#SC - Buntis si Jiminie?

Minjeong’s Life Tapestry
Please Subscribe to read the full chapter

[Minjeong’s]

 

Naalimpungatan ako sa malakas na pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Sino ba ‘yan kumakatok? Konti nalang butasan na ‘yung pinto eh. 

 

Bumangon ako ng inaantok pa at ready na sana sungitan ang naglakas loob istorbohin ang tulog ko, pagbukas ko naman ng pinto pigura ni Jiminie ang bumati sa akin. 

 

“Jiminie, anong–” 

 

“Minjeong! Saan na ‘yon pinabili ko na manga?!” biglang nagising ang buong diwa ko nang narinig ko ang matalas at mataray na boses ni Jiminie. 

 

“H-Huh?” 

 

“‘Yung manga na pinabili ko?” ulit ni mataray na Jiminie, “Nasaan na? Minjeong naman eh, kanina ko pa ‘yon pinapabili sayo!” reklamo niya at sabay dabog pa. 

 

Hindi ako makareact, hindi nagp-process sa akin ang nangyayari kaya nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang weirdo na Jiminie sa harap ko. 

 

“Ano tinitingnan mo dyan? Bumili na tayo ng manga, bilis!” hinila ako ni weirdo Jiminie palabas ng kwarto ko at pababa sa first floor. 

 

Sino ‘to? Bakit ganito siya magsalita? Hindi naman ganito ang asal ni Jiminie na kilala ko ah? 

 

Pagdating namin sa first floor, nakatayo lang ako at hindi alam ang gagawin. Dahilan ‘yon pag-irap ni mataray na Jiminie. 

 

“Nasaan na ang car keys mo?” tanong niya sa akin. 

 

“Huh? May car ako?” tanong ko pabalik. She looked at me confused at binalik ko ang naguguluhan niyang tingin kasi wala naman talaga akong sasakyan, ang tagal-tagal ko na nga hindi nagd-drive eh. 

 

“My gosh, Minjeong naman eh! Gusto ko ng manga!” nagdabog ulit si weirdo na Jiminie. 

 

Naw-weirdohan na talaga ako sa kanya, never ko pa ata nakita umasal ng ganito si Jiminie. Cute naman siya pero naiinis na din ako sa kanya. Bakit parang kasalanan ko pa na gusto niya ng manga?! 

 

“Edi ikaw bumili. Ikaw nga ang may sasakyan eh,” tumingin sa akin si weirdo Jiminie na nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay niya. Ang maldita niya!

 

“Hindi ako marunong magdrive, anong pinagsasabi mo?” 

 

I found myself dumbfounded again sa pangyayari. Anong hindi marunong magdrive? E siya palagi nagd-drive sa amin dalawa, nauntog na ba ulo niya?

 

Tsaka bakit ba ang tuwid niya din mag-Tagalog? Tiningnan ko ng maiigi ang Jiminie sa harap ko na binigyan ako ng mataray na tingin. 

 

Sino ba talaga ‘to? Hindi ko kilala ang Jiminie na ‘to! Ang pangit ng ugali niya! Ayaw ko sa ugali niya!. 

 

“Ang weird mo ngayon, Minjeong.” Hala siya, nagsalita. “Gawan mo na nga lang ako ng sandwich! Peanut-butter with pickles, ha!” 

 

I looked at her weirdly. Ba’t ganon na sandwich ipapagawa niya? Buntis ba siya? Ano ‘yon, twinning na kami? 

 

“Buntis ka ba?” natatawa ko na tanong, not taking her seriously. 

 

“Oo? Hindi mo ba alam?” natigilan ako sa sinabi niya. Buntis siya?!

 

Nilapitan ko siya at hinawakan siya sa balikat, “Huh?! Buntis ka? Sino ang ama? Ba’t ka nagpabuntis, Jiminie?!” 

 

“A-Ano ba, Minjeong?” pinilit niya tinananggal ang paghawak ko sa balikat niya, “bakit surprised na surprised ka? Tsaka kapatid mo ang nakabuntis sa akin.” 

 

Kumunot naman ang noo ko? Paano naman siya mabubuntis ng kapatid ko e puro naman babae kapatid ko? Binalik ko ang atensyon sa kanya at mangiyak-ngiyak nakatingin sa kanya. 

 

“Paano na ‘yan dalawa na tayong buntis…” naiiyak ko na sabi sa kanya pero tininginan niya lang ako as if sumisinghot ako ng white powder. 

 

“Anong dalawa na tayo? Hindi ka naman buntis, Minjeong.” 

 

Ilang beses na ata ako natigilan at nagulat sa mga pangyayari ngayon. Napa-I took a step back talaga ako sa sinabi niya at humawak sa tyan ko. 

 

Bakit nawawala ang bump sa tyan ko? 

 

Bigla akong natakot nang hindi ko naramdaman ang bump sa tyan ko kahit ilang beses ko hinawakan ang tyan ko hindi ko mafeel ‘yung baby bump ko. Kulang nalang siguro maghubad ako at tingnan ang sarili ko sa salamin para makita ang baby bump ko. 

 

Itinuon ko ang tingin kay Jiminie na confused nakatingin sa akin. 

 

“Inigaw mo ang baby ko…” naluluha kong sabi sa kanya. 

 

“H-Huh? H-Hindi ko inigaw–” 

 

May halong galit ako tumingin sa kanya this time, “Ayaw ko na sayo! Kinuha mo ang baby–” 

 

“Minjeong! Minjeong!” 

 

Naalimpungatan ulit ako ng marinig ko ang pangalan ko at mahina pagyugyug sa akin. 

 

“Ano ba…?” ungot ko at bumangon sa hinihigaan ko na couch, nag-unat pa ako at tumingin sa paligid ko. 

 

Nasa living room ako ng condo ni Jiminie. Akala ko ba kanina nakikipagusap ako kay Jiminie ba’t biglang nakahiga ako dito sa couch? 

 

Bumaling ako sa kaliwa ko at nakita si Jiminie na naka-upo pala sa tabi ko. 

 

“Min–” 

“Tsk

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primroze
I feel like this is such a late announcement pero I’ll say it pa rin. Hindi ko po i-gghost ang story. 😭 Pero updates are going to be irregular and slow po muna. Medyo naging busy lang irl and let’s say na rin may slight writer’s block ako atm. 🥹 Ayon lang po. I hope you understand it! Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fudgeebar01 0 points #1
Chapter 25: torr miss u po baka naman meron naa 🥹
stillintoyu
196 streak #2
miss q na ‘to
winjeongsimp #3
kamiss si jeongtis at ang kaniyang sitter 😆
howdoyouknowmee
542 streak #4
Hello, I just want to say that this story became my source of happiness last year while I was facing my slump. Thank you to the characters in this story. I realized many things, and even just reading this makes me so happy. And if ever the writer of this story decides to discontinue this, you'll always be remembered in my heart. Lastly, to the writer, I have nothing to say but thank you for creating this masterpiece. Thank you for bringing me happiness. My wish for us is to heal from any pain or struggles we might be facing right now and to have a brighter day ahead of us. Thank you, and until then, 🤍.
Blueyy #5
Rereading again nakakamiss sila lalo na si jeongtis 😣
mind00ngie
#6
Chapter 25: ang aming jeongtis 🥹🥹🫂
M_1412 #7
Chapter 25: Grabe mas parang nanay and tatay pa yung parents nila J kay M kesa sa sarili nyang parents😠
Hugs kay jeongtis, deserve mo ang family nila J kesa sa sarili mong fam
jysowee
#8
Chapter 25: Bugtong hininga na lang ako sa ginagawa ng mga magulang kay minjeong. I kind of understand kung bakit ganun ka-conflicted yung nararamdaman niya towards her parents pero at the same time mas gusto ko na sana sama ng loob na lang ang mafeel ni minjeong. I also understand na hindi siya makapagsabi ng inner feelings niya towards them, kasi ever since naman never siya nakapag-open sa kanila kasi nga, wala sila all the time.

Anyways, 2024 na minjeong, napakadense mo parin kay jimin jusme kulang ata siya sa alog ng ulo tsk
taytaysbetty
#9
Chapter 25: Mahigpit na yakap for Minjeong~ 👥💕
sepvenanje #10
ey new cover photo