Chapter 3 - Twitturr

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi na nag-atubiling simulan ng staff The Secret Garden at nila Kata at Cass ang pagset-up ng mga bouquet at iba pang dekorasyon sa mga upuan na nakaready na at sa stage kung saan babasbasan ng pari ang mga ikakasal.

 

Laking pasasalamat rin nila na maganda ang panahon ngayong araw dahil isa talaga ito sa kanilang kalaban lalo sa mga garden weddings dahil fresh ang kanilang mga bulaklak na ginamit sa flower arrangements at panigurado'y masisira ang mga ito kapag naulanan o hinangin. 

 

Sina Alex at Gigi naman ay agad ring tumulong dahil hindi na rin ito first time para sa kanila. Dati rati ay sumasama na sila sa mga events na ginagawa nila Kata. 

 

Parang pamilya na rin talaga silang tatlo dahil bago pa man sila maging busy sa kani-kanilang mga propesyon ay tumutulong na sila sa maliit na business nila Kata.

 

Mga bandang alas onse ng tanghali ay nagsidatingan na rin ang mga guests at abay sa kasal at natuwa ang mga ito ng makita ang set-up na ginawa nila Kata.

 

"Wow! Ang ganda!" "Ang bongga ng kasal nila Mike!" "Can't wait makasal kung ganito rin kaganda ang venue ko!" ilan sa mga narinig nila mula sa mga panauhin kaya naman ay napangiti sila 

 

"Pabakas naman kami sa bayad sa inyo dito. Tumulong kami sa pagset-up oh." pagsiko ni Alex kay Kata habang inaayos nilang dalawa ang mga bulaklak sa aisle.

 

"Sagot ko na bakasyon natin after this event" pagkindat ni Kata kay Alex.

 

"OMG! Seryoso ba Ate Kata? Labyu atee!" naeexcite na sabi ni Cass nang marinig ang sinabi ni Kata

 

"Aba dapat lang 'no! Matapos mo akong lokohin hmmp!" pagsusungit ni Gigi kay Kata

 

"hahhaha sorry na talaga, sabi ko naman na babawi ako diba?" natatawang sabi ni Kata kay Gigi

 

"Excuse me, is anyone here named Katarina Matias?" pagpukaw sa atensyon nila ng isang middle-aged woman na halata mong mayaman dahil sa ayos at postura nito.

 

"Hello po, ako po si Katarina." pagpresenta ni Kata sa babae.

 

"Oh hello! I'm Mrs. Irma Del Valle, I was told that you're the owner of The Secret Garden, which is in charge of today's event." sabay handshake ng babae kay Kata.

 

"Yes po. Nice to meet you po Ma'am." magalang na tugon ni Kata matapos makipaghandshake.

 

"I really like what you did at the venue even though it's not yet finished. Now, I would just like to ask if we can have your service for an event?" nakangiting tanong ng babae kay Kata.

 

Natuwa naman si Kata sa narinig niya at dahil na rin sa ginang na kausap.

 

"Ah sure po, kindly contact us na lang po. Ito po ang calling card po namin. We'll check our schedule na rin po and we'll see if we can accommodate you po Ma'am." ginantihan ng ngiti ni Kata ang babae sabay abot ng calling card mula sa bulsa niya na hinanda na niya dahil alam niyang may mga mag-iinquire sa kanila.

 

"Great! Thank you, iha. I love what you and your team did today. Good luck and God bless you girls!" pagpuri ng babae kina Kata at kumaway na ito papaalis.

 

"Wow, Ate Kata! For sure matutuwa si Ate Auds nito!" hindi mapigilang matuwa ni Cass 

 

"I think kami ang may dala ng swerte" sabi ni Gigi sabay hawi sa mahabang buhok niya

 

"I think tama" pagsang-ayon ni Alex at hinawi rin ang imaginary long hair niya.

 

"Dahil may kasalanan ako sa inyo, I think tama rin. Kaya sama pa ulit kayo ah!" may halong pagbibiro ni Kata sa mga kaibigan.

 

"Alam mo, kung hindi lang kita love kanina pa kita nabatukan." naniningkit na sambit ni Gigi kay Kata

 

"Kahit binatukan mo na ako kanina pagkapark na pagkapark mo ng sasakyan??" panunumbat ni Kata kay Gigi 

 

"Kulang pa 'yon FYI." pag-irap ni Gigi kay Kata

 

"Expose kita sa twitter. 'User @/theonlygigi nambabatok ng kaibigan: a thread' hahah!" pagbibiro ni Kata kay Gigi na siyang ikinatawa nila Alex at Cass ngunit ikinasama namang ng tingin ni Gigi. 

 

"Cass, halika na dito, baka madamay pa tayo sa kahibangan ng dalawa." sabay hila ni Alex kay Cass patungo sa stage upang icheck kung maayos na ang pagkakakabit ng mga dekorasyon.

 

"Hoy teka lang! Hindi pa natin tapos itong aisle!" sigaw ni Kata sa dalawa

 

"Kaya niyo na yan mga lods!" sigaw pabalik ni Alex sabay saludo sa dalawa habang naglalakad papunta sa harapan.

 

"Oh siya, ako na dito sa kabila tapos dyan ka na sa linya na yan. Labyu." pag-utos ni Kata kay Gigi dahil kailangan na rin nilang matapos ito dahil ang susunod naman nilang aayusin ay ang reception area.

 

"Ge ge" pagsang-ayon na lang ni Gigi at sinimulan ng ayusin ang mga bulaklak na dekorasyon sa hilera ng aisle.

 

"Ge ge Gigi hehe" hagikgik ni Kata sa naging sagot ni Gigi sa kanya at sinimulan ng ayusin ang mga dekorasyon bulaklak. 

 

Talagang pinagtutuunan ito ng pansin ni Kata dahil gusto niya na maganda ang lalakaran ng bride. 

 

 

 

Sa kabilang banda

 

"'Tol, set-up mo na yung camera 'don sa bandang stage. Make sure kuha yung buong venue." Utos ni Miguel kay Jio na last minute ay nakasama rin. 

 

"Copy," sagot ni Jio kay Miguel. "Karl paki-ayos na rin yung gagamitin nating camera para sa bride at groom. Puntahan na natin sila after iset-up cameras dito."  utos na rin niya sa assistant nila.

 

"Sige po." pagsunod ng assistant nila at nagpunta na sa stage para ayusin ang videocamera.

 

Nang makaalis ang dalawa ay naglibot na rin si Miguel at ang isa pang assistant sa venue upang icheck saan pa maganda magpwesto ng camera.

 

"Art, dito rin pakiset-up ng camera para kuha ng close-up yung entrance ng entourage at bride." utos ni Miguel sa kasamang assistant sabay turo sa may bandang likod ng mga upuan malapit sa paglalakaran ng bride. 

 

"Girl, is this okay na ba?"

 

"Ah sige, ako na magtatapos at mag-aayos dyan. Paki-check na lang sina Cass if oks na sila sa stage. Thank you!" 

 

"Okie, sure!" 

 

Hindi maiwasang marinig ni Miguel ang pag-uusap ng dalawang babae sa may aisle habang siya ay kumukuha ng sample shots mula sa entrance ng lalakaran mamaya ng entourage. 

 

"Boss, okay na po." sabi ng assistant nila matapos maset-up ang camera na kukuha sa entrance. 

 

"Sige, salamat. Pakitulungan na rin sina Jio para kunan ang bride at groom. Pati na rin mga pamilya." utos muli nito at saka nagpatuloy na sa pagkuha ng sample shots upang matimpla na rin niya ang settings ng camera niya at masigurado na ayos ang kuha ng wide-angle lens niya at prime lens niya. 

 

Sa mga weddings kasi ay dalawa ang ginagamit niyang camera talaga para naman lahat ng tao at pagkakataon ay makuhanan ng litrato at magsilbing magandang ala-ala. 

 

"Bro, oks na kami for video set-up. Puntahan na rin namin yung bride at groom. Ako na rin bahala mamaya sa wide-angle shots." biglang sulpot ni Jio kay Miguel na mabilis na ring kumilos papaalis.

 

Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon makasagot pa si Miguel kaya naman ay pinagpatuloy niya na kumuha pa ng sample shots at dahil prime lens na niya ang tinetest ngayon, ay saktong may subject na siya. 

 

*Click* *Click* *Click* *Click* *Click* sunud-sunod na pindot niya sa shutter ng camera niya habang finofocus ito sa babaeng busy mag-ayos ng mga flowers.

 

"Iha, is everything done na ba?"

 

"Hello po, yes po Ma'am. Finishing touches na lang po kami dito." 

 

"Nako, salamat! I want everything to be picture perfect and I'm glad you really turned this place into one."

 

"Thank you so much, Ma'am. It really means a lot to us po and for trusting our humble shop."

 

"Of course! I will also recommend your shop to my amigas. May iba ngang nagtatanong na haha!"

 

"Marami pong salamat!" 

 

"Hmmm nice." kausap ni Migs sa sarili niya matapos kuhanan ang subject ng sample shots niya.

 

~~**~~

 

Matiwasay na naidaos naman ang kasal at natuwa sila dahil lalong naging maganda ang kanilang ginawa nang makita ang bagong kasal na nasa stage.

 

"OMG girl! Sobrang ganda ng gawa natin. I'm so proud. I'll take a photo of this for remembrance." hindi mapigilang pagpuri ni Gigi sa kanilang magkakaibigan sabay kuha sa phone niya at kuha ng litrato

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet