Chapter 1 - Jollibee

Got 2 Be U
Please Subscribe to read the full chapter

"Kata! Pakiayos naman yung schedule for next month, may mga clients kasi na nagpapabook na sa atin." sigaw ni Audra, ang ate ni Katarina, mula sa opisina ng flower shop nila. 

 

"Okay, Ate! I'm still finishing yung bookings for this month and mukhang jam-packed tayo." sigaw ni Kata pabalik habang inaayos ang mga online bookings nila. 

 

"Okay, is everything already settled na rin ba for this weekend's wedding in Batangas?" tanong ni Audra nang maalala na may flower arrangement silang gagawin sa isang garden wedding sa Batangas. 

 

 

"Yup! Flowers are all ready na, need na lang iset-up don." pagkumpirma ni Kata. 

 

 

"Thanks! Bring Cass with you para may katulong ka din dun to overlook the arrangements." si Cass ang kanilang part-timer sa flower shop. Nakilala nila ito nang magpresenta ito na maging part-timer sa kanila dahil naghahanap daw ito ng trabaho at kailangan niya ng pera para sa pag-aaral nito. 

 

 

Sakto naman na noong panahon na iyon ay buwan ng Pebrero at talagang madami silang customer at kailangan ng dalawang magkapatid na Audra at Kata ng katulong sa kanilang shop. 

 

 

"Copy, Ate Audra!" masiglang tugon ni Cass mula sa counter. 

 

 

"Psst bata, wala ka bang pasok this Saturday?" pag-aalalala ni Kata dahil baka umabsent ito para lang sumama sa kanya. 

 

 

"Waley ate gurl, nag-announce na prof namin wala kaming class sa kanya this Saturday so I'm free hehe" pagkumpirma ni Cass kay Kata. 

 

 

"Sure ka ah, baka mamaya napapabayaan mo na pag-aaral mo kakapart-time mo dito." hindi maiwasang mag-alala ni Kata dahil nakikita niyang masipag at mapursige ito sa pag-aaral kaya baka naman ngayon ay humahadlang ang kanilang shop dito. 

 

"For today's video vevs wala tayong dramahan dito ah. I'm a consistent dean's lister naman and I assure you po waley me class this Sat, so no need to worry po. Mwuah" sabay kindat at flying kiss pa ni Cass kay Kata. 

 

 

"Sabi mo ah. Thanks for your designs pala, it's a big help for our flower shop dahil mas dumami clients namin when we offered to design their venues din." Si Cass kasi ay isang fine arts student kaya malaking tulong sa kanila ang mga designs na ginagawa nito. 

 

"Syempre, love ko kayo ni Ate Auds eh. Lakas niyo sa akin eh." banat pa muli ni Cass. 

 

 

"Tss, oo na, ano gusto mo for lunch?" sabay irap ni Kata kasi alam niyang nambobola lang naman itong si Cass, pero alam niyang nagsasabi rin naman ito ng totoo.

 

 

"Luh? Love ko talaga kayo ah! Mga ate ko na talaga kayo one piece chicken with palabok iced tea for drink and fries and sundae na rin po. Thank you!!" dire-direstong sagot ni Cass kay Kata na natatawa sa kanya ngayon. 

 

 

"Noted po. Ate Auds! Ano gusto mo for lunch?" tumayo na si Kata para kunin ang wallet sa loob ng opisina at para na rin kunin ang order ng kanyang Ate. 

 

 

"Same na lang din kay Cass. Thanks!" walang pag-angat na tingin na sagot ni Audra sa kapatid dahil busy ito sumagot sa mga client emails. 

 

 

"Okay pi." pagkakuha ni Kata ng kanyang wallet ay dumiretso na siya palabas ng shop at nagtungo sa kalapit na fastfood chain. 

 

 

Nang makarating si Kata sa fastfood chain ay laking pasasalamat niya dahil wala na masyadong tao. Past lunch time na rin kasi.

 

 

Matapos maka-order ay nag-antay lang saglit si Katarina ngunit mula sa kinauupuan niya na katabi ng malaking salamin, ay tanaw niya ang maliit na batang namamalimos. 

 

 

Maluwag ang damit ng bata para sa kanya kaya makikita mong kulang sa sustansya ang pangangatawan ng bata. 

 

May kaputian rin ang bata kaya kitang kita ang mga dumi sa kanyang katawan, marahil sa pamamalimos o pangangalakal nito. 

 

 

 

Hindi mapigilang maawa ni Kata sa bata kaya naman ay hindi na siya nagdalawang isip pa na bilhan din ito ng pagkain. 

 

 

Nang makuha na ang pagkain ay lum

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet