Chapter 8 - Babe

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

"Hi Katarina! Kumusta ka na, iha? Namiss kita lalo na ng mga bata." rinig nila Miguel na pagbati ng isang madre sa dalaga. 

 

"Hello po, Sister Irene. Okay naman po ako. Kayo ho ba rito? Mukhang miss na miss nga po ako ng mga bata hehe." mahinhin at nahihiyang sambit ng dalaga. 

 

"Ito, masaya naman kami dahil sa mga patuloy biyaya." tugon ng madre

 

"Ah, nasan ho po pala si Mother Superior? May pinapabigay po kasi si Mama." tanong niya nang maalala ang bilin ng ng kanyang ina. 

 

"Teka, nandoon ata si Mother Superior sa kanyang silid. Halika, iha." pag-aya ni Sister Irene kay Kata. 

 

Naiwan naman ni Kata ang tatlong kaibigan na tuwang-tuwa habang nakikipaglaro sa mga bata.

 

 

Samantala ay sinusundan lang ng tingin at hindi makapaniwala ngayon si Miguel sa nakita. 

 

"Apo, naririnig mo ba ako?" pagkalabit muli sa kanya ng matanda. 

 

"Sorry po, ano po 'yun?" pagpaumanhin niya dahil sa pangalawang pagkakataon...pang-ilang pagkakataon ay natameme na naman siya ng dahil sa dalaga. 

 

"Ang sabi ko ay kumain ka na don at mukhang nakuhanan mo naman na ang lahat ng litrato. Oh siya, I'll go to Mr. Fuentes lang ah." pagkasabi nito ay agad na naglakad papalayo ang kanyang lola. 

 

"Kuya Miguel??" rinig niyang tawag sa kanya. 

 

"Cass?" gulat niyang tanong pero nagkunwari lang talaga siya dahil nakita niya ito kasama ni Kata kanina na pinagkukumpulan ng mga bata. 

 

"Kuya! You're here pala! Hindi mo naman kasama si Kuya ko 'no?" tanong ni Cass sabay libot ng paningin sa kabuuan ng hardin, pilit hinahanap kung nandon nga ang kanyang kapatid. 

 

 

"Chill," pagtigil niya sa pag-ikot ni Cass sabay gulo sa buhok nito, "Ako lang ang nandito. Plus it's a personal schedule." pagpapaliwanag niya ng matigil na sa kakalibot ng paningin at katawan itong si Cass. 

 

"Ah hehe buti na lang," nakahinga ng maluwag naman si Cass sa narinig, "Ay teka, si Ate Kata nandoon. Tara!" sabay hila niya kay Miguel. 

 

Nagpatianod na lang si Miguel dahil gusto niya ring makita si Kata. 

 

Nang makita ang dalaga ay hindi agad sila nakalapit dahil may mga madre itong kasama ngayon. 

 

May isang madre nga rin na may karga ng bata, mga 1-year old pa lang siguro, tantya ni Miguel. 

 

 

"Ay may kausap pa pala si Ate," sabi ni Cass, "pero may ibang gustong kausapin 'yan eh." pag-iintriga niya kay Miguel. Nagpaalam na lang si Cass dahil gusto niya bigyan ng pagkakataon ang dalawa na makapag-usap. 

 

 

Ngunit hindi naman magawang lapitan ni Miguel ang dalaga dahil ayaw niyang istorbohin ito na giliw na giliw sa batang karga niya ngayon. 

 

 

Tila natunaw ang puso ni Miguel sa nakikita kaya naman agad niya itong kinuhanan ng litrato. Malaking pasasalamat ni Miguel sa kamera dahil naiimortalize nito ang mga ganap sa buhay ng tao. 

 

 

"Lapitan mo na. Kanina mo pa tinititigan eh." biglang sulpot ng isang tinig kay Miguel. 

 

"Lola?!" gulat niyang sambit, "h-hindi po ah." sabay tanggi sa paratang ng kanyang lola. 

 

"Nako apo, sa tanda kong ito alam ko na iyan. Oh siya, dahil lola mo ako, ako na gagawa ng paraan." pagkasabi ng kanyang lola ay agad niyon nilapitan si Kata at ang mga madre. 

 

Wala namang nagawa na si Miguel at agad na gumilid upang hindi siya makita agad pero nasa tamang distansya pa rin upang marinig ang kung anong sasabihin ng kanyang lola. 

 

"Magandang hapon Sisters," rinig niyang bati ng kanyang lola, "pati na rin sa iyo iha."

 

"Magandang hapon po." rinig niyang bati pabalik ni Kata 

 

"Pasensya na pero kanina pa kita napapansin and parang ngayon lang kita nakita dito," panimula ng kanyang lola, "novice ka ba rito, iha?" diretsong tanong nito. 

 

 

Natawa naman si Miguel ng bahagya dahil mukhang anghel naman kasi talaga ang babae at aakalain mong baka kamag-anak pa ito ni Mama Mary kaya hindi nakakagulat kung nasa ganitong lugar siya. 

 

"Ah, hindi po hehe. Madalas din po  ako nakakadalaw dito, tuwing kaarawan ko po. Pero ngayon po bumalik po ako dito kasi kami po ang nagset up para sa event niyo po ngayon." mahabang paliwanag ni Kata. 

 

"Ah, ganun ba? Maraming salamat, lalo niyong napaganda ang hospicio. Pero pasensya na ah, napakagandang dalaga mo kasi," sabay ngiti ng matanda, "Maigi naman at baka pwede pa kitang maireto niyan sa apo ko." pagbibiro nito na siyang ikinatawa ng ibang mga madre. 

 

Nagulat naman si Kata sa tinuran ng matanda dahil akala niya ay kung ano ang sasabihin nito pero classic Lola lang pala na nagrereto ng apo niya kaya naman nakitawa na rin si Kata dahil mabait din naman ang matanda. 

 

Habang nagtatawanan ang mga kababaihan, si Miguel ay nagmamasid lang hanggang sa may batang lalaki na lumapit sa kanya. 

 

"Kuya, ano pong ginagawa niyo dyan?" inosenteng tanong ng bata. 

 

"Ah, kumukuha lang ako ng mga pictures. Lika, picturan kita." pag-aya niya sa bata. 

 

 

"Talaga po kuya? Gusto ko po magpapicture kasama si Ate Kata!" masiglang sabi ng bata at halata ang excitement nito. 

 

 

"H-ha? Ayaw mo ba ng solo picture mo lang?" 

 

 

"Gusto ko po kasama si Ate Kata eh, lagi po kasing may ibang kasama kapag magpipicture kami." pakiusap ng bata

 

 

"Ahh ganun ba?" nakuha naman niya ang gusto ng bata, "Sige, kaso may mga kausap pa siya eh." pagsilip niyang muli sa pwesto nila Kata na karga pa rin ang bata na nilalaro rin ng kanyang lola. 

 

 

"Sige na kuya, ngayon na po. Baka po mamaya may kaagaw pa ulit ako kay Ate Kata eh." pakiusap muli ng bata. 

 

 

"Mukhang pati bata kaagaw ko ah" usal niya sa kanyang sarili

 

 

Hindi naman alam ni Miguel ang gagawin dahil una ay nahihiya siya. Ilang araw niyang kinukulit ang dalaga sa text, wala siyang mukhang maihaharap dito. Pangalawa ay ang biglaang hindi niya pagkausap dito dahil sa wala silang signal sa nakaraang shoot at sunud-sunod din ang naging schedule nila. 

 

 

At pangatlo, kapag nakita siya ng kanyang lola ay tiyak na tatawagin siyang apo nito at malalaman ni Kata na sa kanya siya inirereto ng kanyang lola. 

 

 

"Kuya tara na! Mukhang paalis na sila oh!!" sabay hila sa kanya ng bata papunta sa pwesto nila Kata. 

 

 

"Ate Kata! Ate Kata!" pagtawag pansin ng bata sa dalaga. 

 

 

"Uy, Hi Kurt!" pagbati ni Kata nang makita ang bata ngunit nagbago bigla ang timpla ng mukha nito nang makita kung sino ang hila-hila ng bata. 

 

 

Agad na sumenyas si Miguel sa kanyang lola upang huwag itong magsalita at mukhang nakuha naman nito iyon. 

 

 

"Ate Kata, pwede po magpapicture sa inyo? Gusto ko po kasi yun tayong dalawa eh." pakiusap naman ng bata na hinding-hindi tatanggihan ni Kata. 

 

 

Agad na pumayag si Kata sabay nagpasaring, "Buti pa ang bata marunong magpaalam" nang lumapit sa kanilang pwesto si Miguel upang makuhanan sila ng litrato.

 

 

Hindi naman nakawala sa pandinig ni Miguel iyon, kaya lalo tuloy siyang na-guilty.

 

 

Agad na yumakap ang bata kay Kata kaya naman balik sa pagiging photograph

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet