Chapter 16 - The Parents

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

Nakarating sina Kata sa bahay ng matanda. Bongga ang gate papasok sa bahay ng matanda. Malawak ang daan at halatang nakadisenyo ito upang makapagpark ang maraming sasakyan. Ngunit agad itong napalitan ng mas matinding paghanga dahil sa mala-mansion na bahay ng matanda. 

 

 

 

 

Agad silang pinagbuksan ng mga maid ng pinto ng sasakyan at iginiya papasok ng mansion. 

 

 

 

 

"Manang, nariyan na ba ang lahat?" Mala-donyang tanong ng matanda sa katulong. 

 

 

 

 

Dito napaisip si Kata na iba talaga ang buhay mayaman. 

 

 

 

 

"Yes po, Madam. Kayo na lamang po ang hinihintay. Nasa dining room na po sila." pagsagot ng katulong sa matanda sabay kuha ng bag na bitbit ng matanda. 

 

 

 

 

 

Agad silang nagtungo at hindi maiwasang mamangha ni Kata sa ganda at garbo ng loob ng mansion. Mula sa entrance ay dumako sila sa foyer na may malaking aranya at malaking bilog na table na may vase ng magagandang bulaklak. Tsaka sila naglakad patungo sa sala na puno ng mga gintong muebles at malalaking paintings sa dingding. Mayroon ding malaking family potrait doon at napansin ni Kata na may pamilyar na mukha pero hindi na niya gaano naisip dahil patuloy lang sila sa mahabang lakaran patungo sa dining room ng bahay. 

 

 

 

 

Dahil sobrang laki nga ng bahay ay hindi na naging sorpresa pa kay Kata na isang lakbayin ang magpunta sa bawat area ng bahay at mapalibutan ng mamahaling mga gamit kaya naman ay natutunan na niyang itikom ang kanyang bibig pagdating nila sa dining area. 

 

 

 

 

 

"Hi Mama! Glad you're here already!" Bati ng isang may edad na babae kay Mrs. Martin.

 

 

 

 

"Hello, iha. Everyone is here na 'no?" Bati pabalik ng matanda tsaka tinignan ang mga taong nagkumpulan sa dining area. 

 

 

 

 

Sa tantya ni Kata ay abot sila sa sampung tao. Base lamang to sa madaliang pag scan ng kanyang mata sa mga taong busy magkwentuhan at tila hindi pa alam ang kanilang presensya. 

 

 

 

 

"Guys, settle down now. Mama is here." Pag anunsyo na ng babaeng sumalubong sa kanila. 

 

 

 

 

 

Nahiya naman si Kata sa biglang lingon ng mga tao sa kanila pero agad itong napalitan ng gulat dahil sa hindi inaasahang pares ng mga mata. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Kata?!" "Migs?!" sabay nilang gulat na sambit. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagpalipat-lipat naman ang tingin ng mga tao sa kanilang dalawa dahil maging sila ay nagulat na magkakilala ang dalawa. 

 

 

 

 

 

 

Dito na rin pumasok ang mga tanong sa kanilang isipan kung sino itong kasama ng matanda sa kanilang family dinner. Tiyak naman alam nilang hindi nila ito kamag-anak. 

 

 

 

 

 

"I guess you have already met my apo haha," pilyang ngiti ng matanda kay Kata. 

 

 

 

 

"Anyways, let's settle down people and start our dinner. I'm sure all of us are hungry now." 

 

 

 

 

 

Wala namang nagawa na ang mga tao dahil ang matanda na ang nag-utos sa kanila kaya agad na silang pumwesto sa hapag-kainan. 

 

 

 

 

Naupo ang matanda sa kabisera habang pinaupo naman siya sa kanang upuan ng matanda. Si Miguel ay naupo sa pangatlong upuan mula sa kanyang harapan. Bale ang kaharap niya ngayon ay ang tingin niyang ama ni Miguel dahil ito ay mukhang matandang version ng binata. 

 

 

 

 

Dito rin nakumpirma ni Kata na ina ni Miguel ang sumalubong sa kanila dahil ng makita na nasa gitna ito ng tatay ni Miguel at ni Miguel, ay makikita mo rin ang resemblance nito sa binata. 

 

 

 

 

Kaya pala noong pagkasalubong sa kanila nito ay parang may naalala siyang tao. Unang naisip pa niya ay baka yung nahagip ng kanyang mga mata kanina sa family portrait na bahagyang tama naman pero ayun nga at kahawig din pala ni Miguel. 

 

 

 

 

 

 

Ang naupo naman sa kanyang kanan ay ang sa tingin niya ay kapatid ni Miguel? Or baka pinsan? Hawig din kasi nila eh. 

 

 

 

 

 

Ang mga hindi kahawig nila Miguel ay naupo naman sa mga bakanteng upuan pa. 

 

 

 

 

Ang babaeng sa tingin niya ay kasing edad niya lamang pero hamak na mukhang galing sa isang mayamang pamilya dahil maganda ang pananamit nito pati na rin ang mukha at kutis nito ay naupo sa tabi ni Miguel. Halata rin sa mukha ng dalaga na excited itong makatabi si Miguel. 

 

 

 

 

Sunod naman niyang napansin ay ang batang lalaki na tumabi sa babaeng kapatid ni Miguel tsaka ang nanay nito at ang tatay naman ay naupo sa kabilang kabisera. 

 

 

 

 

 

Pero teka, kamag-anak rin ba sila nila Mrs. Martin kung hindi sila kahawig? pagtataka ni Kata. 

 

 

 

 

 

Well, baka malayong kamag-anak at ngayon lang dumalaw sa kanila? Sagot naman ng kanyang isipan. 

 

 

 

 

 

 

Nang maka-upo na ang lahat ay agad ng sinimulan i-serve ang appetizer. Mabuti na lamang at sanay si Kata sa mga ganitong klaseng kainan. Nakikita lamang niya ito sa mga formal events na ginagawa nila at ito lang ang first time niya ma

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet