Chapter 5 - The Proposal

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

Alas diyes ng umaga nang magising si Kata. Agad siyang nag-ayos papunta sa flower shop nila. 

 

Nakatira lang naman sila sa kabilang kanto kaya naman ay mabilis lamang makakapunta doon si Kata.

 

Nang makarating sa tapat ng flower shop ay agad nagtungo si Kata papasok, "Hello, Philippines and hello world!" bati niya pagkapasok sa flower shop na tanging si Cass lamang ang naroroon. 

 

Isang oras pa lamang namang bukas ang kanilang shop kaya't hindi pa naman ito matao. 

 

Agad namang napaangat ng tingin mula sa kanyang cellphone si Cass sa nagsalita sa may pintuan, "Yuck, Ate. Otin G. po tayo, no to Toni G." sabay finger heart niya. 

 

"Ay, oo nga pala. I. Am. Sorry." sabay peace sign niya kay Cass. 

 

 

Inangat muli ni Cass ang kamay na nakafinger heart, "Finger hartu!!" paalala ni Cass kay Kata. 

 

 

Agad namang pinalitan ni Kata ang peace sign niya to finger heart, "Shet. Oo nga pala. Sensya na. O siya, nasan si Ate?" hanap niya sa kanyang Ate habang naglalakad papasok sa maliit na opisina ng kanilang shop. 

 

 

"Client meeting." maikling tugon ni Cass. 

 

 

"Oh wow, with whom?" tanong niya ulit mula sa opisina. Iniwan naman niyang bukas ang pintuan since silang dalawa lang naman ni Cass ang nasa shop at para na rin magkarinigan pa rin sila. 

 

 

"With one of the big foundations daw, vevs." sagot muli ni Cass na nabubusy ulit sa kanyang phone. 

 

Saglit na napaisip naman si Kata, "Ohh..big foundation. Big word." marami nang tumakbo sa isipan niyang malalaking foundations ngunit hindi siya sigurado kung alin doon ang kumuha sa kanila. 

 

Pero bago pa man madistract si Kata doon ay binuksan na niya ang laptop niya at sinimulan ng magcheck ng mga emails at messages sa kanila. 

 

All-in-one si Kata sa kanilang negosyo. Social media manager siya, flower arranger, assistant ng kanyang Ate Audra, at bantay rin ng shop kasama si Cass. 

 

Inabot ng lunch time si Kata kakasagot sa client queries nila at naalala niyang hindi pa pala siya nakapagbreakfast. Pagkagising kasi nila kaninang madaling araw ay bumyahe na sila agad para hindi abutan ng traffic. Hindi na rin sila nakapag drive thru dahil for sure maiipit sila sa Monday rush and traffic. 

 

Chineck ni Kata ang phone sa tabi ng kanyang laptop at nakitang hindi pa rin tumitigil ang mga follows sa accounts niya. Hindi na niya nagawang iprivate pa ang kanyang twitter at instagram dahil kahapon ay maghapon lamang silang nagbabad sa dagat at nagreconnect sa nature. 

 

"Shocks. 12:30pm na pala," sambit niya nang makita ang oras sa telepono, "Cass?" tayo niya mula sa desk at tawag kay Cass. 

 

"Teh" sagot naman agad ni Cass sa kanya na prenteng nakaupo sa likod ng counter. Nakataas pa nga ang isang paa sa upuan. 

 

"Tara, let's eat lunch." pag-aya ni Kata

 

"Ay, ayun teh gurl. I'll leave na po in a bit. May group project kasi kami and magkikita kami ng mga kagroup ko to grab lunch before kami gumawa." mahabang explanation ni Cass. 

 

"Ah, ganun ba? Sige. I'll buy my food lang saglit then pagkabalik ko you can leave na." agad namang lumabas na si Kata upang bumili ng pagkain. 

 

 

~~**~~

 

Baby Cass

Hey, san ka na? 

 

Percy

Walking na po. 

 

Baby Cass

Dalian mo, gutom na ako. 

 

 

Agad namang nilakad ni Percy papunta sa restaurant kung saan hinahantay siya ng kanyang kapatid. 

 

"There you are!" bungad niya nang makalapit sa kinauupuan ni Cass. 

 

"Dalian mo na. Um-order ka na, Kuya." utos naman agad ni Cass 

 

Umupo na si Percy sa katapat na upuan ni Cass, "Yes po." saludo niyo kay Cass sabay tawag na sa waiter upang maka-order. 

 

"Still grumpy when you're hungry?" panunukso naman ni Percy

 

 

"Yeah, haven't had breakfast yet. First meal ko 'to." sagot ni Cass 

 

"That explains your orders, then." natutuwang tugon naman ni Percy sa kapatid. Gustong-gusto niya na iniinis ito pero at the same time ay gusto niyang inispoil din ito. 

 

Tanging silang dalawa lamang ang nasa Pilipinas dahil busy naman imanage ng kanilang mga magulang ang business nila sa ibang bansa. 

 

 

"Pero teka, bakit hindi ka pa kumakain? Don't tell me ginugutom mo ang sarili mo? Wala ka na bang pera at pagkain sa condo mo?" sunud-sunod na tanong ni Percy 

 

 

"Nahh...kaninang madaling araw kami bumalik kasi from Batangas. Then I had a 7:30am class tapos diretso ako sa flower shop and I waited pa until lunch time para sa libre mo." mahabang sagot naman ni Cass sa nag-aalalang kuya niya. 

 

"Ah okay. Next time don't do that. Lagot tayo pareho kay Mom if may mangyari sa'yo." paalala ni Percy

 

"Yes po. I'm taking care of myself naman, Kuya. No need to worry about me." pagre-assure ni Cass. Naisip rin niya kasi na nag-aalala ang kapatid niya sa kanya dahil sila lang naman ang magkasama dito sa Pilipinas at walang ibang maaasahan kung hindi ang isa't isa. 

 

 

Pero pasalamat na rin si Cass dahil ay nakahanap siya ng pamilya kina Audra at Kata at sa magulang nila. 

 

Maya-maya lamang ay dumating na ang orders nila at agad na kumain. 

 

Habang kumakain ay nagpasalamat muli si Percy sa tulong ng kapatid, "Thank you ulit for giving me Kata's contact details." 

 

"Hindi libre 'yun, paalala ko lang sa'yo. For sure papatayin ako nun pag nalaman niyang ako ang nagbigay sa'yo." pailing-iling na sagot ni Cass dahil naiimagine na niya ang itsura ni Kata. 

 

 

Although sobrang bait at always kalmado naman si Kata, iba kung magalit ito. Madalas ay naiinis lamang si Kata pero agad namang lumilipas ngunit iba kapag umabot na sa galit ang inis nito. Nasaksihan niya ito nang may isang customer na nambastos sa kanila. Isa ito sa ayaw ni Kata. Ang mga bastos at hambog na tao. 

 

Mabuti na lamang ay naawat agad siya ni Ate Audra at hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kapag kasi ay nasa tama si Kata ay handa niya itong ipaglaban. Ayan ang napatunayan ni Cass. 

 

"Yes, I'll send it to you na after our lunch. Just make sure to finish all your food muna." lumabas muli ang pagka-kuya ni Percy. 

 

"Madali me kausap hehe" nakangiting sagot ni Cass sabay tuloy sa pagkain.
 

 

 

Sa kabil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet