasa pregnancy arc na tayo, bhe!?”
Habang patuloy ng salita si Ning with her mala-machine gun niyang bibig, lumabas ako sa bathroom at tinapon na 'yung pregnancy test kasama ng box tsaka umupo sa higaan ko.
At that time, Ning finally finished showing her rapping skills. Umupo siya sa tabi ko at tsaka nagsalita ulit, pero mas calmado na ngayon.
“Kahit ito lang sagutin mo ng maayos, Jeong,” tumingin ako sa kanya.
“Planado ba ‘to?”
I didn’t hesitate to shake my head, wala naman akong mapapala if mags-sinungaling ako.
“Putangina.”
“Hindi ako puta uy.”
“Siraulo ka rin, eh!” she lightly smacked my head.
“Hoy 'yung bata!”
“Nasa ulo tiyan mo, ‘te? Ha? Ha?” tinawanan ko na lang siya, ang serious naman kasi masyado akala mo siya 'yung nabuntis.
“Ano plano mo, girl?” she asked, seryoso ulit siya.
I smiled at her, embarrassed, “Hindi ko alam, Ning,” amin ko ulit sa kanya.
Comments