Chapter 12 - The BBF

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

"Walang hiya ka! Kelan ka pa nakauwi?" biglang hampas ni Kata kay James.

 

 

 

"Aw! Hindi ka pa rin pala nagbabago.." malokong tugon ni James habang himas himas ang braso. 

 

 

 

"I just got back the other day. Sorry, hindi agad kita napuntahan. I had to fix some things pa kasi." pag-explain ni James 

 

 

 

"Shala naman neto. Kumain ka na? Tara kain tayo!" pag-aya ni Kata. Excited siyang magcatch-up sa matalik na kaibigan. 

 

 

 

"Not yet. Tara, I'll help you close the shop." and just like the old times, James helped Kata and they walked to James' car that was parked just in front of the shop. 

 

 

 

"San mo gusto? For sure namiss mo Pinoy food" tanong ni Kata habang sinusuot ang seatbelt. 

 

 

 

"Dating gawi." tugon ni James sabay kindat kay Kata tsaka pinaandar ang sasakyan. 

 

 

 

"Omg yes!" hindi maitagong excitement ni Kata. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"So, musta na?" panimula ni Kata pagka-order nila sa Marcy's. Ang kanilang paboritong kainan mula nung high school pa lang sila. 

 

 

 

"I'm good. Chicago's nice naman. But a bit sad lang." pagkwento ni James. 

 

 

 

"Oh, why sad naman? Balita ko kay Gi okay ka naman daw don. May mga chicks ka pa nga eh." panunukso ni Kata. 

 

 

 

Si James ay ang kuya ni Gigi. Mas matanda ito sa kanila ng tatlong taon. 

 

 

 

Naging kaibigan na rin ni Kata ito dahil kay Gi. Ito kasi ang lagi nilang bantay sa kanilang mga gala. 

 

 

 

At dahil mga laking state side sina James at Gi at close ang magkapatid, napick-up na rin ni Kata ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa kaya naman hindi niya ito tinatawag na Kuya. 

 

 

 

"Pssh. Wala akong chicks don. Sila yung mga lumalapit sa akin. I can't blame them tho." maangas at mahanging tugon naman ni James na siyang ikinatawa ng malakas ni Kata. 

 

 

 

Pinagtinginan tuloy silang dalawa ng ibang cutomers. 

 

 

 

"Lul mo. Gutom lang 'yan. Kain ka marami, Kuya" pabirong sagot ni Kata matapos tumawa. Sakto namang dumating na ang kanilang order. 

 

 

 

Natawa na lang din si James at sinimulan ng kumain. 

 

 

 

 

 

~~**~~

 

 

 

 

Second to the last shooting na nila ngayon. Sa Luneta Park ang kanilang lokasyon. 

 

 

 

"Good morning, Ms. Kata and Ms. Gigi!" bati ni Mich sa kadadating lang na magkaibigan. 

 

 

 

"Good morning, Mich!" masiglang tugon pabalik naman nila. 

 

 

 

"Ready na po yung tent. We'll call you po once ready na po to shoot." pag-abiso ni Mich tsaka iniwan na ang dalawa. 

 

 

 

"Lezzgo gurl. Let's get you ready!" excited si Gigi ngayon dahil PA siya ulit ni Kata. 

 

 

 

"Teh, soft and light make-up lang today ah. Baka tumodo ka na naman kaloka ka." paalala ni Kata kay Gi. Last time kasi ay may pa smokey eye pa si Gi kay Kata. 

 

 

 

"Gurl, you don't even need make-up nga eh. Pero sige, push tayo sa soft and light. Pabebe lang ganern. Gotchu" 

 

 

 

 

 

 

"Okay, 5 4 3 2....action!" 

 

 

 

 

Ang next tourist destination nila ay Luneta Park. Isa itong parke kung saan maraming pamilya ang nagpipicnic at nagliliibot dahil may mga malalapit na museums din. At dahil dyan, naka picnic set-up din sila. 

 

 

 

 

"Hey, sorry I'm late." Bulong ni James ng mahanap ang kapatid. 

 

 

 

 

"Hey. San ka ba nanggaling?" pag-usisa ni Gi. Napapansin niyang madalas kasi wala ang kapatid. Akala niya ay magbabakasyon ito sa Pinas pero mukhang may ibang inaatupag.

 

 

 

 

"Somewhere. Where's Kata?" sagot ni James sabay tanaw kung nasaan si Kata. 

 

 

 

"Nandon sila sa may bandang harapan pa. Ayan yung monitor pwede natin siya dyan makita." turo ni Gi sa may monitor malapit sa director at assistant director. 

 

 

 

"Okay, cut! Good take!" sigaw na anunsyo ng assistant director gamit ang megaphone. 

 

 

 

Pagkasabi ng cut ay nakahinga ng maluwag at nag-antay muna si Kata sa next instructions sa kanya kaya naman ay palinga-linga siya muli. 

 

 

 

Sa totoo lang ay binabantayan niya kung may ibon na lalapit. Lalo na kung kalapati dahil takot siya dito. 

 

 

 

 

Ang una niya kasing shinoot ay nilibot ang Luneta Park. Sunod naman ay itatry niya magpicnic. 

 

 

 

"Hello po Miss Gigi, nakaready na po kayo?" lapit ng PA kay Gigi

 

 

 

Dito rin talaga excited si Gigi, bukod sa PA siya ni Kata ay isasama rin siya sa shooting ngayon bilang kaibigan ni Kata at silang dalawa ang magpipicnic. 

 

 

 

"Ah yes po! I'm ready" ngiti ni Gigi sabay ayos sa kanyang damit at buhok. 

 

 

 

 

"Excuse me? May I know you?" biglang sulpot ni Percy sa kinatatayuan nila Gigi. 

 

 

 

 

"Hmm?" nagtatakang tanong ni James sabay tingin sa likod kung siya ba ang kinakausap ng lalaki. 

 

 

 

"Yeah. You. I need one more talent and was wondering if you can do it?" diretsong tanong na ni Percy para wala ng masayang na oras. 

 

 

 

"My name is James and um I don't think I can act." nahihiyang tugon ni James. 

 

 

 

 

"Nah, it's okay. We just want this to be a natural scene of friends hanging out and having picnic," pag-explain ni Percy 

 

 

 

 

"So, can you do it? We'll give you 10 minutes to prepare." ma-awtoridad na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet