Chapter 13 - Choices

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

Nang sundan na ni Percy ang kaibigan ay siya namang silip ni Jio sa desk ni Miguel tila naghahanap ng clue kung bakit biglang nagwalk-out ang kaibigan.  

 

 

"Ahhhhhhh kaya pala. Tsk tsk malakas na talaga tama nitong tropa ko." natatawa nang makita at marealize ni Jio ang biglang tinuran ng kaibigan.

 

 

Ang nakita lang naman ni Jio sa screen ni Miguel ay ang scene kung saan biglang niyakap ni James si Kata noong picnic scene sa Luneta Park. 

 

 

Si Miguel ang inatasang editor ni Percy dahil ilang araw na ring wala sa trabaho si Miguel kaya naman ay binigyan niya ito ng task. 

 

 

At sa lahat pa nga ng ipapa-edit niyang episode ay ang picnic date episode pa. 

 

 

"Bro, any problem? You can always tell me." pagsulpot ni Percy ng makita si Miguel sa may parking lot sa likod ng kanilang studio. 

 

 

"H-ha?" nagulat si Miguel sa biglang pagsulpot ng kaibigan. Masyado siyang nabusy kakaisip kung sino ba ang lalaking iyon sa buhay ni Kata at kung bakit ganon na lang ang naging reaksyon nung sumigaw si Kata. 

 

 

 

"Dahil pa rin ba 'to sa blind dates na sineset-up nila Tita sa'yo?" pag-uusisa ni Percy. 

 

 

"Um, no." nakakunot-noo na tugon ni Miguel. Hindi rin niya alam kasi kung ano na nga ba talaga dahil ang dami na rin niyang iniisip. 

 

 

Nag-iisip siya ng paraan para maiwasan ang pagset-up sa kanya ng kanyang mga magulang. Iniisip rin niya ang babaeng unti-unting sumasakop sa kanyang isipan at...puso? 

 

At ngayon, dumagdag pa sa kanyang isipan ang lalaking biglang nasa eksena. 

 

Hindi lamang sa eksena sa Luneta Park ngunit eksena sa buhay ni Kata. 

 

 

Oo, si Kata. Katarina Matias. Ang dahilan kung bakit ilang linggo na rin siyang hindi mapayapa. 

 

 

"I'm assuming it's a girl problem?" taas-kilay na tanong ni Percy. Kilala niya ang kaibigan. Nakita na rin niya maging ganito si Miguel noong college sila ngunit saglit lamang iyon dahil pa-graduate na sila noon at iniwan na rin ng kaibigan ang naging girl problem nito sa college. 

 

 

Tinignan lamang ni Miguel ang kaibigan dahil kahit ano naman ang gawin nito ay wala siyang maitatago pa sa kaibigan. 

 

 

At dahil sa naging tingin na ito, nakumpirma ni Percy ang iniisip ng kaibigan. 

 

 

"Hmm let me guess, is this...Kata?" pagkukunwaring paghula ni Percy pero sigurado naman siya. Gusto lamang niyang kumpirmahin ito ng kaibigan. 

 

 

Matagal bago sumagot si Miguel. At dahil dito ay nakumpirma muli ni Percy na tama nga siya. 

 

 

Hindi naman aware si Percy na malalim na pala ang pagtingin ng kaibigan kay Kata kaya akala niya ay okay lang si Miguel. 

 

 

Tinapik na lamang ni Percy ang balikat ng kaibigan, "Then bro, what are you waiting for? Stop being sulky and pursue her." pagconvince ni Percy. 

 

 

"I..I can't. I'm caught up in this relation thingy my parents thought of." tila natalo sa gyera na tugon ni Miguel. 

 

 

"Sus, yun lang pala eh. Then why don't you pursue Kata tapos siya ang ipakilala mo siya sa parents mo? Para naman matahimik na rin sila sa paghanap ng magiging jowa mo." 

 

 

"As if naman ganon lang kadali 'yon, bro. You know my parents. They always want their own way." pagsuko ni Miguel hindi pa man nasisimulan ang pagsubok. 

 

 

"Bro, they're still your parents. I'm sure they just want what's best for you. And once they see that she's the best for you, I bet they'll accept it." pagkumbinsi pa ni Percy sa kaibigan. 

 

 

"I...I don't know man." hindi na alam ni Miguel ang dapat isipin. Naguguluhan na rin siya dahil kung ipupursue niya si Kata at maging sila man, natatakot siyang baka hindi sila payagan ng kaniyang magulang at mabalewala lang ang lahat. 

 

 

Pero, naiisip rin naman niyang what if...what if siya ang great taste white char, what if it will all work out? 

 

 

May punto rin naman ang kanyang kaibigan. Kaya lalo siyang naguluhan ngunit nabigyan rin ng lakas ng loob na sundin ang gusto niya. 

 

 

 

~~**~~

 

*ting!

 

Nagitla si Kata sa biglang tunog ng kanyang phone. Pasado alas onse na ng gabi at patulog na sana siya. 

 

Nagdebate pa siya sa kanyang isipan kung titignan niya kung sino ang nagtext o ipagpapaliban na lamang muna niya at bukas na tignan ito. 

 

Pero what if urgent or emergency yung text or chat? tanong ng kanyang isipan 

 

Nah, if urgent man 'yan magtetext ulit 'yan or tatawag na pagsagot naman kanyang isipan. 

 

*ting!

 

At dahil sa dalawang text notifications ang natanggap ay bumangon na si Kata at kinuha ang cellphone sa bedside table niya. 

 

 

Hello 

Gising ka pa? 

 


Nanlaki ang mga mata ni Kata sa mga nabasa. 

 

 

Mas lumaki pa ito nang makita kung kanino nanggaling ang mga text na ito.



Hi, yes

 

 

Kung nakailang tipa siya bago niya maisend ito ay 

hindi na nabilang pa ni Kata

 

 

Pinag-isipan pa niya kung maglalagay siya ng emoji or hindi pero since wala namang emoji si Miguel, edi hindi na rin niya nilagyan. 

 

 

Oo, si Miguel. Ito lang naman ang taong naka (0999) pa rin ang contact name sa phone ni Kata. 

 

*ting!

 

Bakit di ka pa tulog? 

 

Nagulat muli si Kata ng biglang tumunog ang kanyang phone pagkasend niya ng reply. 

 

 

Matutulog na sana pero may istorbo eh 

Charot 

 

Sorry haha ✌🏻

 

Okay lang. Ano kailangan mo? 

 

 

Nagtaka naman si Kata kasi ang tagal bago magreply ni Miguel. 

 

 

"Hala, baka tinulugan na ako nito. Ta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet