Chapter 18 - Dungaw

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

Ngayon lang rin napansin ni Kata ang suot ni Miguel. Sa buong dinner na nangyari kasi ay kung hindi kay Mrs. Reyes nakatuon ang pansin niya ay sa pagkain lamang.  Nacoconscious kasi siya sa mga kasama dahil feel niya hindi siya belong dahil puro mayayaman ang mga ito eh hamak na simpleng babae lamang siya.

 

 

 

 

 

"Ah..umm excuse me lang, sundan ko lang si Lila hehe" awkward na paalam ni Kata pagkalapit ni Kayla sa kanilang dalawa ni Miguel.

 

 

 

 

 

Ngunit hindi pa man nakakadalawang hakbang si Kata ay agad na siyang naharangan ni Miguel.

 

 

 

 

Nanlaki ang mata niya sa ginawa ng lalaki at napatingin sa kamay nito na nakahawak sa kanyang pala-pulsuhan.

 

 

 

 

Agad nag-angat ng mata si Kata kay Miguel upang sana sabihan ito na bitawan siya ngunit agad siyang naunahan ni plantsa-- este ni Kayla.

 

 

 

 

"Miggy, let her leave. She doesn't even belong here." Maarte at masungit nitong pahayag at mula sa likuran ni Miguel ay pumagitna ito kina Kata atsaka hinablot ang kamay ni Miguel na nakahawak kay Kata.

 

 

 

Parehong nagulat sina Miguel at Kata sa biglaang paghablot ni Kayla sa kanilang magkadugtong na kamay at di na nagawa pang makakibo dahil may sumulpot pang muli.

 

 

 

"Oh iha, tamang tama magkasama na pala kayo ni Miguel. May dadaanan lang kami ng Dad mo sa isa sa mga factory natin so magpahatid ka na lang kay Miguel pauwi." Utos ng nanay ni Kayla sa kanila ni Miguel.

 

 

 

 

Si Kata naman ay nasa likuran ng tatlong nag-uusap at napatingin na lang sa kanang braso niya dahil humapdi ito.

 

 

 

 

"Ah , nagasgasan pa nga" bulong niya ng makita na may maikling linya mula sa kanyang pulso at may kaunting dugo pa nga. Hinala niya ay dahil sa haba ng kuko ni Kayla. Kung bakit ba naman kasi napakahaba ng kuko nito, akalain mo talagang mangkukulam.

 

 

 

 

At dahil nabadtrip na si Kata dito ay dahan-dahan na lang siya naglakad papalayo mula sa tatlo at ayaw na niyang madamay pa sa kung ano mang nangyayari doon.

 

 

 

 

 

Susundan sana siya ni Miguel lalo na ng makita niya na tinitignan ni Kata ang sugat sa braso kaso agad siyang napigilan ni Kayla dahil sinukbit nito ang kamay sa braso ni Miguel.

 

 

 

 

 

 

 

 

"Mrs. Martin, mauuna na po ako umuwi. Hinahanap na rin po ako nila Mama," paalam ni Kata sa matanda ng makabalik sa loob ng mansyon.

 

 

 

 

"Oh, iha! Sure, but let my apo take you home. Teka, nasan na ba 'yun?" paghahanap ng matanda kay Miguel.

 

 

 

"Yaya, nasan si Miguel?" tanong nito sa isang maid, "Ay, Madam nandon po sa may bakuran kasana po sina Ma'am Kayla." pagtugon naman nito.

 

 

 

 

 

"Ah, no need na po Mrs. Martin. Sobrang thank you po sa pagpapatuloy po sa akin dito sa bahay niyo at pag-anyaya sa dinner niyo po. Okay na po iyon tsaka kaya ko naman na po umuwi from here hehe" nahihiyang pagtanggi ni Kata sa matanda. Tsaka gusto rin niyang umiwas muna kay Miguel dahil mukhang delubyo ang dulot nito sa kanyang buhay.

 

 

 

 

 

"Nako, you know I won't take no for an answer plus I'm the one who invited you here so I'm responsible for you." firm na saad ng matanda kay Kata.

 

 

 

 

Wala namang ibang magawa si Kata dahil hawak hawak siya nito sa kamay. Buti na lamang ay hindi sa kanyang kanang braso dahil medyo mahapdi pa ito.

 

 

 

 

 

"Ayan na sila," natanaw na ni Mrs. Martin sina Miguel na papasok na at agad sinalubong ito. At syempre bilang hawak niya sa kamay si Kata ay nadala niya rin ito papalapit kina Miguel.

 

 

 

 

"Mr. and Mrs. Reyes and Kayla, thank you for coming over tonight. Mag-iingat kayo pauwi." pagbungad ni Mrs. Martin sa pamilya Reyes.

 

 

 

 

 

Sabay bumaling ito sa apo, "Miguel, kindly take Kata home na rin." pag-utos nito.

 

 

 

 

"Oh, Mrs. Martin, Miguel's going to take Kayla home tonight cause unfortunately we need to inspect something in the factory and no one's gonna bring home our daughter." Pag-singit agad ni Mrs. Reyes.

 

 

 

 

"Oh, there's no problem. My driver can bring her home and he's a professional driver so you have nothing to worry about since you said earlier that Kayla has a driving trauma." maligayang pagpresenta ng matanda sa mga Reyes.

 

 

 

 

"But Lola, I trust Miggy here naman po so it's okay for me if he's going to drive me home po hehe" pabebe na sagot naman ni Kayla na hanggang ngayon pala ay nakakawit pa rin ang kamay kay Miguel.

 

 

 

 

 

"Nakakaloka 'tong mga 'to. Mas concerned pa sila dito kesa dun sa batang lalaki" ito ang tumatakbo sa isipan ni Kata habang pinagmamasdan ang mga ito at hindi pa rin makakawala sa hawak ng lola ni Miguel.

 

 

 

 

"I'll just drop them both off po. Let's go." at sa wakas ay nagsalita na rin si Miguel dahil gusto na niyang matapos ang gabing ito.

 

 

 

 

"Bye Ma, Pa! Bye po Mrs. Martin! Thank you for hosting us

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet