Chapter 7 -

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

Migs

@miguelmartin

ikaw po yung trabaho ko kaya please, sagutin mo na po ako 🥺

 

 

"OMG" biglang sigaw ni Cass. Nakaupo silang apat sa may sala habang nanonood ng movie. Nanalo sina Alex at Gi kaya sila ang pumili ng pelikulang papanoorin at ang napili nila ay The Unholy. 

 

Sina Cass at Kata naman ay paminsan-minsan lang nanonood dahil hindi naman sila mahilig sa horror movies. 

 

 

"Sshh" sita ni Alex sabay kuha ng chips at nguya. Tutok silang dalawa ni Gi sa pinapanood. 

 

 

Tila hindi narinig ni Cass ang sita sa kanya dahil tumutok ulit siya sa kanyang phone at nagtipa. 

 

*Ting

 

Tunog ng notification sa phone ni Kata na agad rin niyang nakita sa notif bar dahil lumitaw ito. 

 

 

"CASSIOPEIA!" ang tangi niyang nasambit pagkabasa sa notification. 

 

"Guys, pause niyo muna!!" sabi ni Cass sabay upo sa center table para makaharap ang tatlo. 

 

 

"Tabe!!!" sabay na sigaw nila Alex at Gigi dahil naharangan ang kanilang pinapanood. Kaya naman no choice na si Cass kung hindi ay kunin na ang remote at ipause ang movie. 

 

 

"DELETE. YOUR. TWEET." pagbabanta ni Kata kay Cass. 

 

 

"Dun na lang kayo, nanonood kami ni Gigi!!" iritang sabi ni Alex habang pilit inaabot mula kay Cass ang remote control. 

 

 

"Hey?? What's happenning ba??" sa wakas na sabat ni Gi dahil mukhang di na talaga muna matutuloy ang panonood nila. 

 

Nag-aagawan pa rin sa remote sina Cass at Alex at ng magsawa si Alex ay nagsalita na si Cass, "Upo ka muna kasi Ate Alex dali!!" pagmamakaawa niya. 

 

"Tss. Ano ba kasi 'yon??" tanong ni Alex sabay pinagkrus ang mga braso. 

 

 

"Wala. Cass. Please delete that. Baka makita ni Ate Audra." sabat ni Kata at pinipigilan na si Cass magsalita kina Gigi. 

 

 

"What should Cass delete??" sosyal na marites talaga itong si Gi.

 

 

Dahil nakuha na ni Cass ang atensyon nila ay tsaka niya itinaas sa kanila ang kanyang phone. "Here."

 

 

Agad na napalapit sina Alex at Gigi dito. "OMG" "ANO 'TOOOO???" sabay nilang tanong nang mabasa ang ipinakita ni Cass. 

 

 

"Exactly. Ano 'to Ate Gurl??? Akala ko ba about sa work ka lang kinukulit ni Kuya Migs?" pag-iinterogate ni Cass kay Kata. 

 

 

"Bakit parang iba naman na ata 'yan?" tanong ni Gi na sinang-ayunan ni Alex. 

 

"It is about work. Wag madumi utak niyo." pagsagot ni Kata na may kasamang pag-irap. 

 

 

"About work pero may pa 'good morning'? May pa 'sagutin mo na po ako?' Lul wag kami. " may pagtaas na kilay na tanong ni Alex. 

 

"Ewan ko sa inyo. Delete ko na nga yung tweet. Bwisit na 'yon paano niya nahanap twitter ko." pagkausap ni Kata sa sarili sabay tutok na sa phone niya. 

 

"Girl, you're like an internet star now. Who wouldn't know your twitter??" pagsagot ni Gigi sa tanong ni Kata. 

 

"Eh kahit na. Bakit pa niya ako rereplyan dun." nakakunot pa rin ang noo ni Kata. 

 

 

"Eh baka naman kasi di mo nirereplyan sa text kaya ayan sa twitter na nagpapansin sa'yo. Iba ka rin talaga eh 'no. In fair, maganda ka naman kasi." sagot ni Cass kay Kata. 

 

 

"Wow ah. Thanks I guess." sarkastikong sagot naman ni Kata pabalik kay Cass. 

 

"Ano ba kasi balak mo talagang babae ka?" wala ng pasensyang tanong ni Alex kay Kata. 

 

 

"Wala. Wala akong balak nga to answer him and accept his proposal." simpleng sagot ni Kata. 

 

 

"Maka-ano naman 'to. 'Teh, business proposal lang naman 'yun. Akala mo naman ikakasal ka na." pagpoint out ni Cass.  

 

 

"Just reply to him na lang para matigil." suggestion ni Alex. 

 

 

"I already did nga diba? Pero finlood lang ako ng texts. Kung anu-ano pa ang tinext kaya dumumi 'yang mga utak niyo." sagot ni Kata. 

 

 

Nagkatinginan naman sina Alex, Cass, at Gigi. Mukhang may pinaplano na naman. Hindi naman iyon napansin ni Kata dahil ang atensyon nito ay bumalik sa kanyang phone. 

 

 

Hello, magandang tanghali. I hope you already ate your lunch, Ms. Katarina. 

If you need us to arrange your schedule in your shop so we wouldn't bother your work, we can communicate with your boss. Just please, reconsider our offer. 🙏🏻

This is a huge deal for us, I hope you'll help us. Thank you and always take care ☺️ 

 

 

 

Itong mga mensahe na ito ang nagpatahimik kay Kata kaya hindi na niya muling pinansin ang mga kaibigan. 

 

 

~~**~~

 

 

"Pagod na ako maghabol." biglang usal ni Miguel habang nakaupo at tulala sa office chair niya. 

 

 

Narinig naman ito ni Jio kaya napatanong ito, "Akala ko photographer ka, aso ka rin pala." 

 

 

Napatingin ng masama si Miguel kay Jio sabay bato dito ng kinumpol niyang papel, "Bwisit ka. Kung hindi mo naman sana pinost 'yon eh di sana hindi tayo namomroblema ngayon." 

 

 

Agad nakaiwas si Jio sa binato tsaka sinagot si Miguel, "Asows. Bakit mo naman kasi pinicturan? Ano ka may sariling souvenir??" tukso niya. 

 

 

Wala namang ma-rebut si Miguel dahil tanong niya rin ito sa kanyang sarili, "Tss. Can you please convince her din? Bakit parang ako lang ata nagtatrabaho dito?" 

 

 

"Sensya na bro, inaasikaso ko rin isang client natin eh. Pero kaya mo 'yan! Chance mo na 'yan to get to know her." sagot ni Jio sabay kindat kay Miguel. 

 

 

Alas singko na ng hapon at uwian na. Ngunit wala pa ring natatanggap na reply si Miguel mula kay Kata. 

 

 

Kaya naman ay naisipan na niyang umuwi sa condo niya. 

 

 

Katarina

Ate kong pinakamaganda sa balat ng lamang lupa! 

Naaalala mo pa ba nung bata pa tayo? Mahal natin ang isa't isa diba

 

 

Ate Ganda

Anong kailangan mo?

At anong lamang lupa??

 

Katarina

Ah hehe

 Nagrereminisce lang ako dito ate. No big deal hehe 

 

Ate Ganda

Tigilan mo ako. I already saw the tweets

 

 

Katarina

Ha? What tweets? 

 

Ate Ganda

You can go ahead na and do the shoot. 

 

Katarina

No Ate. Please, pag may tumawag sa'yo about it just say No 😭🙏🏻

 

 

Ate Ganda

Ako muna ang alin? 

 

Katarina

PINAKAMAGANDANG BABAE AT MAS HIGIT PA KAY MAMA MARY ANG KAGANDAHAN AT KABAITAN

 

 

Ate Ganda

Huh talaga lang ah, kaya pala pinalit mo yung picture frame ko don sa altar walang hiya ka!

 

Katarina

Kasi nga Ate, ikaw ang gusto kong sambahin. Kaya please po, please say No to the offer 😭

 

 

Ate Ganda

🙂

 

 

"Waahhh bakit ko ba kasi ginawa 'yon???" mapanlumong sambit bigla ni Kata kaya naman agad na napatingin sa kanya ang tatlong kaibigan. 

 

"Huy teh gurl anyare?" 

 

"Nababaliw ka na naman"

 

"Lods nakahithit ka ata" 

 

 

Sinamaan naman ng tingin ni Kata ang tatlo dahil sa mga sinabi nila, "Tse! Bwisit kasi, bakit ba ako makikipagtrabaho dun sa mayabang na 'yon." 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet