- 17

Minjeong’s Life Tapestry
Please Subscribe to read the full chapter

[Third Person POV]

 

Ilang minuto na ang lumipas at naka-tayo pa din si Minjeong sa tabi ng nahimatay na babae, hindi siya sigurado kung dapat ba siya tumakbo or tumawag siya ng pulis. 

 

Nang nag-iisip siya ng anong gagawin, narinig niya ang boses ni Karina. 

 

“Minjeong? Is everything okay?” tanong ng palapit na Karina, “I heard a– what… happened here?” kunot ang noo niya at pabalik-balik ang tingin sa babae sa sahig at kay Minjeong. 

 

“Jiminie… nakapatay ata ako…” naluluhang sambit ni Minjeong at naglakad patungo sa babae upang magtago sa likod nito.

 

Meanwhile, ang babaeng nakahilata sa sahig ay hindi man lang nalipat sa couch o sa mas komportable na lugar dahil wala sa kanilang dalawa ang kaya buhatin ito.

 

“B-Buhay pa siya, right?” kinakabahan na tinanong ni Minjeong, na ngayon ay nakatayo sa gilid ni Karina.

 

“D-Don’t worry, she’s alive naman… I think,” sagot naman ni Karina, at naglagay ang ice pack sa noo ng nahimatay na babae.

 

Ngunit hindi pa din mapakali si Minjeong, “Kanina pa siya nahimatay, Karina, tatawag na ba ako ng ambulansya? Paano nalang–” 

 

Bago man natapos sa pagsasalita si Minjeong ay biglang dumaing ang babaeng nasa sahig. Dahilan ng paglingon ng dalawa sa direction niya. 

 

Humawak sa noo ang bagong gising na babae, “Ang sakit…” reklamo niya at dahan-dahan bumangon, “Nasaan ako– Babe!” 

 

Para bang nawala lahat ng pag-aalala sa katawan ni Minjeong at napalitan ng pagkalito, at may namumuo din na balisa sa loob niya nung niyakap ng babae si Karina ng mahigpit. 

 

“Babe, I think nauntog ako somewhere– aray naman, babe! May bukol na nga sa noo ang tao tapos babatukan mo pa!” reklamo ulit nito, at hinihimas ang likod ng ulo niya.

 

“I told you naman kasi na message me before you visit!” 

“Nagmessage kaya ako! Tinawagan pa nga kita eh, ikaw ‘to ayaw sumagot!” 

 

Napahawak nalang sa sentido si Karina. Samantala, mas gusot pa sa gusot ang noo ni Minjeong, at mas malala pa sa blackout ang pagdidilim ng paningin niya.  

 

“Karina,” tawag ni Minjeong. Biglang kinalibutan si Karina nang marinig niya ang pangalan niya. 

 

“Stand up and go to my room, shoo!” not-so mahinang palayas ni Karina sa unexpected visitor niya.

 

Pinanood lang ni Minjeong nang walang emosyon ang babaeng naglalakad papunta sa kwarto ni Karina, at saka niya ibinalik ang tingin kay Karina.

 

She unknowingly scoffed, narinig ito ni Karina at nagpakaba sa kanya ng tuluyan. 

 

“Y-Yes?” 

 

With her arms crossed, Minjeong spoke, “Sino–” and was unfortunately interrupted ng bisita ni Karina. 

 

“Babe!” Minjeong tightened the hold onto her own arms at tumingin saan nanggaling ang boses. “Pwede ba pahiram ng–”

 

“Go away muna! I’ll talk to you mamaya!” Karina gestured her friend to go away at binalik ang attention kay Minjeong. 


Binati siya ng matalim na tingin ni Minjeong, at na napalunok siya dahil sa kaba. Priority muna niya ngayon ay pagsabihan ang babaeng nasa kwarto niya at dahil sa kaba wala na siya ibang maisip.

 

“U-Uh, M-Minjeong, um, ano, is it okay to reschedule the movie marathon? I swear, I’ll make bawi next time,” Karina said and offered an apologetic smile.

 

That was first time mainis si Minjeong sa imahe ng ngiti ni Karina, kung dati ay iniisip niya pa ‘to habang natutulog. Sa sandaling iyon, nakikita niya pa lang ang ngiti niya, naiinis na siya, lalo na sa mga salita na kamsa sa ngiting iyon.

 

“Sure,” maikling sagot niya, may bahid ng inis ang boses at mukha niya pero naka-takas iyon sa pandinig ni Karina.

 

“Thanks! I swear, I’ll bawi,” maligaya pero clueless na sagot ni Karina, “Let’s go? I’ll hatid you to your room.” 

 

When Karina was about to ask for the latter’s hand para ilagay sa braso niya, hindi siya pinansin ni Minjeong at dumiretso sa hagdan, kaya naman nagmamadali siya sumunod. 

 

Binantayan nalang ni Karina ang bawat hakbang ni Minjeong, her hands were at the usual place behind Minjeong para ready siya alalayan ang babae anytime. 

 

Pagdating nila sa second floor, binilisan ng konti ni Karina ang paglalakad niya para mabuksan ang pinto ng kwarto ni Minjeong. Nang dumating sila sa harap ng kwarto, Karina stood ansty beside Minjeong.

 

“U-Um, do you want your hug?” nahihiyang tanong niya at naka-iwas tingin.

 

Nasali na sa routine nila ang magbigay yakap bago matulog. Kung kailan nagsimula ito, hindi alam ni Karina pero wala siyang balak magreklamo.

 

Wala siyang narinig na sagot, kaya tumingin siya sa harap at nagulat na naka-tingin na pala sa kanya si Minjeong. 

 

Karina was just standing awkwardly kasi hindi pa din umimik o gumalaw ang babae sa harap niya. Nang babawiin na niya sana ang tanong niya ay bigla siyang niyakap ni Minjeong.

 

Finally. Napangiti si Karina, ngunit bago pa man siya malunod sa bisig ni Minjeong ay humiwalay na ang babae sa sa kanya, at humakbang papasok sa kwarto.  

 

“Night,” ang huling sambit ni Minjeong bago sinirado ang pintuan. 

 

Karina lingered her gaze on Minjeong’s door before a sigh escaped her lips. “That crackhead is patay talaga sa akin,” ang bulong niya sa sarili bago siya naglakad papunta sa sariling kwarto. 

 

// next day 

 

Hindi maganda ang tulog ni Minjeong – hindi niya alam kung bakit – kaya hiniling niya na sana naman maganda ang panimula ng araw niya. 

 

Ngunit, mukhang hindi pinakinggan ng panginoon sa itaas ang hiling niya. 

 

“Papa G, minsan na nga lang magwish eh,” hinagpis niya habang naka-tanaw sa ibaba mula sa second floor. 

 

Ang unexpected visitor ay hindi pa din umaalis, ang ganda pa ng upo nito sa living room habang kumakain ng mansanas. 

 

“Bili sa akin ‘yan ni Karina, eh,” puna niya habang naglalakad pababa sa first floor. 

 

“Ah! Diba, ikaw ang bisita ni Rinababes?” turo sa kanya ng ‘bisita’.

 

Tumaas ang kilay ni Minjeong, pero pinili niya hindi umimik, “Ako? Bisita? Baka ikaw. Tsaka anong tawag niya kay Jiminie?” she mused.

 

Naglakad ang babae papunta kay Minjeong, pansin din ni Minjeong na suot ng babae ang mga damit ni Karina. Kaso hindi lang ‘yan ang rason kung bakit ang ganda at taray ng arka ng kilay niya. 

 

“Hello! Sorry, hindi kita nabati kagabi, nauntog kasi ako somewhere,” ngumiti ito, may whisker-like dimples pa sa cheeks niya, “Ako nga pala–” 

 

Biglang nilapit ni Minjeong ang ilong niya sa bandang leeg ng babae, sinisignhot niya ang pamilyar na amoy nagpapahilo sa kanya dati. 

 

“H-Hoy, hindi pa po ako ready sa matured roles–”

 

“Ikaw ‘yon–” naputol si Minjeong sa pagsasalita ng bumukas ang entrance door kung saan nakatayo ang naguguluhan na Karina. 

 

“What are you two doing…?” muntik na mabagsak ni Karina ang dalang paper bag nang nakita niya ang magkalapit na pigura ng dalawang babae. Namumutla pa siya ng onti na para bang nakakita siya ng multo.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primroze
I feel like this is such a late announcement pero I’ll say it pa rin. Hindi ko po i-gghost ang story. 😭 Pero updates are going to be irregular and slow po muna. Medyo naging busy lang irl and let’s say na rin may slight writer’s block ako atm. 🥹 Ayon lang po. I hope you understand it! Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fudgeebar01 0 points #1
Chapter 25: torr miss u po baka naman meron naa 🥹
stillintoyu
197 streak #2
miss q na ‘to
winjeongsimp #3
kamiss si jeongtis at ang kaniyang sitter 😆
howdoyouknowmee
542 streak #4
Hello, I just want to say that this story became my source of happiness last year while I was facing my slump. Thank you to the characters in this story. I realized many things, and even just reading this makes me so happy. And if ever the writer of this story decides to discontinue this, you'll always be remembered in my heart. Lastly, to the writer, I have nothing to say but thank you for creating this masterpiece. Thank you for bringing me happiness. My wish for us is to heal from any pain or struggles we might be facing right now and to have a brighter day ahead of us. Thank you, and until then, 🤍.
Blueyy #5
Rereading again nakakamiss sila lalo na si jeongtis 😣
mind00ngie
#6
Chapter 25: ang aming jeongtis 🥹🥹🫂
M_1412 #7
Chapter 25: Grabe mas parang nanay and tatay pa yung parents nila J kay M kesa sa sarili nyang parents😠
Hugs kay jeongtis, deserve mo ang family nila J kesa sa sarili mong fam
jysowee
#8
Chapter 25: Bugtong hininga na lang ako sa ginagawa ng mga magulang kay minjeong. I kind of understand kung bakit ganun ka-conflicted yung nararamdaman niya towards her parents pero at the same time mas gusto ko na sana sama ng loob na lang ang mafeel ni minjeong. I also understand na hindi siya makapagsabi ng inner feelings niya towards them, kasi ever since naman never siya nakapag-open sa kanila kasi nga, wala sila all the time.

Anyways, 2024 na minjeong, napakadense mo parin kay jimin jusme kulang ata siya sa alog ng ulo tsk
taytaysbetty
#9
Chapter 25: Mahigpit na yakap for Minjeong~ 👥💕
sepvenanje #10
ey new cover photo