- 14

Minjeong’s Life Tapestry
Please Subscribe to read the full chapter

[Minjeong’s]

 

Two weeks na ang nakalipas. Sa mga linggo na ‘yon masasabi ko na meron mga nagbago. 

 

Mga changes na hindi naman drastic pero noticeble enough. 

 

That change would be kami ni Karina, if game 'to ang level of friendship namin tumaas. Nabawas-bawasan na din ang pagiging mailang niya sa akin. Hindi pa din nawawala pero mas better na nung dati. 

 

Nakikipag biruan na nga siya sa akin eh. Never ko makakalimutan yung pinanood niyang movie sa akin last time. Kainis siya! Naiyak ako don! 

 

May mga nalaman din ako about sa kanya. Kagaya ng takot pala siya sa horror movie at madalas na din kami mag-usap through text message kasi kinukulit ko siya whenever. Nalaman ko nga na gumagamit pala siya ng emoji. Akala ko kasi minsan auto-message ang kausap ko kapag nagt-text kami, or 'yung sent Siri eme.

 

Ever since talaga the dinner with her whole family, parang nagiging comfy na kami sa isa’t isa. 

 

Ang naiisip ko lang rason ay ang usapan namin sa balcony. 

 

That was something. Mahalagang something para sa akin. 

 

Pero kapag inaalala ko, dumudungaw sa akin ang hiya. Kasi naman! Humagulgol talaga ako sa kanya, I don’t think naalala ko ang last time na ginawa ko iyon, or if I ever did.

 

Hindi ako umiyak nang namatay ang alagang kong parrot nung elementary kasi napakain ko siya accidentally ng pangpatay ng ipis. 

 

Hindi ako umiyak pag-graduate ko ng highschool at hindi ako nilakad ng parents ko, maski nung pagpasok ko ng college at narealize ko na hindi para sa akin ang major na pinili ko. 

 

Though, hindi ko sinasabi na never pa ako umiyak. 

 

Umiyak kaya ako nung nanood kami ng movie, umiyak din ako nung nakalimutan ako bilhan ni Ning ng siomai at nagutom ako buong araw, nung umalis din ang ate ko para magwork abroad. 

 

However, never pa ako humagulgol, ‘yung iyak na galing sa pinakamalalim na bahagi ng kaluluwa at puso ko. Iyak na may kasamang ubo, sipon at uhog, ganon. 

 

Kaya nahiya ako kasi never ako humagulgol tapos ang first time ko kay Karina?! Alam ko naman na medyo close kami pero still! 

 

Ang masasabi ko lang, kasalanan niya din kung bakit. How could she know the right words to say at that moment? 

 

Tila ba ang bawat salita niya ay ang kinailangan marinig ng puso’t isip ko. 

 

Lahat ng pagpipigil ko ng luha, kumalas at bumagsak ng parang ulan. 

 

I felt like a sudden downpour, and she left the comfort of the shade to embrace me.

 

With her arms spread out, and a smile on her lips, she offered my cries solace.

 

Thankful ako na siya ang kasama ko that time because it felt warm and right. 

 

“Girl, buang ka na ba?” bigla kong rinig na sabi ng babaita sa harap ko. 

 

Inayos ko ang pagkaupo ko at inirapan siya, “Parang tanga naman, Ning.” Ang galing manira ng moment eh. 

 

“Aba ako pa sinabihan mo, e ikaw ‘to nagmumuni habang naka-ngiti,” bawi niya naman tsaka uminom ng kape niya. 

 

Kasama ko si Ning kasi naglate lunch kami. Bakasyon na niya kaya tinotodo ang gala, bago daw bawiin ang freedom niya. 

 

Mabuti nga my complexion is getting back to normal. Nabawasan na ang morning sickness ko and any nausea, hindi naman napipigilan ang motion sickness but it’s better na talaga. 

 

At dahil mas safe na ako compared sa first trimester ko, dumadalas na ang labas ko lately. 

 

Tuwing lakwatsa with Tita Yna or minsan kasama si Ning, nags-shopping kami, either clothes or mga gamit sa bahay tapos beauty day or kumakain lang sa labas. 

 

I’m planning to find a hobby din, wala kasi akong ginagawa aside from those gala and staying at home. Tita Yna also suggested that, naghahanap nga kami together ng mga ideas eh.

 

Nayayamot na kasi ako maghintay lang umuwi si Karina sa condo eh. Tagal-tagal pa naman umuwi non. 

 

“Saan tayo after nito?” ask ni Ning, tapos sinisipsip niya pa talaga ang natitirang kape sa baso niya. Grabe lang, kulang nalang kainin niya pati ice. 

 

Nagisip muna ako ng mga pupuntahan. “May nakita akong pottery store kanina na may pottery class. Check natin?” 

 

Lumiwanag ang mukha niya, nagustuhan ata ang idea ko, “Go ako dyan!” 

 

Magsasalita sana ako nang bigla nagring ang phone ko. 

 

 Jiminie calling… 

 

A smile made its way on my lips tsaka kinuha ang phone ko para sagutin ang tawag. 

 

“Jiminie, napa-tawag ka?” tanong ko pagsagot ng tawag niya.

 

“O-Oh, h-hi.” 

 

Ba’t nauutal ‘to?

 

“Hello, anong meron?” 

“S-Sorry, I accidentally pressed the call button instead of message.” 

“Mhm, okay lang, sabihin mo nalang dito sasabihin mo since tumawag ka din naman.” 

 

“It’s nothing important. I was just gonna ask sana if you ate lunch na.” 

“Bakit? Bibilhan mo ba ako ng pagkain?” 

 

Tukso ko sa kanya pero biglang tumahimik ang kabilang linya. 

 

“Jiminie?” 

“Yeah? Sorry, I’m thinking lang how long would it take me to deliver the food sayo.” 

 

Mas lumawak ang ngiti sa labi ko nang narinig ko ang sagot niya. I prompted my elbow on the table and rested my chin on my palm, si Ning naman binibigyan ako ng weird look pero hindi ko pinsansin ang bitterness niya. 

 

“Pwede mo naman ipa-grab or door dash nalang."

 

"You don't want me to deliever the food personally?" Natatawa ako kasi ang boses niya parang naging malumnay bigla. Kaya 'to napapagalitan ni Gigi eh, palaging tumatakas.

 

"Hindi ba bawal ka lumabas?” 

“No naman. I think Gigi would let me pero I have to be back real quick.” 

 

I chuckled, “Thanks sa thought pero joke lang. Kumakain ako ngayon, kasama ko si Ning.” 

 

“Oh! That’s nice, I must’ve disturbed your lunch then?” 

 

Umiling ako kahit hindi niya ako kita, “‘Di naman, nagchichika lang kami ngayon. Ikaw ba? Kumain ka na?” 

 

“...yeah, I ate… thank you for asking…” 

 

Kumunot ang noo ko nang narinig ko ang weird voice ni Jiminie, parang naiipit or nagpipigil bigla ang boses niya na parang ewan. 

 

“Babe! Bumili ako ng strawberry cheesecake! Hati tayo!” may narinig akong boses sa kabilang line, hindi si Jiminie or si Giselle. 

 

Bagong boses. 

 

“Yeah, just a minute!” rinig kong sigaw ni Karina away from the phone, “I have to go, Minjeong. I’ll see you later?” 

 

Kahit medyo disappointed ako na ibaba niya na ang tawag, hindi na ako bumoses. 

 

“Syempre. Tawag ako mamaya, may papabili ako.”

“Sure, just give me a call. Take care kayo ni Ning.” 

 

“Babe! Bilis–”

“Wait, my gosh–” 

 

Binaba na ni Karina ang phone call at naiwan akong nalilito naka-tingin sa screen. 

 

Maling rinig lang siguro. 

 

“Oh, ba’t ganyan mukha mo? Akala ko ba si Karina kausap mo?” pang-chichismis ni Ning after ko nilapag ang phone ko. 

 

“Ah, wala. Tara na ba?” 

 

Nag-ayos na kami ng pinagkainan namin. Since nagbayad naman na kami, we just left after tsaka dumiresto sa pottery store nakita ko kanina. 

 

Ang ganda ng timing namin kasi sakto lang for the start of their session at dahil may ibang nagcancel meron extra spot para sa amin ni Ning. 

 

Our instructor started giving instructions, simple lang naman pala. 

 

We started na and ang confident ko kasi gets ko agad sabi ng instructor. 

 

Tamang shape lang ng clay daw eh.

 

Nang nagsimula ako parang gusto ko bawiin ang sinabi ko kasi bakit ang kulit ng clay na 'to? 

 

Ang hirap! Whenever sinusubukan ko ishape ng cylinder ang clay nagiging… mahaba na weird or nagiging wiggly ito. 

 

Tiningnan ko naman si Ning, I smiled. She wasn’t doing any better than me, napanatag ako na pareho kaming naghihirap. If I go down, she go down, magbest friend kami for a reason. 

 

“Pangit ng sayo,” pangsulsol ko sa kanya at agad naman niya akong inirapan. 

 

“Kapal! Mukha ngang–” 

 

Pinandalitan ko siya ng mata, “Sige subukan mo sabihin, isusubo ko ‘tong kamao ko sayo,” banta ko sa maduming bibig niya. She clicked her tongue tsaka binalik ang attensyon sa… sa something sa plate niya. 

 

Tapos nilapitan ako ni kuya instructor nang nakita niya gaano kasakit sa mata ang ginagawa ko, he explained paano icontrol ang kamay ko daw. 

 

May pahawak pa siya sa kamay ko. Alam ko naman part ‘yon ng teaching niya pero kasi? Who you po? Sino nagsabi pwede mo hawakan ang kamay ko? 

 

Gwapo ka, oo, pero pinayagan ba kita? 

 

“Do you have anything in mind po ba gawin, ma’am?” tanong ni kuya instructor with his mala-colgate na smile. 

 

Nako po, hindi na ako mahuhulog dyan. Last time napaniwala ako, nabuntis ako.

 

Tangina niyo po mga guys with mala-colgate na smile. 

 

I glared at his hands na naka-dikit pa din sa akin, hindi niya ba nag-gets ang message?! 

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primroze
I feel like this is such a late announcement pero I’ll say it pa rin. Hindi ko po i-gghost ang story. 😭 Pero updates are going to be irregular and slow po muna. Medyo naging busy lang irl and let’s say na rin may slight writer’s block ako atm. 🥹 Ayon lang po. I hope you understand it! Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fudgeebar01 0 points #1
Chapter 25: torr miss u po baka naman meron naa 🥹
stillintoyu
197 streak #2
miss q na ‘to
winjeongsimp #3
kamiss si jeongtis at ang kaniyang sitter 😆
howdoyouknowmee
542 streak #4
Hello, I just want to say that this story became my source of happiness last year while I was facing my slump. Thank you to the characters in this story. I realized many things, and even just reading this makes me so happy. And if ever the writer of this story decides to discontinue this, you'll always be remembered in my heart. Lastly, to the writer, I have nothing to say but thank you for creating this masterpiece. Thank you for bringing me happiness. My wish for us is to heal from any pain or struggles we might be facing right now and to have a brighter day ahead of us. Thank you, and until then, 🤍.
Blueyy #5
Rereading again nakakamiss sila lalo na si jeongtis 😣
mind00ngie
#6
Chapter 25: ang aming jeongtis 🥹🥹🫂
M_1412 #7
Chapter 25: Grabe mas parang nanay and tatay pa yung parents nila J kay M kesa sa sarili nyang parents😠
Hugs kay jeongtis, deserve mo ang family nila J kesa sa sarili mong fam
jysowee
#8
Chapter 25: Bugtong hininga na lang ako sa ginagawa ng mga magulang kay minjeong. I kind of understand kung bakit ganun ka-conflicted yung nararamdaman niya towards her parents pero at the same time mas gusto ko na sana sama ng loob na lang ang mafeel ni minjeong. I also understand na hindi siya makapagsabi ng inner feelings niya towards them, kasi ever since naman never siya nakapag-open sa kanila kasi nga, wala sila all the time.

Anyways, 2024 na minjeong, napakadense mo parin kay jimin jusme kulang ata siya sa alog ng ulo tsk
taytaysbetty
#9
Chapter 25: Mahigpit na yakap for Minjeong~ 👥💕
sepvenanje #10
ey new cover photo