Chapter 19 - Discovery

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

"Alin ba kailangan mo dito?" tanong ni Kata nang mabuksan ang glove compartment.

 

 

"There's a first aid kit there," turo ni Miguel mula sa pwesto.

 

 

"Para saan naman? May sugat ka ba?" pagtatanong muli ni Kata, pilit kinukubli ang pag-aalala sa tono. Kinuha niya ito atsaka iniabot kay Miguel.

 

 

 

Teh wag ka masyadong concerned. Wala namang kayo, assumera 'to bulong ng kanyang isipan.

 

 

 

 

"Thanks," kinuha naman ni Miguel ang kit mula kay Kata atsaka binuksan at kinuha ang alcohol swab.

 

 

 

Matapos makuha ito ay ipinatong ni Miguel ang kit sa kanyang kandungan at iniabot ang kanang kamay ni Kata.

 

 

 

Nagulat naman si Kata sa ginawa ng binata at hindi na naka-angal pa. Mabuti na lamang ay hindi pa niya naikakabit ang seatbelt dahil kung hindi ay baka nasakal siya nito.

 

 

 

"Aw! Teka, dahan-dahan ka naman!" Pinagalitan ni Kata si Miguel dahil sa biglaang pagpahid ng alcohol swab ni Miguel sa sugat niya sa braso. Nakalimutan niyang nasugatan nga pala siya.

 

 

 

*blow* "Sorry" pagpaumanhin ni Miguel atsaka naman binitawan na ang braso ni Kata matapos hipan ang sugat niya para maibsan ang hapdi dulot ng alcohol.

 

 

 

Ibabalik na sana ni Kata ang kanyang kamay sa pwesto niya ngunit agad itong napigilan ni Miguel.

 

 

 

 

"Wait, I'm not yet finished." pagsuway ni Miguel kay Kata. Kaya naman si Kata ay parang bata na sumunod na lang kay Miguel at inantay ang susunod na gagawin nito habang nakaiwan sa ere ang braso.

 

 

 

Kumuha si Miguel ng kapirasong bulak at binuhusan ito ng kaunting betadine atsaka ito pinahid sa sugat ni Kata.

 

 

 

 

Pinagmamasdan ni Kata ang ginagawa ng binata dahil sobrang ingat sa ginagawa si Miguel. Aakalain mong ang lalim ng sugat niya at malapit sa bituka niya kung gamutin ni Miguel.

 

 

 

Pero nagtaka si Kata nang tumigil sa pagdampi ng bulak si Miguel. Napa-angat tuloy siya ng tingin dito.

 

 

 

Nakita niyang nakatingin na rin pala sa kanya si Miguel at ngayon ay hindi na niya alam ang dapat gawin.

 

 

 

Masyadong magkalapit na pala ang kanilang katawan sa maliit na espasyo ng sasakyan ng binata. Dagdag pa rito ang magkadugtong na kamay nila.

 

 

 

"Uh-uhmm, thanks," pagbawi ni Kata ng kanyang braso kasabay ng kanyang tingin atsaka umupo ng maayos, "Okay lang 'to, malayo sa bituka hehe" awkward na dugtong niya habang nakatingin sa harapan.

 

 

 

Umabot ng isang minuto nang matauhan si Miguel sa nangyari, "Ah, sure. No problem, wala na palang band-aid dito. Lagyan mo na lang pag-uwi mo." paalala ni Miguel tsaka tumikhim at umayos ng pagkaka-upo.

 

 

 

"Uh-ehem, fasten your seatbelt na. Let's drive you home." sabay nilang isinuot na ang seatbelt at awkward na tumingin diretso sa daan.

 

 

 

 

Wala silang naging kibuan sa byahe kaya naman upang maibsan ang katahimikan ay tinurn-on na lang ni Miguel ang radyo.

 

 

 

 

All that you do here is graceful

I want you so much that it's painful

And all of this here is still new to me

And all of your words make me weak

 

 

 

 

Sakto sa chorus ng kanta ng Any Name's Okay ang tumugtog. Pilit namang ipinipihit ni Kata ang leeg sa window side niya para hindi ipahalata ang umigting na awkwardness niya.

 

 

 

Jusko, malayo pa kami sa bahay tanging naiisip ni Kata ngayon pero naisip niya ring huwag naman sana siya magkastiff neck dahil sa position niya ngayon.

 

 

 

 

"Um..about earlier.." pagbasag ng katahimikan ni Miguel na siyang nagpalingon kay Kata,

 

 

 

"Why were you with my Lola nga ulit?" Nakadiretsong tingin sa kalsada pa rin nang tinanong niya ito. Medyo kinakabahan pero may gusto lang din siyang kumpirmahin.

 

 

 

 

"Ah..um, inaya niya lang ako pero she was just supposed to take me home din from Hospicio." simpleng sagot ni Kata tsaka ibinaling na ulit ang tingin sa bintana. Tinatanaw kung nasaan na ba sila banda at bakit hindi pa rin sila malapit sa kaniyang bahay. Hindi na kasi niya kaya ang awkwardness sa loob ng sasakyan.

 

 

 

Teka bakit nga ba awkward? Wala naman akong ginawang masama? O kahina-hinala? Hay Kata, 'yan ka na naman sa pag-ooverthink kasi eh, pagkausap niya sa sarili

 

 

 

 

"Kata?" pagpukaw ng atensyon sa kanya ng binata

 

 

 

"H-ha? Sorry?" agad siyang napalingon dito na may pagtataka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet