Hello?

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi maintindihan ni Wendy, hindi niya lubos maintindihan kung ano ba ang mas masakit? Masakit na mapagtanto niya na pinili at ginusto ng magulang niya na hindi siya bigyan ng attention o nang kahit ano mang oras? o mas masakit ba na may isang tao na naman mula sa Baguio ang hindi tumupad sa kaniyang pangako. Tahimik na nakasandal si Wendy sa may sasakyan niya habang nakatingin sa labas ng building ng swimming pool ng Ateneo. Gustong gusto ni Wendy na mapagisa sa loob ng pool area, nais niya ring lumubog at magisip isip. Sa mga oras na ito alam ni Wendy na wala siyang ibang matatakbuhan kung hindi ang tubig lamang. "Miss Wendy, late na po ha, bakit po kayo nandito?" nagulat si Wendy nang marinig niya ang boses ng lady guard. Napangiting tipid nalang ang swimmer bago siya umupo sa may staircase papasok sa stadium. 

"Pwede ba akong magpractice ate?" sandaling nagisip ang lady guard habang pinagmamasdan ang swimmer. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit gugustuhin ni Wendy na lumangoy ng ganitong oras. "Don't worry ate, di mo naman ako need bantayan sa loob. I just want to swim tonight. Under maintenance kasi yung pool sa condo namen." di alam ni Wendy kung bakit siya nagsisinungaling at nagpapalusot ng ganito, ayaw niya lang naman pumunta sa condo niya dahil sigurado siya na pupuntahan siya ng mama at papa niya doon, kung hindi naman sigurado siya na papapuntahin nila ang secretary nila para dalin siya ulit sa bahay nila. 

"Sige po miss Wendy, buksan ko lang po ilaw." umiling si Wendy bago siya ngumiti sa guard, dali dali na kinuha ni Wendy ang gym bag niya sa sasakyan niya bago siya pumasok sa loob ng stadium. 

"Ako na po ate guard don't worry po." wala naman nang nagawa ang guard kung hindi tumango. Si Wendy naman ay pumasok nalang sa loob, kabidaso na ni Wendy ang lugar, parang ito ang pangatlong bahay niya. Pagbukas ng ilaw nakita niya ang tubig, napalunok ang swimmer bago niya nilapag ang gamit niya sa may bench. 

Mabigat ang pakiramdam ni Wendy, hindi niya alam kung ano ba ang una niyang dapat na isipin. Agad na nagbihis si Wendy bago siya umupo sa may pool area. Tahimik lang na tinitigan ni Wendy ang tubig bago siya bumuntong hininga. Wala narin namang ibang nagawa si Wendy kundi tumalon nalang. 

Sa pagkakataon na ito, alam ni Wendy na malaya siya. Walang taong makakakita ng mga luha niya. Dahan dahan na lumubog si Wendy at hinayaan ang sarili na malunod sa samu't saring emotion na kaniyang nararamdaman. Bumabalik sa isip ni Wendy ang mga sinabi ni Irene, naalala niya pa ang mga salita na nanggaling sa taong tinuring niyang kaibigan. Nakapikit ang mga mata ng swimmer habang naririnig niya ang mga sinabi ni Irene, hanggang ngayon ay parang sinasaksak ang puso niya. "Oo dugo nila ang nanalaytay sa katawan mo Wendy." ramdam ni Wendy ang bigat ng puso niya, nanatiling nakapikit ang mga mata niya at nagpapasalamat si Wendy na nasa ilalim siya ng tubig sa mga oras na ito dahil kahit na tumulo ang luha niya ay magiging pepeng saksi lamang ang tubig at ang pool. 

Unti unti nang kinakapos ng hininga si Wendy, alam niyang dapat na siyang umangat ngunit hindi makahanap ng dahilan si Wendy na gawin ito. Kasabay ng pagkakapos ng hangin sa kaniyang baga ay ang mas lalong pagbigat pa ng pakiramdam niya. Agad agad na umangat si Wendy bago niya hinabol ang hininga niya. Tumitig siya sa kawalan bago niya nakita si Seulgi na nakatayo sa may gilid ng pool. "Inorasan kita, akala ko kailangan ko na tumalon para hilain ka." napalunok si Wendy bago siya umiwas ng tingin sa kaibigan niya, tahimik na lumangoy ulit si Wendy. "I saw your car after ko magpasa ng project ko, I was confused bakit nandito ka pa so I checked and saw you like that." tumingin si Wendy sa mga mata ni Seulgi, nakita niya ang concern sa mata ni Seulgi kaya umahon si Wendy saka kinuha ang towel na nagrerest sa may upuan. 

"Just need to do this." umupo si Wendy sa upuan habang pinupunasan ang mukha niya, dama parin niya ang bigat ng puso niya habang nakatingin sa may tubig. Hindi iniinda ni Wendy ang lamig ng panahon, pinatong ni Wendy ang tuwalya sa ulo niya saka siya yumuko. Paano makakagalaw si Wendy kung ang bigat at sakit ang bumabalot sa puso niya. 

"Magshower ka na Seungwan, mahirap magkasakit ngayon." nanatiling nakayuko si Wendy habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha niya. Paano siya nito ngayon? Paano kung Sabado na bukas at hindi niya na magagawa ang mga bagay na nakasanayan niya? Napabuntong hininga ang swimmer bago hinagis ang tuwalya saka siya muling tumalon sa may swimming pool. 

Napatingin nalang si Seulgi sa kaibigan niya bago siya napaupo sa gilid ng pool.  Alam ni Seulgi na nahihirapan si Wendy at hindi niya ito kayang iwanan ngayon. 

-

Ilang weekends na ang lumipas, pero sa tuwing sumasapit ang alas dose ng gabi, nakikita nalang ni Irene ang sarili niya na nakatingin sa may bintana niya, umaasang may sasakyan na darating at bababa ang taong minsang kinonsidera niya bilang kaibigan niya, ilang linggo narin bang nangangamba si Irene sa well being ni Wendy. Napabuntong hininga siya bago siya humiga sa may kama niya. Nakatitig sa kawalan si Irene nung biglang tumunog ang cellphone niya, kinuha ng dalaga ang phone niya at nakita ang message mula sa kaniyang ina. 

Mama: Joohyun anak, narinig ko mula sa manang mo na may sasabihin ka raw saakin patungkol sa iyong ojt. Tapos ang duty at day off ko ngayon? Gising ka pa ba? Para makapagusap na tayo.

Umupo ulit si Irene saka kinuha ang laptop niya, binuksan rin nito ang ilaw bago sinimulang ivideo call ang mama niya. Napabuntong hininga si Irene nung makita niyang nakangiti ang mama niya. "Ading, mukhang pagod na pagod ka." napailing naman si Irene bago siya umayos ng pagkakaupo sa kama niya, ngumiti rin ito habang pinagmamasdan ang kaniyang ina sa may screen ng laptop niya, Ilang taon narin ba ang lumipas simula nung huling umuwi ang nanay niya mula sa Dubai?

"Hindi po nanang, medyo hectic lang ang mga bagay bagay sa thesis namin." ngumiti ang mama ni Irene bago pinakita sa kaniya ang kahon sa likod niya, nakita ni Irene na isa itong balikbayan box kaya nakaramdam na naman ng lungkot ang dalaga. Mukhang hindi niya na naman makakasama ang kaniyang ina sa darating na pasko. Ilang buwa nalang at pasko na naman, kailan kaya magiging masaya ang pasko ni Irene? 

"Hindi na naman ako makakauwi anak, pasensya na ha. Kailangan parin kasi ng tao sa ospital." nakayuko nalang si Irene habang pinapakinggan ang sinasabi ng mama niya. "May gusto ka bang ipabili anak?" mabilis na umiling si Irene bago tumingin sa mama niya. Gusto ni Irene na sabihin na gusto niyang makasama ang mama niya sa darating na pasko pero hindi niya magawa. 

"Wala naman po nanang, basta malusog ka lang diyan okay na ako." nilapag ni Irene ang cellphone niya sa may mesa niya bago ngumiting tipid sa nanay niya. Nakatingin lang ang mama ni Irene sa kaniya at ramdam ni Irene ang pangungulila. 

"Sabi saakin ng manang mo na may sasabihin ka? Ano iyon?" napalunok si Irene, hindi niya kasi sigurado kung papayagan siya ng mama niya sa plinano at pinasa niyang application. 

"Magsisimula na po kasi ako mag ojt sa darating na Disyembre nanang, nagpasa po ako ng application ko sa isang station sa Maynila. Hindi pa naman po ako nakakatanggap ng tawag pero kung sakaling palarin ako ay malamang sa malamang po igra-grab ko po ang oportunidad na iyon." napakagat si Irene sa ibabang labi niya habang pinagmamasdan ang reaction ng kaniyang ina. "Madalas po kasi na nag aabsorb ang media site na iyon ng mga nag internship sa kanila. Malaking panalo po ito kapag sakaling matanggap ako. Kailangan ko din po kasing pumasok ng isang sem sa Diliman para sa thesis at ibang minor na subject." nakita ni Irene na tumango ang mama niya habang pinagmamasadan si Irene sa screen, ngumiti naman agad ang dalaga sa kaniyang ina. 

"Balitaan mo ako anak kung ano ang mga kailangan mo ha? Kung sakaling matanggap ka sa Maynila para makahanap din agad tayo ng matutuluyan mo." sa mga oras na ito masaya si Irene dahil nabigyan siya ng supporta ng ina niya kagaya ng suporta nito sa tuwing umaakyat siya sa mga bundok at tumutulong. "Nasabi nga pala saken ni Yerim na may kaibigan ka daw mula sa maynila ha?" napalunok si Irene bago siya napaayos ng upo, nakita niyang nakataas ang kilay ng mama niya kaya alam ni Irene na never matatapos ang usapan nila kung hindi niya ipapaliwanag ito sa kaniyang ina. 

"Nakilala ko siya nung namasyal  ako nanang, nagsisi ako na naging at tinuring ko siyang kaibigan." nakita ni Irene na nakatingin lang ang kaniyang ina sa kaniya kaya napayuko siya bago nagpatuloy. "Anak siya ni Emilio ma... Herminigildo siya." napuno ng emotion ang mata ni Irene, pero nakita niya ang mata ng mama niya na soft lang habang nakatingin sa kaniya. 

"Dahil ba isa siyang Herminigildo sa tingin mo katulad na siya ng kaniyang ama?" napahinto si Irene, ayun rin ang eksatong mga salitang narinig niya mula kay Wendy. Ayun rin ang tanong ni Wendy sa kaniya. "Balita ko rin kasi na tinulungan ka niyang tumulong sa mga kapwa natin ibagiw." nakita ni Irene ang ngiti sa labi ng mama niya habang pinagmamasdan si Irene na namumula ang mga mata, naluluha ito habang nakatingin rin sa mama niya. "Kung sa tingin mo katulad siya ng tatay niya, sa tingin mo ba bababalik siya linggo linggo sa Baguio matapos mong ipakita sa kaniya ang totoong nangyayari sa mga kababayan natin? Sigurado ako na nagpapasalamat siya na pinakita mo sa kaniya ang mga bagay na hindi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much