- 12

Minjeong’s Life Tapestry
Please Subscribe to read the full chapter

[Minjeong’s] 

 

Ngayon ang alis ko papunta sa mansion. Dahil utos nga ni Tita, ihahatid ako ni Karina papunta doon. 

 

I’m waiting for her sa living room kasi hindi pa siya tapos magbihis. Ang bagal niya kumilos pero hindi ko siya masisisi, 6 a.m pa lang kasi. 

 

Habang naghihintay, ka-text ko si Ning, pupunta din daw siya mamaya, at mabuti naman kasi halos isang week na since last meet namin. 

 

Busy kasi siya from school, nakalimutan ko na ata mukha niya eh. Hah, actually, I wish, akala mo ako jowa niya kasi wagas magsend ng picture sa akin. 

 

Hindi dahil gusto niya ako iupdate pero dahil tinatanong niya kung maganda ba siya sa picture, tapos hindi naman siya tumatanggap ng ibang sagot aside sa 'oo' ang gulo lang. Bakit pa siya nagtanong?

 

“Let’s go?” rinig kong sabi ni Karina, naglakad siya papunta sa living room at kinuha ang keys niya sa table, “you got everything?” 

 

Magdadala kasi ako ng handbag, suggest ‘yan ni Karina. 

 

Sabi niya incase gusto ko magpalit ng damit or madumihan tapos may heat pack, tubig, hand towels, charger, may mini-electric fan din dyan tsaka kung ano-ano pa.  

 

Daming alam, no? Akala mo magc-camping ako e pupunta lang naman ng bahay din. 

 

“Yeah, tara na?” tumayo ako at kukunin sana ang bag kaso inunahan niya ako, “ako na,” sabi ko.

 

“You sure?” 

 

Sure ba? Pwede naman pero now that I think about it, parang nakakatamad. Iniisip ko palang nangangalay na kamay ko, mabigat din ‘yan eh. 

 

“Pass nalang pala,” sagot ko, she chuckled tsaka nilagay sa shoulder niya ang handbag. 

 

“Bigat?”

“A bit lang.”

 

Nga pala, naka-sleeveless crop top si Karina, tapos high-waist sweater pants naman at may baseball cap siya kahit nasa loob pa kami. 

 

Para siyang body guard ko, char. 

 

Casual clothes lang din ako, pullover jacket at joggers, tamang sneakers lang din. 

 

Lumabas na kami at pumunta sa basement parking lot, pinapasok niya muna ako sa passenger seat bago nilagay sa likod ang bag ko. 

 

“Is it okay if we stop by sa Starbucks?” ask niya nung nagsimula na siya magdrive. 

 

Tiningnan ko siya with my eyebrows furrowed, “nag-kape ka na sa bahay ah.” 

 

Nagbreakfast kasi kami bago umalis, papikit-pikit pa ako habang kumakain kanina, it’s been a while since nagising ako ng ganito kaaga.

 

Gusto kasi iwasan ni Karina ang traffic, understandable naman kasi ayoko din sa traffic. Pangit kasi si traffic.

 

“I know, pero need ko pa eh,” she smiled sheepishly. Kaya palagi ‘to nagugulat e, masyadong umiinom ng kape. 

 

“Sige lang, bilhan mo din ako ng donut,” sabi ko at inayos ang upuan ko, I reclined it para makahiga ako. 

 

“Are you sure?” 

“What do you mean?” 

 

Ang cool niya pala tingnan magmaneuver ng steering wheel para lumiko. Nakacap pa din siya, by the way, parang timang. 

 

“It might trigger your nausea if you’re busog.” 

 

Tama naman siya pero gusto ko pa din kumain, malay mo hindi pala ako magsuka. 

 

“Hindi ‘yan, gusto ko din ng sweets eh,” pilit ko at sana pumayag nga ang driver ko. 

 

“Okay, then.” Bilis naman kausap.

 

Nagorder lang siya sa drive-thru. Ito si ateng worker naman nagpapaganda pa kay Karina nung dumating kami sa window, ang aga niya naninira ng araw. 

 

“Why are you scowling?” tanong ni Karina habang nagpapark siya. 

 

“Wala. Ba’t ka pa nagpapark?” 

 

“Aren't you eating the donut na?” inabot niya ang donut sa akin pagkatapos niya magpark. 

 

“Pwede ko naman kainin habang nagd-drive eh, magsasayang pa tayo ng oras.” 

 

Ano ang use pag-gising ko ng maaga tapos naabutan kami ng traffic, diba? Mindset ba, mindset.

 

Pero ito si Karina, hindi convinced, “But you mentioned nahihilo ka when you eat in a moving car.”

 

Ba’t ko ba kasi nachismis sa kanya ‘yon?

 

I think kaya ko naman, though. May nabasa ako sa horoscope ko na I can overcome my problems today. 

 

Kaya feeling ko today, I can overcome my motion sickness. I’m confident, I can feel it, I manifest it. Char. 

 

“‘Di ‘yan, tara na.”

 

She observed me for a few seconds, parang tinitingnan kung nags-sinungaling ba ako. Ginawa niya pa akong sinungaling e totoo naman! Kaya ko ‘to!

 

Psh, batang may laban kaya ako.

 

Lumipas ang thirty minutes at ang sarap ng kain ko ng donut, naubos ko pa, boston cream eh.

 

Kaso lang hindi 'to magtatagal sa tiyan ko kasi sukang-suka na ako. 

 

Bwiset na horoscope, fake ‘yan! Fake news, walang dulot. Dapat nakukulong sila for spreading fake information. 

 

Ipapakulong ko sila kay Karina, maghanda sila! 

 

“Karina…” 

 

“We’re near, don’t worry, a bit tiis lang,” hawak ko ang isang kamay niya, pinaglabasan ko ng gigil dahil sukang-suka na talaga ako. 

 

Nasa lalamunan ko na eh, gustong-gusto na binyagan ang kotse ni Karina. 

 

Pagkapark niya lumubas agad ako sa kotse pero huminto ako nang narealize ko hindi nakasunod sa akin si Karina, nilingon ko siya. 

 

Ba’t ang tagal niya?!

 

“Sorry, I took the wipes and water, let’s go.” 

 

Nakigamit lang kami ng washroom sa isang coffee shop. 

 

Mabuti nga na walang tao sa washroom kasi nakakahiya marinig nila ako magsuka at baka isipin nila may nasapian ng demonyo sa kabilang stall. 

 

The moment nakalapit ako sa toilet, nagsuka agad ako, para bang naging magnet ang kalamanan ko sa inodoro. 

 

Halos luhuran ko na ang inodoro eh – ang kapal nito para luhuran ko – pero buti nalang hindi ito masyadong madumi. 

 

Hindi na nasarado ni Karina ang pintuan kasi hinawakan niya agad ang buhok ko.

 

“Are you done?” tanong niya nang tumigil ako sa pagsuka. 

 

Tumango ako at tatayo na sana nang bigla ko naramdaman ang pagkulo ulit ng tiyan ko, muntik ko na sukahan si Karina. Buti nga nalayo ko agad ang mukha ko sa kanya.

 

When feeling ko nalabas ko na lahat ng laman ng tiyan ko, tumayo na ako, nanghihina ang tuhod ko at grabe pawis ko sa mukha. Inalalayan naman agad ako ni Karina. 

 

Sumandal lang ako sa clavicle niya at nakapulupot ang isang braso niya sa waist ko, siya na din ang nagflush ng toilet. 

 

Naglakad kami sa sink at hiniwalay niya ako sa kanya para iabot sa akin ang tubig. 

 

Habang umiinom ako pinunasan niya ang mukha ko ng wet wipes, umabot siya sa leeg ko kasi ganon kagrabe ang pawis ko.

 

Hindi ako pawisin pero ikaw ba naman iluwa halos ang kaluluwa mo, tingnan natin kung hindi ka magmukhang nilunod sa dagat. 

 

Pagkatapos ko uminom, pinunasan niya ang labi ko. Ang basa ng buong mukha ko, ha, ba’t naman wet wipes ginamit pangpunas ni Karina? Kapal ko naman magreklamo. 

 

“Wash your hands, you held the toilet pa naman,” sabi niya tsaka tinapon ang mga wipes na ginamit niya, kumuha na din siya ng tissue para pang punas sa kamay ko. Baka madumi daw kasi ‘yung air dryer. 

 

Grabe talaga si Karina niyo, girlscout ‘yan? Pati pagpunas sa kamay ko siya na gumawa.

 

Baka caretaker talaga ang future ni Karina. 

 

“Feeling okay na ba ikaw? I have mint with me,” she offered me a mint bubble gum at tinanggap ko din naman. 

 

They do wonders kaya, medyo nawawala ang hilo ko pagkumakain ako ng mint. Pagsobrang hilo, mas bet ko ngumuya ng sampong mentos kesa sa gamot. 

 

“Okay naman ata,” sagot ko at sumandal sa kanya ulit.

 

“Sabi ko sayo eh, you’ll vomit.” 

 

Aba pinapagalitan niya ba ako? 

 

“Kasalanan ko ba na fake news ‘yung nakita kong horoscope?”

“Horoscope?”

 

Tumango ako against her, “Sabi kasi mao-overcome daw ng mga Capricorn ang problems nila.” 

 

Tuamawa siya, I could feel the vibrations of her laughter, “You believe in those?” 

 

“Sometimes lang, ikaw ba? Ano pala zodiac sign mo?” inangat ko ang ulo ko para tingnan siya, ayan na naman siya sa hindi pagtingin sa akin. 

 

Nakikita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin kahit naka-sumbrero siya. 

 

“I don’t exactly believe in those pero it’s fun din to know stuff like that and I’m an Aries,” sagot niya at humiwalay sa akin para maghugas ng kamay. 

 

Aries, huh? So around March or April ang birthday niya? Recently lang din.

 

Naalala ko tuloy na I met Gabin nung April, possible kaya April ang birthday ni Karina? 

 

Bakit ko ba hinuhulaan kung pwede ko naman tanongin nalang si Karina?

 

Hinawakan niya ang braso ko at humiwalay sa akin, “Should we go na?” kinuha niya na ang wipes tsaka tubig habang nakatingin sa akin. 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primroze
I feel like this is such a late announcement pero I’ll say it pa rin. Hindi ko po i-gghost ang story. 😭 Pero updates are going to be irregular and slow po muna. Medyo naging busy lang irl and let’s say na rin may slight writer’s block ako atm. 🥹 Ayon lang po. I hope you understand it! Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fudgeebar01 0 points #1
Chapter 25: torr miss u po baka naman meron naa 🥹
stillintoyu
197 streak #2
miss q na ‘to
winjeongsimp #3
kamiss si jeongtis at ang kaniyang sitter 😆
howdoyouknowmee
542 streak #4
Hello, I just want to say that this story became my source of happiness last year while I was facing my slump. Thank you to the characters in this story. I realized many things, and even just reading this makes me so happy. And if ever the writer of this story decides to discontinue this, you'll always be remembered in my heart. Lastly, to the writer, I have nothing to say but thank you for creating this masterpiece. Thank you for bringing me happiness. My wish for us is to heal from any pain or struggles we might be facing right now and to have a brighter day ahead of us. Thank you, and until then, 🤍.
Blueyy #5
Rereading again nakakamiss sila lalo na si jeongtis 😣
mind00ngie
#6
Chapter 25: ang aming jeongtis 🥹🥹🫂
M_1412 #7
Chapter 25: Grabe mas parang nanay and tatay pa yung parents nila J kay M kesa sa sarili nyang parents😠
Hugs kay jeongtis, deserve mo ang family nila J kesa sa sarili mong fam
jysowee
#8
Chapter 25: Bugtong hininga na lang ako sa ginagawa ng mga magulang kay minjeong. I kind of understand kung bakit ganun ka-conflicted yung nararamdaman niya towards her parents pero at the same time mas gusto ko na sana sama ng loob na lang ang mafeel ni minjeong. I also understand na hindi siya makapagsabi ng inner feelings niya towards them, kasi ever since naman never siya nakapag-open sa kanila kasi nga, wala sila all the time.

Anyways, 2024 na minjeong, napakadense mo parin kay jimin jusme kulang ata siya sa alog ng ulo tsk
taytaysbetty
#9
Chapter 25: Mahigpit na yakap for Minjeong~ 👥💕
sepvenanje #10
ey new cover photo