Chapter 2 - Paro Paro G

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

"Akala ko kung saan ka bumili girl. Anong oras ka na nakabalik." Nakapamewang na bungad ni Cass kay Kata pagkapasok ng shop. 

 

"Sorry po, madam. Tsaka saglit lang ako ah?" pagdedepensa ni Kata. 

 

"Sabi ng tyan ko matagal ka daw. Akin na 'yan. Ako na magbigay kay Ate Auds." kinuha na ni Cass ang plastic bag ng pagkain muka kay Kata at nagtungo na sa opisina ni Audra.

 

Pagkakuha ni Cass ng pagkain ay pumwesto na si Kata sa likod ng counter upang kumain na rin. 

 

"Hello, hot people!" rinig ni Kata kasabay ng pagtunog ng wind chime ng kanilang pintuan sa shop. 

 

"Ah!! Gigi!" sigaw ni Kata pagkatayo niya at matanaw na ang kaibigang si Giselle ang pumasok sa shop nila. 

 

"The one and only!" sabay hair flip at pose sa harap ni Kata. 

 

Kaya naman umikot si Kata mula sa counter papunta sa pwesto ni Gigi upang yakapin ito. 

 

"OMG! When ka pa nakabalik?" tanong ni Kata habang nakayakap pa rin kay Gigi. 

 

"Last night lang, gurl!" sagot naman ni Gigi habang yakap pa rin kay Kata. 

 

"And yet you didn't tell me??" hindi makapaniwalang tanong ni Kata matapos kumalas sa pagkakayakap kay Gigi.

 

"Well, duh? Edi hindi na yun surprise??" maarteng tugon ni Gigi sa kaibigan. 

 

"Tss. Di ko need ng surprise. Nasan na pasalubong ko from New York?" nakapamewang at may taas kilay na tanong ni Kata.

 

"Relax girl, it's in my car. Nandito ba si Ate Auds?" tanong ni Gigi habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng shop. 

 

"Yup, nasa loob ng opisina. Tara, puntahan natin!" excited napag-aya ni Kata sabay hawak sa kamay ni Gigi at hila papunta sa opisina. 

 

 

"OMG! Nakumpleto ulit ang mga sugo ni Satanas!" mapanlokong bati ni Audra nang makita sina Kata at Gigi pagkapasok sa kanyang opisina.

 

 

"IKR Ate! I missed you po!" patakbong-lakad ni Gigi kay Audra sabay yakap dito.

 

 

"Ay, Cass! This is Gigi, my bestfriend nga pala. Gigi, this is Cassiopeia or Cass, part-timer namin dito. Bunso na rin namin hehe" pagpapakilala ni Kata sa dalawang babae. 

 

"Hello! Nice to meet you!" pagbati ni Gigi sabay abot ng kamay niya kay Cass.

 

"Nice to meet you din po. Ang ganda niyo po hehe" nahihiyang sabi naman ni Cass pagka-abot ng kamay ni Gigi upang makipaghandshake.

 

"Uy! Small thing! Hahaha!" biro ni Gigi

 

"Pero, you look familiar po." Mapanuring tinignan ni Cass si Gigi naman ngayon.

 

"Oo, social media influenza yan." sabat ni Kata 

 

"Influencer, bestie, influenCER" pag-emphasize ni Gigi 

 

"Sus, parang hindi naman. More like influENZA kasi diba bio mo 'hot girl on the block'" sabay irap ni Kata sa bestfriend.

 

"Alam mo ikaw..." at tinignan ng masama ni Gigi si Kata dahil sa sinabi nito 

 

"HAHAHA! Kunin mo na pasalubong namin, dali!" utos ni Kata dahil baka anytime ay sugurin na siya ni Gigi

 

"Oo, pasalubong muna. Mamaya na kayo magrambulan dito." sabat ni Audra sa dalawa.

 

"Ate Auds, hindi pa rin pala nagbabago 'tong kapatid mo." may pa-iling na saad ni Gigi sabay tingin kay Kata.

 

"Lolo mo pink. Dali na!" at hinila na ni Kata si Gigi palabas ng opisina at papunta sa sasakyan ni Gigi.

 

Nang makalabas sa opisina ang dalawa ay hindi na mapigilan pa ni Cass at magtanong kay Audra na bumalik na sa pagkain niya ng kanyang lunch.

 

"Um..Ate Auds, ganun po ba talaga sila mag-usap?" halatang naguguluhan si Cass sa dalawang magkaibigan.

 

"Haha, oo normal sa kanila 'yon wag ka mag-alala. Baka himatayin ka kapag nakilala mo naman si Alex, nako!" natatawang sagot ni Audra sa bata nang maalala na may isa pa nga palang matalik na kaibigan si Kata, na sugo rin ni Satanas para sa kanya.

 

"Ah hehe ganun po ba?" napaisip tuloy si Cass dahil kung si Ate Kata nga niya ay makulit na at palabiro, dumating pa ang kaibigang katulad nito, paano pa kaya kung may isa pa? 

 

 

~~**~~

 

Inabot na ng ala sais ng gabi ang pagkkwentuhan ng mga babae kasabay na rin ng pag-aasikaso nila sa mga customers na bumibili ng mga bulaklak. 

 

"Thank you ulit sa pasalubong, Gigi!" paalam ni Audra kay Gigi na mauunang aalis dahil may kailangan pa itong asikasuhin para sa isa nilang kliyente.

 

"At girls, remember to lock the store ah and don't stay out too late, okie?" paalala naman nito kina Kata at Cass na busy kumain ng dalang pasalubong ni Gigi. 

 

"Yes po, Ate!" sabay na sagot ng dalawa at kaway na rin sa papaalis ng si Audra.

 

"So ano girls, let's continue this at my place?" pag-aya ni Gigi sa dalawa. 

 

"Thanks Ate Gi but I still have plates to do po huhu. Hang out po tayo soon!" nanghihinayang na pagtanggi ni Cass sa alok ni Gigi. 

 

"Aww, it's okay baby girl! We can still hang out next time pa naman." pag-alo ni Gigi kay Cass.

 

"Speaking of, Gi, do you have any plans this weekend?" tanong ni Kata 

 

"Hmm, wala naman." pagkumpirma ni Gigi sa kaibigan.

 

"Great! Sama ka sa amin sa Batangas this Saturday!" excited na sabi ni Kata

 

"Oh wow! Sure! Count me in!" tuwang-tuwang sambit naman ni Gigi

 

"Yay! I'm also inviting Alex kaya OMG! Makukumpleto na ulit tayo!" hindi mapigilang mapapalakpak ni Kata dahil sa sobrang tuwa.

 

"Ooh, oo nga kumusta na pala yung si Archi? I'm planning to visit her tomorrow pa eh." tanong ni Gigi

 

 

"Ayun, busy sa mga plano at buildings." sagot ni Kata patungkol sa isa pa nilang kaibigang si Alex na architect na.

 

"Bongga ni bakla 'no? Dati uhugin lang pero ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet