Chapter 6 - Good Morning

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

"Ay potacca!!" gulat na sambit ni Cass at agad na napalingon sa nagsalita at mas lalong nagulat dahil magkalapit na ang mga mukha nila. 

 

Nang mapansin kasi ni Kata na nabusy bigla si Cass sa cellphone at patawa-tawa pa ito ay nilapitan niya ito at inusisa ang pinagkakaabalahan nito. 

 

Nakita niya na nagcchat ito sa isang group chat na may pangalang "Oplan Hanap Jowa for Kata" kaya naman kahit nagulat ay nanihimik muna siya upang malaman ang pinag-uusapan nila at kung sino ang mga miyembro ng group chat. 

 

Gi

Wait, how and when??

 

Cass

So...um hehehe

Someone asked me for Ate Kata's number. He said he's from The Perfect Click Studio daw. So I gave it to him hehe

 

Gi

What? Are you serious about that, Cass?? Alam na ba ni Kata?? 

 

Cass

Um no hehe

But!! We have to get them on a date!! Sobrang bagay nila!! 

 

Gi

Okay, let's be clear lang ah. Labas ako dyan. Baka mamaya tuluyan na akong mapatay ni Kata. 

 

Cass

Relax, she won't know hehe

 

 

At nang mabasa ang huling nireply ni Cass ay dun na siya nagsalita. 

 

Sa gulat ay nalaglalag pa ni Cass ang kanyang phone kaya naman nakahanap siya ng tyempo upang makalayo kay Kata, "A-ah h-ha?" kinakabahan niyang tanong habang pinupulot ang kanyang cellphone. 

 

Napatayo naman ng diretso si Kata at pinagkrus muli ang kanyang mga braso tsaka tinignan ng mataman si Cass, "So you're the one who gave my number to that guy? Ha?" kalmadong sabi niya ngunit may pagtaas na ng kilay. 

 

"A-ano kase Ate..." nauutal na sagot ni Cass. Kinakabahan sa kung ano ang maaaring gawin ni Kata. 

 

"What?" nanatiling nakataas pa rin ang kilay ni Kata kay Cass. 

 

Agad na lumuhod si Cass sa harap ni Kata, "Ma..I'm sorry Ma..." pagmamaka-awa niya pa kay Kata. 

 

 

Hindi naman makapaniwala si Kata kay Cass, "Tss. Tumayo ka nga dyan!" paghila niya patayo kay Cass. 

 

 

Nang maitayo niya ay hinawakan niya ito sa magkabilang braso, "Now explain." malalim ang pagkakatingin niya dito habang inaantay na magsalita si Cass. 

 

 

"Okay, um." inayos ni Cass ang sarili tsaka sinimulan na ang pagkwento. 

 

"And that's how he got your number...po" alanganing pagkwento ni Cass ni Kata. 

 

 

"So wait, your Kuya owns that studio?! Eh bakit ka pa nagtatrabaho dito sa amin?" naguguluhang tanong ni Kata. 

 

 

"Eh...I wanna be independent kasi Ate girl. Plus, he'll be strict kapag sa studio niya ako nagwork," Cass pointed out then linked her arm to Kata, "Unlike kayo na super bait and super ganda na mga Ate ko." tsaka nagpuppy eyes. 

 

"Pssh. Tigilan mo ako sa ganyan baka konyatan ko lang mata mo." Kata warned Cass then unlinked their arms. 

 

Ngunit hinabol naman ni Cass ang naglalakad papalayo na si Kata tsaka muling pinagbigkis ang kanilang mga braso, "Ehh...Sorry na po, Ate huhu" paghingi niya ng patawad. 

 

 

"Hmmmp!" pagtatampo ni Kata ngunit malambot ang puso nito sa bata kaya naman ay hinayaan na lamang niya ito...sa ngayon. 

 

Half-day lang si Cass sa shop ngayon kaya naman ay iniistorbo na lamang niya si Kata pati sina Gi at Alex sa kanilang group chat. 

 

*ting *ting *ting

 

 

Sunu-sunod na pagtunog ng cellphone ni Kata ngunit hindi niya ito pinapansin dahil may mga customers sa shop pa. 

 

 

"Thank you and come again po" paalam niya sa huling customer. 

 

 

Ngayon na siya nagkaroon ng pagkakataon na buksan ang mga messages niya. 

 

 

 Paro Paro G 🦋

Cass

ATE KATA ANO NA

 

Gigi

KATA PAKIGALAW ANG PITSEL

 

Alex

Huy ano yan?

 

Cass

OMG ATE ALEX DI MO BA KNOWS? 

 

Gigi

Busy masyado sa mga plano ng buildings yan, pero walang plano sa buhay #OOF

 

Alex

Aba bastusan, square-an tayo oh ano? 

 

Cass

Wala ka pala sa mima ko, Ate Gigi eh. Ano palag ka? 

 

Katarina

Hoy Cassiopeia, wala ka bang klase ngayon???

 

Cass

pOTA BUHAY NA SI KATA

 

Katarina

Tss..ano ba yun?

 

Cass

SAGUTIN MO NA SI KUYA MIGS!

 

Gigi

Oo nga gurl!! Sayang naman!!

 

Alex

Teka ano 'to?? Sagutin si Migs? Ano merooooonnn???

 

Cass

Hay nako Ate Alex. So eto ka na nga

Nag-email si Kuya Miguel kay Ate Kata

 

Alex

Oh anong email naman yan?

 

Gigi

He's asking our girlie Kata to go out on a date with him lang naman!!!

 

Cass

At itong si Ate Kata ayaw replyan si Kuya Migs!!

 

Katarina

Tigilan mo ako Cass, may atraso ka pa sa akin 😒

 

Cass

Ehh sorry na Ate Kata! I'm just helping you eh

 

Katarina

Anong klaseng help ang ibigay ang email at number ko???

 

Gigi

Gurl if I were you, rereplyan ko na si Miguel. Hello??? That's Migue Martin!!

 

Alex

Akswali i agree, date pa lang naman eh di pa kasal

 

Katarina

I don't even personally know him????

 

Gigi

Eh gaga ka, kaya nga pumayag ka makipagdate para makilala mo

 

Cass

PERSONALLY

 

Katarina

I don't have time for dates

 

 

At doon na tinapos ni Kata ang pakikipag-usap muna sa mga kaibigan niyang sa tingin niya ay nahihibang. 

 

Alas singko na ng hapon at busy pa rin sa customers si Kata. Siya lang ang tao sa shop nila ngayon dahil ang Ate Audra niya ay busy sa pag-asikaso ng mga kakailanganin nila para sa upcoming event nila at si Cass naman ay nasa klase. 

 

"Pabili nga po ng ice candy" sabi ng customer bigla kay Kata kaya naman ay napa-angat siya ng tingin. 

 

"Alex??!" gulat niyang sambit ng makita ang kaibigan na may mapanlokong ngiti sa kanya ngayon. 

 

"Present din" sulpot ni Gi with matching taas ng kamay pa na akala mo may attendance check. 

 

"Em beck" si Cass naman na dumiretso sa likod ng counter na. 

 

Dahil sa gulat ay hindi agad nakapagsalita si Kata, nagpalipat-lipat lamang muna ang tingin nito sa tatlong babae, "Anong ginagawa nito dito?" sa wakas na turan niya. 

 

"Pabili nga po ng ice candy." pag-ulit ni Alex

 

"Well duh, we're here para replyan mo na si Migs!" excited na tugon ni Gi, "Ay wow nickname basis agad" sabay bulong sa sarili

 

"Tss. Magsiuwi na kayo. Wag kayo manggulo dito. May customer pa oh. " pagtataboy ni Kata kina Alex at Gigi. Si Cass naman ay di niya mataboy dahil kailangan niya ang tulong nito sa shop. 

 

Agad na gumilid naman ang dalawa at hinayaan muna asikasuhin ni Kata ang customer. Si Cass naman ang nagcheck muna if may mga client emails sila. 

 

*Ting!

 

Tunog ng email notification mula sa laptop na agad namang tinignan ni Cass. 

 

"OMG" malakas na pagkakasabi ni Cass. Mabuti na lamang ay nakalabas na ang huling customer nila at silang apat na lang muli ang nasa shop. 

 

Agad na napalingon si Kata kay Cass, "Why? What happened?" tanong nito sabay lapit sa kanya. 

 

 

"The Perfect Click emailed us again." shocked na sagot ni Cass kaya naman nang marinig ito nila Alex at Gigi ay agad na nagpunta ang mga ito sa pwesto nila Cass. 

 

"Omg. What did the email say?" ganon ang sosyal na Marites ala Gigi. 

 

 

"Well, yung project proposal-"

 

*Ting 

 

Tunog ng phone naman ni Kata kaya naputol ang sasabihin ni Cass. Dahil sa katabi lamang ng laptop ang cellphone ni Kata ay agad nakita ni Cass kung kanino galing ang message na natanggap. 

 

 

"OH MY GOD" sa gulat niyang muli ay napatakip na siya ng kanyang bibig sabay turo sa phone ni Kata. Sina Alex at Gi naman ay pilit dumudungaw. 

 

Agad na kinuha ni Kata ang kanyang phone at tinignan kung ano ang ikinagulat ni Cass. 

 

Nang makita ang mensahe ay nanlaki rin ang kanyang mga mata. Akala niya ay titigilan na siya nitong itext dahil ilang oras na rin mula nung huli nilang text ngunit nagkamali siya. 

 

"Well, hello?? We're here too? Who's that??" kapag Marites ka talaga dapat persistent ka to get the latest scoop! 

 

Dahil natahimik si Kata nang mabasa ng buo ang mensahe ay di na napigilan ni Cass na dungawin ang phone ni Kata at tignan kung ano ang mensahe. 

 

 

"It's Kuya Miguel" Cass mouth worded to Alex and Gi

 

Ngunit dahil sadyang malakas ang boses ni Cass na kahit pilitin man niyang bumulong ay ri

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet