Chapter 11 - Regrets

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

Natapos ang ilang araw ng kanilang shoot. Nalibot nila halos ang buong Manila mula Intramuros, Binondo, Makati, at BGC. 

 

 

Kilala na rin si Kata dahil naipalabas na ang unang episode ng "Soul of Manila" sa youtube. 

 

Paro-Paro G 🦋

Cass

Good morning sa best tourist attraction ng Pilipinas! 

 

Gi

Huy, small thing 😳 

 

Alex

Aga-aga pinapasama mo tyan ko Gi 

 

Cass

Oh hawakan mo nga sa tenga, Ate Alex 

 

Kata

Ano 'yan ang aga na naman

 

Cass

Good luck sa shoot mo today with the kiddos Ate Kata! Enjoy kayo! ☺️ 

 

Alex

Kata!! Grabe ka na!!!! Ang ganda ganda mo!! Pakiss nga! 

 

Gi

OMG KATA! You're really born to be a star! Such a TV host and endorser yarn?

 

Cass

There are 7,641 islands in the Philippines and Kata is the best tourist spot!! 

 

Kata

Mga loko. Thanks tho! Labyu ol 😘 

 

Gi

Labyu too! If need mo ulit ng PA, I'm here mwuah 



 

"Ready na po Ms. Kata?" tanong ng unit 1 Production Assistant 

 

 

"Ah, yes po. Sorry." agad na tumayo at lumakad na papalabas si Kata mula sa tent niya patungo sa set nila today. 

 

 

"Okay kids, gather around. We'll go and enjoy Manila Ocean Park!" pag-anunsyo ng assistant director sa mga bata 

 

 

Agad na naghiyawan ang mga bata maging si Kata dahil paborito niya talaga ang magpunta dito. May fascination kasi siya sa aquatic animals tulad ng shark. She finds them cute. 

 

 

 

"Okay, Kata. Kids. 5 4 3 2....action!" 

 

 

Dahil sa paboritong lugar ito ni Kata at magaan ang loob niya sa mga bata ay natural kay Kata ang naging trabaho niya ngayon. 

 

 

Tunay ngang napapahanga ni Kata ang buong production dahil sa kanyang professionalism. Maraming nabighani na mga namamasyal sa kagandahan ni Kata kaya naman kahit may mga nagsiksikan, nahandle ito ng maayos ni Kata at tuloy lang sila sa paglibot sa parke. 

 

 

Kahit ang mga outtakes ay parang gusto na ring gamitin ng prod dahil maganda ang lahat ng kuha. Nakajackpot talaga sila kay Kata. 

 

 

 

"Thank you all for today. It's a tiring yet fun day! See you on our next sched!" paalam ni Percy at tsaka na sila nagpack-up. 

 

 

Hmm nasan kaya yun? tanong ni Kata sa sarili matapos libutin ng tingin muli ang production staff. Tila may inaasahang tao na darating. 

 

 

"May personal sched lang po si Migs" tila may sumagot sa lihim na katanungan ni Kata bigla. 

 

 

"H-ha?" tanong niya kay Jio, bagamat nagulat sa pagbiglang sulpot ni Jio ay binawi niya kagad ang kanyang composure para hindi siya mahalata. 



"Hinahanap niyo po ba si Migs?" tanong pabalik ni Jio 

 

 

"Ah, hindi." Maikli niyang sagot. Balak pa sana niya mag-explain ngunit baka naman mabuko pa siya. Sa daldal pa naman niya baka kung anu-ano pa ang masabi niya. 

 

Kaya naman ay inabala na niya ang sarili niya sa pagligpit ng kanyang gamit at kailangan na rin niyang umuwi. 

 

 

Oo, tama. Bakit mo ba kasi siya iniisip at hinahanap? pagkausap niya sa sarili habang nagliligpit. 

 

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet