Chapter 9 - Take Out

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

Makalipas ang ilang araw mula nung event nila sa hospicio, balik normal lang naman ulit si Kata sa flower shop nila. 

 

Ang kanyang Ate Audra na kasi ang naging punong abala para sa malaking wedding na gaganapin sa Linggo kaya naman siya na ang pinatao muna sa kanilang flower shop para naman tuloy-tuloy pa rin ang benta nila. 

 

 

Si Cass naman ay naging assistant muna ng kanyang Ate kaya si Kata ang all around sa shop nila. At hindi naman nagrereklamo si Kata dito dahil gamay na gamay na niya ito kaya chill lang siya kahit pa dumami customers nila. 

 

 

"Annyeong! Ito na ang koryeana niyong friendship!!" malakas na pagbati ni Cass pagkapasok sa shop. 

 

"Tanghaling tapat ang ingay ingay," ismid ni Kata kay Cass, "bakit ka nandito? Tapos na ba kayo ni Ate?" tanong nito. 

 

 

"Yes po, ma-zam. Hello? Ako pa ba? Queen of multi-tasking kaya 'to 'no." pagpuri ni Cass sa sarili sabay hair flip at sadyang pinatama pa kay Kata ang buhok nito. 

 

 

"Pwe. Naliligo ka naman ba? Bakit parang ang greasy ng hair mo??" pagpuna ni Kata matapos hawiin sa kanyang mukha ang ilang hibla ng buhok ni Cass, "Hoy bata baka ikaw napapabayaan mo na pag-aaral mo ah. Sinasabi ko sa'yo lagot ka sa amin ni Ate." pagbabanta nito with matching turo pa kay Cass. 

 

 

"Relax. Ate Auds almost did all of the job po. She just tells me to contact suppliers and follow-up our orders to make sure it will be delivered on time and safely." pagpapaliwanag naman nito. 

 

 

Cass really treats Kata and Audra as her real big sisters. They were also the ones who treated her as family when she had no one here living alone in the Philippines. Kaya naman sinusunod nito ang mga bilin lagi sa kanya at alam niyang gusto lamang nila ang best for her. Oh diba, pamilya yarn! 

 

 

"Siguraduhin mo lang ah, kun-" naputol na pagbanta muli ni Kata nang sumingit magsalita ang nakababata. 

 

 

"Ay teh gurl tinatanong na rin pala ni Ate Auds kelan na daw ba yung sa photoshoot mo? Kasi hindi ka na nga daw niya sinama para makapagfocus ka dun eh." curious na tanong ni Cass 

 

 

"What photoshoot? I don't have any." Kata plainly answered. 

 

 

Si Cass na pagod na, "Ito na naman ba tayo? Teh gurl! Sayang din yun no. Pag-isipan mo, give your own terms na lang din like isang photoshoot lang ganern or one project lang." pagkumbinsi pa ni Cass kay Kata. 

 

 

 

"Ewan." wala na ring masagot pa si Kata. 

 

 

Naiwan siyang muli sa counter dahil nagpunta si Cass sa opisina upang ilagay doon ang ilang contracts mula sa suppliers. 

 

 

Inabala na lang ni Kata ang sarili sa paggawa ng bagong flower arrangement dahil medyo mabenta ang mga ito ngayon. 

 

 

'Naol nabibigyan ng flowers' bulong niya sa sarili habang nag-aarrange. Dahil hilig na rin niyang gawin ito ay madalas talagang nawawala si Kata sa mundo dahil sa sobrang focus niya rin. 

 



 

 

"Hi Miss. Isang order ng Katarina Matias. To go." sabi ng lalaking may baritonong boses. 

 

Agad naman na napa-angat ng tingin si Kata sa taong nagsalita. 

 

 

"H-ha?" gulat niyang sambit dahil sa pagkagitla at dahil sa...

 

 

Una, ang mahalimuyak na pabango ng lalaki na tumatalo sa amoy ng bulaklak na kanyang hawak at sa amoy ng kape na panigurado ay tutunggain ni Cass;

 

 

Pangalawa, ay ang baritonong boses nito na siyang dumagdag sa pagkagitla niya;

 

 

At pangatlo, ay ANO DAW???? 

 

 

"Ate K-" napatigil sa pagsasalita si Cass nang makita kung sino ang shop ngayon. 

 

 

Agad naman nakabawi si Cass at muling naging marites.

 

  

Paro-Paro G 🦋

*photo

GWAPO ALERT

MAY DUMALAW SA SHOP MGA BADENG

 

Gigi

Kata yung buhok mo umaabot dito sa akin shutacca

 

Alex

HOY OMG???

 

 

"One Katarina Matias for take-out please. Thank you." pag-ulit ng lalaki habang may nakakapanglaglag na ngiti. 

 

"Coming right up!" sabat ni Cass at agad na kinuha ang mga bulaklak na hawak ni Kata at tsaka tinulak papalabas ng counter si Kata. 

 

 

Hindi naman maka-angal itong si Kata dahil sa bilis ng kilos nitong si Cass at nakita na lang niya ang sarili na katapat na ang lalaki. 

 

 

Dito lang din napagtanto ni Kata na ang tangkad pala ng lalaki dahil napatingala siya dito. 

 

 

"Ahem. Anong kailangan mo?" pagpukaw sa atensyon ni Kata sa lalaki dahil ilang segundo rin silang nagkatitigan. Laking pasasalamat din ni Kata na hindi nawala ang composure niya at diretso siyang nakapagsalita. 

 

 

Aaminin niya, may kakaibang epekto naman talaga sa kanya ang lalaki.

 

 

'Hello? Sinong hindi ma-aattract sa tall, dark, and handsome na chinito? Wait, attract? Hindi. Hindi ako attracted. It's just a general thought.' pagkausap ni Kata sa sarili. 

 

 

"Is it okay?" tanong ng lalaki kay Kata. 

 

 

"Um. Is what okay?" naguguluhang tanong pabalik ni Kata dahil hindi niya alam ano ang tinatanong ng lalaki sa kanya. 

 

 

"Hahaha, I just wanna know if it's okay to talk privately with you?" pag-ulit ng lalaki sa tanong. 

 

 

"Uh. You can talk to me here right now." sagot ni Kata at pilit isinasalba ang sarili sa pagkapahiya dahil hindi niya narinig ang tinanong ng lalaki dahil busy ang utak niya sa pagsabi sa sarili na hindi nga siya attracted sa lalaki. 

 

 

"Umm.." tanging nasabi lang ng lalaki sabay pasimpleng tingin kay Cass na nakasmile sa kanilang dalawa habang nakapangalumbaba sa counter. 

 

 

Para bagang nanonood ito ng isang K-drama. Live pa. 

 

 

Kaya naman nilingon ni Kata ang tinignan ng lalaki sabay sabing, "It's okay if she's here. You can talk to me now." pag-usig muli ni Kata. 

 

 

Ngunit nahalata naman ni Cass ang nangyayari kaya dali-dali siyang nagpunta sa pwesto ng dalawa at iginiya niya ang dalawa sa table sa labas ng kanilang shop. 

 

 

"Hehe. I'll just make your orders po. Enjoy!" Sabi ni Cass sa dalawa na gulat pareho sa bilis ng pangyayari dahil nakaladkad agad sila papaupo sa table. 

 

 

 

 

"Umm"

"Ah.."

 

 

There was a moment of awkward silence between the two for a while. 

 

 

"I'm sorry if I barged in to your shop.." panimula ni Miguel, "I just want to know if I can stand a chance again?" tanong nito. 

 

 

"Can you please stop asking vague questions? Baka kung ano na naman isipin ng iba dahil sa tanong mo." iritang tugon ni Kata sabay pinagkrus ang mga braso. 

 

 

"Sorry. But I promised you I won't give up until you accept our project proposal and I always keep my promises." seryosong tugon pabalik naman ni Miguel. 

 

 

Hindi naman agad nakasagot si Kata. 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet