- 18

Minjeong’s Life Tapestry
Please Subscribe to read the full chapter

[Minjeong’s]

 

Isang araw pa lang ang nakalipas since nag stay ang kaibigan ni Jiminie dito sa condo. 

 

Actually nga, dalawang araw na kung counted ang unang dating niya pero sabi niya hindi daw kasi hindi niya pa dala ang mga damit niya. Ewan ko anong logic ‘yan pero sige, bahala siya. 

 

Wala naman masyadong nangyari pero hindi ito enjoyable. Wala lang. Hindi lang enjoyable. 

 

Paano ko naman kasi mae-enjoy kung halos hindi ko na mahagilap si Jiminie dahil sa bisita niya. Wagas kasi siya dumikit kay Jiminie. 

 

Kulang nalang siguro ay magsama sila sa lahat ng gawain. Sa kwarto na nga ni Jiminie natutulog ang bisita. Sabay din sila pumasok sa trabaho. Late pa nga silang dalawa umuwi kahapon eh. 

 

Sobrang late na hindi ko sila naabutan, nagising nalang ako sa bulabog narinig ko sa labas ng kwarto ko kagabi. 

 

Akala ko may magnanakaw eh, pero ang inakala kung magnanakaw ay si Jiminie pala at ang kanyang bisita na nahihirapan umakyat sa hagdan. Apparently, lasing ang bisita kaya walang choice si Jiminie kundi tulungan ito sa paglalakad. 

 

Huminto si Jiminie nang nakita niya ako nakatayo sa may pintuan ko at nakatingin sa kanila na parang nanay na caught in action ang mga anak na tumakas sa bahay except hindi nila ako nanay. Yuck nalang. May sariling anak ako. 

 

“Minjeong, hi,” out of breath na sabi ni Jiminie habang may nakasabit sa leeg niya, ito ata ang rason kung bakit hirap na hirap siyang huminga, “You’re still awake?” 

 

“Nagising lang. Ingay niyo eh.” 

 

Jiminie smiled apologetically, “Sorry to wake you up. It’s just, this dummy is drunk, so–” 

 

“Rinababes, tara na~ Antok na ako~” putol nitong nakasabit kay Jiminie, sumiksik pa siya sa leeg ni Jiminie. 

 

Madilim na pero feeling ko mas naging madilim ang paningin ko. 

 

“Sorry, I’ll get going muna, Minjeong.” Hindi man lang ako nakatingin kay Jiminie habang nagsasalita siya. Parang nam-magnet kasi ang mata ko sa kamay niya na nasa bewang ng nakasabit sa kanya. 

 

At bigla kong naalala ang sama ng loob ko kanina bago ako nakatulog. Hindi ko nayakap si Jiminie. 

 

Hindi ako sure kung ano ang nararamdaman ko nang natulog ako na hindi siya nayakap, pero dapat ata masanay na ako na hindi ‘to mangyayari palagi. 

 

“But can you stay here for a while? Babalik ako.” 

 

Nag-frown ako sa sinabi niya, “Huh?” 

 

Tapos I tried to decipher anong emosyon nasa mukha niya kahit medyo madilim dahil hindi siya nagsalita ulit agad. 

 

Bakit siya nakapikit? Nagdadasal ba ‘to? 

 

“Is it okay for you to wait here for a bit? I’ll be back.” 

 

Oh. Wala naman problema ‘yon pero bakit kaya? 

 

“Sige.” 

 

“I’ll be back.” Ilang beses niya na ata ‘to inulit kaya binigyan ko nalang siya ng tango at baka sabihin niya pa ulit. 

 

Pinanood ko sila maglakad na para bang pinag-dikit silang dalawa gamit ang super glue at hindi na sila mapaghiwalay. 

 

Nakita ko na nag look back pa ang bisita pagpasok nila sa kwarto at bago sinarado ni Jiminie ang pinto. 

 

Kailangan talaga tumingin? Nang-iinis ba ‘yon? So what if nakapasok na siya sa kwarto ni Jiminie? Pake ko? 

 

Makakapasok din ako sa kwarto niya. Soon. Siguro. Ewan. Basta. 

 

Anyway, nilipat ko sa brightest level ang ilaw sa kwarto ko para medyo lumiwanag din ang hallways kasi walang ilaw dito at natatakot na ako slight habang hinihintay ko si Jiminie. 

 

Narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Jiminie kaya napalingon ako sa kanya, nakita ko na may parang kinakausap siya. Hindi ko masyado narinig ang usapan nila pero narinig ko ang nakakarindi na “babe” na ‘yan. 

 

“Yeah, yeah, whatever, stop being a clingy .” ‘Yon ang rinig ko bago sinarado ni Jiminie ang pinto ng kwarto niya at naglakad papunta sa akin. 

 

“Hey,” tawag niya sa atensyon ko. 

 

Mas nakita ko na ng maayos ang mukha niya gawa sa liwanag galing sa kwarto ko. 

 

Iba na ang suot niya nung umalis siya kaninang umaga. ‘Yung business attire niya napalitan ng parang bandana na tube top tapos high waist na denim shorts. 

 

Pansin ko din ang magulo niyang buhok at bahid ng pawis sa noo niya, mas dumami din ‘yung accessories niya as usual. Galing ata siya ng party or bar. 

 

Ba’t ganon? Ang ganda niya pa din tingnan. 

 

Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kumukulong disappointment sa loob ko. Wala naman siyang responsibilidad na sabihin sa akin mga gagawin niya, buhay niya ‘yan. 

 

I ignored that feeling, wala akong mapapala dyan. 

 

“May kailangan ka ba?” tanong ko sa kanya. 

 

She looked fidgety, parang siyang bata na may gusto sabihin sa magulang niya. 

 

“I was just thinking na maybe you want,” umiwas siya ng tingin at kinalmot ang pisngi niya, “t-the hug…” 

 

Ah. 

 

“A-Actually, now that I think about baka you don’t want it. Tsaka I’m kind of sweaty pala, and I think I even smell like liquor.” 

 

Gulo niya naman. Kaya hindi nalang din ako sumagot at ako na mismo ang yumakap sa kanya. 

 

Natameme siya. As usual, she froze for a few seconds before she relaxed at ibalik ang yakap ko. Yayakapin din naman pala ako, ang daming sabi pa. 

 

As Jiminie engulfed me, medyo amoy pawis nga siya at alak pero hindi pa din nawala ‘yung powdery floral fragrance na parang naging natural scent niya na. 

 

May konting halo din ng fruity na pabango na alam ko kanino galing pero hindi ko na ‘yon pinansin at mas niyakap pa siya ng mahigpit. 

 

“Minjeong, I-I kind of can’t b-breathe.” 

 

“Ay, sorry,” sabi ko pero hindi ko siya pinakawalan, inadjust ko lang pagyakap sa kanya. 

 

“Did something happen today?” 

 

“Wala naman,” sagot ko. Totoo naman. Walang nangyari. 

 

Tumahimik lang kaming dalawa after non. May biglang pag-iba sa atmosphere na hindi ko maintindihan. Para ba na we were both holding ourselves regarding… something. 

 

Pagkatapos ay nakipag good night nalang kami sa isa’t-isa at natulog. Hindi ko na masyado inisip kung ano man meron sa biglang pag-iba ng ihip ng hangin sa gabing ‘yon. 

 

Wala lang siguro ‘yon. Baka nga guni-guni ko lang na may biglang pag-iba sa hangin. Pano naman kasi biglang mag-iiba ang hangin? Pwede ba ‘yon–

 

“Hoy, Jeong!” 

 

Bumalik ang atensyon ko sa kasama ko na si Ningning na naka-upo sa harap ko. Nasa restaurant nga pala kami at kumakain ng breakfast namin. 

 

“Oh? Anong meron?” sagot ko as if hindi lumilitaw ang utak ko kanina lang. 

 

“Tulala ka na naman. Kanina pa kita tinatawag,” tiningnan ko si Ning na naka-busangot. Galit ‘yan? 

 

“Sorry, ano bang meron?” hinahalo ko ‘yung juice ko bago ito ininom. 

 

“Tumawag si Rina, hinahanap ka. Hindi ka ba nagpaalam?” 

 

Para akong natigilan sa sinabi ni Ning. Uminom muna ulit ako bago siya sinagot. 

 

“Hindi. Kailangan ba?” umiwas ako ng tingin at tumingin sa labas since naka-upo kami sa tabi ng window. 

 

“Malamang, ‘te. Kayong dalawa ang magkasama sa condo eh. Technically, parang responsibilidad ka nga niya diba?” 

 

I grumbled sa sinabi ni Ning, “E siya nga, hindi nagpaalam,” sabi ko ng mahina. 

 

Binato naman ako ng crumpled tissue ng babaeng ‘to, “Ano?!” inis akong tumingin sa kanya. 

 

“Pangit ng ugali mo,” ani niya at sabay irap. 

 

“Ginawa ko sayo?” 

 

Umayos siya ng upo, pinagcross niya pa ang legs niya at maarteng hinahalo-halo ang juice niya, daming alam. “Well, narinig ko lang naman na late umuwi si Rina kagabi at may hindi na sabihan. Kaya feeling ko gumaganti ‘yung isa dyan.” 

 

“Hindi ako gumaganti,” sinamaan ko siya ng tingin. 

 

“May sinabi ba akong pangalan?” ganti niya at ako naman ang napa-irap this time. “Hay nako, baby, ‘wag ka sana gumaya sa mommy mo na ang pangit ng–” 

 

Binato ko pabalik ‘yung tissue na binato niya sa akin kanina, “Edi ako nga tukoy mo.” 

 

“Oo nga, ikaw na. Since ikaw lang naman pangit ugali dito.” 

 

“Isa pa, hindi ko talaga babayaran itong kinain mo,” threaten ko sa kanya. 

 

“‘Wag kang ano, Jeong. Tinulungan kita sa grocery mo! Deserve ko ng libre!” umiling nalang ako sa mga pinagsasabi niya, “Bakit ba kasi hindi ka nagsabi kay Rina? Usually, sinasabihan mo naman siya ah?” 

 

Napa-isip din ako ng sagot. “Nakalimutan ko lang.” 

 

Hindi talaga dahil hindi siya nagsabi kahapon. Again. Buhay niya ‘yan, bahala siya. Buhay ko din ‘to, bahala ako. 

 

“Sige, sabi mo eh,” Ning shrugged her shoulder at nagpatuloy sa pagkain. 

 

Nakahinga ako ng maluwag when Ning decided tumigil maging chismosa. 

 

“Kamusta pala?” bigla tanong ni Ning, dahilan kung bakit napatingin ako sa kaniya. 

 

“Kamusta?” ulit ko kasi hindi ko gets ‘yung tanong niya. 

 

“Oo, sa condo. Nandon si Ryujin, diba?” patuloy niya, hindi pa siya nakatingin sa akin dahil busy siya sa pagkain niya. 

 

Pero kilala niya ‘yung bisita ni Jiminie? Hindi ko pa nak-kwento sa kanya ‘yon eh. 

 

“Okay lang naman…” except sa fact na palagi siyang nakadikit kay Jiminie. Okay lang naman siya kasama sa condo. “Kilala mo?” 

 

“Malamang. Kaibigan ko na din ang siraulong ‘yon,” sagot niya at itinuon na ang tingin sa akin, “Clingy kay Rina ‘yon kung hindi mo pansin,” dagdag niya na may kasamang tawa. 

 

“Matagal na ba silang magkakilala?” simpleng tanong ko as if hindi ako namamatay sa curiosity. 

 

“Nung highschool pa, magkasama na ‘yan sila tsaka ni Giselle.” 

 

Tumango-tango ako habang nag-iisip ng sunod na itatanong, “Paano mo siya nakilala?” 

 

“Buntot ‘yon ni Rina eh. Madalas nga siyang kasama sa mga gathering. Feeling Yu ‘yon,” tumawa si Ning sa sariling biro niya habang seryoso lang ako nakinig sa kanya.

 

“So, kilala siya ng family ni Jiminie?” 

 

“Yeah, akala nga nila Tita nung una mag-jowa sila,” tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, “Boto din sila kay Ryujin if ever man daw. Kahit siraulo ‘yon madalas, maalaga siya kay Rina, siguro crush niya talaga si Rina. Ano sa tingin mo, ‘te?” 

 

Boto? Hindi ako aware na may election pala nangyayari. Tsaka ganon ba talaga sila kaclose para isipin ng mga magulang ni Jiminie na magjowa sila? Close din–

 

“Nakikinig ka ba?” kinuha ni Ning ang atensyon ko nang lumipad ulit ang utak ko. 

 

“Huh?” 

 

“Sabi ko, sa tingin mo ba crush talaga ni Ryujin si Rina?” narinig ko siya nung first time at nainis ako nang inulit niya. Bakit ba kasi need i-ulit? Tss. 

 

“Malay ko,” ‘yon lang ang sagot ko. Malay ko naman talaga. 

 

“Ano ba ‘yan, wala ka bang chismis dyan? Magkasama kayo sa condo. Wala ka bang napapansin?” 

 

Meron. Agree ako kay Ning na maalaga ang bisita ni Jiminie sa kanya. Madami din siyang alam kay Jiminie na hindi ko alam. 

 

At hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kapag nangyayari ito.

 

“Bakit ‘di mo nalang siya tanungin?” ang sinabi ko kay Ning instead. Ayaw ko naman makigulo kung ano ba ang meron sa kanilang dalawa. It’s none of my business. 

 

“Ayaw naman sumagot ng maayos ng siraulong ‘yon eh.” 

 

Hindi ko na siya sinagot at tinapos nalang ang pagkain ko. 

 

Pagkatapos namin ay hinatid na ako ni Ning sa condo, siya ang nagbuhat lahat ng grocery kaya ang sakit ng tenga ko kasi puro reklamo niya ang nadinig ko. 

 

Sabi ko tulungan ko siya tapos ayaw niya din, edi naghirap siya ng mag-isa. 

 

“Mags-stay ka pa ba?” tanong ko kay Ning habang kumuha ako ng tubig para sa kanya kasi hingal na hingal na siya. 

 

“Hindi na, ‘te. May lakad pa ako,” sagot niya bago inumin ang baso ng tubig na inabot ko sa kanya. 

 

“May date ka kamo,” tukso ko with malokong ngiti. Pansin ko naman ang bahagyang pamumula ng pisngi niya. 

 

“‘Wag ka nga, bye na!” binigyan niya lang ako ng mabilis na yakap bago lumabas sa condo. 

 

Nagsimula nalang ako maghanda ng lulutuin ko. Napansin ko na hindi pa nagagalaw ‘yung kitchen. Walang bagong hugasan sa drying rack or nagamit na mga plato sa sink. 

 

Hindi pa ba sila gising? I glanced at the clock sa phone ko at sabi dito ay 10:54 a.m. na. Sabado naman at usually wala silang trabaho at knowing na lumabas sila kagabi, tulog pa siguro sila. 

 

Naisipan ko magluto pag gising ko kanina. ‘Yon talaga ang first thought ko, hindi ko alam kung bakit, basta may urge ako magluto.

 

Trip ko lang talaga magluto kaya pwede na din nilang lunch siguro ‘to.

 

Ang nasa menu natin ay menudo. Spin the wheel generator pa ang nag decide ano ang lulutuin ko since hindi ako makadecide ng maayos. 

 

Habang nilalabas ko ang mga ingredients sa grocery bag narinig ko na may palapit na yapak. Nakatalikod kasi ako sa stairs kaya hindi ko makita kung sino ito pero alam ko hindi ito si Jiminie. 

 

“Minjeong! Good morning!” tama nga ang hinala ko pagrinig ko ang masiglang pagbati sa akin ni bisita. 

 

Hinintay ko na mas lumapit siya sa akin bago ko siya batiin “Morning,” bati ko at ngumiti na din ng konti sa kanya. 

 

“Grabe, nakapag grocery ka na? Anong oras ka gumising? Ikaw lang ba mag-isa?” sunod-sunod niyang tanong habang pinapanood ako ilagay ang mga ingredients sa kitchen island. 

 

Napakadaldal niya talaga. Hindi ko alam kung ganito ba talaga siya or tinatry niya lang maging friendly sa akin. Nonetheless, sinagot ko nalang siya since masyadong obvious na ayaw ko siya kausap if hindi ko siya sasagutin. 

 

“Oo, mga seven siguro ako nagising tsaka kasama ko kaibigan ko.” 

 

Nakita ko siyang tumango-tango at sumandal sa kitchen island, “So, anong ginagawa mo ngayon?”

 

Obvious naman siguro, no? Pero I guess, gumagawa lang siya ng topic. 

 

“Magluluto. Kumain na ba kayo?” 

 

Umiling siya, “Hindi pa. Kakagising ko lang tapos si Rinababes bagsak pa din.” 

 

“Ito nalang siguro kainin niyo, hindi naman ‘to matatagalan.” 

 

“Bait mo naman! Tulungan na kita!” volunteer niya na may kasama pang malawak na ngiti. 

 

Pinanliitan ko siya ng mata, “Marunong ka magluto?” 

 

“Oo naman!”  

 

Hesitant ako pero pinagbigyan ko nalang siya, mukhang excited siya tumulong eh. 

 

“Ito,” binigay ko sa kanya ‘yung mga patatas, carrots at iba pang mga ingredients na kailangan hugasan, “hugasan mo tsaka balatan mo na din ‘yung patatas tsaka carrots.” 

 

“Copy, boss madam!” pabiro pa siya nagsalute na ikinatawa ko ng konti. 

 

Okay naman pala siya eh. I mean, okay naman talaga siya. Wala naman akong sama ng loob sa kanya… maybe, konti. Medyo lang. Dahil lang masyado siyang nakadikit kay Jiminie. 

 

Sa tingin niya ba ay siya lang ang gusto lumapit kay Jiminie? Gusto ko din maka-usap si Jiminie, no! 

 

Dahil… dahil, gusto ko lang! Need ba ng rason?! 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primroze
I feel like this is such a late announcement pero I’ll say it pa rin. Hindi ko po i-gghost ang story. 😭 Pero updates are going to be irregular and slow po muna. Medyo naging busy lang irl and let’s say na rin may slight writer’s block ako atm. 🥹 Ayon lang po. I hope you understand it! Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fudgeebar01 0 points #1
Chapter 25: torr miss u po baka naman meron naa 🥹
stillintoyu
197 streak #2
miss q na ‘to
winjeongsimp #3
kamiss si jeongtis at ang kaniyang sitter 😆
howdoyouknowmee
542 streak #4
Hello, I just want to say that this story became my source of happiness last year while I was facing my slump. Thank you to the characters in this story. I realized many things, and even just reading this makes me so happy. And if ever the writer of this story decides to discontinue this, you'll always be remembered in my heart. Lastly, to the writer, I have nothing to say but thank you for creating this masterpiece. Thank you for bringing me happiness. My wish for us is to heal from any pain or struggles we might be facing right now and to have a brighter day ahead of us. Thank you, and until then, 🤍.
Blueyy #5
Rereading again nakakamiss sila lalo na si jeongtis 😣
mind00ngie
#6
Chapter 25: ang aming jeongtis 🥹🥹🫂
M_1412 #7
Chapter 25: Grabe mas parang nanay and tatay pa yung parents nila J kay M kesa sa sarili nyang parents😠
Hugs kay jeongtis, deserve mo ang family nila J kesa sa sarili mong fam
jysowee
#8
Chapter 25: Bugtong hininga na lang ako sa ginagawa ng mga magulang kay minjeong. I kind of understand kung bakit ganun ka-conflicted yung nararamdaman niya towards her parents pero at the same time mas gusto ko na sana sama ng loob na lang ang mafeel ni minjeong. I also understand na hindi siya makapagsabi ng inner feelings niya towards them, kasi ever since naman never siya nakapag-open sa kanila kasi nga, wala sila all the time.

Anyways, 2024 na minjeong, napakadense mo parin kay jimin jusme kulang ata siya sa alog ng ulo tsk
taytaysbetty
#9
Chapter 25: Mahigpit na yakap for Minjeong~ 👥💕
sepvenanje #10
ey new cover photo