- 15

Minjeong’s Life Tapestry
Please Subscribe to read the full chapter

[Minjeong’s]

 

Gumala kami ulit ni Ningning, hindi kasi mapakali ang babaeng ‘to sa bahay nila or sa apartment ko. Nagshopping kami ng mga damit this time, sinamahan ko lang talaga si Ning kesyo daw hindi niya kaya mag-isa. 

 

Pinick up na din namin ang mug from three days ago. Kasi if ako lang mag-isa ang pumunta baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masampal si kuya instructor, naiinis ako sa mukha niya eh. 

 

Ang lagkit pa din ng tingin ni kuya instructor sa akin kahit na hindi niya na ako blatantly nilalandi. Nakakasira siya ng araw! 

 

Anyway, ang ganda ng mug nagawa ko, it turned out great. Ang super cute nga eh, parang ayaw ko nalang ibigay kay Jiminie. 

 

Gagawa nalang siguro ako ulit next time, para sa akin at para na din kay baby. Pwede na kami tatlo magmatching! Ang cute non. 

 

I rubbed my small bump with a smile, lumalaki na ito, three months na din kasi ako, not that obvious pa pero meron na. 

 

“Sure ka na hindi ka sasama?” tanong ni Ning na naghahanda lumabas ng kotse. 

 

“‘Di na, dito lang ako,” sagot ko sa kanya. 

 

Pupunta kasi siya sa loob ng building kung saan nagt-trabaho si Karina at Giselle, nandito kami kasi nagpabili ang dalawa ng pagkain since nasa labas nga kami. 

 

Hindi pa nga ako nakakakain, sila– or should I say si Giselle talaga ang inuna ni Ning. Walang hiyang kaibigan. ‘Di joke, wala pa kasi akong maisip na kainin kaya sabi ko unahin nalang namin yung dalawa. 

 

“Okay, mabilis lang ako.” 

“Sino niloloko mo, makikipaglandian ka pa eh.” 

 

Hinampas lang niya ako ng mahina sa braso bago lumabas. Hindi man lang dineny sinabi ko eh. 

 

Kinuha ko nalang ang phone ko at nakipag-usap kay Karina, nabanggit ko pa na nandito ako sa parking lot ng building nila at nangungulit na pumunta daw ako sa office niya or bababa siya. Hindi naman ako nagpapaalam sa kanya always kapag lumalabas ako, minsan si Ning nagsasabi sa kanya kasi siya din naman palagi ko kasama.

 

Tsaka tumanggi ako sa offer niya, nakakatamad talaga pumasok sa loob. And I think, hindi pa ako ready pumasok ulit doon, parang masakit pa rin eh. 

 

I think tanggap ko naman na hindi na matutupad ang pangarap ko maging flight attendant, pero it doesn’t mean hindi na masakit. 

 

I still have those lingering thoughts of what could’ve happened, what I could’ve been. 

 

Konti nalang eh, natapos ko na training ko, pinaghirapan ko pa ‘yon. The thought na I lost it so easily, despite having a hard time finding it, masakit. 

 

Though, having my baby, it made the pain bearable. Since, somehow parang may nahanap akong ibang purpose sa buhay. 

 

I could even say para siyang iba at bagong pangarap, a dream of becoming a mother to my child. In a sense, hindi ko na masyado iniisip na useless ako. 

 

Kaya, I try my best not to dwell so much on it na and focus on my present and my future. 

 

Bumalik ako sa senses ko nang nagchime ng notification ang phone ko. 

 

Jiminie

Thursday | Today

 

I guess, I’ll see you sa condo nalang? 

 

Oo, umuwi ka ng maaga

May regalo ako para sayo

 

Really!? 

I’ll go home early then!!

What’s the gift?

Can I have a hint, please? And for what too?

 

Ngumiti ako, nasobrahan sa excitement naman ‘to si babae. At dahil dyan, hindi ko na siya nireplyan. 

 

Tuksukhin ko lang ng slight. Hehe. 

 

Umayos ako ng upo nang narinig ko ang pagbukas ng driver’s side. 

 

“Oh? Bumalik ka agad? Akala ko– Karina?” 

 

“Hi!” she greeted me all smiley tsaka pumasok sa loob ng kotse, “Hi!” ulit niya nang hindi ako sumagot. 

 

Nang nagsink in sa akin kung sino ang nasa harap ko, ngumiti ako, “Anong ginagawa mo dito?” 

 

“I couldn’t possibly wait until later, Minjeong,” hindi na natanggal ang ngiti sa mukha niya, “Can I see the gift? Please?” hinarap niya ako, pleading. 

 

Minjeong, tatagan mo. Hindi ka nadadala ng magagandang mukha. 

 

“No, hindi pa pwede,” iling ko pa, “Sabi ko mamaya pa sa condo eh,” I folded my arms, parang nagdisapprove ako sa ginawa niya. 

 

“But…” rinig kong daing niya.

 

Nang nilingon ko siya, naisip ko na ang amusing ng personality niya, naka-business suit nga siya pero para siyang bata nagmamakaawa for a candy. 

 

Grabe lang ang two-faced niya, eme. 

 

“Paano ka nakatakas? Or pinayagan ka ni Gigi?” 

 

Umiling siya at umayos ang upo, “I escaped, Ning is a good decoy. I’ll libre her next time for this,” tumawa ako sa sinabi niya, nanggamit pa nga. 

 

Then, I frowned nung nakita ko siya nagkabit ng seatbelt, “Bakit?” na-gets niya naman ata agad ang tanong ko. 

 

“Since I’m here. How about a lunch with me?”

 

I mirrored her smile, parang nahawaan ako ng excitement niya.  

 

“I heard from Ning na you haven’t had lunch, so anything in mind?” tuloy niya habang inaadjust ang mga side mirrors. 

 

Nang hindi niya narinig ang sagot ko, lumingon siya sa akin, that worried look on her face again, “Ayaw mo ba mag-eat? But you can’t skip meals, Minjeong…” 

 

Alam ko na ang tono niya na 'yan, sesermonan na naman ako nito eh. Baka nga mas narinig ko pa siya sermonan ako ng sarili kong mga magulang. 

 

“Nag-iisip ako ng pagkain kasi, atat mo naman,” biro ko sa kanya tsaka nagkabit ulit ng seat belt. “Wala akong maisip eh, tara sa mall tapos check nalang natin?”

 


Tumango siya, "I don't mind that."

 

At ayon na nga, pumunta kami sa pinakamalapit na mall para kumain.

 

Habang nagd-drive, ayaw niya ako tigilan sa paghingi ng hints kuno, I tried my best to dismiss ang mga pangungulit niya. Kulit niya, super.

 

"Minjeong, please, a peak? A hint?" pagpupumilit niya.

 

"Mag-drive ka ng maayos, Karina, hahampasin kita kapag napano kami ng anak ko," banta ko naman sa kanya at gumana nga, problema lang naka-nguso siya habang nagd-drive.

 

Mas matangos pa sa ilong niya ang nguso niya eh.

 

Pagdating namin, itong kasama ko nagtataka kung bakit kami pinagtitinginan ng tao.

 

 

“Bakit kaya?” sarkastikong sabi ko at ito naman si babae, hindi gets ang sabi ko. 

 

“Yeah, I wonder why,” lumingon pa siya sa surrounding niya, “I don’t have any dirt on my face naman,” kinuha niya ang phone niya para icheck ang mukha niya. 

 

Sino ba kasi hindi mapapalingon sa kanya, naka-full on corporate clothes siya. Idagdag mo pa ang mukha niya na pwede ipasok sa Miss Universe, konti na nga lang may magpapicture sa kanya kasi aakalain na artista siya. 

 

 “Ganda ko kasi,” biro kong rason at sumabit sa braso niya bago kami nagsimula maglakad around. 

 

“That makes sense,” nonchalant niyang sagot kasi naka-tingin siya sa paligid. 

 

Siraulo ba siya? Nag-agree pa nga. 

 

Out of impulse kinurot ko siya sa tagiliran, kapal ng mukha magbiro eh!

 

“Ouch… what was that for?” tanong at lingon niya sa akin, hinihimas-himas niya na din ang tagiliran niya. 

 

“Parang tanga kasi, anong maganda e, nagmumukha nga akong alalay sa tabi mo,” inirapan ko siya at tinanggal ang pagka-kapit sa braso niya. 

 

She quickly caught my hand at binalik ito sa braso niya, nginitian niya ako bago kami nagpatuloy sa paglalakad. 

 

“You don’t look anything like that, Minjeong,” ika niya, medyo seryoso pa tono ng boses niya. 

 

Tiningnan ko siya at pinanliitan ng mata, “Kung hindi, then ano?” hamon ko sa kanya. 

 

Naka-tingin ako sa side profile niya nang ngumisi siya, “If alalay ikaw, then you must be a beautiful one.”

 

Ang amusing niya, siya ang nagbigay ng compliment, siya din ang namumula. Sumisilip kasi ang tip ng tenga niya sa naka-lugay niyang buhok. 

 

Then, I scoffed at her words. Nambola pa kasi, mukha ba akong basketball sa kanya? 

 

“Daming ebas, wala akong piso uy,” hinampas ko siya lightly sa braso niya.

 

 “I’m not lying kaya,” finally tinginan niya ako, maikli lang but I also saw myself briefly in her eyes before she turned away.

 

“Paano ko malalaman na hindi ka nagsisinungaling?” 

 

Pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko na nasa braso niya, “A mirror can answer your question, Minjeong.” 

 

I shook my head stubbornly, “Wala, mukha pa din akong alalay.” 

 

Her thumb was caressing my knuckles habang naglalakad at nag-uusap kami, “I would give you my eyes if I could.” 

 

I frowned at tiningnan siya na para siyang isang weirdo, “Huh? Anong gagawin ko sa mata mo?” 

 

Nasisiraan na talaga ‘to sa ulo, kasi nagpipigil naman siya ngumiti. Lumalim pa ang dimple niya at namumula pa din ang tenga niya. 

 

“Hoy? Anong gagawin ko sa mata mo?” kulit ko sa kanya kasi hindi na siya sumagot. 

 

“Let’s go find something to eat na,” ang obvious ng pag change niya ng topic, pero napagdesisyonan ko wag nalang din siya kulitin kasi baka sumakit lang ulo ko sa mga sinasabi niya. 

 

We started food hunting kung ano ang lunch namin kahit malapit na mag-alas tres.  

 

“How about dimsum?” ang unang suggestion niya nang may nadaanan kaming dimsum store. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primroze
I feel like this is such a late announcement pero I’ll say it pa rin. Hindi ko po i-gghost ang story. 😭 Pero updates are going to be irregular and slow po muna. Medyo naging busy lang irl and let’s say na rin may slight writer’s block ako atm. 🥹 Ayon lang po. I hope you understand it! Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fudgeebar01 0 points #1
Chapter 25: torr miss u po baka naman meron naa 🥹
stillintoyu
196 streak #2
miss q na ‘to
winjeongsimp #3
kamiss si jeongtis at ang kaniyang sitter 😆
howdoyouknowmee
542 streak #4
Hello, I just want to say that this story became my source of happiness last year while I was facing my slump. Thank you to the characters in this story. I realized many things, and even just reading this makes me so happy. And if ever the writer of this story decides to discontinue this, you'll always be remembered in my heart. Lastly, to the writer, I have nothing to say but thank you for creating this masterpiece. Thank you for bringing me happiness. My wish for us is to heal from any pain or struggles we might be facing right now and to have a brighter day ahead of us. Thank you, and until then, 🤍.
Blueyy #5
Rereading again nakakamiss sila lalo na si jeongtis 😣
mind00ngie
#6
Chapter 25: ang aming jeongtis 🥹🥹🫂
M_1412 #7
Chapter 25: Grabe mas parang nanay and tatay pa yung parents nila J kay M kesa sa sarili nyang parents😠
Hugs kay jeongtis, deserve mo ang family nila J kesa sa sarili mong fam
jysowee
#8
Chapter 25: Bugtong hininga na lang ako sa ginagawa ng mga magulang kay minjeong. I kind of understand kung bakit ganun ka-conflicted yung nararamdaman niya towards her parents pero at the same time mas gusto ko na sana sama ng loob na lang ang mafeel ni minjeong. I also understand na hindi siya makapagsabi ng inner feelings niya towards them, kasi ever since naman never siya nakapag-open sa kanila kasi nga, wala sila all the time.

Anyways, 2024 na minjeong, napakadense mo parin kay jimin jusme kulang ata siya sa alog ng ulo tsk
taytaysbetty
#9
Chapter 25: Mahigpit na yakap for Minjeong~ 👥💕
sepvenanje #10
ey new cover photo