Chapter 4 - Publicity

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

"OH MY GOD" 

 

Ang tanging nasambit ni Kata pagkabukas niya ng twitter niya. 

 

"What the heck is happening?? Bakit ganito karami followers ko bigla, Gi???" naguguluhan niyang tanong at panic sa kaibigan na mukhang nag-eenjoy naman. 

 

"H-ha?" Si Gi na busy magscroll sa twitter ay hindi narinig nang maayos ang tinanong ni Kata. 

 

"Bakit dumami followers ko?? Dahil ba sa pinost kong picture natin with you?" tanong ni Kata nang maalala na nagpost siya ng picture nilang apat sa kanyang twitter.

 

At dahil alam niyang sikat sa social media ang kaibigan ay ito agad ang pumasok sa isip niyang dahilan. 

 

"Hmmm" hindi makasagot agad si Gi dahil sa naisip nilang kalokohan nila Alex na tiyak niyang ikakagalit ni Kata. 

 

Patuloy pa rin sa pagscroll si Kata sa twitter niya para mahanap ang kasagutan, "Eh dati pa naman ako nagpopost ng pic natin ah?" pero mukhang di pa niya nakikita ang tunay na dahilan. 

 

"Hoy mga bakla kayo, ano sasabihin ko dito kay Kata?" text ni Gi kina Alex at Cass 

 

"Edi sabihin mo nagviral picture niya sa twitturr" reply ni Alex 

 

"OMG baka makita niya replies natin dun sa picture??" pag-aalala ni Cass naman kahit siya ang pasimuno. 

 

"HOY POTACCAYO!" sigaw bigla ni Kata habang nakatingin pa rin sa kanyang screen. 

 

Si Gi naman ay nafeel na niyang susugurin siya ni Kata kaya unti-unti ay bumababa siya ng kama. 

 

 

"HEP SAAN KA PUPUNTA??" hablot ni Kata sa pajama ni Gi

 

"Hehe...iihi ako" palusot ni Gi habang hinihila ang damit mula sa pagkakahawak ni Kata

 

"Ano 'tong tweets niyo??? Bakit ako may picture sa twitter?? At bakit niyo ako binubugaw????" Sunud-sunod na tanong ni Kata kay Gi na hindi pa rin niya pinapakawalan bagkus ay hinigpitan pa ang pagkakahawak sa damit nito. 

 

"Ummmm..well..." Gi kept thinking of excuses

 

"What?? Tsaka sino ba 'tong nagpost ng pictures ko?? Wala man lang pahintulot???" Nakuyom na ni Kata ang kamay niya na nakahawak sa damit ni Gi kaya naman ay nahila pa papalapit sa kanya si Gi. 

 

"It's from the famous photography studio, babe. I think they were in charge of last night's wedding that's why they have pictures of you." mahinahong explanation ni Gi kay Kata. 

 

"And so?? Hindi pa rin nila dapat ipost pictures ko without my permission!!" pagtataray na ni Kata. 

 

"Okay, relax, babe. Let's just talk to that studio to take down your pics." patuloy na pagpapahinahon ni Gi kay Kata.

 

"They better take it down!" Kata is now determined. 

 

"Yes, they should." pag-agree ni Gi kay Kata.

 

Sinamaan naman ng tingin ngayon ni Kata si Gi dahil sa sinabi nito, "Maka-agree ka dyan eh ano itong nireply mo? Nireply niyo nila Alex at Cass??" 

 

"Ah..hehe...we were just.." hindi mahanapan ng palusot ni Gi 

 

"Just what? Kayong tatlong bugok na kay-" naputol ang sinasabi ni Kata nang magring ang kanyang cellphone

 

*Ring *ring *ring

 

Ate Ganda calling 

 

Agad namang sinagot ni Kata nang makita na ang ate niyang si Audra ang tumatawag, "Hello, Ate? Napatawag ka?" tanong niya rito. 

 

"Yeah, what time are you guys going to be back here?" tanong ng kanyang Ate mula sa kabilang linya 

 

"Umm we'll get back tomorrow morning po." sinaktong Monday morning na lang ni Kata ang balik nila sa Manila. 

 

 

"Okay, mag-ingat kayo dyan." paalala ng Ate niya

 

"Yup, Ate. Bye na-" 

 

"Teka, bumili ka ng pasalubong para kay Mama na pala ah." pahabol ni Audra

 

"Okie po, bye At-" 

 

"Teka, since nandyan ka na rin sa Batangas, bumili ka na rin ng ibang flowers dyan at plants paninda natin." hindi matapos-tapos na paalala ni Audra sa kapatid. 

 

At habang nadidistract na si Kata kausap ang kanyang kapatid ay kinuha na ni Gi ito na pagkakataon upang makakawala sa pagkakahawak ni Kata sa kanya. 

 

"Okay po. Paki-text na lang sa akin mga utos mo, Ate. Bye na!" at agaran nang ibinaba ni Kata ang tawag dahil alam niyang hindi titigil ang kapatid niya. 

 

Pagkababa niya ng cellphone niya ay bigla niyang naalalq si Gi. 

 

"Gi!! Hayop ka!! Bumalik ka dito!" Sigaw niya papalabas ng kwarto at patungo sa sala upang hanapin ito rito ngunit wala. 

 

Kaya naman naisipan na rin niyang puntahan pa sina Alex at Cass sa kabilang kwarto upang iconfront ang mga ito. 

 

Walang katok-katok ay agad na binuksan ni Kata ang pinto ng kwarto nila Alex, "AT NANDITO KAYONG TATLO PALA AH!" paghuli niya sa tatlong halatang may kasalanan. 

 

 

"I swear, Kata. I was just brought in this situation. These two were the ones who thought of it!!" pagbenta ni Gi kina Alex at Cass kay Kata.

 

"'Brought in' mo mukha mo, eh ano yung nireply mo rin???" Kata is still furious at her friends' shenanigans. 

 

"Hehe" sabay peace lang ni Gi sa kanya at tago sa likuran ni Alex. 

 

Pumagitna na si Alex since siya na ang ginawang harang nina Cass at Gi kay Kata, "Relax lang. babe. 'To naman. Joke lang naman 'yun, wala namang magseseryoso dun sa tweets namin hehe." 

 

Hindi makapaniwalang naglalakad papalapit si Kata sa tatlo habang may matatalim na tingin din, "Wala? WALA? Eh ano 'to?!" sabay pakita ni Kata sa sandamakmak na notifications na natanggap niya at patuloy na natatanggap. 

 

Hindi lamang ang kanyang twitter ang nadiskubre kung hindi pati na rin ang instagram niya. 

 

Lumapit si Gi sa cellphone ni Kata, "Uy teh! In fair sa'yo ah, peymus ka agad! Naol" pagpoint ni Gi sa mga followers count ni Kata. 

 

Mabilis namang nakonyatan ni Kata si Gi dahil sa sinabi nito. 

 

"Hindi ko kailangan ng maraming followers! I want my peace and privacy!!" pagmamaktol ni Kata sabay salampak na rin sa kama kasama ang tatlo. 

 

"Teh gurl, let's look at the bright side na lang muna." pagkakalma ni Alex kay Kata. 

 

Ang posisyon nila ngayon ay si Alex ang nasa gitna ng kama habang nakadantay ang ulo ni Kata sa kanyang mga binti, tanging kalahating katawan lang ni Kata ang nasa kama dahil na rin sa kanyang haba. Habang sina Cass at Gi naman ay nasa magkabilang gilid ni Alex na nakasandal sa headboard. 

 

"What bright side?" pagsusumimangot pa rin ni Kata.  

 

"Ummm..." pag-iisip ni Alex, "Hoy, tulungan niyo nga ako." tapik niya kina Gi. 

 

Napaisip naman si Gi, "Well, uh...you could finally find a boyfriend!", may ngiti sa kanyang labi at halatang excited sa naging idea niya. 

 

"Pssh. Pass." agarang sagot ni Kata with matching ikot ng mata. 

 

"Ah! I know na Ate!" parang may umilaw na bumbilya sa itaas ng ulo ni Cass at excited na umupo sa harapan ng tatlo. 

 

Umikot naman sa pagkakahiga paharap kay Cass si Kata,"That better be good, bata. Kung hindi ay isusumbong kita kay Ate Auds." saba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet